แชร์

🔥Chapter 6. Nobya

ผู้เขียน: Batino
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-12 12:37:40

Pagkapasok ni Elicia, halos huminto ang tibok ng puso niya nang marinig ang malamig na boses ni Demon.

“Miss Torrez,” saad nito, mababa pero mariin. “Ganiyan ba ang empleyado kong pinupuna sa labas habang oras ng trabaho?”

“P-pasensya na po, Sir…” sagot ni Elicia, pinipigilang manginig ang boses.

Lumapit si Demon, nakasuksok ang kamay sa bulsa habang nakatingin diretso sa kanya. “Pasensya? Ilang beses ko na yatang narinig ‘yan sa unang araw mo pa lang.”

“Hindi ko po intensyon na—”

“Na ano? Maging dahilan ng pag-uusap sa buong departamento?” malamig nitong putol, bahagyang nakayuko para tumapat ang mukha sa kanya. “Alam mo bang simula pa lang, ikaw na agad ang pinag-uusapan ng lahat?”

Napakagat si Elicia sa labi. “Hindi ko po alam na ganun na pala ang nangyayari, Sir.”

Ngumiti si Demon—mapanganib, ngunit kaakit-akit. “Hindi mo alam? O gusto mo lang marinig mula sa’kin?”

Napalunok si Elicia. “Sir, wala po akong ibig sabihin—”

“Stop calling me Sir sa tono mong ganyan,” singit niya, mas lumapit pa. “Kapag tinatawag mo ‘ko ng ganun… parang gusto kong mas marinig pa.”

Namilog ang mata ni Elicia, napaatras ng bahagya. “M-Mr. Villamor, hindi po ito naaayon sa—”

“Rules?” bulong ni Demon, halos dumikit ang labi sa tainga niya. “Ako ang gumagawa ng rules dito, Miss Torrez. Tandaan mo ‘yan.”

Tahimik si Elicia, nanginginig pero hindi makaiwas sa titig ng lalaki. Sa bawat salita nito, parang may hatak na hindi niya kayang labanan—nakakatakot, pero nakakabighani.

“Bakit ka tahimik, Miss Torrez?” tanong ni Demon, ang boses niya’y mababa ngunit matalim. “Kanina ang daldal mo raw sa labas, pero ngayon—parang nawalan ka ng boses.”

“Hindi po sa ganun, Mr. Villamor…” sagot ni Elicia, halos pabulong. “Ayokong magmukhang bastos sa harap ninyo.”

“Bastos?” ngumisi si Demon, lumapit pa nang dahan-dahan, hanggang sa maramdaman ni Elicia ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi. “Kung bastos ka, mararamdaman ko agad. Pero iba ka, Elicia. Tahimik ka… pero nakakaistorbo ka sa isip.”

Napatitig siya rito, hindi makasagot. “S-sir…”

“Hindi mo ba napapansin?” tuloy ni Demon, tinanggal ang coat niya at inilapag sa mesa. “Simula nang makita kita, hindi na ako mapakali. May kung anong meron sa’yo na hindi ko matukoy… pero gusto kong malaman. At ayokong may ibang lalaki ring makaalam.”

“Sir, kung biro man ‘yan—”

“Hindi ako nagbibiro.” Naputol ang salita ni Elicia nang biglang hawakan ni Demon ang gilid ng mesa, halos ma-trap siya sa pagitan. “Hindi ako sanay na may gusto akong babae sa opisina, pero ikaw… iba. Kaya wag kang lalapit kanino man, Elicia. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin kapag may nagkamaling lumapit sa’yo.”

Napalunok si Elicia, nanginginig, pero imbes na matakot, may kakaibang init na gumapang sa dibdib niya. “B-bakit niyo po sinasabi ‘yan sa’kin?”

Tumingin si Demon sa kanya, matalim pero puno ng pwersang parang humihila. “Para alam mong pag sinabi kong ikaw ay akin… hindi mo na kailangang tanungin kung bakit.”

Tahimik ang buong silid, tanging maririnig lang ang mabilis na tibok ng puso ni Elicia. Ramdam niya ang bawat paglapit ni Mr. Demon — malamig ang kanyang titig ngunit may init na bumabalot sa paligid. At kahit alam niyang delikado, hindi niya kayang itanggi… naaakit siya sa lalaking ito.

Ngunit bago pa man siya makagalaw, biglang bumukas ang pinto.

“Elicia?”

Mabilis siyang napalingon. Si Daniel — ang lihim na anak ng CEO — nakatayo sa may pintuan, bakas sa mukha ang pagkagulat at matinding inis.

Ang eksenang bumungad sa kanya ay tila apoy na agad na pumatong sa kanyang dibdib: si Elicia, nakatayo nang sobrang lapit kay Mr. Demon, at ang kamay ng CEO ay halos nakahawak na sa balikat ng dalaga.

