Share

Chapter 2

ASAMI’S POV

Nanonood ako ngayon ng movie. The Hows of Us ang title. Sa mga hindi pa nakakanood, manood na kayo. Super maganda ‘to. Meron nito sa iWant.

 Paalis na dapat ako ngayon para sa isang job interview pero nare-sched siya kaya ito na lang napag-abalahan ko. Malapit na magtanghali pero wala pa rin si Jai. Nasaan na naman kaya yung babaeng yun?

Maya-maya pa ay may narinig na akong nagbukas ng gate. Siya na siguro ‘to. Tinanghali na naman ‘to ng uwi. Saan na naman kaya ‘to nagpunta.

“Ate nandito na ko,” rinig kong sabe niya. Pinuntahan ko naman siya sa kusina dahil ibibigay niya sa akin yung napagbentahan ng pandesal.

“Bakit ganito lang ‘to? Bakit kulang?” tanong ko habang binibilang ulit yung pera.

“Bumili ako ng kape at nitong buns,” sagot niya.

“Jairah, saan mo nga ginamit?” tanong ko ulit.

 “Napadaan kase ako kanina sa computer shop kaya nakapaglaro ako ng ilang oras.”

“Jairah naman. Alam mo namang kailangan natin makaipon dahil hirap tayo ngayon. Wala pa akong trabaho kaya sa paggawa muna ng pandesal tayo umaasa ng magagamit panggastos sa pang-araw-araw. Kung sa pagkain mo sana ginamit okay lang kase alam ko namang gutom ka sa pagbebenta mo. Tapos kaya pala tanghali ka na dumating kase nagcomputer ka na naman.”

“Gusto ko lang naman makapaglibang Ate kahit sandaling oras lang,” tapos tinalikuran niya ako. kukuha lang pala ng tasa. Hindi talaga ‘to makapaghintay. Alam namang galit ako.

“Jairah, huwag mo kong tintalikuran. Kinakausap pa kita. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo muna ‘yan. Miski naman nung nag-aaral ka ‘yan dahilan mo eh. Kaya ang bilis maubos ng allowance na binibigay ko sayo.”

 “Jai, nasa tamang edad ka na. Hindi ka na high school student. Huwag mo ng uulitin ‘to ha? Malilintikan ka talaga saken,” dagdag ko pa.

Pagkatapos ng mahaba-habang sermon ay iniwan ko na siya sa kusina para makakain na rin siya. Bumalik na ako sa salas para manood ulit.

Kahit kailan talaga si Jai napakatigas pa rin ng ulo. Napakabait naman niyan pero nung tumungtong yan ng high school bigla na lang yan nagbago. Isang araw bigla na lang may tatawag sa akin na teacher na pinapapunta ako sa school dahil may nakaaway daw si Jai. Minsan naman may dadating na sulat na nagsasabing hindi pa nagbabayad ng tuition kahit nabigyan ko na siya. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman siya natatanggal sa school.

Akala ko magbabago na siya pero nung dumating na siya sa college. Mas malala pa pala ang mangyayari. Mababalitaan ko na lang na nagcu-cutting siya o kaya naman may prof siya na ginalit. Nagtataka nga ako eh, kababaeng tao tapos parang lalaki kung umasta. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang sa kanya. Napalaki ko naman siya ng maayos. Wala na kaming mga magulang kaya ako na lang mag-isa ang kumakayod para magkaroon ng panggastos sa araw-araw.

Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya nagkakaganito. Kulang siya sa gabay ng magulang. 24 years old na nga pala ako. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Ginagawa ko naman lahat para maalagaan siya hindi lang bilang ate kundi bilang nanay at tatay sa kanya. May pagka-istrikto akong tao lalo na sa kapatid ko pero mabait naman ako. Napagkakamalan lang talaga akong mataray, una dahil na rin siguro sa mukha ko na singkit tapos may pagkamaldita pa na awra.

Pinatay ko na ang tv pagkatapos kong manood. Magluluto pa nga pala ako ng pagkain para sa tanghalian namin. Pagkadating ko sa kusina, wala na dun si Jai.

“Jai talaga. Hindi man lang inimis ang pinagkainan sa lamesa.”

Pumunta ako sa lababo para kumuha ng basahan sa lamesa.

“Hindi man lang nahugasan ang tasa na ginamit. Babaeng talagang yun, hindi na natuto.”

Pinunasan ko na muna ang lamesa at sinunod ko naman ay ang pinagkainan ni Jai na iniwan niya sa lababo. Kahit ilang beses ko naman ipaalala sa kanya, hindi niya gagawin. Napakatamad talaga nun. Kaya nga pinatigil ko na siya sa pag-aaral dahil tinatamad na siyang pumasok. Kaysa naman masayang yung pera na pinangbabayad ko, pinatigil ko na. Anong magagawa ko kung ayaw na talaga niya mag-aral?

Ginawa ko naman lahat para tulungan siya sa pag-aaral bilang nakakatandang kapatid niya. Matalino naman yan eh. Nung elementary lagi siyang honor. Napabarkada lang talaga siya nung high school.

Matapos kong linisin ang pinagkainan niya ay nagsimula na ako magsaing ng kanin.

“Malapit na pala maubos bigas namin. Kailangan ko na ulit bumili bukas. Agahan ko na lang ang alis para mapadeliver dito sa bahay,” sabi ko sa sarili ko.

Mabilis lang naman ako nakapagsaing dahil rice cooker gamit ko. Sinunod ko naman ay ang pagluluto ng ulam. Dahil manok lang ang nasa ref namin ay ito na lang muna lulutuin ko. Kailangan ko na rin palang mamili bukas ng pang-ulam bukas.

Inadobo ko na lang ‘to dahil paborito itong ulam ni Jai. Hindi yan basta-basta kakain ng adobo ng hindi ko luto. May pagka-pihikan din yan minsan. Habang hinihintay ko maluto ang adobo ay umupo muna ako saglit.

Napatingin naman agad ako sa refrigerator namin kung nasaan ang picture naming dalawa. Jai is such a beautiful lady. Unang kita mo agad, malalaman mo na may pagka-Japanese siya dahil sa mata niya. Mahaba ang buhok niya pero mas gusto niya na lagi itong nakapusod. May pagkamaliit nga lang siya. Katulad ko, maputi rin siya. Hindi ko alam kung bakit may pagka-boyish ‘to, babae naman kapatid niya. Pero kahit ganyan ugali niyan, hinding-hindi ako susuko na parangalan siya. Alam kong darating din ang araw na magbabago siya. Kung hindi man ako yung makakagawa para mapabago siya, may isang tao na magiging dahilan para magbago siya. Sana dumating na siya. Sana dumating ka na sa buhay ng kapatid ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status