Share

Engrata Empire

Napakunot ang noo ni Eliza, Bakit naman kaya naisipan ng kuya nyang bilhin ang kumpanyang iyon?

"Bakit nya naman naisipang bilhin ang kumpanyang iyon? Beside, I can handle myself pa naman," Tama, mukhang kaya pa naman ng powers ko.

Pero napaisip ako, ano nga bang halaga ng perang pag-aari ko kung hindi ko naman gagamitin. Sa mga nangyaring eskandalo kahapon, maging sa lahat ng masasakit na mga salita at pang-iinsultong nakuha ko this past three years, siguro naman ay tama na yon para ako naman ang kumilos. Lagi nalang bang sila? Kinuha ko ang card at mabilis na itinago sa suot kong jacket.

"Young lady, pwede mo na pong itake over ang company bukas na bukas. Sir Joshua and Rianna prepared everything for you," Nakangiti nitong sambit. Tumango lang ako at mabilis na umuwi. Pagkarating ko ay wala pa din akong nadatnan maski isa sa tatlo. Maaga pa naman, magluluto nalang ako ng hapunan. Madalas kasi na ganito ang senaryo sa bahay, dahil parehong nagtatrabaho ang tatlo sa Garmet Hotel and restaurant company. Ayaw naman akong tanggapin kahit waitress lang doon, kaya minabuti nilang stay at home nalang daw ako.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat na muna ako sa kwarto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

****

Pagkauwi ni Clarence sa bahay ay tahimik sa loob, umakyat sya sa kwarto nilang mag-asawa. Nakita nyang natutulog si Eliza.

'Nabored siguro kakahintay' Napangiti nalang si Clarence habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ng kanyang may-bahay.

Napaswerte raw nya dahil sya ang pinakasalan nito, hindi man sila ganun kaentimate, pero naniniwala syang darating din ang panahong yun.

Hindi nya napigilang haplusin ng marahan ang mukha ng kanyang asawa. Nabigla sya ng bigla itong nagising.

"Andyan ka na pala Clarence, sila mom and dad nandyan na ba?" After she finish asking they heard a loud shout galing sa baba.

"Were home!" Malakas na sigaw ni Laila. Rinig na rinig sa buong kabahayan ang masigla nitong boses.

Napangiti nalang ang dalawa at mabilis na bumaba. Pareho silang b****o sa mga ito. Agad naman na pumunta si Eliza sa kusina para maghain. Sumunod naman agad si Clarence at tinulungan ang asawa. Maya-maya lang ay nagsimula na ang masiglang kwentuhan ng pamilya. Ito ang isa sa mga gusto ni Eliza, nabiyayaan sya ng mababait na biyenan at asawa. Hindi sya nagsisi sa kabaliwan, noong pumayag syang magpakasal sa isang estranghero. Biglaan din kasi ang lahat ng pangyayari, nagising nalang syang asawa na pala sya ni Clarence Garmet.

*****

Kinabukasan, alinsunod  sa araw-araw na gawain, ay naiwan na namang mag-isa si Eliza. Hinintay muna nyang umalis ang lahat bago lumabas ng bahay. Agad syang nagpara ng taxi papuntang Engrata Empire.

Hindi man sinasadya, sa kinamalas-malasan ay natyempuhan nya ang magfiance na sina Jena Garmet at Rafael White. Sa kagustuhan nyang umiwas ay aalis na sana sya at dadaan taliwas sa daang tinatahak ng dalawa. Ngunit sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana, nang tatalikod na sana sya ay sya namang pagsulyap ni Jena sa gawi nya.

Malakas sya nitong tinawag.

"Eliza!" Ayaw nyang maging bastos kaya napilitan syang huminto at hintayin ang mga ito na maabutan sya.

"Oh? Ano naman kayang ginagawa ng hampas-lupang kagaya mo sa lugar na gaya nito? Alam mo bang hindi ka nababagay dito?" Walang pagdadalawang isip na pambabara ni Jena.

