Share

047

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-04 03:19:50

AGAD napangiti si Elorda nang magmulat ng kanyang mga mata. Madaling araw na. Bigla siyang nagising. Nakayakap pa rin si Jav sa kanya, na ang kamay ay hawak ang kanyang tiyan.

Napahaplos siya sa braso ng asawa. Napakislot si Jav. Pareho pa rin silang walang saplot sa katawan.

"Ang aga mo nagising, mahal ko..." sabay hinalikan ni Jav sa balikat si Elorda.

"Nagising lang," sagot ni Elorda.

"Baka gusto mo pa. I'm ready and always ready, mahal ko." Tudyo ni Jav sa asawa.

Mahinang hinampas ni Elorda sa braso si Jav. "Napagod ako. Uso siguro ang magpahinga..."

"Isang round pa lang tayo. Gusto ko mga dalawang round pa," sabi ni Jav, sabay haplos pababa sa hita ni Elorda.

"Anong tingin mo sa akin?" pabulong na sagot ni Elorda, pero hindi niya tinaboy ang kamay ng asawa. Bagkus, napapikit siya nang maramdaman ang dulo ng mga daliri nitong lumalaro sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Ang tingin ko sa’yo? Asawa kong ubod ng sexy... lalo na ngayong buntis ka," bulong ni Jav sa leeg niya at sabay hal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   061

    PUMASOK sina Dindi at Jav sa paboritong tambayan ng barkada ni Jav. Nasa loob na naghihintay sina Patrick at Lindrick. Sa pagkapasok sa loob ay hinanap niya ang mga kaibigan sa maraming nakaupo na mga tao sa loob. Nang makita ang dalawa ay nilapitan niya iyon. Nakasunod lamang si Dindi na parang isang anino sa kanya. Ni hindi niya ito kinakausap. “Pare,” bati ni Patrick habang umuupo sa tapat ni Jav. “Akala namin hindi na ka na darating.” Bahagyang tumango si Jav. “Nag-dinner muna.” Napalingon si Lindrick sa babaeng kasama ng kaibigan. Nagulat siya nang makita ito. Pero nahuhulaan na niya kung sino ito. “Ah... hi,” bati niya, magalang ang tono. “I’m Lindrick. Kaibigan ni Jav.” Ngumiti si Dindi at bahagyang tumango. “Dindi. Nice to meet you.” “Patrick,” pakilala naman ng isa. “So... ikaw pala si Dindi Augustos? Iyong anak ng ninong ni Jav, tama ba ako?" tanong pa niya. Tumango si Dindi na napipilitang ngumiti. Kilala na pala siya ng barkada ni Jav, kaya hindi na pala niya

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   060

    NASUNOD na naman ang gusto ni Dindi at ang ina ni Jav. Si Jav ay walang ganang nakaupo katapat nito sa isang fine dining restaurant. Parang pinaglalaruan niya ang kutsara at tinidor at tila naiinip habang kasama ang dalaga. "Magpakita ka naman ng kaunting ngiti, Jav. Nakakahiya sa mga tao. Ang daming tao rito at kilala ka pero ang mukha mo parang biyernes santo," sabi ni Dindi. Marahas na napabuga ng hangin si Jav saka luminga-linga ng tingin sa paligid. "What do you expect me to feel, Dindi? Matutuwa ako sa pinaggagawa mo at ni Mommy?" Pagalit niyang tanong pero may kontrol ang lakas ng boses. Ayaw din niyang mag-eskandalo sa loob ng restaurant. "Masyado ninyong kino-kontrol ang buhay ko. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na kahit kailan ay hindi kita magagawang magustuhan. Pilit ka pa rin nang pilit." Matiim na tumitig si Dindi kay Jav. Hindi pa rin siya patitinag, di siya susuko at ipaglalaban niya ang nararamdaman para sa binata. She doesn't care, kung may masagasaan siya.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   059

