LOGINPagdating ni Elicia sa bahay, mabigat pa rin ang dibdib niya. Parang paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Mr. Demon — “Ikaw ay akin.”
Pagpasok niya, tahimik ang buong bahay. Nandoon ang inay niya, nakaupo sa lumang sofa, tulala. “Inay?” mahinang tawag ni Elicia habang papalapit, pinilit na ngumiti kahit ramdam ang bigat sa dibdib. “Ayos lang po ba kayo?” Napatingin ang ina, maputla at tila pagod. “Elicia… nandito ka na pala,” wika nito, bakas ang pag-aalala sa tinig. “Kumusta ka naman sa opisina, anak? Okay ka lang ba ro’n? Hindi ka ba pinapahirapan ng CEO n’yo?” Sandaling natahimik si Elicia. Sa loob-loob niya, biglang sumagi ang malamig ngunit mapang-akit na tinig ni Mr. Demon — “Akin ka lang.” Parang umikot ang mundo niya sa isang iglap, at kahit anong pilit niyang kalimutan, ramdam pa rin niya ang titig ng lalaki, ang boses nitong bumabalik sa isip niya tuwing pipikit siya. “Hindi naman po, Inay,” sagot niya sa wakas, pilit na magaan ang tono. “Okay na okay nga ako sa trabaho eh. Baka nga sa susunod na linggo o buwan, ma-promote na ako.” Ngumiti siya, pero halatang pagod — hindi sa katawan, kundi sa isip at puso. Gusto niyang iparamdam sa ina na kaya niya, na masaya siya, pero sa likod ng bawat ngiti ay may kaba at pagkalito. Kaya’t tumalikod siya saglit, pinunasan ang pawis sa noo, at bumulong sa sarili, “Kaya ko ‘to… kahit mahirap.” “Anak, kung papahirapan ka man ng CEO n’yo, mag-resign ka na lang,” malumanay ngunit may halong pag-aalala na sabi ng kanyang ina. “Tapos, maghanap ka na lang ng ibang trabaho. Ayokong nakikita kang pagod at parang may dinadala.” “Bakit naman po, ‘Nay?” agad na sagot ni Elicia, pilit na pinapatawa ang tinig pero ramdam ang pag-aalala. “Ilang taon na ako sa Fashion Industry, bakit biglaan niyo naman po akong pinaaalis? Ayos naman ako ro’n, tsaka—may mga plano pa ako.” “Wa-wala naman, anak…” sagot ni Elina, iwas ang tingin. “Kasi baka lang… baka lang pahirapan ka ng CEO n’yong iyon.” Tahimik na sandali ang sumunod. Ramdam ni Elicia ang tensyon sa pagitan nila, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang may tinatago ang ina. “Oh siya,” biglang sabi ni Elina, pilit na binasag ang katahimikan, “magluluto muna ako. Magpahinga ka muna diyan at ipagluluto kita ng adobo ulit. Alam kong ‘yan ang paborito mo.” Nakangiti ito, pilit na binubura ang lungkot sa mukha. Ngumiti rin si Elicia, kahit alam niyang may kung anong kakaiba sa tono ng ina. “Sige po, Nay. Miss ko na rin ‘yung luto niyo.” Pagkapasok ni Elina sa kusina, sumandal si Elicia sa sofa. Habang inaayos ang bag, napansin niya ang isang bagay na nahulog sa sahig — isang lumang larawan, bahagyang kupas na at medyo nagalusan na ang gilid. Yumuko siya para pulutin ito. Pagtingin niya, saglit na natigilan. “Si Mama…?” bulong niya sa sarili. Sa larawan, nakangiti si Elina — bata pa, siguro mga dalawampu’t lima pa lang ang edad — at may kasamang isang lalaki. Magkahawak ang kamay ng dalawa, parehong nakatingin sa kamera, halatang masaya. Ngunit may kakaiba. “Wait… parang hindi si Itay ang kasama niya rito?” bulong ni Elicia, napakunot ang noo. “Siguro… nobyo ni Mama ‘to noon, nung early years pa niya. Ang gwapo naman,” napangiti siya, pilit na ginagawang biro ang sitwasyon kahit may kakaibang kutob sa dibdib. Saglit niyang pinagmasdan muli ang larawan. May kakaibang pamilyaridad sa mga mata ng lalaki — matalim, malamig, ngunit kaakit-akit. Parang may kung anong eksaktong aura na nakita na niya