JAIRAH’S POV
*unat *unat*
Napakasarap talaga matulog. Kung hindi lang dahil sa sinag ng araw hindi ako magigising ngayong umaga. Ano na bang oras na? Pagtingin ko sa wall clock ko ay hindi na pala ito naandar. Nakalimutan kop ala magpabili ng battery kay Ate. Nasan na ba phone ko? 7:30 am pa lang pala.
ANO??!! 7:30 NAAAAA!!
Mayayare ako nito kay ate. Magtitinda nga pala ako ng pandesal dapat kanina pa akong ala-5 ng umaga gising. Bakit hindi ako ginising ni ate? Nandito ba siya?
Dali-dali ako bumangon at iniwan ang higaan ko. Mamaya na lang ako mag-iimis. Hinanap ko ang tuwalya ko. Nasaan ka na ba? Wait, maliligo pa ba ako? Mamaya na nga lang. Maghilamos na lang ako. Kailangan ko na magmadali.
Pagkatapos ko maghilamos ay nag toothbrush naman ako. Nagpalit ng damit na medyo oversized at short na above the knee. Suklay ng kaunti, ipupusod ko na lang. Okay na ‘to. Bumaba na agad ako dahil baka maratrat ako ni ate. Pero pagbaba ko ay wala akong nakita kahit anino ni ate. Umalis ba siya? Nakita ko naman sa kusina ang lagayan ng mga pandesal at may nakapatong na sulat sa ibabaw nito.
Jai,
Aalis lang saglit si Ate ha. May interview ako ngayon. Ikaw na muna bahala sa pagtitinda. Dapat maubos mo yan. Uwi ka agad pagkatapos mo magbenta.
-Ate Sam
Ate naman. Ako naman laging bahala sa pagtitinda nito eh. Ako kaya lagi mong pinagbebenta. Hay nako. Makapagsimula na ngang magbenta. Kailangan maunahan ko si ate sa pag-uwi kung hindi, malalaman nun na tinanghali ako ng gising.
“Pandesal! Bili-bili na kayo! Masarap na mura pa!”
Konti na lang ang pandesal ko dahil marami-rami na rin ang bumili sa akin ngayon at marami silang binili. Nakikiayon sa akin ang tadhana.
“Jai!” Si Aling Marie pala.
“Tinanghali ka yata ngayon?” puna niya.
“Tinanghali po kasi ako ng gising,” dahilan ko.
“Naku, mayayare ka sa ate mo niyan.”
“Kaya nga po binibilisan ko na magbenta para maunahan ko siya umuwi.”
“Ikaw talagang bata ka. Oh, pabili ulit ako ng 50 pesos.”
Bumaba naman ako ng bike at kumuha ng supot na paglalagyan ng pandesal. Binuksan ko na ang lalagyan at kumuha ng pandesal. Buti mainit-init pa kahit papaano. Pagkakuha ko ng mga pandesal ay binigay ko na kay Aling Marie.
“Ito na po yung pandesal niyo.” Inabot naman niya sa akin ang bayad niya.
“Salamat, Iha. Ingat ka sa pagba-bike ha. Bukas ulit.”
“Maraming salamat din po,” nginitian naman niya ako at pumasok na siya sa bahay niya.
Hindi na iba sa amin si Aling Marie. Katulad ng sabe ko, suki namin siya pero hindi lang basta suki. Parang pangalawang nanay na rin namin siya ni ate. Siya yung tumulong sa amin noon nung walang-wala kami ni ate. Kaya napalaki ng utang na loob namin sa kanya. Kahit na ang sama ng ugali ko, pagdating sa kanya nagiging mabait ako.
Tamang-tama at ubos na rin sa wakas ang pandesal na tinda ko. Pagtingin ko sa phone ko ay 9am na pala. Kaya binilisan ko na ang pagbabike ko. Kailangan ko maunahan si ate sa bahay. Kanina pa nga text ng text, hindi ko na lang nirereplayan.
Paliko na ako sa may kanto sa amin ng biglang may isang lalaki ang tumawid sa harapan ko kaya naman nawalan ako ng control at balance kaya nagtaob ako.
“Aray!”
“Aray ko!”
Nakita kong tumayo ang lalaki at lumapit ito sa akin.
“Miss, sorry. Hindi ko sinasadya,” sabi nito.
“Sorry? Sana kase bago ka tumawid, marunong kang tumitingin sa dinadaanan mo?” pagtataray ko.
“Nagso-sorry na nga yung tao eh tapos tatarayan mo pa.”
“Wow! Eh kung tinutulungan mo sana ako makatayo eh nho?”
