HUMIGPIT pang lalo ang yakap ni Jav kay Elorda. Ayaw na talaga niyang bumangon sa kama at umalis. Parang mas gusto niyang magkulong na lang sila sa kuwarto at ulit-ulitin ang kanyang pag-iisa ng katawan. "Jav, ano ba! Bumangon ka na at may trabaho ka pa," natatawang ulit ni Elorda. Nang makitang hindi ito kumilos, sa halip ay mas niyakap pa siya ng mahigpit. "Can we stay like this? Parang mas gusto ko itong yakap ka kaysa magtrabaho. Besides, ako naman ang amo. Ako pa rin ang masusunod kung papasok ako o hindi..." Napaamang si Elorda sa isinagot ni Jav sa kanya. "Hindi puwede ang gusto mo. 'Di ka na nga pumasok kahapon, absent ka rin ngayon. Kahit ikaw pa ang boss. Tandaan mo, Jav. Dalawa agad ang anak mo. Gusto ko ngang muling bumalik sa tindahan. Nang may trabaho ako kahit paano." Natigilan si Jav, napabangon siya bigla sa kama at umupo. "No. Hindi mo kailangang magtrabaho. Kayang-kaya kayong suportahan ng anak natin, kahit isang dosena pa sila. I will give you my platinum card
UMILING si Jav, saka muling hinalikan ang kanyang balikat pababa. "You have no idea how much I’ve fallen for you all over again. Just now… now that I can finally hold you again." Sa mga sumunod na sandali, walang imik si Jav. Tanging halik, haplos, at maiinit na pagyakap ang ipinadama niya sa babaeng matagal na niyang pinanabikan. Siyempre ang kanyang asawa. “Jav...” mahinang tawag ni Elorda habang nakapikit at ninanamnam ang bawat galaw ng asawa sa kanyang ibabaw. “Hmmm?” mahinang tugon ni Jav, habang binababa ang mga halik sa kanyang leeg. “Don’t stop…” parang nakikiusap na anas ni Elorda. Hindi na nga huminto si Jav. Sinapo niya ang likod ng kanyang asawa at muling inilapit ang labi sa labi nito. Tila uhaw na uhaw na noon lang muling pinayagang malasahan ang kanyang pag-aari. Dumausdos ang kanyang mga halik pababa sa leeg, balikat at hanggang sa tuluyang mapawi ang anumang distansya sa kanilang mga katawan. Sa bawat pagdampi ng balat sa balat nila, tila nagliliyab ang hangin
"I don't know what crossed my mind kaya nagkalakas ako ng loob na puntahan ka at sumayaw sa likod mo. Pero parang may nagtulak sa'kin, na parang kailangan kitang makuha. And it happened, just like that. Ang bilis ng lahat. But I never regretted that night." Nag-teary eye na si Elorda. Parang may sumundot sa puso niya. May lalaki pa talagang kaya siyang mahalin sa kabila ng kanilang malaking pagkakaiba sa lahat. Hindi niya akalain na matatagpuan si Jav pagkatapos ng pagkabigo sa unang pag-ibig. Pinunasan ni Jav ang mga luha sa mata ng kanyang asawa. Dumampi ang unang sinag ng araw sa kurtina ng kanilang silid. Dahan-dahang dumilat si Elorda ng kanyang mga mata. Nakatalikod siya kay Jav pero dama pa rin niya ang init ng katawan nito sa likuran, na nakayakap pa rin sa kanya. Nakangiti siya nang bahagya. Tahimik, pero buo ang loob. Mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Jav, para bang kahit sa pagtulog ay ayaw siyang pakawalan. Paglingon niya, gising na rin ito. “Morning,” bulong ni
NAGING masigla na muli sa bahay nina Elorda at Jav. Mahigit isang buwan na ang kambal at naayos na nilang mag-asawa ang kanilang pagsasama. Nasa garden silang buong mag-anak. Nag-iihaw si Jav ng barbecue habang si Elorda ay kasama ang mga anak na nasa trolley nila, nakahiga. "Malapit na itong maluto," anunsyo ni Jav sa kanyang mahal na asawa. Napatuon ang tingin ni Elorda at matamis na ngumiti kay Jav. Sana'y palagi nang ganito sila ng asawa niya. Wala na silang pagtatalunan at tahimik na ang pagsasama nila. Mas masayang mamuhay na magkasama kung puro pagmamahalan ang umiiral sa kanilang dalawa ni Jav. Ayaw na nga ni Elorda matapos ang araw na ito. Pero alam niya, marami pa silang pagsasamahan ni Jav. Mga pagsubok, pag-iyak at pagtatalo. Sa kabila ng lahat ng mga iyon ay hindi sila susuko at bibitaw. Ipaglalaban nila ang kanilang pamilya at pagmamahal sa isa't isa. "Mahal ko, halika na. Kumain na tayo..." malambing na yakag ni Jav sa asawa. Tumayo si Elorda at itinulak ang troll
“MAY niluto akong sinigang,” sabi ni Elorda, hindi man lang siya tumingin kay Jav habang naglalagay ng kanin sa plato niya. “Pwede ba akong makikain?” mahinang tanong ni Jav. Napatingin si Elorda, saglit lang, pero may halong pagtataka. “Hindi mo na kailangang magpaalam. Bahay mo rin ’to.” Umupo si Jav sa tapat niya. Tahimik silang kumain. Walang imikan, pero para sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, nagkasabay ulit silang kumain sa isang mesa. Nang matapos sila kumain, kinuha ni Jav ang mga plato. Nilagay sa lababo, saka nagsimulang maghugas. Napahinto si Elorda sa pag-inom ng tubig. Ilang buwan na rin ang huling beses na nakita niyang tumulong ang asawa sa bahay. “Salamat,” mahina niyang sabi. Hindi lumingon si Jav pero bahagyang tumango. Pagkatapos ay lumapit siya kay Elorda. Nakatayo lang ito sa tabi niya, hindi nagsasalita. “Puwede ba akong natulog sa kwarto katabi ka?" Napatingin si Elorda. Nagtama ang mga mata nila. Walang halong lambing ang tono ni J
MABILIS na tumulin ang mga araw, dalawang linggo simula noong makauwi sina Elorda at kambal sa bahay. Ganoon pa rin silang dalawa ni Jav. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa asawa. Ang mga anak na lang niya ang iniintindi niya. Naghahati sila ng yaya nina Uno at Dos ang pag-aalaga. Hindi na rin niya hinahanap si Jav kung minsan ay hindi ito umuuwi ng bahay. Nasasanay na si Elorda sa sitwasyon nila ng asawa niya. Parang nagsasama na lamang sila sa iisang bubong dahil sa kasal sila at mayroon silang mga anak. Bumukas ang pinto, sumusuray na naglalakad si Jav. Napatayo si Elorda nang makita ang asawa. "Neng, pakidala sina Uno at Dos sa itaas..." utos niya sa yaya ng mga anak. Tumango kaagad si Neng. Kinuha niya muna si Uno saka maingat na kinarga sa kabilang braso si Dos. Hindi naman malikot ang kambal na nakaya ni Neng na kargahin sila. Napasunod ang mga mata ni Elorda sa yaya at sa mga anak niya habang pataas ng hagdan. "Lasing ka na naman, Jav. Kung hindi ka umuuwi ng bahay.