Share

Chapter 44: Haunted

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-04-24 16:19:35
“BAKIT nga po pala hindi na nag-hire ng kasambahay si Ma’am Daniela?” tanong ni Halina.

Naghuhugas siya noon ng seafood na binili ni Zacharias.

“Wala naman daw lagi sila kaya on call na lang. Gaya ngayon.”

Si Bituin na ang tagalinis ng malaking bahay kapag wala si Daniela. Mas madalas kasi ito sa ibang bansa dahil nandoon umano ang mga anak.

Tapos na sila sa pagluluto pero hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Ang anak raw ni Daniela, nasa silid nito, samantalang ang ginang ay pauwi pa lang. Lumabas daw kasi ito at may pinuntahan.

Sakto lang ang paglatag nila ng mga plato sa mesa ang siyang pagdating ni Daniela. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa kanila para kunin ang pasalubong para sa anak.

“Sana magustuhan ni Troy ang mga laruan. May mga chocolate din dyan.”

Dalawang paper bag na malaki ang binigay nito sa kanya. Bukod din ang kay Bituin para sa pamilya nito.

“Ang dami naman ho nito. Mga mamahalin pa po.” Hangga’t maari, hindi niya sinasanay ang anak sa mga mamahalin
AVA NAH

Sensya po laging wala update. Super tamad ako lately... Pinipilit ko lang yong story ni Angkol Frank heheheh Happy reading!

| 21
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (25)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Wala pa palang alam nga si Goddy.. pero si Daniella, medyo blurred pa kung planado na nga ba dati pa o wala pa rin alam.
goodnovel comment avatar
Lyrique
ms.A update pls...
goodnovel comment avatar
Alma Bojos
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 49: Do you have a fever too, