Share

Black Card

"How dare you give us that trash? Oh naalala ko nga pala, basura ka lang pala na pinulot ng walang kwenta ko ding apo. Hindi ko kailangan ang walang kwenta at basura nyong regalo. Ito ba? Huh Clarence? Ito ba ang pinagmamalaki mo sa amin? Kung sana ay nakinig ka, hindi sana mapapahiya ng ganito ang pamilyang ito," Malakas na singhal ni Don Manolo 

"Kahit kailan talaga ay wala ka pa ring kwenta, kapatid," Mapang-uyam na sita ni Leonardo sa kapatid.

Napayuko na lamang silang dalawa. Mabilis na nilang pinulot ang mga bubog. Aksidenteng nasugatan si Eliza, dali-dali namang lumapit si Clarence at binalot ng panyo ang kamay nito.

"Ang mga kagaya ninyo ay hindi nababagay sa ganitong klaseng pagtitipon, nakakahiya kayo, tingnan nyo ang suot ninyo? Para kayong mamamalengke. Anong akala niyo sa anniversary namin? Palengke?..."

Galit na galit ang Donya, gayon din ang Don. "You useless bastard, hindi ka na nga nag-asawa ng matinong babae, ay nagkakalat ka pa, ikinakahiya kita bilang apo," Mabagsik na singhal ng Don.

Maging ang mga bisita ay hindi makagalaw dahil sa eksenang ito. Hindi nila alam na may ganito palang klaseng apo si Don Manolo. Ang kilala ng lahat ay si Leonardo lamang. Ngayon ay alam na nila kung bakit ayaw ng Don na ipakilala sa harap ng publiko ang pangalawang apo mula sa anak na panganay. Ito, ay dahil sa mababa ang tingin nito dahil lang sa nag-asawa ito ng babaeng mahirap.

"Ehw, loser! I never know that you have this disgusting siblings with you Leonardo," Maarteng singit naman ni Jenny at bahagya pang nagpagpag ng mga kamay.

Tumayo naman ang dalawa.

"Grandma, Grandpa, were sorry if we offended you with this gift of us. We will take this back then, Happy anniversary again, we were going," Magalang na hinging paumanhin ni Eliza. Pagtalikod nila, saka lang nya naalala na nasa harapan sila ng mga taong maimpluensya.

Hiya at pangliliit sa sarili ang naramdaman ni Clarence. Labis syang naaawa sa kanyang asawa, dahil sa kanya ay nagdudusa ito ng husto. Hindi man sila ganun kalapit sa isat-isa at civil lang din ang turingan nilang dalawa, sa loob ng tatlong taon nilang mag-asawa ay napalapit narin ang loob nya dito. Hindi man nila ginagawa ang ginagawa ng mga mag-asawa ay maayos naman ang relasyon nila.

Nagtataka nga sya kung bakit nagtitiis ito, gayong hindi naman nya ito pinipigilan kung sakaling maisipan na nitong sumuko.

Si Eliza naman ay labis na naaawa at nalulungkot para kay Clarence. Isang linggo din nilang pinaghirapang gawin ang regalong iyon, naalala pa nya kung gaano katamis ang ngiti ni Clarence matapos nilang mabuo ang masterpiece na ito.

****

Nang makarating sila sa maliit nilang tahanan, nakita nilang naghihintay na ang mag-asawa sa dalawa. Si Ginang Laila at Ginoong Ryle Garmet. Sila ang mga magulang nina Leonardo Garmet at ni Clarence Garmet. Mas pinili ng dalawa na sumama kina Clarence ng palayasin ang mga ito sa subdivision ng mga Garmet.

"Kumusta mga anak? Teka anong nangyari jan? Bakit nabasag?..." Takang tanong naman ni Laila. Agad naman na humalik ang dalawa sa pisngi ng mga ito.

"Hindi ba tinanggap ni Lola ang regalo ninyo?..." Mahinahong tanong ni Ginoong Rayle.

