Share

The Scandal

"Pinagtatawanan mo ba ako gunggong!"

Napailing nalang si Eliza, para talagang aso't pusa ang dalawa itong. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanya kaya kilalang-kilala na nya ito.

"Stop that! We have something important to do, by the way Rhia, may kontrata daw na pepermahan ang mga white tama? At may mga pending project din sila sa kompanyang ito?" Tanong ni Eliza. Umupo sya sa kanyang upuan at pinaikot-ikot ito habang nakatingin sa dalawa.

"Yes young lady, matagal na silang nagtatrabaho bilang isa sa mga partners ng Engrata Empire, marami narin silang natapos na mga kontrata at meron ding mga ongoing, bakit natanong mo young lady?..." Tanong naman ni Rianna.

"Cancel all of it including all the ongoing and not yet signed. Drag them out to my company, at magmula ngayon ay wala na silang karapatang tumungtong o magpakita ng pagmumukha dito sa Engrata Empire understand?..."

Mabilis namang tumango ang dalawa. Lumabas si Joshua para gawin ang trabaho.

******

Samantala, sa waiting area ay kabado ang lahat, ilang oras na kasi silang naghihintay ngunit wala paring nagpapakita maski isang staff man lang para harapin sila.

Maya-maya, bumukas ang pinto, mula sa malungkot at kabadong mukha ay napalitan agad ito ng excitement. Nag-uunahan pang makalapit sa pinto na para bang hindi mga professional. Nagtutulakan pa, malakas na itinulak ni Jena ang isang babae at dinuro pa, "Ikaw, hindi mo ba kilala tong kasama ko? Sya lang naman si Rafael White, kaya umayos ka..."

Nanginginig namang tumiklop ang babae. Tinulungan syang itayo ng kasama habang masamang nakatingin kay Jena.

"Tinitingin-tingin mo! Tusukin ko yang mata mo gusto mo?..." Singhal naman ulit nito.

Biglang may lalaking pumasok, si Joshua, kasama nito ang ilan  mga guard.

"Rafael White?..." Ang baritonong tinig nito ang nangingibabaw sa buong silid.

"It's me, why?..." Sagot naman agad ni Rafael. Sa pag-aakalang sya ang naunang tinawag kahit na huli syang dumating, ay lumakas lalo ang kumpyansa nya sa sarili. Taas noo pa itong lumapit kay Joshua.

"Maaari ka ng umalis, Miss Rianna want to inform you that Engrata Empire will cancel all the up coming and ongoing contract White family has in Engrata Empire, we don't want to work with the White family anymore, as per order of the new CEO..." Walang prenong sabi ni Joshua.

Parang bombang sumabog ang mga katagang iyon, matagal bago magproseso sa kanyang isipan ang lahat ng sinabi ng taong kaharap nya. "What? Are you all crazy? Who is she to cancel all the contract we've made with your company? She's not even the owner nor the CEO, yet she has the got to do this to us? Are you f*cking humilliating us?..." Malakas na sigaw nito. Dinuro-duro pa si Joshua na walang pakialam na nakatingin sa kanya.

"I want to talk to the new CEO..." Naputol ang kanyang pagwawala ng biglang tumunog ang kanyang telepono, nakita nya ang pangalan ng caller id, ang daddy nya ang tumatawag...

"Hello da..." Hindi pa nito natatapos ang kanyang sinabi ng malakas na singhal agad ang bumungad sa kanya...

("Who the hell did you offend! You useless bastard! Engrata Empire cancel all the upcoming and ongoing contract with us, come back home now and settle this f*king things!...")

Hindi na sya nakasagot pa at binagsakan na sya ng telepono. Parang lantang gulay syang binitbit ng gwardya palabas. Nakasunod naman si Jena na nagpupuyos ng galit. Para lang silang basura kung itapon ng mga ito sa labas. Hindi na nga sya nakapalag ng hilain sya ng babaeng gwardya at pakaladkad na dalhin sa labas. Binagsak pa ang gate sa mismong pagmumukha nila.

"Hey! Rafael, hoy! Rafael ano ba.. nakakahiya, umayos ka nga pwede ba?..." Pagalit na utos nya dito. Hindi padin kasi ito tumatayo mula ng ibinagsak ito ng gwardya, para bang hindi parin ito nagigising sa masakit na realidad ng kabiguan.

Biglang sumagi sa isipan ni Rafael si Eliza, lumaki ang kanyang mga mata ng maalala ang huling sinabi nito. Hindi kaya ito ang may kagagawan ng lahat ng ito? Pero...hindi! Hindi maaari, ang isang hampas-lupang kagaya nya ay walang kakayahang gawin ito sa mga kagaya nila.

Iniling-iling pa nito ang ulo ng maraming beses. Labis naman itong ikinainis ni Jena, para na itong baliw kung titingnan, kinakausap pa ang sariling mag-isa. Mabilis nyang hinaklit ang kwelyo nito at padarag na itinayo, tinampal nya ang pisngi nito para magising.

Bigla nga itong umayos, tiningnan sya ng matiim at tinalikuran. Mabilis naman syang sumunod ng walang sali-salita. Tahimik nilang binagtas ang daan pauwi, parehong nagngingitngit ang mga ngipin sa gigil. Hindi nila alam na darating sila sa puntong mapapahiya sila ng labis, mismo sa harap pa ng ibang mga matataas na tao.

******

Natatawang pinanood ni Rianna at Eliza ang kaganapan sa labas.

"Hahahaha priceless, their face is priceless young lady! Akala ko ay tuluyan ng mababaliw si Rafael dahil doon..." Natatawang sambit nito. Marami ang kumuha ng litrato at vedeo sa pangyayayari, natitiyak ni Eliza na wala pang isang segundo ay kakalat na ito sa buong Erandale.

Biglang bumukas ang pinto, pumasok si Joshua ng may malaking ngisi sa mukha. "Mayabang nga talaga young Lady, dapat lang talaga sa mga ganung tao ay maturuan din ng leksyon paminsan-minsan," Mapagmalaki nitong sambit.

Napangiti naman agad di Eliza.

'Serves you right," Isang ngisi ang kanyang pinakawalan.

*****

Samantala, ilang segundo lang bago mangyari ang insidente, the issue spread like a wild fire. The vedeo of the said issue was post on the bulletin board, in the social media and even in the news, it was branded as the Breaking news. Napamulagat ang dalawa ng makita nila ang kanilang pagmumukha na nagpaplay sa malaking bulletin sa public place.

Mas lalo pang nadagdagan ang pagkapahiya ni Rafael, maging si Jena din ay ganon. Sa buong buhay nya, ngayon lamang may nagtangkang ipahiya sya na halos wala ng matira sa kanya.

"This is f*cking insane! Who the hell did this!" Galit na pinagtatanggal nila ang mga poster na may mga mukha nila sa mga bulletin at poste.

Sa bahay naman ng mga Garmet, hindi makapaniwala ang lahat sa napapanood, kahit sa pagtatanggal at pagwawala ng dalawa sa kalsada ay may vedeo parin na kumukuha ng palihim. Pinapanood ito ng buong bansa.

Hindi akalain ng pamilya Garmet na masasangkot sila sa isang malaking eskandalo na ginawa ng mga White...

*****

Masaya namang umuwi si Eliza, ng biglang...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status