Share

CHAPTER 4

TOBI's POV

"Viah giiiiirl! Walanghiya kang babae ka. Pinaghanap mo pa talaga 'ko! Pagkatapos mo 'kong bantaan na masasaktan ako 'pag nagtagal ako sa boutique? Tapos ikaw ngayon ang biglang nawala? Ikaw kaya saktan ko dyan?!" sabi ko sa kanya at hinarap siya habang hinahabol ang hininga ko.

Sabi kanina sa bookstore, bigla na lang daw siya umalis nang walang sinasabi kung saan siya pupunta.

I called her but she's not answering.

Buti na lang nakita ko siya agad dahil sa nangingibabaw na kulay ng hair niya. Pft.

Pero in fairness, kahit anong kulay ng hair nito eh feeling ko paganda pa rin siya nang paganda. Walang kupas ang isang 'to. Pero syempre. Kanino pa ba magmamana?

Queen Tobi everyone! Hahahahahaha!

Nawala ang maganda kong iniisip nang makita ko ang expression niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Tulala. Parang nanghihina at--- nanginginig.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Viah? Viah! Are you okay?? What happened??" sabi ko na may halong pag-aalala.

"Z-Zenice... I-It's Z-Zenice..." wala sa sarili niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko at mas lalong nag-alala sa kinikilos at sinasabi niya.

"V-Viah... What's wrong?" I asked worriedly. Pilit ko rin siyang iniharap kaya napatingin siya sa mga mata ko... finally.

"Tobi... It's Zenice... I saw her Tobi... Zenice... It's her!" sabi niya habang nakangiti, parang hindi makapaniwala, pero punong-puno ng tuwa. Kitang-kita ko rin ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi niya.

"B-But..." 'yan na lang ang nasabi ko. Dahil ayokong sabihin sa mismong harapan niya na wala na nga si Zenice.

Sa loob ng tatlong taon, hindi tumigil si Viah sa paghahanap kay Zenice.

Kahit ang pamilya nito ay sumuko na matapos ang mahigit isang taon mula nang mawala siya.

Sabi ng pamilya Oliver, kailangan na nilang tanggapin ang nangyari, kahit sobrang sakit para sa kanila. Dahil habang tumatagal ay mas lalo lang silang sinasampal ng masakit na katotohanan.

At sa pagkakataong 'yon, mas lalong na-depress ang kaibigan ko.

Pero hindi siya tumigil. Hindi na rin siya nakahingi ng tulong sa authorities dahil sumuko na rin sila kaya siya mismo ang naghire ng mga tao. Sobrang daming isla na rin ang pinuntahan niya, nagbabakasakaling napadpad si Zenice sa isa sa mga 'yon. Pero wala. Wala siyang nakuhang magandang resulta.

Makalipas ang dalawang taon, doon nagkaroon ng malaking pag-aaway sa pamilya nila. Lalo na sila ni Kuya Vico. Gusto na siyang patigilin dahil naaapektuhan na ang buong pamilya nila. Nagkaroon din kasi ng big crisis sa kompanya nila no'n kaya nagpatong-patong na ang problema.

Kaya napilitan din si Viah na dagdagan ang oras na meron siya para sa kompanya. Hindi na siya gaanong sumasama sa mga pinupuntahan ng mga tao na na-hire niya sa paghahanap. Pero nagpapa-update pa rin siya from time-to-time.

Sa kwarto niya sa bahay nila, sa condo, at office table niya ay puno ng mga hindi ko maintindihang map and geography ng kung ano-anong lugar.

Minsan nga tinanong ko siya, 'Bakit ang ganda mo pa rin girl kahit sandamakmak ang pinagkaka-abalahan mo?'

Ang sagot lang niya, 'I still need to look pretty when she get back.'

Sobrang lungkot at awa ang naramdaman ko sa kanya no'n.

One time, na-ospital siya because of over-fatigue. Frustrated much na rin ako nung time na 'yon kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.

'Sabihin na natin na buhay nga siya Viah! At nandyan lang siya kung saan mang isla o kung saan mang lugar! But it's already been two years for pete's sake! Bakit hindi ka man lang niya hinanap? Bakit kahit i-contact ang pamilya niya hindi niya magawa?? There's a lot of ways to do it sa panahon ngayon Viah!'

Akala ko magagalit siya nang sobra dahil sa sinabi ko. Pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya kundi mga hikbi.

Magdamag siyang umiyak no'n. Kaya sobrang guilt ang naramdaman ko since then.

Kaya eto ako ngayon. Trying my best para mag-stay sa tabi niya. Hindi ko na siya pinigilan sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Basta nandito lang ako for her kahit anong mangyari. If not me, who else?

Ako na lang ang sumusuporta sa kanya this time dahil tumigil na sila sa bagay na si Viah na lang ang nagpapatuloy ngayon.