Malungkot naman na umiling sina Eliza at Clarence. Isang malalim na buntong-hinga lang ang pinakawalan ng mga magulang ni Clarence. Kita ng mga ito kung gaano naapektuhan ang kanilang anak. Hindi lingid sa dalawa ang pangmamaliit ng buong angkan dahil sa pagkadisgusto ng mga ito kay Eliza. Wala naman silang tutol sa kasal ng dalawa, Mabait at huwarang asawa ito na hindi nakikita ng lahat.

Palibhasa pera ang nagpapaikot sa buong angkan, ito rin ang dahilan kung bakit mas pinili nalang nilang umalis sa puder ng mga ito. Ngayon nga ay hindi sila nakatanggap maski imbetasyon. Isang invitation cards lang ang ibinigay at wala doon ang pangalan nilang mag-asawa. Sina Eliza at Clarence lamang ang pwedeng makapasok sa venue.

*****

Kasalukuyang nagtatrabaho si Clarence sa mismong kompanya ng mga Garmet bilang assistant manager. Sampung five star hotel at limang sikat na restaurant ang pagmamay-ari ng mga Garmet.

Si Don manolo ang kasalukuyang nagpapatakbo ng kompanya.

'Malapit na din pala akong pumili ng hahalili sa akin bilang CEO ng kumpanyang ito'

Sa isip ni Don Manolo ay alam na nya kung sino ang karapat-dapat. Hindi na kailangan pang pumili dahil malinaw kung sino ang susunod sa yapak nya sa mga apo.

*****

Meanwhile, Eliza was very depressed. Hindi nga sya nakapag-asawa ng mukhang pera, meron naman itong angkan na walang kasingsama at mukhang pera, mapanghusga at mababa ang tingin sa kapwa.

Maya maya ay biglang nagring ang kanyang telepono. Wala dito si Clarence dahil nagtatrabaho ito. Nakita nyang si Royle ang tumatawag. Isa sa mga bodyguard nya ng nasa mansion pa sya.

("Hello young lady," Magalang na bati sa kabilang linya.)

"Ano yun Royle? May problema ba jan?" Mahinahon kong tanong.

("Wala naman young lady, may ipinabibigay lang ang kuya mo sayo, nandito ako sa evergreen coffee and tea, malapit lang sa bahay ninyo," Magalang naman nitong sagot. )

"Ok I'll be there in five minutes," Mabilis na akong nagbihis at agad na lumabas ng bahay. Naglakad lang ako papunta sa sinasabi nyang shop. Pagkarating ko doon, nakita ko syang naka cup at nakasunglasses rin gaya ko. Naiintindihan ko naman ito, bilang isa sa mga pinakakilalang body guard ng mga Hernandez, kailangan din naming mag-ingat pareho sa mga mapanghusgang tao. Kilala sya sa buong kontinente bilang isa sa pinakamabagsik na bodyguard sa lahat, tanging ang Engrata Empire at ang mga angkan ng Hernandez lang ang may kakayahang kunin sya bilang bantay.

"Young lady," Magalang nitong bati. Tumango lang si Eliza at agad ng naupo.

"Young lady, binili ni young master Daniel ang Engrata Empire, pinangalan nya ito sayo, magmula ngayon ay ikaw na ang nagmamay-ari ng higanteng kompanyang iyon. Nais nya din ibigay sayo ito," Pinakita nya kay Eliza ang isang Black card. Sa buong bansa, dalawa lamang ang may hawak nito, ang kuya nya, at ngayon naman na pagmamay-ari na nya ang Engrata Empire ay meron na rin sya nito.

Ang Black card ay walang limitasyon ang paggamit, kahit umabot pa ito sa ilang trilliong dolyar.

Napakunot ang noo ni Eliza, Bakit naman kaya naisipan ng kuya nyang bilhin ang kumpanyang iyon...?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status