Share

162

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-29 20:55:18

PAALIS na si Jav nang marinig ang pagtawag ni Elaine sa kanya. Napahinto siya at humarap sa hipag.

"Sasama ako, Kuya. Gusto kong tulungan kang kumbinsihin si Ate para bumalik dito sa bahay."

Saglit na napaisip si Jav, sa huli ay pumayag na rin siya. "Let's go," sagot niy. Baka nga makatulong si Elaine na mapauwi ang kanyang asawa. Napabaling siya ng tingin kay Neng. "Ikaw na muna ang bahala sa bahay, Neng."

"Sige po, Kuya. Sana makumbinsi n'yo si Ate na umuwi na ulit dito sa bahay," tugon naman ni Neng.

Tumalikod na si Jav at nagmamadali na lumabas ng bahay. Pupunta sila kina Tess. Malakas ang kutob niyang doon unang tatakbo ang asawa. Ang mga kaibigan nito ang unang sandalan ni Elorda kapag may tampo o problema.

Tahimik lang si Elaine habang nakasunod sa bayaw. Ramdam niya ang kaba sa dibdib, hindi dahil sa takot kundi dahil sa bigat ng sitwasyon. Alam niyang hindi ganoon kadaling kumbinsihin ang Ate niya na bumalik, lalo na kung matigas na ang loob nito.

Pagdating nila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   163

    PARANG may pinupunto ang mga salita niya sa nangyari kina Elorda at kapatid nito. Ang nakaraan na nabigo sa unang pag-ibig dahil sa mismong sariling kapatid. Pero parang wala naman iyon kay Elaine. Hindi niya makita at maramdaman dito ang pag‐aalala para sa kapatid. "Alam na alam ko ang nangyayari sa inyo sa loob ng bahay niya.. Saksi ako sa lahat, alam mo 'yan. Noong makilala mo siya hanggang ngayon na nagkaroon kayo ng mga anak, Jav. Masakit din sa akin na nakikita na nasasaktan si Elorda. Ang dami niyang naisakripisyo. Buong buhay niya, wala siyang ginawa kundi ang mahalin ang mga taong hindi siya man lang pinahalagahan. Parati na lamang niyang inuunawa lahat. Nakakalimutan na niya ang kanyang sarili dahil sa sobrang pagmamahal sa mga taong malapit sa kanya." Nangilid ang mga luha ni Tess. Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon. Nakita niya kung paano ilang beses nasaktan si Elorda. At galing pa ang mga sakit na 'yon sa mga taong sobrang minahal ng kaibigan. Natahimik sagli

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   162

    PAALIS na si Jav nang marinig ang pagtawag ni Elaine sa kanya. Napahinto siya at humarap sa hipag. "Sasama ako, Kuya. Gusto kong tulungan kang kumbinsihin si Ate para bumalik dito sa bahay." Saglit na napaisip si Jav, sa huli ay pumayag na rin siya. "Let's go," sagot niy. Baka nga makatulong si Elaine na mapauwi ang kanyang asawa. Napabaling siya ng tingin kay Neng. "Ikaw na muna ang bahala sa bahay, Neng." "Sige po, Kuya. Sana makumbinsi n'yo si Ate na umuwi na ulit dito sa bahay," tugon naman ni Neng. Tumalikod na si Jav at nagmamadali na lumabas ng bahay. Pupunta sila kina Tess. Malakas ang kutob niyang doon unang tatakbo ang asawa. Ang mga kaibigan nito ang unang sandalan ni Elorda kapag may tampo o problema. Tahimik lang si Elaine habang nakasunod sa bayaw. Ramdam niya ang kaba sa dibdib, hindi dahil sa takot kundi dahil sa bigat ng sitwasyon. Alam niyang hindi ganoon kadaling kumbinsihin ang Ate niya na bumalik, lalo na kung matigas na ang loob nito. Pagdating nila