“Anong ginagawa niyo?” galit na sigaw ni Daniel. “ELICIA, lumabas ka!”

Bago pa makagalaw si Elicia, malamig na tumugon si Demon, walang bahid ng kaba, ngunit puno ng awtoridad.

“Hindi siya lalabas. At kung tutuusin, Daniel, dapat ikaw ang lumabas. Nakakaabala ka sa usapan namin… ng nobya ko.”

Parang binuhusan ng yelo si Elicia sa narinig.

“N–nobya?!” halos pabulong ngunit puno ng pagkabigla ang kanyang tinig.

“Hi-hindi yan totoo—” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang yakapin siya ni Demon sa bewang, mariin ngunit kontrolado, sapat para iparamdam kay Daniel ang isang mensaheng hindi na kailangang bigkasin.

Nanlaki ang mga mata ni Daniel. “Bitawan mo siya!” sigaw niya, mabilis na lumapit.

Ngunit ngumisi lang si Demon. “Bakit ba parang ikaw ang mas apektado? Hindi ba’t wala ka namang karapatan kay Elicia?”

Natigilan si Daniel, napakuyom ang kamao. “Wala nga akong karapatan…” bulong niya, “pero may damdamin akong hindi mo pwedeng apakan.”

“Damdamin?” malamig na ulit ni Demon. “Hindi mo ba naiintindihan? Si Elicia ay akin.”

“Hindi ako pag-aari ng kahit sino!” singit ni Elicia, pilit na kumakalas sa bisig ng CEO, pero mas hinigpitan pa nito ang hawak. Ramdam niya ang tensyon — dalawang lalaking parehong may gusto, ngunit walang relasyon.

Tahimik ang silid. Tanging tunog ng mabigat na paghinga at titigang naglalaban ang pumapagitna sa kanila.

“Daniel,” mahina ngunit buo ang boses ni Elicia. “Wala kaming relasyon ni Mr. Demon. Huwag kang gumawa ng eksena.”

“Wala raw?” ulit ni Daniel, mapait ang ngiti. “Pero bakit ganyan siya tumingin sa’yo? At bakit mo hinahayaan siyang yakapin ka?”

Napatigil si Elicia. Hindi niya alam ang isasagot — dahil totoo, may bahagi sa kanya na hindi gustong lumayo.

Ngumiti si Demon, may halong panunukso. “Narinig mo na, Daniel. Kung wala mang relasyon, malapit nang magkaroon.”

Isang hakbang pa, at halos magkasalpok na ang dalawang lalaki. Mainit ang hangin sa pagitan nila — halatang kapwa handang magpahiyaan para lang sa babaeng tahimik na nakamasid sa gitna.

“Kung nilalaro mo lang siya, Demon,” malamig na saad ni Daniel, “ako mismo ang haharap sa’yo.”

“Subukan mo,” tugon ng CEO, matalim ang tingin. “Pero tandaan mo — ako ang kalaban na hindi mo kayang pantayan.”

Tumalikod si Daniel, mariing sinarado ang pinto, iniwan silang dalawa sa tensyong mabigat at nakakabingi.

Paglingon ni Elicia, nandoon pa rin si Demon, nakatitig sa kanya.

“Bakit mo sinabi ‘yon?” mahina niyang tanong.

Ngumisi ito. “Para matahimik siya.”

“At para ano? Para isipin ng lahat na totoo ‘yon?”

“Baka nga,” malamig ngunit mapanuksong sagot ni Demon. “O baka gusto ko lang sanayin kang marinig na ikaw ang nobya ko.”

At sa pagitan ng katahimikan, ramdam ni Elicia ang kakaibang kabog ng puso — hindi dahil sa takot, kundi sa pagkalito kung alin sa dalawang lalaki ang tunay na dapat niyang iwasan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 27. Ang Resulta?????

    Pagkatapos ng tensyonadong tagpo sa loob ng Parmacy, halos mabingi ang dalawa sa katahimikan habang bumibiyahe pabalik. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si Daniel ay paulit-ulit na sumusulyap kay Elicia—maputla, malamig ang mga mata, at halatang malayo ang iniisip. Samantalang si Elicia ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana, hawak-hawak ang bag na naglalaman ng bagay na ayaw pa niyang harapin. Pagdating nila sa Torrez Residence, agad bumigat ang hangin. “Salamat…” maiksing sabi ni Elicia bago pa man tuluyang buksan ang pinto. “Walang anuman,” sagot naman ni Daniel, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa sila makagalaw, may malakas at matalim na boses ang pumutol sa kanila. “Sino ‘yan?!” Nasa pintuan ang ina ni Elicia—si Elina—nakapamaywang, nakakunot ang noo, at kitang-kita ang halong pagtataka at inis sa mukha nito. “Magandang gabi po,” magalang na bati ni Daniel. Bigla namang nagbago ang tono ni Elina, naging peke ang ngiti sa labi. “Tuloy ka, hijo.” H

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 26. Pregnancy Test Kit

    Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 25.

