Share

053

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-06 09:04:11

TULOG na tulog si Jav sa tabi ni Elorda. Pero si Elorda ay gising na gising pa, nakatagilid ng higa sa asawa. Hindi siya makatulog sa lalim ng iniisip. Kung kailan manganganak na siya, ganito pa ang trato ni Jav.

Tahimik ang buong silid, pero sa loob ng isipan niya, hindi tumitigil ang tanong. Wala man siyang konkretong sagot, ramdam niyang may unti-unting nagbabago. Hindi na siya hinahaplos gaya ng dati. Wala na ang marahang hapit ng bisig sa gabi, wala na ang mga bulong na nagpaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Pinilit niyang umunawa, pero habang nilalamig ang paligid, parang siya na lang ang lumalaban para manatiling buo ang kung anong dati’y punô ng lambing.

Tinitigan niya ang mukha ni Jav sa dilim. Tahimik itong natutulog, maayos ang hinga, walang bahid ng pag-aalala. Samantalang siya, bitbit ang tanong kung may ginawa ba siyang mali, kung kulang ba ang mga ginagawa niya, o kung sadyang may hindi na muling maibabalik.

Hinaplos niya ang sariling tiyan, marahang niyapos
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
c jav yung lalaking puro lang salita... elorda kaya mo naman buhayin ang kambal...nakakainis ganyan lalake
goodnovel comment avatar
Nahtalie Mercado
update n please
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Npaiyak aq dto sna pla hnd nlng binigyan NG chance n Elorda c jav kng gnyan lng dn nman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   225

    MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   224

    HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   223

    UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   222

    "MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   Author's Note

    Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   221

    MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status