"Tobi, I saw her... I saw Zenice," giit niya.

Napayuko at napapikit na lang ako dahil sa lagay niya ngayon.

Kung ibang tao siguro ay matatakot at sasabihing nahihibang na ang kaharap ko ngayon.

Siguro ay nakakita na naman siya ng isang bagay na nakapag-paalala sa kanya kay Zenice.

Or baka may napagkamalan na naman siyang ibang tao.

"Viah calm down okay? Calm down. B-baka ibang tao lang ang napagkamalan mo gaya ng dati," sabi ko sa kanya.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya.

"N-no... This time, I'm sure of it Tobi. I h-heard her voice. I'm sure---" I cut her off.

"So you didn't see her face? Viah naman," sabi ko na may halong pakikiusap ang boses.

Kanina pa nagri-ring ang phone ko pero hindi ko 'yon pinansin.

But Viah's phone also rang. Mabuti na lang ay kinuha niya 'yon at sinagot. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan din ang tumatawag sa'kin.

Mom.

I also had three missed calls all from her.

"Hello Mom? Is there a problem?" tanong ko agad.

"I said cancel the meeting Andy! ...Sabihin mo sakanya siya na muna ang bahala because there's more important thing I must do right now! Understand?!" rinig ko namang sabi ni Viah. Sinisigawan na naman niya ang secretary niya.

"You're Dad is i-in the hospital Quen..." sabi ni Mom sa kabilang linya na ikinagulat ko naman. Biglang tumibok ng napakabilis ang heart ko. Feeling ko paiyak na din ako. Hindi ko na nagawang sagutin si Mom.

I need to go there now! Pero pa'no si Viah?!

I was about to say something to her pero wala na siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng paningin ko at nakita ko naman na nasa exit na siya sa may likod na part ng mall.

Wala akong dalang car at sa kabilang exit ako makakakuha agad ng taxi!

Sheeet!

I decided to call Kuya Vico and tell him about Viah.

Kaya nagmadali akong lumabas ng mall at sumakay ng taxi para puntahan na si Dad.

I'm sorry Viah girl.

VIAH's POV

"Zenice! Zenice wait!" I called her.

Hindi sila lumilingon sa'kin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo para maabutan sila.

"Zenice..." sabi ko sabay higit sa kamay niya. Parang may biglang dumaloy na kuryente nang magtama ang mga balat namin.

This...

...this is exactly what I feel every time I touch her.

Parang nagslow-mo ang pagharap niya sakin.

At nang tuluyan ko nang nakita ang mukha niya... pakiramdam ko nakuha ko lahat ng saya ng mga tao sa buong mundo ngayong araw.

"B-Bakit po?" she asked.

Tiningnan niya 'ko nang may pagtataka. Pero wala akong magawa dahil walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Parang ninanamnam ng mga mata ko kung ano man ang nakikita nito ngayon. Ang mukhang sobra kong pinanabikang makita. Ang boses niyang matagal kong hiniling na sana ay marinig ko man lang kahit sa panaginip.

"O? Ikaw yung kanina ah. May kelangan po ba kayo sa'min?" tanong ng kasama niya. Iyong babaeng naghahanap sa kanya kanina. Pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang tingin ko sa nag-iisang babae sa buhay ko maliban kay Mom.

Hindi ko na napigilang yakapin siya.

I wrapped my arms around her, embracing her... tightly.

Narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa gulat.

Pero hindi ko pinansin 'yon. I badly need to hug her right now.

Parang nawala lahat ng klase ng pagod ko sa loob ng tatlong taon.

Tama... Isang yakap mo lang Zenice, sobra sobra pa sa sulit ang lahat ng pinaghirapan at pinagdaanan ko.

"Zenice... It's really you... It's you, Love." I said while feeling her.

I can also sense a liquid coming from my eyes.

Tears.

But unlike in the past years, these are tears of joy now.

"I'm so glad you're alive... You came back... like you promised. Thank you. Thank you for coming back," I said, wearing a smile on my face.

I can't hide my happiness in this moment.

"W-Wait lang po..." sabi niya saka pilit na nilalayo ako sa pagkakayakap sa kanya.

Kaharap ko na ulit siya ngayon at hindi na maalis sa mukha niya ang mga tingin ko.

"Mali po ata kayo ng nilapitan. H-Hindi po ako ang tinutukoy ninyo. Pasensya na po," she said, looking away.

I know she's blushing.

Hahahahahaha!

It's really you Zenice.

I don't exactly know the entire situation she's in.

But she's definitely Zenice.

I'm sure of it...

...especially now that she's slightly itching her right eyebrow with her index fingernail.

She's always doing that whenever she feels nervous, mad, out of patience, tense, or uneasy.

I wiped my tears.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ngumiti rin siya nang alanganin. Tsk tsk. That cute expression.