    “Baka pagod lang ako…” mahina niyang bulong sa sarili habang marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit niyang inaalo ang dibdib na kanina pa kumakabog nang hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang tumayo, napapikit pa sa bigat ng ulo, at binuksan ang pinto upang sumagap ng hangin. Pagkalabas niya, agad siyang sinalubong ng malamlam na ilaw sa hallway. “Danica… pwede na ba akong umalis? Masama kasi pakiramdam ko…” halos pabulong niyang sabi, sabay hawak sa sentido. “Ikaw na muna bahala. Ikaw na rin bahalang magsabi kay—” “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa bahay niyo.” Halos manigas ang buong katawan ni Elicia. Ang lalim ng boses. Ang diin. Ang tono. Parang— Parang si Demon. Nanlaki ang mga mata niya, napalingon nang dahan-dahan, parang natatakot makita kung sino ang nandoon. “De-Demon…?” Pero nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki sa ilalim ng ilaw, mas lalo siyang napaatras. Si Daniel. Hindi si Demon. Pero ang boses… ang bigat ng presen

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 24. Pagduduwal

    Lumipas ang dalawang linggo. Walang tawag. Walang email. Walang kahit anong balita kung kailan babalik si Demon. Para bang biglang nabura ang presensya ng lalaking dati ay kayang patigilin ang buong opisina sa isang iglap. Sa HR—walang info. Sa Board—puro shoulder shrug. Sa buong kumpanya—tahimik, masyado, nakakangilabot na tahimik. Pero para kay Elicia… bawat araw lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa isang umaga, habang inaabot niya ang stapler, biglang umikot ang paningin niya. Sumakit ang sikmura niya nang parang kinukuyog, at bago pa niya mapigilan, mabilis siyang kumaripas papunta sa banyo. “Hoy! Ano nangyayari sa’yo, Elicia?!” sigaw ni Danica, nagmamadaling sumunod. “Ano bang nakain mo at panay suka ka diyan?” Hindi na nakasagot si Elicia. Nakasubsob siya sa lababo, umaalulong ang sikmura, halos walang lumalabas kundi hangin pero masakit, sobrang sakit… at hindi normal. “Girl, ano ba?” tanong ni Danica habang kumakatok sa pinto ng cubicle. “Imposible namang buntis

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 23. Villager's

    Pov: Elicia Pagkapasok ko sa department namin, parang mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa pag-alis ni Demon mismo. Ang daming tao. Ang daming ingay. Pero sa loob ko—para akong nilaglag sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa bag, pilit na sinusupil ang kaba na kanina pa kumakalam. Umalis si Demon. Umalis… kagabi. Hindi ko matanggap. Hindi ko maunawaan. At habang naglalakad ako papunta sa workstation ko, biglang may sumulpot sa harap ko na parang multo—pero sobrang ingay. Si Daniel. “Hoy!” malakas nitong bati, may hawak pang kape at donuts. Medyo mas matagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya ngumiti. “Ang blooming mo ata ngayon, ah? Bagay sa’yo yung pagka-fresh kahit puyat ka.” Napakurap ako. “Ay, hindi… ah—” Pero bago pa ako makabuo ng sagot, umikot na agad si Daniel sa swivel chair niya, halos napapadyak sa saya. Para bang sinadya niyang i-lighten ang mood ko. “Alam mo ba? First time ata sa buong taon na walang nagtatakbuhan dahil kay Sir Demon.” Kum

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSHBAND   🔥Chapter 22.Pagkawala ni Demon. 🤧

    Tumigil ang ina, para bang may sasabihin—pero mabilis ding pinutol ito ng panginginig ng labi niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang aminin. At higit sa lahat… ayaw niyang aminin. “Ma…” muli ni Elicia, mas mahinahon pero mas masakit. “Kil—kilala niyo ba siya?” Imbes na sumagot, napaatras ang ina. Parang ang mismong pangalan ni Demon ay apoy na ayaw niyang hawakan. “Huwag mo na siyang banggitin.” Mahina pero mariin. Walang sigaw, pero puno ng takot. “Ma, bakit?” nauutal si Elicia. “Ano bang meron sa kanya? Bakit parang—” “Hindi mo na kailangang malaman!” putol ng ina, pero hindi ito galit. Ito’y desperado. “Elicia… may mga taong mas mabuti nang hindi mo pinapakialaman. At isa na siya doon.” Napakunot ang noo ni Elicia, mas lalo pang nabuo ang kaba sa loob niya. “Pero bakit po?” Tumulo ang luha sa pisngi niya. “Ma, tanong lang ’yon… bakit parang natatakot kayo?” Napatingin ang ina sa kanya—isang tingin na punô ng bigat, hindi mapakali, pero hindi rin makabi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status