Share

Chapter 10: Visitor

Penulis: AVA NAH
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-06 23:16:32
NAGISING si Goddy sa sunod-sunod na doorbell. Pagtingin niya sa relo ay pasado alas sais na pala. Siguradong si Sabel ang kumakatok.

Tumayo si Goddy para pagbuksan ang magbabantay sa kapatid. May pasok na siya ngayon sa trabaho kaya maaga ang punta nito.

Nang maalala si Halina ay tinungo niya ang silid niya, pero pagbukas niya ng pintuan, maayos na higaan ang bumungad sa kanya. Parang walang natulog doon.

Ang sabi niya, gigisingin niya ito. Subalit ang nangyari naunahan siya nito nang gising. Ang tanong, okay na ba ang pakiramdam nito?

Three minutes bago mag-eight siya dumating ng opisina. Naipit siya sa traffic dahil sa aksidente ng dalawang sasakyan na sinusundan ng moto taxi na sinasakyan niya.

“Mabuti pumasok ka na, Goddy. Bago umalis si Miss Fana, may inilapag sa table mo, harapin mo raw agad. Nasa email mo raw ang instructions,” ani ng isang kasamahan niya.

“Galing ho ba kay Ma’am HH ang gagawin ko?”

“Parang. Kasi si Irma naghahatid kapag sa amin, e.”

Tumango siya sa kasamahan
AVA NAH

Di ko na kayang dugtungan talaga. Super antok na me. Night!

| 17
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (17)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ang kulit ni Mommy ha, kilala naman pala nya kung sino si Goddy dahil s kwento ni Kalei.. Pero parang di nasagot ni Goddy yung tanong nya kung may GF o asawa na ba ito. Ang kulit din ni Goddy, pinanghawakan yung inimbita sya ni Mommy. Pinang-asar pa yung akala nya raw may asawa na… hmmm Goddy ha.
goodnovel comment avatar
kxss
tanggap agad si goddy
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Hay naku Halina nagsusungit ka na nman kay Goddy..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 62: Honeymoon

    “BAKIT nandito kayo, Mom? Dad?” Nagkibit-balikat lang si Daddy pero si Mommy, ngumiti lang sa akin. “G-Goddy?” “Hindi ko rin alam, mahal.” Umiling-iling siya. “Wala akong ideya kung paano nila nalaman na nandito ka.” Pero tumingin ito sa Nanay nito kaya nahulaan niya. May ngiti sa labi nito. “Troy, apo,” tawag nito sa apo. “Yes, Lola.” Baling ng ama sa Lola. “Baba ako, Papa,” ani ng anak sa ama nito. “Okay.” Binaba naman ni Goddy ang anak kaya lakad-takbo na pinuntahan nito ang Lola nito. “Sorry, mahal. Sa tingin ko si Nanay ang may alam sa lahat,” bulong sa kanya ni Goddy. “Sa tingin ko nga.” At nang tingnan niya ang ina ni Goddy, nakangiting nakikipag-usap sa Mommy ko, as if matagal nang magkakilala. Si Daddy lang ang tahimik sa gilid ni Mommy. “I think they’re ready.” Sabay-sabay kaming napatingin sa Judge na naroon. “Yes, please, Judge.” Halata sa boses ng Daddy niya ang pagkainip. “Ready?” tanong ni Goddy kay Halina. “I think?” Nandito naman na ang magulang kaya go n

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 61: Troy

    “SERYOSO? May lagnat ka o wala?” tanong niya kay Goddy, sabay kapa ng leeg nito ni Halina. Hininaan niya lang ang boses dahil nasa paligid lang nito ang ina nito.Kumamot ito kaya sa tingin niya, nagsinungaling ito.“Wait.” Pinagsiklop nito ang kamay niya nang mahigpit at bumaling sa ina nito. “Akyat lang po kami, ‘Nay.”“Sige, anak. Bilisan niyo lang at nakakahiya kay Judge Dela Cruz.” Ngumiti sa kanya ang ina ni Goddy kapagkuwan.Nang makarating sila sa silid ni Goddy, inalalayan siya nitong maupo sa kama nito. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi nito alam ang sasabihin.“A-actually, wala akong lagnat, Hannah.”“Okay. So?”Sinapo nito ang noo nito saka siya ulit tiningnan. “Pinapunta kita kasi gusto kong… magpakasal na tayo.”Napaawang ng labi si Halina.“K-kasal?” nauutal niyang ulit sa sinabi nito.Kaya ba may judge silang kasama rito?“Y-you mean, a-ang judge na iyon ang magkakasal sa atin?”Napatango si Goddy sa kanya. “Binigla ba kita?”Matagal bago siy