"Haha! Tama, ang mga kagaya nyo ay parang langaw lang sa lugar na ito, kung ako sayo mamalimos ka nalang, baka sakaling kumita ka pa ng isang libong dolyar sa isang buwan," Mapang-uyam naman na dugtong ni Rafael.

"First of all, anong gagawin ko dito? baka kumain. Kasi restaurant to eh! Nakikita nyo nang kumpanya to, malamang mag-aaply," Pabagsak na sagot ni Eliza.

Tumaas naman ang kilay ni Jena sa inasta ni Eliza. Nanibago sya, dati rati ay hindi lamang ito kumikibo kahit pa harap-harapan mong ihampas sa pagmumukha ang salitang basura. Tahimik lang itong yuyuko at aalis.

"So, matapang ka na pala ngayon basura? Bakit hindi mo sabihin sa akin ang dahilan ng pagmamatapang mo. Mag-aaplay? Seryoso ka ba? Tingnan mo nga yang suot mo? Damit pa ba yan ng matinong tao? Yuck! Mangarap ka ng dilat girl, kahit siguro lumuhod ka o di kaya humalik sa paa ng CEO ay hindi ka matatanggap sa mga ganitong klaseng lugar. Dapat nag-aplay ka nalang bilang street sweeper, baka pwede pa," Labis na pang-iinsulto na ang nakukuha ni Eliza sa dalawang bastos na nilalang na ito.

"Alam mo ba kung anong gagawin namin dito? Peperma lang naman kami ng panibagong contrata ng mga White sa Engrata Empire. At nandito ako para suportahan sya," Nakangisi pa nitong dugtong.

"Talaga? Masyado naman atang mataas ang tingin nyo sa sarili nyo? Kung titingnan, ay para lang kayong mga langaw na nagpupumilit tumungtong sa likod ng kalabaw. Wag kayong pakakasiguro, baka mamaya ay ito na pala ang huling tungtong nyo sa lugar na ito," Nakangising sagot naman ni Eliza.

Pagkatapos ay mabilis na syang pumasok sa loob, derederetso sa VIP elevator. Naiwang nagsisigaw ang dalawa sa labas. Pagkapasok nila ay nagtataka nilang hinanap kung nasaan na si Eliza ngunit wala silang nakita.

"Where the hell is that bitch!" Gigil na gigil na bulong ni Rafael. Sa buong buhay nya ay ngayon lamang nabastos ang pagkatao nya. Halos lahat ay nagkakandarapang mapalapit sa kanya, maging kaibigan sya o maging ka partner sa project. Lahat nagkukumahog na makuha ang atensyon nya, yet that girl. She has the guts to oppose me and my power.

Samantala ay ganun din ang nararamdaman ni Jena. Sa isip nya ay talagang may araw rin si Eliza. Hindi sya papayag na malamangan ng isang basura at hampas-lupang kagaya nito.

Nandito sila nakapila sa recievers area, marami-rami rin ang mga nakapila kabilang na ang family Garcia.

*****

Samantala, mabilis na nakarating si Eliza sa kanyang opisina. Nadatnan nya sina Joshua and Rianna na nagtatalo. As usual, hindi na bago sa kanya ang ganitong senario. Ng mapansin ng dalawa ang kanyang pagpasok ay  biglang nanlaki ang mga mata ni Rianna. Agad itong mabilis na tumakbo papunta sa kanya, "Young lady, waaah! Ikaw nga talaga ito young lady, huhuhu akala ko po ay hindi na tayo magkikitang muli," Oa naman talaga ng babaeng to.

"At bakit naman hindi tayo magkikita? Bakit mamamatay ka na ba?" Pabalang na biro ko dito na ikinasimangot naman lalo ng mukha nito. Narinig pa namin ang mahinang halakhak ni Joshua.

"Pinagtatawanan mo ba ako gunggong!..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status