kamakailan lang… Hindi kaya…? mabilis niyang iniling ang ulo, tinabig ang ideya. “Hindi, imposible ‘yon,” bulong niya, pilit na pinapawi ang kaba. Ngunit bago pa siya tuluyang mag-isip pa, mabilis niyang inilagay ang larawan sa bag — hindi niya alam kung bakit, basta parang gusto niyang ingatan ito. At habang sa kusina ay maaamoy ang halimuyak ng nilulutong adobo, si Elicia naman ay nanatiling tulala, hawak-hawak ang bag na may tagong larawan… larawan ng isang lalaking tila hindi niya kilala, ngunit may kakila-kilabot na pagkakahawig sa CEO niyang si Demon Villamor. Habang kumakain sila ng hapunan, tahimik lang si Elicia. Pinagmamasdan niya ang ina na abala sa pagkain, ngunit hindi niya maiwasang balikan sa isip ang larawan. Pagkatapos kumain, nagtungo siya sa kwarto at muling kinuha ang larawan mula sa bag. “Bakit parang… kamukha ni Mr. Demon ‘to?” mahina niyang bulong, pinasadahan ng daliri ang mukha ng lalaki sa larawan. May biglang kirot sa dibdib niya — hindi lang dahil sa pagkakatulad, kundi sa ideyang baka may koneksyon ang ina niya sa lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan niya ngayon. “Hindi naman siguro!” mahinang sabi ni Elicia, pilit na pinapawi ang takot na gumugulo sa isip niya. “Ang imposible naman nun…” Huminga siya nang malalim, pinikit ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit kahit anong pilit niyang huwag isipin, patuloy na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Mr. Demon — ang titig nito, ang boses, at ngayon… ang larawan. Napailing siya, sabay pabagsak ng katawan sa malambot na kama. “Makapagpahinga na nga lang muna,” bulong niya, pilit na pinipilit ang sarili na matulog. Ngunit sa dilim ng silid, sa bawat pikit ng kanyang mga mata, ang mukha ni Demon ang muling bumabalik — at ang tanong na hindi niya kayang sagutin.Pagkatapos ng tensyonadong tagpo sa loob ng Parmacy, halos mabingi ang dalawa sa katahimikan habang bumibiyahe pabalik. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si Daniel ay paulit-ulit na sumusulyap kay Elicia—maputla, malamig ang mga mata, at halatang malayo ang iniisip. Samantalang si Elicia ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana, hawak-hawak ang bag na naglalaman ng bagay na ayaw pa niyang harapin. Pagdating nila sa Torrez Residence, agad bumigat ang hangin. “Salamat…” maiksing sabi ni Elicia bago pa man tuluyang buksan ang pinto. “Walang anuman,” sagot naman ni Daniel, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa sila makagalaw, may malakas at matalim na boses ang pumutol sa kanila. “Sino ‘yan?!” Nasa pintuan ang ina ni Elicia—si Elina—nakapamaywang, nakakunot ang noo, at kitang-kita ang halong pagtataka at inis sa mukha nito. “Magandang gabi po,” magalang na bati ni Daniel. Bigla namang nagbago ang tono ni Elina, naging peke ang ngiti sa labi. “Tuloy ka, hijo.” H
Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”
“Baka pagod lang ako…” mahina niyang bulong sa sarili habang marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit niyang inaalo ang dibdib na kanina pa kumakabog nang hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang tumayo, napapikit pa sa bigat ng ulo, at binuksan ang pinto upang sumagap ng hangin. Pagkalabas niya, agad siyang sinalubong ng malamlam na ilaw sa hallway. “Danica… pwede na ba akong umalis? Masama kasi pakiramdam ko…” halos pabulong niyang sabi, sabay hawak sa sentido. “Ikaw na muna bahala. Ikaw na rin bahalang magsabi kay—” “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa bahay niyo.” Halos manigas ang buong katawan ni Elicia. Ang lalim ng boses. Ang diin. Ang tono. Parang— Parang si Demon. Nanlaki ang mga mata niya, napalingon nang dahan-dahan, parang natatakot makita kung sino ang nandoon. “De-Demon…?” Pero nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki sa ilalim ng ilaw, mas lalo siyang napaatras. Si Daniel. Hindi si Demon. Pero ang boses… ang bigat ng presen
Lumipas ang dalawang linggo. Walang tawag. Walang email. Walang kahit anong balita kung kailan babalik si Demon. Para bang biglang nabura ang presensya ng lalaking dati ay kayang patigilin ang buong opisina sa isang iglap. Sa HR—walang info. Sa Board—puro shoulder shrug. Sa buong kumpanya—tahimik, masyado, nakakangilabot na tahimik. Pero para kay Elicia… bawat araw lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa isang umaga, habang inaabot niya ang stapler, biglang umikot ang paningin niya. Sumakit ang sikmura niya nang parang kinukuyog, at bago pa niya mapigilan, mabilis siyang kumaripas papunta sa banyo. “Hoy! Ano nangyayari sa’yo, Elicia?!” sigaw ni Danica, nagmamadaling sumunod. “Ano bang nakain mo at panay suka ka diyan?” Hindi na nakasagot si Elicia. Nakasubsob siya sa lababo, umaalulong ang sikmura, halos walang lumalabas kundi hangin pero masakit, sobrang sakit… at hindi normal. “Girl, ano ba?” tanong ni Danica habang kumakatok sa pinto ng cubicle. “Imposible namang buntis
Pov: Elicia Pagkapasok ko sa department namin, parang mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa pag-alis ni Demon mismo. Ang daming tao. Ang daming ingay. Pero sa loob ko—para akong nilaglag sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa bag, pilit na sinusupil ang kaba na kanina pa kumakalam. Umalis si Demon. Umalis… kagabi. Hindi ko matanggap. Hindi ko maunawaan. At habang naglalakad ako papunta sa workstation ko, biglang may sumulpot sa harap ko na parang multo—pero sobrang ingay. Si Daniel. “Hoy!” malakas nitong bati, may hawak pang kape at donuts. Medyo mas matagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya ngumiti. “Ang blooming mo ata ngayon, ah? Bagay sa’yo yung pagka-fresh kahit puyat ka.” Napakurap ako. “Ay, hindi… ah—” Pero bago pa ako makabuo ng sagot, umikot na agad si Daniel sa swivel chair niya, halos napapadyak sa saya. Para bang sinadya niyang i-lighten ang mood ko. “Alam mo ba? First time ata sa buong taon na walang nagtatakbuhan dahil kay Sir Demon.” Kum
Tumigil ang ina, para bang may sasabihin—pero mabilis ding pinutol ito ng panginginig ng labi niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang aminin. At higit sa lahat… ayaw niyang aminin. “Ma…” muli ni Elicia, mas mahinahon pero mas masakit. “Kil—kilala niyo ba siya?” Imbes na sumagot, napaatras ang ina. Parang ang mismong pangalan ni Demon ay apoy na ayaw niyang hawakan. “Huwag mo na siyang banggitin.” Mahina pero mariin. Walang sigaw, pero puno ng takot. “Ma, bakit?” nauutal si Elicia. “Ano bang meron sa kanya? Bakit parang—” “Hindi mo na kailangang malaman!” putol ng ina, pero hindi ito galit. Ito’y desperado. “Elicia… may mga taong mas mabuti nang hindi mo pinapakialaman. At isa na siya doon.” Napakunot ang noo ni Elicia, mas lalo pang nabuo ang kaba sa loob niya. “Pero bakit po?” Tumulo ang luha sa pisngi niya. “Ma, tanong lang ’yon… bakit parang natatakot kayo?” Napatingin ang ina sa kanya—isang tingin na punô ng bigat, hindi mapakali, pero hindi rin makabi