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   161

    "DESIDIDO ka na ba talagang umalis dito sa apartment, Elorda? Puwede ka pa namang mag-stay pa ng ilang araw dito," paniniyak na tanong ni Tess. Nagpaalam si Elorda kay Tess dahil alam niya na pupuntahan sila ni Jav sa apartment ng kaibigan. Kung makakaalis na sila ay hindi na sila aabutan pa nito. Baka lumambot lang ang puso niya at makuhang muling bumalik sa bahay nila. Gusto niya munang makapag-isip-isip. Nag-uumapaw na ang sakit sa kanyang kalooban. Ayaw niyang dumating ang araw na mawawala ang pagmamahal niya para kay Jav. "Alam mo naman ang sitwasyo ko. Ayoko sanang umalis at dumito na lang. Kaya lang hindi talaga puwede. Ayoko munang magkrus ang landas namij ni Jav sa ngayon." "E, paano kayo ng mga bata? May pera ka ba? Mahirap naman umalis na wala ka man lang baon," ani Tess. Nag-aalala rin siya sa magiging kalagayan ng mag-iina kung lalayo muna ang mga ito. Hindi madali na mayroon siyang bitbit na dalawang bata. "Mayroon akong pera. May mga naipon ako, galing sa kita nati

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   160

    TUMATAKBO si Neng na pinuntahan ang kanyang amo, sa lalim ng kanyang tulog ay hindi niya namalayan na wala ang kanyang mga alaga. "Kuya Jav! Kuya!" malakas na tawag niya at kumatok nang walang patid sa pinto. Napabangon bigla si Jav. Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mga mata habang papalapit sa pintuan. "Sandali..." sagot niya. Wala pa siyang maayos na tulog dahil sa pag-alis ni Elorda. Hindi niya napigilan ang asawa na 'di siya iwanan. Nang mabuksan niya ay pinto ay ang mukha ni Neng na takot na takot. "K-Kuya, nawawala po sina kambal. Wala po sila sa crib nila. Hindi ko alam kung sino ang kumuha," balita niya na hingal na hingal. Napahawak pa si Neng sa kanyang dibdib. Wala namang reaksyon si Jav sa sinabi ng yaya ng kaniyang mga anak. Alam na niya, isinama ni Elorda ang kambal sa pag-alis. Lumalapit naman si Elaine. Nagtataka kay Neng at Jav. "Anong nangyari, Neng?" Napalingon ang dalaga kay Elaine. "Wala po ang kambal sa kuwarto. Hindi ko po alam kung sino ang kumuha."

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   159

    NAPATIGIL si Elorda sa hagdan at ibinaba ang kanyang maleta. Impit siyang umiyak. Humikbi nang walang ingay. Ayaw niyang marinig ng asawa ang kanyang hagulhol. Napasulyap siya sa gawi ng kuwarto nilang mag-asawa. Ang hirap sa loob ng gagawin niya, kahit siya ay parang mamatay. Pero kailangan para sa ikatatahimik ng kanyang kalooban. Hindi na niya nakayanan pang lunukin ang lahat. Nagkapatong-patong na sa isip ang mga alalahanin niya. Palagi na lamang siyang nagpaparaya, umiintindi at umuunawa sa sitwasyon. Parang gusto niyang siya na lang muna, kasama ang mga anak niya. Binalikan ni Elorda sina kambal sa kuwarto. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang mahimbing ang tulog ni Neng sa kama. Maingat niyang nilapitan sina kambal sa crib. Tulog na tulog ang dalawa niyang anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha nina Uno at Dos. Kahit na hirap na hirap ay binuhat niya ang dalawang bata. Maingat ang kanyang galaw. Napakislot pa si Dos. Pinakiramdaman muna ni Elorda kung may kaluskos sa

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   158

    "MAHAL ko, buksan mo ang pinto..." katok ni Jav sa pintuan ng kuwarto nilang mag-asawa. "Pag-usapan natin 'to!" Sigaw na niya at malakas na kumatok. Natigilan si Jav nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad niyang nasilip si Elorda na nasa harap ng cabinet. Kinuha ni Elorda ang mga damit niya at pagalit na inilagay sa loob ng maleta. Pinapanood ni Jav ang ginagawa ng asawa. Marahas siyang napabuga ng hangin. "What are you doing? Saan ka pupunta?" Tumayo si Elorda at hinarap si Jav. Pinunasan ang mga luha niya sa mata. "Bahala na. Gusto ko munang huminga, Jav..." Napaamang si Jav sa naging sagot ni Elorda. "Huminga? Bakit? Ano bang nakakasal na ginawa ko sa'yo?" "Iyong mga tumatakbo sa isip ko, mga nararamdaman ko at iyong mga nakita ko. Lahat 'yon nakakasal! Ang sakit-sakit na, Jav. Ngayon lang ako naging ganito. Wala nang katahimikan ang mga iniisip ko..." sagot ni Elorda, bumuhos ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim upang mapigilan ang malakas na paghikbi. “Mah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status