Inabot naman niya ang kamay niya. Nag-aalinlangan pa akong hawakan ito dahil baka bigla akong bitawan.
“Magpapatulong ka ba tumayo o tititigan mo lang kamay ko ?”
Sinamaan ko na lang ito ng tingin at hinawakan ang kamay para makatayo ako. Pinagpagan ko ang sarili ko dahil ang dumi-dumi ko dahil sa pagbagsak sa bike.
“Sorry ulit. Bago lang kasi ako sa lugar na ‘to. By the way I’m--”
“I’m not interested.” Pasakay na ulit sana ako sa bike ng tawagin niya ulit ako.
“Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo,” wika niya, “Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?”
“Ang O.A mo po. Malayo ‘to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak.”
Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya at nagsimula na magbike. Napaka overacting naman niya. Palibhasa wala siyang sugat. Alam niyo kung bakit? Kase nakaiwas agad siya sa bike ko kaya ang ending, ako lang yung nasaktan. Maya-maya pa ay tumunog na naman ang cellphone ko, si Ate tumatawag. Tumigil muna ako saglit sa isang tabi at tiningnan kung sino ang natawag.
“Hello, ate.”
“Hello. Nasa bahay na ako. Bakit wala ka pa?”
“Malapit na. Pauwi na ako.”
“Sige. Bilisan mo.”
Nilagay ko agad ang phone ko sa bulsa at nagmadali na magbike para makauwi na. Good mood yata si ate. Baka natanggap na siya sa trabaho o baka naman mukha lang pero pagdating ko sa bahay, katakot takot na ratrat naman ang sasalubong sa akin. Grabe naman mga theories mo, Jai. Bilisan mo na lang ang pagpidal.
AGA’S POVPasakay na sana siya ng bike ng makita ko yung tuhod niya.“Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo. Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?”“Ang O.A mo po. Malayo ‘to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak.”Napaka taray naman nung babae na yun. Ako na nga nagmamalasakit dahil alam kong ako ang mali pero inaway pa ako. Bahala nga siya. Kailangan ko na magmadali dahil male-late na ako sa school. 9am na tapos ang klase ko 10am. Kung hindi lang dumating yung babae na yan kanina pa ako nakasakay.Ako nga pala si Agassi Ching. Aga for short. Twenty-six years of age. Fourth year college na ako at nagte-take ng HRM na course. My mom is pure Filipino while my dad is a Japanese. Ang pangalan ng mom ko is Aimi Ching at Akihiro Ching naman sa dad ko. Wala akong kapatid kaya o
JAIRAH’S POVPagkarating ko sa bahay ay nilagay ko na ang bike ko sa isang gilid sa may terrace namin. Nakita ko si ate na nagluluto na ng pagkain para sa tanghalian namin.“Bakit ngayon ka lang?” narinig kong tanong ni ate na nasa kusina. Naramdaman siguro niya na nandito na ako.“Ehh kasi--““Eh kasi ano? Tinanghali ka na naman ng gising o tinamad ka lang gumising ng maaga?”“Tinanghali ako ng gising kaya late na ako nakapagtinda.”Binitawan niya yung sandok at lumapit sa akin.“Ash naman, di ba sabe ko naman lagi sayo mag-alarm ka para hindi nale-late ng gising? Tapos nagkataon pa na maaga ako umalis kaya hindi kita nagising.”“Nakalimutan ko mag-alarm.”“Ayan na nga lang gagawin mo, hindi mo pa magawa. Ayan
AGA’S POV*kring kring*Nagising ako ngayon dahil sa may tumatawag. Sino ba ‘to? Agang aga naman eh.“Hello,” wika ko.“Hello, Hiro. Nasaan ka na?”Pagtingin ko sa cellphone ay si Lance pala ang natawag.Patay! May gagawin nga pala kaming report ngayon.“On the way na.”“Gasgas na yang linya nay an. Halatang kakagising mo lang.”“Sige na. Liligo na ako.”“Sige. Bilisan mo na.”Pinatay ko na rin yung tawag. Sabado ngayon kaya nawala sa isip ko na may gagawin kaming report. By group yun, nagkataon na kaming tatlo nina Lance at Kenneth ang magkakagrupo.Nag-online muna ako. May chat pala sila kagabi sa groupchat. Maaga ako natulog kagabi kaya hindi ko na nakita ‘to. Maaga naman ako natulog pero tinanghali pa rin ako ng gising.Nagmadali na ako bumangon para maligo at magbihis. Sa pagmamadali
CASSANDRA’S POV5pm na pala nang magising ako. Bumangon na ako para bumaba. Mukhang wala pa si Chandra ah. Tiningnan ko ang phone ko para itext siya, sakto naman na nagtext siya. Pauwi na siya.Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Cassandra Cortez. 25 years old. May pagkamaldita ako at maarte pero pagdating sa kapatid ko, nagiging mapagmahal akong ate. Gusto ko na rin naman umuwi ng Pilipinas dahil graduate na ako pero kaya lang ako nagtagal doon dahil kay Aga, sinundan ko lang siya dito. Ang desperada ba tingnan? Mahal ko eh.Speaking of Aga, kahapon pa ako text ng text sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply. Kahit sa chat, online naman. Malaman ko lang na may babae yun naku. Pagsisisihan ni girl na lumapit siya sa boyfriend ko.Narinig kong may nagbukas ng gate namin. Mukhang nakarating na si Chandra. At hindi nga ako nagkamalii.“Hi, ate. Gising ka na pala. Tamang-tama dahil nag-take out na lang ako ng
AGA’S POVKanina pa ako text ngtext at tawag ng tawag kay Cassandra pero hindi pa rin siya nagrereply. Ginagantihan ba ako nito? Pero alam ko namang hindi siya ganun dahil hindi niya ako matitiis.Last na tawag na ‘to, kapag hindi pa rin niya sinagot pupuntahan ko na talaga siya bukas sa kanila.The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try you call later.Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Baka nagalit na talaga yun saken. Chat ko na lang yung kaya yung friend niya. May kilala naman ako na friend niya sa Japan.After one minute ay nagreply na ito.Umuwi siya ng Pilipinas. Hindi mo alam?Umuwi siya ng hindi nagsasabi saken? Puntahan ko na lang siya bukas sa kanila. Alam ko naman address niya.-6 am pa lang ay gumising na ako dahil aagahan ko ang punta kina Cassandra. Linggo naman ngayon kaya okay lang. After 30 minutes, nakaligo na ako at nakap
JAIRAH’S POVKakagaling ko lang kina Chandra dahil nag-order sila ng pandesal. Gusto ko man pumasok sa kanila para makilala ang ate niya pero tumanggi ako dahil baka malate na naman ako ng uwi. Mapagalitan pa ako ni ate.Dadaan muna ako sa palengke para bumili ng flowers kay ate. Makikipag-ayos na ako sa kanya. Alam ko namang mali ako sa mga sinabi ko at inasta ko sa kanya kahapon. Iiwan ko muna saglit sa may parking sa ilalim ng mall itong bike ko.Pagka-park ko ay lumabas na ako sa ilaim ng mall para pumunta sa pwesto ng bilihan ng mga bulaklak. Naglalakad na ako nang makita ko na may nagkakagulo sa di kalayuan.“Magnanakaw!”Narinig kong sigaw ng isang babae.Kinabahan ako bigla dahil hindi naman ako sanay na magpunta dito. Ngayon na lang ulit ako nagpunta tapos ganito pa ang mangyayari.Napatigil na lang ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin, nagkakagulo na ang mga tao. Babalik
ASAMI’S POV---Flashback---Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya inagahan ko ang pasok ko. Alam niyo naman kapag first day kailangan agahan talaga. Alangang first day na first day, late ka. Nakakahiya di ba?Dito ako sa isang supermarket nagtatrabaho bilang cashier. Hindi na masama dahil marangal naman na trabaho at ang mahalaga naman ay may trabaho ako ngayon at mayroon na akong pangdagdag para sa panggastos namin sa araw-araw. Pang-morning shift ako ngayon.Bago pa ako pumasok ay nakapaggawa na ako ng pandesal na ititinda ni Jai. Mayroon ding nadagdag sa ginawa ko dahil umorder yung kaibigan niya. Sana naman maaga magising si Jai at huwag na ulit siyang tanghaliin. Sayang naman yung mga suki na naghihintay sa amin.Mag-uumpisa na akong mag-umpisa sa duty ko bilang cashier ng biglang may tumawag sa akin sa cellphone.“Hello po. Goodmorning,” sambit ko.“Hello. This from police station. Is this
JAIRAH’S POV“Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!”“Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!”“Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!”“Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!”“Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!”“Arrrgghhhh! Tama naaaa!”Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa isip ko yung sinabi sa akin ni ate kanina.Alam kong namatay si Mama pero hindi ko alam ang dahilan ng pagkamatay niya dahil hindi naman sinasabi sa akin ni ate. Kapag tatanungin ko naman siya ay ayaw niyang sabihin o kaya naman iibahin niya ang usapan namin.All this time, ako pala may kasalanan ng lahat.Sana hindi lang niya ako pinanganak.Sana hindi lang niya ako pinili.Eh di sana hanggang ngayon buhay pa rin siya.Eh di sana hindi nahihirapan si a