Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Sa’yo ako. Sa’yo ako. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon. Anong sa akin pa rin siya? Imposible. Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig. Imposible. No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki. Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me? Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha? Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha. Maybe he is just making things up? Nakakainis. Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang n
“ I still have an effect on you.” Mahinang turan ni Greig.Dahan-dahang umawang ang labi ni Ysabela. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman na nangilid agad ang kaniyang mga luha.Bakit ganoon?Bakit hindi pa rin sapat ang limang taon para mabago ang epekto ni Greig sa kaniya? Sana… sana kaya niyang itanggi na hindi na siya apektado sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil alam niyang totoo ang sinabi nito.Hanggang ngayon, si Greig lamang, at tanging si Greig lamang ang kayang magpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Ito lamang ang kayang kumuryente sa kaniyang sistema sa isang haplos lang. Ito lamang ang tanging lalaki na magagawang buhayin ang akala niya’y manhid na damdamin.Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang titig na titig sa kaniya si Greig. Bumuka ang kaniyang bibig.“How could you awaken the love that I have forgotten already?” Nasasaktan niyang tanong.Bumakas ang gulat sa mga mata ni Greig.“Ano?”Iniangat niya ang mga
“Siguro tama si Archie.” Tinitigan siya ni Greig, puno ng pangungulila. “My heart would always find you. Kahit saang lupalop ng mundo, mahahanap kita.” Umiling siya, hindi alam ang sasabihin. “Even after death, I would find you. I’d fight for my chance just… to be with you again. Dahil mahirap at masakit mabuhay, kung wala ka.” Pero mahirap at masakit din mabuhay para kay Ysabela kung nariyan siya. Mariin na pumikit si Ysabela, nawawalan ng lakas na sumagot pa. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay ni Greig sa loob ng limang taon nilang pagkawalay sa isa’t isa. Siguro naging mahirap para kay Greig dahil sinisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya, samantalang nabuhay naman siya ng payapa at malayo sa mga bagay na makakasakit sa kaniya. Kung iisipin niya ng mabuti, naging maayos ang buhay niya sa piling ni Alhaj. Naging payapa. Naging matiwasay. Pero hindi siya naging masaya. Parang may kulang. Parang may kahungkagan sa puso niya na hindi kayang punan ni Alhaj. Marahang i
“Dad?” Pumasok si Niccolò sa kuwartong inuukupa ni Alhaj. Nakadapa ang lalaki sa kama, lasing na naman. Kahit na ganoon, umakyat pa rin si Niccolò at saka marahang tinapik ang balikat ni Alhaj. “Dad?” Marahang tawag ni Niccolò. Kagabi, cereal lamang ang kaniyang kinain. Hindi pa sila nag-aalmusal, alas nuebe na sa umaga at gutom na gutom na siya. Nang buksan niya ang refrigerator sa kusina, wala nang laman kung hindi frozen meats. Hindi niya pa kayang magluto kaya gigisingin na lamang niya ang kaniyang Daddy para ipagluto siya. “Daddy?” Katamtamang lakas ang idinagdag niya para magising si Alhaj. “Dad—” “Ano ba?” Galit nitong tanong. Nagmulat ng mga mata si Alhaj, at pinukol ng masamang tingin si Niccolò. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa kagigising niya palang. “What do you need?” Iritado niyang tanong. Napaatras si Niccolò, halatang natakot sa kaniyang naging reaksyon. “What?” Ulit niya, medyo napipikon dahil hindi nagsasalita ang bata. Alas quatro na
Nanginginig ang kamay ni Ysabela nang makita ang caller ID sa screen ng kaniyang cellphone. “Patrick!” Sigaw niya. Hindi pa siya nakakalakad ng maayos dahil mahina pa ang kaniyang katawan. Napapagod siya agad, kaya madalas nasa labas lamang si Patrick, Archie, o Greig. Naghihintay na tawagin niya kung sakaling kailangan niya ng tulong. Si Patrick ang sigurado siyang hindi umaalis ng bahay kaya ito ang palagi niyang tinatawag. Saktong pagkasagot niya ng tawag, pumasok naman ng silid si Patrick, nagtataka sa nagpapanic niyang sigaw. “Hello?” “Mommy?” Parang gumuho agad ang mundo ni Ysabela nang marinig ang boses ni Niccolò. “N-nics?” Nanginig ang kaniyang boses at agad na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. “Niccolò?” Tawag niya. “Mommy!” Narinig niyang umiiyak si Niccolò. Mahina, tila pinipigilan ang sarili na huwag gumawa ng ingay. Tatlong araw na simula nang malaman niyang tumawag si Niccolò at nakausap nito si Athalia, kaya simula no’n palagi na siyang nagbabantay sa
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina