Share

045

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-02 23:13:27

MALAKAS na dumighay si Jav. Nakakulumbabang nakatingin lamang si Elorda sa kanya. Ang kapal ng ngiti nito at tila may kakaibang kislap sa mga mata.

Napabaling siya ng tingin sa asawa. "Akala ko ba hindi ka pa kumakain? Bakit ako lang ang kumain? At nanonood ka lang habang kumakain ako."

Napaayos ng upo si Elorda. "Ha? Busog na ako... busog na akong makitang busog ka. Saka, kaya nga kita ipinagluto. Para sa'yo lahat ang pagkain na inihanda ko. Kung pati ako kumain, e 'di hindi na para sa’yo..." sabi niya na napakamot pa ng ulo.

Tumawa ng malakas si Jav. May itinatago palang pagiging komedyante ang asawa. Pero ang natitiyak niya, umandar na naman ang hormones nito o baka nga, naglilihi na naman.

"Alam mo, ‘pag ganyan ka, parang gusto ko nang magpaluto ng ulam sa’yo araw-araw," biro niya habang nilalapit ang plato para isubo ang natirang ulam.

"Tumigil ka nga diyan," sabay kurot ni Elorda sa tagiliran niya. "Baka sa sunod na buwan, gusto mo na namang toyo ang laging ulam mo."

"Eh ‘
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Sna gnyan cla plagi sweet, thanks po author s update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   063

    “MAY niluto akong sinigang,” sabi ni Elorda, hindi man lang siya tumingin kay Jav habang naglalagay ng kanin sa plato niya. “Pwede ba akong makikain?” mahinang tanong ni Jav. Napatingin si Elorda, saglit lang, pero may halong pagtataka. “Hindi mo na kailangang magpaalam. Bahay mo rin ’to.” Umupo si Jav sa tapat niya. Tahimik silang kumain. Walang imikan, pero para sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, nagkasabay ulit silang kumain sa isang mesa. Nang matapos sila kumain, kinuha ni Jav ang mga plato. Nilagay sa lababo, saka nagsimulang maghugas. Napahinto si Elorda sa pag-inom ng tubig. Ilang buwan na rin ang huling beses na nakita niyang tumulong ang asawa sa bahay. “Salamat,” mahina niyang sabi. Hindi lumingon si Jav pero bahagyang tumango. Pagkatapos ay lumapit siya kay Elorda. Nakatayo lang ito sa tabi niya, hindi nagsasalita. “Puwede ba akong natulog sa kwarto katabi ka?" Napatingin si Elorda. Nagtama ang mga mata nila. Walang halong lambing ang tono ni J

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   062

    MABILIS na tumulin ang mga araw, dalawang linggo simula noong makauwi sina Elorda at kambal sa bahay. Ganoon pa rin silang dalawa ni Jav. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa asawa. Ang mga anak na lang niya ang iniintindi niya. Naghahati sila ng yaya nina Uno at Dos ang pag-aalaga. Hindi na rin niya hinahanap si Jav kung minsan ay hindi ito umuuwi ng bahay. Nasasanay na si Elorda sa sitwasyon nila ng asawa niya. Parang nagsasama na lamang sila sa iisang bubong dahil sa kasal sila at mayroon silang mga anak. Bumukas ang pinto, sumusuray na naglalakad si Jav. Napatayo si Elorda nang makita ang asawa. "Neng, pakidala sina Uno at Dos sa itaas..." utos niya sa yaya ng mga anak. Tumango kaagad si Neng. Kinuha niya muna si Uno saka maingat na kinarga sa kabilang braso si Dos. Hindi naman malikot ang kambal na nakaya ni Neng na kargahin sila. Napasunod ang mga mata ni Elorda sa yaya at sa mga anak niya habang pataas ng hagdan. "Lasing ka na naman, Jav. Kung hindi ka umuuwi ng bahay.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   061

