Share

048

Auteur: RIDA Writes
last update Dernière mise à jour: 2025-07-04 15:57:37

ANG ganda ng gising ni Elorda. Nauna pa rin siyang nagising kay Jav. Nasa kusina na nga siya para maghanda ng almusal. Parang nag-honeymoon na rin sila kagabi sa kanilang ginawa. Pagod na pagod siya pero masaya at sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.

Hindi maalis ang ngiti niya habang nagpi-prito ng itlog. Gumawa rin siya ng pancakes. Asawang-asawa ang dating niya habang nagluluto. At parang nagugustuhan na rin ni Elorda ang bagong papel niya.

Noon pinangarap niyang pagsilbihan si Harry. Ito naman ang first boyfriend niya, kaya nangangarap siyang, siya ang first at last niyang mamahalin. Pero, hindi niya na-predict ang tadhana. Biglang naiba ang itinadhana sa kaniya. Iyong inakala niyang si Harry ang makakatuluyan niya ay biglang sa isang estrangherong lalaki siya ikinasal. Kay Jav na nakasayaw lang niya.

Ang mapagbirong tadhana ay nakakatawa rin minsan. At sa ganitong edad pa niya. Hindi niya inakala na makakatagpo siya ng isang Jav sa buhay niya.

Napapailing si Elorda habang nang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Sna sbihin mna s parents n jav tanggap mn xa or hnd ang importante anjan ka plagi s tabi nya tanggap m xa NG buong buo
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   059

    KINABUKASAN, nasa opisina si Jav. Subsob sa pagbabasa ng mga folder na may kinalaman sa mga bagong proposal at investor meetings. Pero kahit anong pilit, hindi siya makapag-focus, paulit-ulit bumabalik sa isipan niya ang gabing iyon. Ang malamig na tinig ni Elorda, ang tingin nitong parang may layo. May mahinang katok sa pinto. "Sir, nasa labas po si Ma'am Honeylet kasama si Miss Dindi," anunsyo ni Annie, ang kanyang sekretarya. Napatingala si Jav, at agad siyang marahas na napabuntong-hininga. Not today, bulong niya sa isip. "Let them in," maikling utos niya. Pagkapasok pa lang ay agad nang ngumiti si Honeylet sa anak. Elegante ang bihis at may bitbit na designer bag. Si Dindi naman ay naka-formal wear at may hawak na box ng imported pastries. “Anak,” bungad ni Honeylet. “Buti at hindi ka pa umaalis. Dumaan kami ni Dindi dahil may dala kaming kaunting snack para sa'yo. Baka kasi napapabayaan mo na naman ang sarili mo sa kakatrabaho.” “Hi, Jav,” sabay sabing mahinhin ni Dindi,

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   058

    "MAIBA tayo... Jav, bawal pang magtabi kayo ni Elorda. Dapat mga 45days, iyong hilom na ang tahi niya. Baka mabinat ang asawa mo," pag-iiba ni Patrick sa usapan at pagbibigay ng babala sa kaibigan. "Ha? Ang tagal naman nun. Parang dieta ako nun. Halos dalawang buwan," sabi ni Jav na sobrang dismayado. "Kailangan mong maghintay, pare...." ani Patrick. "Maiba tayo... Jav, bawal muna kayong magsiping ni Elorda. At least 45 days. Kailangan munang maghilom nang husto ang tahi niya. Baka mabinat 'pag pinilit," seryosong paalala ni Patrick. "Ha? Forty-five days? Ang tagal naman nun, pare. Parang pinadiet ako nang wala sa oras. Halos dalawang buwan 'yon!" reklamo ni Jav na halatang dismayado. Napailing si Patrick habang napapangiti. "Kailangan mong maghintay, pare. Para rin 'yan sa kaligtasan at recovery ni Elorda." "Baka mamaya, ikaw pa ang maging dahilan ng second operation ng asawa mo," dagdag pa ni Patrick, sabay ngisi. Napabuntong-hininga si Jav habang pasandal sa upuan. "G