    KINABUKASAN, nasa opisina si Jav. Subsob sa pagbabasa ng mga folder na may kinalaman sa mga bagong proposal at investor meetings. Pero kahit anong pilit, hindi siya makapag-focus, paulit-ulit bumabalik sa isipan niya ang gabing iyon. Ang malamig na tinig ni Elorda, ang tingin nitong parang may layo. May mahinang katok sa pinto. "Sir, nasa labas po si Ma'am Honeylet kasama si Miss Dindi," anunsyo ni Annie, ang kanyang sekretarya. Napatingala si Jav, at agad siyang marahas na napabuntong-hininga. Not today, bulong niya sa isip. "Let them in," maikling utos niya. Pagkapasok pa lang ay agad nang ngumiti si Honeylet sa anak. Elegante ang bihis at may bitbit na designer bag. Si Dindi naman ay naka-formal wear at may hawak na box ng imported pastries. “Anak,” bungad ni Honeylet. “Buti at hindi ka pa umaalis. Dumaan kami ni Dindi dahil may dala kaming kaunting snack para sa'yo. Baka kasi napapabayaan mo na naman ang sarili mo sa kakatrabaho.” “Hi, Jav,” sabay sabing mahinhin ni Dindi,

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   058

    "MAIBA tayo... Jav, bawal pang magtabi kayo ni Elorda. Dapat mga 45days, iyong hilom na ang tahi niya. Baka mabinat ang asawa mo," pag-iiba ni Patrick sa usapan at pagbibigay ng babala sa kaibigan. "Ha? Ang tagal naman nun. Parang dieta ako nun. Halos dalawang buwan," sabi ni Jav na sobrang dismayado. "Kailangan mong maghintay, pare...." ani Patrick. "Maiba tayo... Jav, bawal muna kayong magsiping ni Elorda. At least 45 days. Kailangan munang maghilom nang husto ang tahi niya. Baka mabinat 'pag pinilit," seryosong paalala ni Patrick. "Ha? Forty-five days? Ang tagal naman nun, pare. Parang pinadiet ako nang wala sa oras. Halos dalawang buwan 'yon!" reklamo ni Jav na halatang dismayado. Napailing si Patrick habang napapangiti. "Kailangan mong maghintay, pare. Para rin 'yan sa kaligtasan at recovery ni Elorda." "Baka mamaya, ikaw pa ang maging dahilan ng second operation ng asawa mo," dagdag pa ni Patrick, sabay ngisi. Napabuntong-hininga si Jav habang pasandal sa upuan. "G

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   057

    "ANO ngang pangalan nina kambal?" Usisa ni Lindrick. "Javinzi Caleb Monasterio, Uno ang nickname niya at Javinzi Cael Monasterio, Dos naman ang sa kanya," proud na sagot ni Jav. Natawa ng malakas si Kevin. "Mukhang mayroon pa itong Tres, Fourth, Fifth at Six. Anong gagawin mo sa asawa mo kung pagsusunod-sunurin mo ang mga anak mo?" Natigilan si Jav habang ang mga kaibigan niya ay walang humpay ang malakas na tawa. "She's my wife. I can do whatever I want. Anong masama sa sunod-sunod na anak?" Tinapik ni Lindrick ang balikat ni Patrick. Doktor si Patrick at ito na ang bahalang magpaliwanag sa kanilang kaibigan na bagong ama. "Pare, isipin mo ang health ng asawa mo bago mo gawin ang gusto mo. Hindi makina ng bata si Elorda. Unang-una na importante ang kalusugan niya. Pinakasalan mo si Elorda dahil mahal mo siya, hindi dahil sa gusto mong magkaroon ng maraming anak," paliwanag ni Patrick at pangungumbinsi na rin sa kaibigan na isiping mabuti bago ang pansariling kagustuhan.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   056

    TAHIMIK ang biyahe pauwi. Nasa likuran ng sasakyan nakasakay si Elorda sa tabi ng dalawang baby carrier. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga anak, habang pinapahinga ang likod sa sandalan. Halos hindi niya kinakausap si Jav na siya namang nagmamaneho. Panay ang sulyap ni Jav sa rearview mirror. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang humingi ng tawad. Pero parang may tinik sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagdating sa bahay, agad binuhat ni Jav ang mga gamit at inunahan si Elorda sa pagbubukas ng pinto. "Dahan-dahan lang," mahinang sabi niya habang pinagbubuksan ito. Hindi tumugon si Elorda. Tahimik siyang pumasok, karga ang isa sa kambal habang ang yaya na kinuha ni Tess ay ang kumarga naman sa isa pa. Maayos na ang kuwarto. Pinalinis ni Patrick at Tess habang nasa ospital pa si Elorda. May bagong bedsheet, mga damit ng sanggol, at mga feeding bottle sa gilid ng crib. Pero kahit gaano kaayos ang paligid, ramdam ni Jav na magulo pa rin ang pagitan nila ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status