LOGIN"WHO the f^ck are you!" Malakas na mura ni Jav, nasa isang kuwarto siya at katabi ang isang babae.
Bumalikwas ng bangon si Elorda nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang hubo't hubad siya at katabi ang isang lalaki. "I-Ikaw? G*go ka!" Mariin siyang napatiim, umigkas ang isang kamay niya at dumapo ang palad sa pisngi ng lalaking estranghero. Natigagal si Jav at napahawak sa kanyang pisngi na sinampal ng babae. "P^t*ngna mo rin! Ako pa minura mo... ikaw, na kumuha sa v^irginity ko. 35 years kong iningatan ang katawan ko... ang puri ko. G^go ka!" Mga bulyaw ni Elorda, unti-unti nang naglaglagan isa-isa ang butil ng kanyang mga luha. Nagmamadali na lumabas ng hotel room si Elorda. Nakatulala pa rin ang lalaking katabi niya sa kama nang makalabas siya ng kuwarto. Napatigil siya saglit at napasandal sa pader. Hinihingal siya na parang tumakbo ng sampong kilometro ang layo. Napahawak si Elorda sa kanyang dibdib at napahagulhol ng impit na iyak. Maigi na lamang, walang naglalakad ng oras na ito sa hallway. "Wala na, Elorda. Hindi ka na virgin... nakuha na ng g*gong 'yon. Ang tanga-tanga mo kasi. 35 ka na pero tanga ka pa rin. Kaya ka naloloko, e." Kastigo niya sa sarili. Naramdaman niya ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Napakagat-labi siya na napadaing sa sakit. "Sheteng, malagkit!" Mura pa niya sa hangin. Nawala ang pagkataranta niya at paika-ikang naglakad papunta sa kanilang hotel room ng kaibigan. Nang makapasok sa loob ng kanilang kuwarto si Elorda ay dahan-dahan pa siyang humakbang patungo sa banyo. Iwas na iwas makalikha ng ingay, baka magising si Tess at malaman na hindi siya natulog kagabi sa suite nila. "Elorda! Saan ka galing kagabi?" Nakapameywang na bungad na tanong ni Tess. Nahigit ni Elorda ang kanyang paghinga, napatayo nang tuwid. Napatikhim siya, na inaalis ang bara sa lalamunan. Dahan-dahan siyang humarap kay Tess. "Sa-Sa ano... di-diyan lang," nauutal niyang sagot. Wala talaga siyang maisip na isasagot sa kaibigan niya. Ang katangahan niya paano ba niya 'yon maitatago sa kaibigan? Kita ni Elorda ang labis na inis sa mukha ni Tess. Hindi na nga siya sumunod papunta sa suite nila, sa ibang hotel room pa siya natulog. Nawala tuloy ang kanyang iniingatang kayamanan. Kung minamalas ka nga naman, oh... "Magdamag akong naghintay sa'yo. Alam mo ba 'yon, Elorda? Nag-aalala ako baka napano ka na. Hindi ako nakatulog ng maayos kahihintay sa'yo.." Napangiwi si Elorda. Paano ba niya aaminin sa kaibigan ang mga nangyari kagabi? Alam niyang aabutin siya ng sermon. Sumiping ba naman siya sa lalaking hindi niya kilala. Hindi na rin niya maalala ang mukha ng lalaking kumuha ng virginity niya sa sobrang taranta niya at dahil sa mga paghagulhol niya kanina. Wasak na ang puso niya. Wasak pa ang perlas niya, na iningatan niya sa napakahabang panahon. Ni hindi nga niya nagawang ibigay noon sa ex-boyfriend niyang cheater. Five years tumagal ang relasyon nila at kahit anong pilit nito ay hindi niya talaga naibigay ang kanyang kayamanang hiyas. Nanindigan siya sa prinsipyo niyang mananatiling birhen hanggang sa araw ng kanilang kasal. Pero, hindi iti nakapag-hintay. "Sorry na, Tess. E, hindi ko alam na mali pala ang napasukan kong k-kwarto," hiyang-hiya na tugon niya na napayuko ng ulo. Napaamang si Tess. "Anong kag*gahan na naman ang ginawa mo? Pinagbigyan kitang magwalwal sa bar kagabi. Dahil gusto kong makalimot ka. Pagkatapos, dahil sa kalasingan mo nakitulog ka sa ibang kwarto." Napatampal sa sariling noo si Tess. Napatunghay si Elorda. Napakamot ng kanyang ulo at 'di makatingin ng diretso sa kaibigan. "Anong nangyari sa'yo? Saang kwarto ka natulog? Ano, guwapo ba ang kasama mo?" Sunod-sunod na mga tanong ni Tess. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Elorda. Humagulhol ng napakalakas na iyak, parang sanggol na nagugutom sa sobang lakas ng pagbalahaw. Napabuga ng hangin si Tess. "May nangyari na naman, ano?" Bigla niyang hinawakan si Elorda sa pala-pulsuhan at hinila paupo sa kama. "Aww!" Malakas na daing ni Elorda. Nanlaki ang mga mata ni Tess. Tila natatarantang tumingin sa mukha ng kaibigan at hinawakan sa magkabilang balikat. "Bakit umiiyak ka ng ganyan, Elorda? May masakit sa'yo?" Mga tanong niya pero patuloy lang sa pag-iyak ang kaibigan niya. "Magsalita ka naman..." Pinunasan ni Elorda ang mga luha niya at napatunghay kay Tess. "Hindi na ako, virgin—!" Bulahaw niyang iyak saka napayuko ng ulo. Naestatwa si Tess, hindi siya nakagalaw. Parang huminto din ang kanyang paghinga. "Oh, my God! Yes!" Natutop niya ang sariling bibig. "Congratulations, kapatid!" Sigaw pa niya at niyakap ng mahigpit si Elorda. Natigilan si Elorda. Nalito siya sa tinuran ni Tess. Nahilig niya ang ulo sa pagtataka. Bakit parang masaya si Tess? "Anong nakakatuwa doon? Bakit masayang-masaya ka pa sa nangyari sa akin?" "Kapatid, nilulumot na 'yang si cookie mo. Sayang naman," sagot ni Tess. Napaikot ang eyeball ni Elorda. "Tignan mo 'to. Akala ko dadamayan mo 'ko dahil nawala iyong bagay na iningatan ko ng 35 years. Tapos, mang-iinsulto ka pa." "Maiba tayo, Elorda," sabi ni Tess na mas lumapit sa kaibigan at idinikit halos ang pisngi sa pisngi ni Elorda. "Guwapo ba? Sino ang lalaki 'yon, ha? Masarap ba siya?" Napakamot si Elorda ng ulo niya sa sobrang pagkairita kay Tess. "Kumustahin mo naman muna ako. Masakit, e. Mas gusto mo pang malaman ang tungkol sa lalaking kumuha ng virginity ko." Napaawang ng malaki ang bibig ni Tess. Sa isip niya malamang na malaki ang nakadali sa kaibigan. Inakbayan niya ang kaibigan. "Concern ako sa'yo. Siyempre, gusto kong malaman kung sino ang nakatikim n'yang cookie mo. Magkuwento ka na kasi. Huwag kang ngumuyngoy d'yan...." Biglang napatayo si Elorda. Nakatiim na tumingin sa kaibigan. "Awat nga! Gusto ko munang maligo at magpahinga. Masakit ang buong katawan ko at ang kayamanan ko!" Gigil niyang sigaw. Ayaw niya munang magbigay ng buong detalye sa lalaking nakaniig niya kagabi. Sa sobrang pagkadismaya niya at lungkot ay hindi na niya maalala ang mukha ng lalaking 'yon. "Normal lang 'yan. Pero, pagbibigyan kita. Maligo ka muna. Check ko kung may gamot ako sa bag ko. Tapos ikuwento mo sa akin ang lahat ng detalye. Huwag hindi, Elorda. Hindi kita patutugin," pangungulit ni Tess. Marahas na lang na napabuga ng hangin si Elorda. "Kung hindi lang masamang sumakal ng kaibigan. Sinakal na kita, Tess."MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n
HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press
UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka
"MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman
Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes
MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l