"Uy," tawag niya sa'kin habang kumakaway-kaway sa harapan ko.

Oh... Hindi na pala 'ko nagsasalita.

"A-Ah... I'm sorry. You're just really pretty Zenice," sabi ko nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatitig sa kanya.

Pansin ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. At ang muling pamumula ng mga pisngi nito.

Pinigilan kong ngumiti nang sobrang lawak.

Pinasadahan niya 'ko ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

Go Zenice. Matagal kong hinintay ang pagkakataong 'to.

Check me out all you want.

"Maayos naman po kayo manamit... Sa totoo nga... sobrang ayos naman. Pero... m-may sakit po ba kayo?" may pag-aalangang tanong niya, and worried at the same time.

I scoffed because of what she said.

Lumapit siya sa kasama niya at parang may gustong ibulong.

"E-Elise... t-tatakbo na ba tayo?" rinig kong sabi niya sa babaeng kasama niya. Pft.

Tumingin din ito sa kanya at kumunot ang noo na parang nagsasabi ng 'wag na'.

Nag-pout naman si Zenice.

Aish. Don't do that here, Love. I might kiss you in front of this girl you're with.

I scratched the thought when her expression became serious.

"Okay, Miss. Pakinggan mo 'kong mabuti ha?" sabi niya habang umaayos pa ng tayo na parang magpapaliwanag ng kung anong importanteng bagay. Hahahahaha

"Hindi Zenice ang pangalan ko kundi Isela. Pero madalas akong tinatawag sa amin na Ela. Iyon ang palayaw ko. At ito namang kasama ko, siya si Elise. Isa siyang guro duuuuun sa napakalayong lugar namin," sabi niya na may panguso pa sa part na 'duuuuun'. Hahahahahaha.

Tumango-tango naman ako kunwari.

"Saan naman 'yong malayong lugar na 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Basta malayo. Isla Aparo ang tawag pero sa tingin ko ay hindi mo 'yon alam. Napakaliit lang ng lugar namin na 'yon. Saka..." tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

"...sa tingin ko hindi ka mahilig pumunta sa ganoong lugar. Kaya siguradong hindi mo talaga alam 'yon," sabi pa niya.

Bago pa 'ko makapagsalita ay may sinabi yung Elise.

"Uhm... Miss. Kailangan na talaga naming umalis. Naghahabol kami ng oras ngayon dahil baka hindi na kami makauwi sa araw na 'to. Mahirap kasi ang pauwi samin kaya... sana maintindihan mo. Tsaka... sino bang Zenice ang tinutukoy mo? Kaano-ano mo ba siya? Panigurado kasing nagkakamali ka lang," sabi niya.

"She's my wife," diretso kong sagot nang hindi inaalis ang tingin kay Zenice.

Halata ang gulat sa mga mata nilang dalawa.

"H-hahaha... Pasensiya na pero w-wala pa 'kong asawa. H-hahaha..." alanganing tawa niya.

"Pasensiya na pero kailangan na naming umalis," sabi nung Elise sabay hawak sa kamay ni Zenice.

Akmang maglalakad na sila palayo pero pinigilan ko sila. Hinigit ko ang kaliwang kamay niya habang hawak nung Elise na 'yon ang kanan niya.

"No please. D-don't leave me again... Zenice."

Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot.

Tiningnan niya ang nangungusap kong mga mata.

"Miss ano ba. Kelangan na talaga naming um---" I cut her off.

"I said no!" sabi ko at tiningnan nang masama 'yong Elise.

Pero h-hindi ko sinasadyang mapasigaw.

Kita ko ang gulat sa mga mata nila.

"I-I'm sorry. I j-just---" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa biglang pagseryoso ng mukha ni Zenice.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Hindi mo siya kailangang sigawan. Pasensiya na at kelangan naming magmadali. Pero aalis na kami sa ayaw at sa gusto mo. At isa pa... Isela ang pangalan ko. At hindi ako ang taong hinahanap mo," she said that with a blank expression.

Parang nadaganan ang puso ko dahil sa mga tingin niyang hindi pamilyar sakin. Hindi niya 'ko kailanman tinignan ng ganoong mga mata.

Napako ako sa kinatatayuan ko at nakatulala lang sa kanya habang humahakbang sila palayo.

I think I'm about to cry.

Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko.

"I'm sorry Zenice! But I'll promise to find you no matter what! Pupuntahan kita kung saan ka mang lugar mapadpad so wait for me! I'll be there for you and I'll make sure to take you back!!" sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo na siya.

Nakita kong pumasok sila sa isang tricycle at tuluyan nang nakalayo.

Nakatitig lang ako sa sinakyan nila hanggang sa mawala na 'yon sa paningin ko.

Wait for me Zenice... I'll find you again.

And this time... I'm willing to risk anything...

Lalo na't sigurado akong buhay ka.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status