Share

Fall In Love With The Stranger
Fall In Love With The Stranger
Author: Angel_266

The Garmet Founder Anniversary

Today, is the 50th wedding anniversary of Garmet family founder. Nakangiting sumalubong sa harap ng mga bisita ang mag-asawang Donya Cochita at Don Manolo. Lahat ng dumalo ay gustong mapalapit sa pamilya Garmet, gustong magkaroon ng connection para umangat ang antas sa lipunan. Isa ang pamilya Garmet sa pang walo (8) na pinakamayaman sa buong Erandalel. Kumikita ng mahigit  dalawampung milyong dolyar bawat buwan.

Lahat ng pamilya Garmet ay naghanda ng ibat-ibang mamahaling regalo para sa mag-asawa, para narin mas matuwa pa sa kanila ang kanilang lolo at lola.

Taas noong pumasok ang magkapatid at naglakad sa bulwagan, habang bit-bit ang isang may kalakihang lion figurine na gawa sa purong ginto. Sina Rico at Rica, kambal na anak ng panganay ng mga Garmet. Nakangiti itong lumapit sa mag-asawa upang ihandog ang kanilang regalo.Humalik muna sila sa pisngi ng dalawang matanda bago ilahad ang kanilang regalo

"Happy anniversary Grandma and grandpa, dala po namin ang isa sa pinakamahal na lion figurine, nag-iisa lamang po ito at gawa pa sa purong ginto. Inubos po namin ang aming allowance para bilhin po ang figurine na ito, nagkakahalaga ito ng mahigit kumulang sampong milyong dolyar," Mapagmalaking paliwanag ni Rica.

The croud gasped in awe. Hindi nila alam kung anong pakiramdam ng makahawak ng ganon kamahal at kagandang na regalo.

Malaking ngiti naman ang sinagot ng dalawang matanda, sunod na lumapit ay sina Jena Garmet at ang kanyang fiance na si Rafael White, Isa ang mga White sa ikapitong pinakamayaman sa buong Erandale. Dala naman nila ang isang figurine na gawa sa pinakamahal na jade.

"Happy anniversary for the both of you, Grandma Conchita at Grandpa Manolo. For you! Isa itong Ice jade figurine. This is made from the most finest Jade, binili ko ito sa halagang dalampong milyong dolyar," Nakangiti namang turan ng lalaki, abot tenga naman ang ngiti ni Jena ganun din ang mag-asawang Garmet.

Sunod na lumapit ay sina Benita Garmet kasama ang kanyang fiance na si Nero Judson, nasa ikapitong bahagdan din ang antas sa lipunan gaya ng kay Rafael White. Dala naman nito ang couple ring na mayroon pang itim na dayamante. Isa ito sa pinakamahal na singsing.

Mas lalong napanganga ang mga bisita sa kanilang nasaksihan.

"Happy anniversary Grandma and Grandpa, this is my humble gift to you. This couple ring suit to the both of you so much. Gawa ito sa pinakamahal na dyamante at binili ko ito sa halagang dalawampot-limang dolyar," Doon na mas lalong hindi magkamayaw ang mga bisita.

Nainis naman si Rafael dahil hindi nya aakalaing mag-aaksaya ng ganoon kalaking halaga si Nero para lang sa okasyong ito.

Sunod na lumapit ay ang pangalawang apo ng mga Garmet, si Leonardo Garmet kasama ang fiance na si Jenny Garcia, ang mga Garcia ay ikaanim sa pinakamayaman sa bansa. Taas noo itong naglalakad na para bang para sa kanya ang pagdiriwang na ginaganap, agaw pansin ang nagkikintabang dyamante sa suot nitong damit at kwentas. Mayroon din itong maraming alahas na nakakabit sa katawan.

Dala-dala ng dalawa ang isang may kaliitang kahon. Nakangiti ito na lumapit sa Mag-asawang Garmet, humalik sa pisngi at binuksan ang dalang kahon.

The crowd again berserk, nasa loob lang naman ng kahon ang isa sa pinakamahal at limited edition na Jade Emerald pendant at ang pinakamahal na Royal Royce watch.

"Happy anniversary Granny and Grandpa, this pendant is one of the limited edition at bagong labas ng Engrata Empire, this was cost forty milyon dollar, yeah this one must suit you Granny and this Royal Royce watch also cost forty dollar too, this one is for you Grandpa," Maarte nitong paliwanag. Halata sa mata ang pandidiri at pangmamaliit sa mga bisita.

"Wow, grabe," Bulalas naman ng iba.

Walang mapagsidlan ng tuwa ang mag-asawa, naisip nila kung gano sila kaswerte na nagkaroon ng mga in-laws na mayayayaman at galante.

Biglang tumahimik ang lahat ng lumapit ang mag-asawang Clarence at  Eliza. Dala nila ang isang simpleng kahon na halatang mumurahin lamang. Pilit ang ngiting lumapit ang dalawa sa mag-asawa. Labis na nanliit ang dalawa sa mga regalong nauna, hindi sila sigurado kung tatanggapin ba ito ng mag-asawa.

"Grandma and Grandpa, happy anniversary, please accept this humble gift of us. Hindi man ito ganon kamahal ay galing naman ito sa puso namin, at pinaghirapan naming gawin," Mahinahong wika ni Eliza.

Matagal bago kinuha ng Donya ang hawak ni Eliza, halos mangalay na sya sa kakatayo at namamanhid narin ang kamay nya. By the sight of this poor and filthy couple, ay gusto na nitong masuka. Ganun kababa ang tingin nito sa mga mahihirap, parang Basahan lang na matapos ipunas ay basta nalang itatapon sa basurahan.

Mayamaya, ay tila nandidiring kinuha ng donya ang hawak ni Eliza at ibinagsak sa lamesa. Bumukas ang kahon at nalag-lag ang isang picture frame. Nakapaloob doon ang guhit kamay ng dalawa, iginuhit nila ang mag-asawa habang magkaakbay at nakangiti sa isat-isa. Dahil sa pagkalag-lag, nabasag ang salamin ng frame.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa, halos maiyak naman si Eliza na lumuhod sa harap ng dalawa at pinulot ang mga bubog. Mas lalong nagalit ang mag-asawa. Pakiramdam ng dalawang matanda ay ginagawa silang bata ng dalawa sa harap ng lahat. 

,Kahit kailan ay wala talagang kwenta ang dalawang hampas-lupang ito' Isip -isip ng Donya.

So Eliza naman ay maluha-luhang pinulot ang frame. Tinulungan sya ng asawa na madilim din ang pagmumukha. Isang linggo din nilang pinaghirapan ang regalong iyon ngunit ganun nalang kung tanggihan at pandirihan ng mga ito? Ano bang klase ng utak mayroon ang pamilyang ito? Buti na nga lang at hindi nila katulad si Clarence, na gahaman at sakim pagdating sa mga materyal na bagay. Ano bang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng mga mamahaling alahas, o kaya ay mamahaling figurine kung sa paglipas ng panahon ay kukupas din ito. Binili lang ito ng pera ng walang halong pagod at pawis. Hindi galing sa puso, puro pasikat lang naman ang alam ng mga ito.

"How dare you give us that trash? Oh naalala ko nga pala, basura ka lang pala na pinulot ng walang kwenta ko ding apo. Hindi ko kailangan ang walang kwenta at basura nyong regalo. Ito ba? Huh Clarence? Ito ba ang pinagmamalaki mo sa amin? Kung sana ay nakinig ka, hindi sana mapapahiya ng ganito ang pamilyang ito..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status