Share

Chapter 142

Author: Batino
last update Last Updated: 2026-01-11 14:52:06

Huminga nang malalim si Elicia at unti-unting lumayo sa mag-ama, wari’y nirerespeto ang takot ni Carlo. Ngunit sa lihim niyang isipan, nag-aalab ang matinding galit niya sa bata—humanda ka talaga sa akin kapag umalis ang ama mo.

“Okay lang, mahal ko,” sabi niya kay Demon, na may ngiting puno ng kunwaring pag-unawa. “Baka tama ka nga. Medyo nagiging masungit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang pag-aalala ko tungkol sa muling pagbabalik ng ating anak.”

Saglit siyang huminto, saka m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 149.painthhouse

    “Anong nangyayari? Sino ba ang taong dumating?” malakas na tanong ni Eli, halatang nag-aalala habang nakatago sa silid. “S-si Fiona…” maikling sagot lang ni Daniel. Hindi na niya naramdaman ang kirot ng sugat at ang dugong dumadaloy sa kamao niya; tila panandaliang napawi ng bigat ng emosyon na bumabalot sa kanya. Si Fiona ang dumating? Anong sinabi niya? Hinahanap ba niya ako?” tanong ni Eli sa sarili, bahagyang nanginginig sa takot at pag-aalala. “Hindi ka niya hinahanap,” mahinang paliwanag ni Daniel, pinapahid ang pawis sa noo. “Hindi mo ba narinig? Buong akala niya, ang babaeng kasama ni Demon ay ikaw… at hindi ibang tao.” Napabuntong-hininga si Eli, bahagyang napangiti sa gitna ng kaba. Hindi niya inasahan ang ganitong pangyayari—isang kalituhan na, sa kabutihang palad, nagbigay sa kanya ng panandaliang kapanatagan. Ngunit sa puso ni Daniel, nanatili ang galit at poot. Ang pagkawala ng kanyang ina at ang panlilinlang ni Demon ay patuloy na bumabalot sa kanya, sabay sa

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 148

    “PASADO alas sais na nang makarating sina Eli at Daniel sa isang kompanya na dati nilang pinapasukan ni Fiona—at kung saan si Daniel ang manager noon. Bahagyang madilim pa ang paligid. Kakaunti pa lang ang empleyadong dumarating, at ang malamig na hangin ng umaga ay tila may dalang kaba. “Bakit dito tayo pumunta?” mahinang tanong ni Eli habang palinga-linga. “Baka makita tayo rito ni Demon? ’Di ba lagi siya rito? Kasi siya ang may-ari ng—” “’Wag kang mag-alala,” putol ni Daniel, malamig ngunit kontrolado ang boses. “Hindi na siya pumupunta rito. Ang kompanyang ito ay pag-aari ko na… at wala na siyang karapatang pumunta pa rito.” Napatigil si Eli. “Anong ibig mong sabihin?” Tahimik lang si Daniel. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa susi ng kotse, iwas ang tingin. May mga bagay na hindi pa niya kayang ipaliwanag. “Pumasok na tayo. Baka may makakita pa sa ’yo,” mabilis niyang sabi. “Talagang may makakakita sa akin dito. Kompanya ito,” sagot ni Eli na may halong inis at kaba.

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 147

    Humakbang palapit si Daniel kay Elicia, mabigat ang bawat galaw na para bang pinag-iisipan niya ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata nito—mga matang punong-puno ng sakit, pagod, at matagal nang kinimkim na pag-asa. “Elicia,” marahan ngunit mariin niyang tawag. Napatingin si Elicia sa kanya. Namumugto ang kanyang mga mata, bakas ang puyat at walang tigil na pag-iyak sa mga nagdaang araw. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit niyang niyayakap ang sarili, tila pinipigilan ang sariling tuluyang bumigay. “Tutulungan kitang makuha ang anak mo sa pamilyang Villamor.” Parang tumigil ang mundo ni Elicia sa sandaling iyon. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata, at napaatras siya ng kalahating hakbang, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “T-talaga?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ka nagsisinungaling, Daniel? Hindi mo lang ba ako binibigyan ng maling pag-asa?” Napalunok siya, at tuluyan nang tumulo ang isang lu

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 146

    Madaling-araw nang magising si Eli. Mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan at masakit ang ulo niya. Sa dilim, unti-unti niyang inalala ang lahat—at doon siya kinabahan. “Kailangan kong tumakas… kailangan kong mabawi ang anak ko sa babaeng ’yon,” nanginginig niyang sabi. “Ako ang tunay na Elicia, kaya ako ang dapat na nasa lugar niya.” Tumayo siya kahit nanghihina ang tuhod at buong lakas na sumigaw, “Tulungan niyo ako! Please! Tulungan niyo ako!” Ngunit walang sumagot. Ang boses niya’y agad nilamon ng katahimikan. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang bodega—malawak, malamig, at walang kahit sinong makakarinig. Naupo siya sa sahig, pilit pinipigilan ang takot, nang bigla siyang makarinig ng mahinang katok sa pader. Tok… tok… Nanlaki ang mga mata ni Eli. Mabilis siyang tumayo. “May tao diyan! Tulungan niyo po ako!” sigaw niya, umaasang may sasagot. Sa halip, biglang lumakas ang katok. Sunod-sunod na kalabog ang tumama sa pader, paulit-ulit at mariin, dahilan p

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 145

    “Sino yang babaeng kasama mo, Demon?!” nanginginig ang boses ni Elicia habang mariing nakatitig sa babaeng nasa tabi niya. Hindi pa man siya tuluyang nakakabawi sa damdaming gumugulo sa dibdib niya, agad nang sumagot si Demon—diretso, walang pag-aalinlangan. “Hindi mo ba siya natatandaan?” tanong niya, bahagyang kumunot ang noo. “Hindi ka naman nagkaroon ng memory loss para hindi mo makilala ang babaeng kasama ko.” Parang biglang tumigil ang oras para kay Elicia. Sandaling natahimik ang paligid—tanging ang mahinang paghinga lamang ni Carlo ang maririnig. Napalunok siya, at sa loob ng isip niya’y nagkagulo ang mga alaala. Shit… sino na nga ba ang babaeng ’yan? Piliting hinukay ng isip niya ang mga pira-pirasong alaala—hanggang sa biglang may sumiklab na eksena sa utak niya. Ang babaeng palaging kasama ng tunay na Elicia… bago siya tuluyang kinidnap. Nanlaki ang mga mata niya. “Ah—ah oo…” bahagya siyang napaatras, pilit binubuo ang ngiti. “Si Fiona pala… siya ang kaibigan ko– H

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 144

    Saan mo gustong pag-usapan ito?” pasaring na tanong ni Fiona, nanginginig sa galit ang boses. “Sa opisina mo? Para hindi nila marinig ang katotohanan—na ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Elicia… at ni Daniel!” Nanlaki ang mga mata ng mga staff na nakapaligid. Biglang kumapal ang hangin. “Ano?!” napasigaw ang isa. “Nawawala si Daniel?!” Mabilis na humakbang si Demon palapit, bahagyang itinaas ang kamay para patahimikin ang paligid. Ngunit bago pa siya makapagsalita, muling sumabog ang emosyon ni Fiona. “Huwag mo akong ilihis, Demon!” halos mabiyak ang tinig niya sa sama ng loob. “Wala na akong pakialam kung tanggalin mo man ako sa trabaho! Kahit mawalan ako ng lahat—basta mailabas ko lang ang galit na kinikimkim ko!” Napahigpit ang kamao niya, tila pinipigilan ang sarili na tuluyang bumigay. “Noong araw na nawala si Elicia,” patuloy niya, puno ng poot ang mga mata, “ikaw ang nakita ko sa maliit kong CCTV—sa labas ng kalsada! Ikaw mismo ang kumuha sa kaibigan kong naglalabor na noo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status