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 60: Fever

    Pagpasok nila, saktong nagsasalin ng alak ang ama sa baso nito, saka lumapit sa couch at naupo. Seryoso ito kaya kinabahan siya.“Sit,” ani ng ama dahil nakatayo lang siya. Ang ina, naupo na sa tabi nito.Marahan siyang tumango bago sumunod.“So, okay na kayo?”“H-hindi pa po official.” Natawa nang pagak ang ama. “Have you already forgotten what he did to you?”“N-no.”“Then bakit ka na naman pumasok sa relasyon na ‘yan?!”“Ang boses mo, King!”“Sorry, labs.” Sabay hilot nito sa noo.“M-mahal ko pa pala siya, Dad.” Sabay lunok niya. “Alam kong nagsinungaling siya sa akin pero ginawa niya lang iyon dahil mahal niya ako. Si Pia lang naman ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Hindi si Goddy… Kaya nga hindi siya nakulong, right? Kasi kung siya ang salarin, sana nabulok na siya sa bilangguan.”Hindi nakaimik ang ama. Lumagok lang ito ng alak. “Paano kapag sinaktan ka niya ulit? Huh?”Ako naman ang hindi nakaimik. “Sa nakikita ko sa kanya ngayon, hindi niya na magagawa. Kahit nga na gani

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 59: Supportive Mom

    SAGLIT na tiningnan ni Goddy ang sarili sa salamin bago tinungo ang side table kung saan naroon ang wallet at cellphone niya. Nakasuot siya noon ng sumbrero. Umiiwas siyang baka makilala. Balak niyang pumasok sa Hotel de Astin. Hindi naman siya mag-check in, sa bar lang siya. Pero nag-aalala siyang may makakita sa kanya.Napatingin siya sa pintuan nang may kumatok na doon. Agad niyang binuksan iyon. Ang makakasama niya ngayon ay isang freelance tourist guide. Sinadya niyang kumuha para makapasok siya sa bar.Napag-alaman niyang nandyan nga ang may-ari ng hotel na iyon. Pamilya lang naman ni Halina ang may-ari niyon. Alam niya dahil nakapagtrabaho na siya sa Hernandez Group of Companies noon. Nga lang, hindi pa siya nakapunta rito.“Ready na, sir?’“Hmm.” Sabay tango niya rito.Motorsiklo lang ang sinakyan nilang dalawa. At halos fifteen minutes ang itinagal nila sa biyahe. Kabado siya habang naghuhubad ng helmet. Magiging halata naman kung magsumbrero siya pagpasok kaya tinanggal niy

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 58: His Plan

    NAKA-OFF ang cellphone ni Halina habang nasa himpapawid sila. Hindi niya alam na tawag nang tawag si Goddy sa kanya. Kaya nang makausap niya ito nang hapon ng alas kuwatro, halata ang iritasyon sa boses nito.“Nag-usap naman tayo kagabi, a,” aniya rito.Nasa likod siya noon ng bahay nila. Siniguro pa niyang walang nakikinig.“Wow. Kagabi? Sa pagkakaalala ko, naputol ang linya at wala nang kasunod na sagot galing sa ‘yo.”Napalabi siya. Umalis siya kagabi saglit para bumili ng gamot ni Troy. Nahilo raw kasi ito noong last na sakay nito ng helicopter kaya binilhan niya pa ng gamot na akma sa edad nito.“Sorry na,” masuyong sabi niya.“I love you.”Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya nanahimik siya.“Kahit I miss you na sagot, wala?” anito sa kabilang linya.“G-Goddy…” Bigla siyang napatingin sa likuran dahil baka may nakakarinig sa kanya.“Balik ka na kaya?” Hindi na naman siya nakasagot.“W-wala ako sa amin, e.”“Oh.” Halatang dismayado ito sa sinabi niya. “Nasaan ka ngayon?”

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 57: The Address

    HINDI maiwasang mainis ni Halina. Kasi naman, hanggang sa hapag, dala-dala ng ina ang topic hanggang sa malaman na lahat ng mga bisita nito.“Mom,” “Sige na kasi. Ipakilala mo na siya. Nang makilatis namin,” ani ng kapatid na si Kalei.Napalabi siya sa sinabi nito. Paano ba niya sasabihin, e, si Goddy lang naman ang may gawa nito. Yari ito sa kanya mamaya. Bakit kasi kailangang gawin ito sa kanya? Para ano? Markahan?“Next time na lang po. Pwede?” aniya na lanmg para tumigil na ang mga ito.Dahil sa kompirmasyon niya, lalong naging maingay ang hapag. Napapailing na lang siya sa mga ito. Akala niya, dinner lang ang gagawin kasi walang sinabi ang ina na tuloy sila sa Caramoan. Pero bago siya umakyat para patulugin ang anak, sinabi ng ina na maghanda na siya para sa mga dadalhin bukas. Mabuti na lang at alas diyes ang alis nila. May panahon pa siya para mag-ayos.Tinulungan niya ang anak sa pagligo nito. Pero pagdating sa damit, ito na ang nagsuot dahil marunong na nga raw. Kaya inayos

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status