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   057

    "ANO ngang pangalan nina kambal?" Usisa ni Lindrick. "Javinzi Caleb Monasterio, Uno ang nickname niya at Javinzi Cael Monasterio, Dos naman ang sa kanya," proud na sagot ni Jav. Natawa ng malakas si Kevin. "Mukhang mayroon pa itong Tres, Fourth, Fifth at Six. Anong gagawin mo sa asawa mo kung pagsusunod-sunurin mo ang mga anak mo?" Natigilan si Jav habang ang mga kaibigan niya ay walang humpay ang malakas na tawa. "She's my wife. I can do whatever I want. Anong masama sa sunod-sunod na anak?" Tinapik ni Lindrick ang balikat ni Patrick. Doktor si Patrick at ito na ang bahalang magpaliwanag sa kanilang kaibigan na bagong ama. "Pare, isipin mo ang health ng asawa mo bago mo gawin ang gusto mo. Hindi makina ng bata si Elorda. Unang-una na importante ang kalusugan niya. Pinakasalan mo si Elorda dahil mahal mo siya, hindi dahil sa gusto mong magkaroon ng maraming anak," paliwanag ni Patrick at pangungumbinsi na rin sa kaibigan na isiping mabuti bago ang pansariling kagustuhan.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   056

    TAHIMIK ang biyahe pauwi. Nasa likuran ng sasakyan nakasakay si Elorda sa tabi ng dalawang baby carrier. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga anak, habang pinapahinga ang likod sa sandalan. Halos hindi niya kinakausap si Jav na siya namang nagmamaneho. Panay ang sulyap ni Jav sa rearview mirror. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang humingi ng tawad. Pero parang may tinik sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagdating sa bahay, agad binuhat ni Jav ang mga gamit at inunahan si Elorda sa pagbubukas ng pinto. "Dahan-dahan lang," mahinang sabi niya habang pinagbubuksan ito. Hindi tumugon si Elorda. Tahimik siyang pumasok, karga ang isa sa kambal habang ang yaya na kinuha ni Tess ay ang kumarga naman sa isa pa. Maayos na ang kuwarto. Pinalinis ni Patrick at Tess habang nasa ospital pa si Elorda. May bagong bedsheet, mga damit ng sanggol, at mga feeding bottle sa gilid ng crib. Pero kahit gaano kaayos ang paligid, ramdam ni Jav na magulo pa rin ang pagitan nila ni

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   055

    "SALAMAT, pare..." nawika ni Jav nang pumunta siya sa opisina ni Patrick. Iniwan niya muna si Elorda at mga anak kay Tess. Napatango si Patrick. "Huwag ka nang magpasalamat. Alagaan mo ang pamilya mo at huwag mo nang bibiguin si Elorda. Baka isang araw, gigising ka na lang na wala ka nang pamilyang uuwian." Sinugod ni Patrick si Jav sa opisina nito. Muntik pa niyang masuntok ang mukha ng kaibigan. Pinabayaan nito si Elorda, binalewala at naitratong parang hindi asawa. Uuwi kung kailan gusto at aalis sa umaga para pumasok sa kompanya. Inilihim na lang nila kay Elorda ang lahat kung bakit nadatnan pa rin nito si Jav sa loob ng kuwarto. Ngunit hindi rin madali kay Patrick na palampasin iyon. Nahihirapan siyang makita ang kaibigan niyang si Elorda na pilit pa ring ipinaglalaban ang isang relasyong tila siya na lang ang kumakapit. “Kung hindi mo na siya mahal, ‘wag mo nang patagalin pa. Pero kung totoo kang lalaki, ayusin mo. Dahil kahit hindi niya sinasabi, nasasaktan siya,” mariing

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   054

    NAGISING si Elorda. Para siyang nahimbing ng napakahabang panahon. Ramdam niya ang pagod ng kanyang katawan. Pero biglang natigilan at napahawak sa kanyang tiyan. Naalala niyang isinugod siya sa ospital. Nanlaki ang kanyang mga mata. Lumiit na ang kanyang tiyan. Nakapanganak na siya? Sa sobrang taranta niya ay sa sakit na naramdaman ay 'di niya namalayang nakapanganak na siya. Nakahinga siya nang maluwag. Nakaraos at ligtas silang mag-iina. Napalinga siya sa loob ng kanyang kuwarto. Hinanap ng kanyang mata ang kaibigang si Tess. Tatawagin na sana niya ang kaibigan nang mayroon siyang namataang nakatalungko sa kanyang kama. "J-Jav..." sambit niya. Hindi niya alam na kasama pala niya ang asawa sa kuwarto. Napakislot si Jav. Pupungas-pungas pa ng kanyang mga mata na tumunghay kay Elorda. "Mahal ko..." Nangingilid ang luha ni Elorda sa kanyang mga mata. Tila napawi ang kanyang tampo ang galit nang masilayan ang mukha ng asawa. "Don't cry, my love. Hindi maganda na kapapang

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status