“Congratulations, you are pregnant!”Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.“What are you thinking about?”Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital
Nanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa. "Hello——"Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nit
Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Mr. Roa.”Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikur
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica
“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.“O-of course,” utal niyang sagot.Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."Kumunot ang noo ni Danica.“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.“Mi
Wala sa sariling naglakad paalis ng ospital si Ysabela. Pakiramdam niya'y nahihilo na naman siya at mas lalo lamang namanhid ang kaniyang katawan.“Ma'am? Saan po ang punta niyo?”Iyon ang pumukaw sa pagkatulala niya. Dahan-dahan niyang binalingan ang taxi driver at saglit na natigilan sa simpleng tanong na iyon.Saan na nga ba?Ayaw niyang bumalik sa bahay ni Greig, iyon din naman ang patutunguhan, bukas o sa makalawa ay baka paalisin na siya ng lalaki.Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakatigil ay paos siyang sumagot.“Sa Nicolas village po.”May nabili siyang maliit na apartment sa village na iyon pagkatapos nilang ikasal ni Greig.Noong una ay plano niyang doon patirahin ang kaniyang Lola para mas madali niyang mabibisita at para na rin maalagaan niya. Maliit lamang ang apartment, ngunit mainam na sa dalawang tao.Naalala niyang ayaw ni Greig sa maliit na apartment na nabili niya, inalok pa siya nito ng mas malaking bahay bilang handog pero inayawan niya iyon.Mas gusto niyang bil
Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.“Greig, maghiwalay na tayo.”“What do you mean?” Malamig nitong tanong.Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na p
Tuluyang natigil si Greig at nagbaba ng tingin sa nakakapit niyang kamay sa braso nito. Nagtagal ang tingin nito at mas lalong dumilim ang emosyon sa mga mata nito.“Why?”Dahan-dahan niyang iniwas ang mga mata.“Natatakot ako.” Pagsisinungaling niya.Hindi na niya muling ibinalik ang tingin sa lalaki, natatakot siyang makita nitong nagsisinungaling siya. Napakawalang kwentang dahilan no’n, pero umaasa siyang makikinig sa kaniya si Greig.“I-inom ako ng gamot. Kaonting pahinga lang ay magiging maayos na ang pakiramdam ko. Napagod lang siguro ako.” Dagdag niya.Sinubukan nitong hagilapin ang mailap niyang mga mata pero mas lalo lamang niyang itinungo ang kaniyang ulo.Dahilan para makita lamang ng lalaki ang kalahati ng kaniyang mukha.Sa malapitan ay mas lalong napagtanto ni Greig na maliit lamang ang maganda nitong mukha. Mahaba at makurba ang pilik-mata, at tila may naglalarong anino sa ilalim ng mga mata nito. Dahil sa lagnat ay tila maputlang rosas ang kulay ng balat ni Ysabela, a
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya