Share

Fall in Love with My Guardian Angel (Tagalog)
Fall in Love with My Guardian Angel (Tagalog)
Author: InkyMikky

Prologue & Chapter 1

PROLOGUE

Sabi nila ang love ay dumadating ng hindi natin inaasahan.

Once na magmahal ka, makakalimutan mo na mahalin ang sarili mo.

Iikot na yung mundo mo sa tao na ‘yon.

Ipaglalaban mo siya hanggang sa huli.

Dapat walang iwanan.

What if nainlove ako sa isang hindi ordinaryong tao?

Ipaglalaban kaya niya ako?

Ipaglalaban ko kaya siya kahit na alam kong iiwan niya rin ako?

CHAPTER 1

JAIRAH’S POV

“Pandesal ! Bili na po kayo ng pandesal! Mainit-init pa!”

“Ineng!,” tawag saken ni Aling Marie, “Pabili ako ng pandesal.”

Tumigil ako sa isang bahay kung nasaan si Aling Marie. Suki ko na yan sa pandesal.

“Magkano po?” tanong ko.

“50 pesos.”

Kumuha naman ako sa lalagyan ng 25 piraso na pandesal. Ikaw ba gusto mo? Dalawang piso lang ‘to.

“Ito na po.” Inabot ko sa kanya yung isang supot ng pandesal.

“Salamat, Jai. Talaga namang napakasarap ng pandesal ng ate mo. Bukas ulit ha,” nginitian ko na lang si Aling Marie at pumasok na siya sa bahay nila.

Ako nga pala si Alyssa Jairah Asuncion. You can call me Jai. 22 years old. Hindi na ako nag-aaral dahil puro bulakbol lang ginagawa ko sa school. At yung sinasabi kanina ni Aling Marie na ate ko, siya si Ate Asami. We’re both half Japanese and half Filipino. Nanay namin ang may dugong Japanese. Wala na kaming nanay at tatay. Kung ano man ang nangyari noon ay wala akong alam dahil wala naman sinasabi sa akin si ate.

Second year college lang ang natapos ko dahil hindi naman ako nag-aaral mabuti. Lagi lang ako nagcu-cutting, nasama sa mga barkada, laging absent. Kung hindi man ako absent ay laging late naman. Kaya nga kilala na ako ng mga prof sa school dahil sa ugali ko. Sakit lang ng ulo ang dala ko sa kanila. Kaya nga nagdecide si Ate na patigilin na lang ako dahil sayang lang ang perang pinangbabayad niya. Pabor naman sa akin dahil tinatamad na rin naman akong mag-aral.

Paggawa ng pandesal ang ginagawa ng Ate ko. Dito niya kinukuha ang pera pangbayad dati sa tuition ko hanggang sa kolehiyo. Ngayon na hindi na ako nag-aaral, ako na lang yung pinagtitinda niya para may magawa ako. Sa totoo lang ayoko talaga gawin ‘to kase dapat maaga ka gigising. Kaya lagi kaming nag-aaway ni Ate kapag mahirap akong gisingin sa madaling araw. Pagkatapos niya maggawa ng pandesal ay aalis naman siya para maghanap ng trabaho. Ilang buwan na rin kase nung umalis siya sa trabaho niya.

Alas-8 pa lang ng umaga, mga ganitong oras nananaginip pa ko. Paubos na rin naman itong pandesal dahil ilang piraso na lang. Marami kaming suki ng pandesal ni Ate dahil napakasarap talaga nito. Hindi lang siya ordinaryong pandesal dahil may cheese ito sa loob.

“Pandesal! Bili na po kayo, ilang piraso na lang!”

Makalipas ang limang minuto ay ubos na rin sa wakas ang pandesal. Pauwi na ako nang mapadaan ako sa isang tindahan. Nagugutom na ako. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng umagahan.

“Pabili po!” sigaw ko.

“Ano yun?”

“Pabili po ng isang Kopiko at isang ballot ng buns.”

Para sa kaalaman ninyong lahat, mahilig kasi ako magkape. Binibilang ko naman yung pera na hawak ko, “Magkano po?”

“35 pesos, Iha,” sagot ng tindera.

Inabot ko naman sa kanya yung bayad ko at umalis na para makauwi. Naka-bike nga pala ako. Lagi lang akong nagba-bike sa tuwing nagbebenta ng pandesal. Nang makarating na ako sa amin ay sinandal ko na lang yung bike sa isang tabi.

Yung bahay nga pala namin hindi naman siya ganun kaliit, hindi rin naman ganun kalaki. Yung tama lang para sa aming dalawa ni Ate pero may second floor kame. Simple lang bahay namin. Pagkapasok mo ng gate may mga halaman kang makikita sa kaliwang gilid. Ako nagtanim ng mga halaman na yan. Mahilig kase ako sa mga halaman. Ilang hakbang lang ay terrace na. Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko si Ate na nanonood ng movie.

“Ate, nandito na ko,” wika ko.

Pumunta na ako sa kusina para mailagay ko naman sa lamesa ang pinaglagyan ko ng pandesal at ang binili kong Kopiko at isang ballot ng buns. Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin si Ate. Binigay ko na sa kanya ang pinagbentahan ng pandesal.

“Bakit ganito lang ‘to? Bakit kulang?” tanong sa akin ni Ate habang binibilang ulit yung pera na binigay ko.

“Bumili ako ng kape at nitong buns,” pagdadahilan ko.

“Jairah, saan mo nga ginamit?” Once na tinawag na ako ni Ate sa pangalan ko, ibigsabihin galit na yan.

“Napadaan kase ako kanina sa computer shop kaya nakapaglaro ako ng ilang oras,” sagot ko.

“Jairah naman. Alam mo namang kailangan natin makaipon dahil hirap tayo ngayon. Wala pa akong trabaho kaya sa paggawa muna ng pandesal tayo umaasa ng magagamit panggastos sa pang-araw-araw. Kung sa pagkain mo sana ginamit okay lang kase alam ko namang gutom ka sa pagbebenta mo. Tapos kaya pala tanghali ka na dumating kase nagcomputer ka na naman.”

“Gusto ko lang naman makapaglibang Ate kahit sandaling oras lang,” tinalikuran ko siya para kumuha ng tasa pangkape ko.

“Jairah, huwag mo kong tintalikuran. Kinakausap pa kita,” bumalik naman agad ako pagkakuha ko ng tasa, “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo muna ‘yan. Miski naman nung nag-aaral ka ‘yan dahilan mo eh. Kaya ang bilis maubos ng allowance na binibigay ko sayo.”

Noong nag-aaral pa ako, sa tuwing nagcu-cutting kame ay deretso computer shop na agad kame ng mga kaibigan ko para maglaro. Kababae naming tao pero ganito kame. Hindi ko alam. Basta, gusto ko lang naman magsaya eh. Kapag nasa bahay kase lagi na lang sermon si Ate. Puro ganito, ganyan. Nakakasawa na.

“Jai, nasa tamang edad ka na. Hindi ka na high school student. Huwag mo ng uulitin ‘to ha? Malilintikan ka talaga saken.”

Pagkatapos ng mahaba-habang sermon mula kay Ate ay bumalik na ulit siya sa salas upang manood. Ako naman ay nagtimpla na ng kape at nag-umpisa na kumain. Kanina pa talaga ako gutom na gutom. Tapos nasermonan pa ni Ate ng kalahating oras. Malapit na pala maglunch. Siguradong magluluto na si Ate mamaya.

Pagkakain ko ay nilagay ko na pinagkainan ko sa lababo at pumunta sa kwarto ko. Yung kwarto ko nasa second floor. Yung isa namang kwarto na katapat ng kwarto ko ay bakante, parang guest room. Yung kwarto naman ni Ate ay nasa ibaba.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga na ako sa kama ko at mag-uumpisa na akong matulog. Nakakapagod na araw. Tutulog muna ako para makabawi ng tulog.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
firsty.luvi
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status