    PUMASOK sina Dindi at Jav sa paboritong tambayan ng barkada ni Jav. Nasa loob na naghihintay sina Patrick at Lindrick. Sa pagkapasok sa loob ay hinanap niya ang mga kaibigan sa maraming nakaupo na mga tao sa loob. Nang makita ang dalawa ay nilapitan niya iyon. Nakasunod lamang si Dindi na parang isang anino sa kanya. Ni hindi niya ito kinakausap. “Pare,” bati ni Patrick habang umuupo sa tapat ni Jav. “Akala namin hindi na ka na darating.” Bahagyang tumango si Jav. “Nag-dinner muna.” Napalingon si Lindrick sa babaeng kasama ng kaibigan. Nagulat siya nang makita ito. Pero nahuhulaan na niya kung sino ito. “Ah... hi,” bati niya, magalang ang tono. “I’m Lindrick. Kaibigan ni Jav.” Ngumiti si Dindi at bahagyang tumango. “Dindi. Nice to meet you.” “Patrick,” pakilala naman ng isa. “So... ikaw pala si Dindi Augustos? Iyong anak ng ninong ni Jav, tama ba ako?" tanong pa niya. Tumango si Dindi na napipilitang ngumiti. Kilala na pala siya ng barkada ni Jav, kaya hindi na pala niya

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   060

    NASUNOD na naman ang gusto ni Dindi at ang ina ni Jav. Si Jav ay walang ganang nakaupo katapat nito sa isang fine dining restaurant. Parang pinaglalaruan niya ang kutsara at tinidor at tila naiinip habang kasama ang dalaga. "Magpakita ka naman ng kaunting ngiti, Jav. Nakakahiya sa mga tao. Ang daming tao rito at kilala ka pero ang mukha mo parang biyernes santo," sabi ni Dindi. Marahas na napabuga ng hangin si Jav saka luminga-linga ng tingin sa paligid. "What do you expect me to feel, Dindi? Matutuwa ako sa pinaggagawa mo at ni Mommy?" Pagalit niyang tanong pero may kontrol ang lakas ng boses. Ayaw din niyang mag-eskandalo sa loob ng restaurant. "Masyado ninyong kino-kontrol ang buhay ko. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na kahit kailan ay hindi kita magagawang magustuhan. Pilit ka pa rin nang pilit." Matiim na tumitig si Dindi kay Jav. Hindi pa rin siya patitinag, di siya susuko at ipaglalaban niya ang nararamdaman para sa binata. She doesn't care, kung may masagasaan siya.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   059

    KINABUKASAN, nasa opisina si Jav. Subsob sa pagbabasa ng mga folder na may kinalaman sa mga bagong proposal at investor meetings. Pero kahit anong pilit, hindi siya makapag-focus, paulit-ulit bumabalik sa isipan niya ang gabing iyon. Ang malamig na tinig ni Elorda, ang tingin nitong parang may layo. May mahinang katok sa pinto. "Sir, nasa labas po si Ma'am Honeylet kasama si Miss Dindi," anunsyo ni Annie, ang kanyang sekretarya. Napatingala si Jav, at agad siyang marahas na napabuntong-hininga. Not today, bulong niya sa isip. "Let them in," maikling utos niya. Pagkapasok pa lang ay agad nang ngumiti si Honeylet sa anak. Elegante ang bihis at may bitbit na designer bag. Si Dindi naman ay naka-formal wear at may hawak na box ng imported pastries. “Anak,” bungad ni Honeylet. “Buti at hindi ka pa umaalis. Dumaan kami ni Dindi dahil may dala kaming kaunting snack para sa'yo. Baka kasi napapabayaan mo na naman ang sarili mo sa kakatrabaho.” “Hi, Jav,” sabay sabing mahinhin ni Dindi,

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   058

    "MAIBA tayo... Jav, bawal pang magtabi kayo ni Elorda. Dapat mga 45days, iyong hilom na ang tahi niya. Baka mabinat ang asawa mo," pag-iiba ni Patrick sa usapan at pagbibigay ng babala sa kaibigan. "Ha? Ang tagal naman nun. Parang dieta ako nun. Halos dalawang buwan," sabi ni Jav na sobrang dismayado. "Kailangan mong maghintay, pare...." ani Patrick. "Maiba tayo... Jav, bawal muna kayong magsiping ni Elorda. At least 45 days. Kailangan munang maghilom nang husto ang tahi niya. Baka mabinat 'pag pinilit," seryosong paalala ni Patrick. "Ha? Forty-five days? Ang tagal naman nun, pare. Parang pinadiet ako nang wala sa oras. Halos dalawang buwan 'yon!" reklamo ni Jav na halatang dismayado. Napailing si Patrick habang napapangiti. "Kailangan mong maghintay, pare. Para rin 'yan sa kaligtasan at recovery ni Elorda." "Baka mamaya, ikaw pa ang maging dahilan ng second operation ng asawa mo," dagdag pa ni Patrick, sabay ngisi. Napabuntong-hininga si Jav habang pasandal sa upuan. "G

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status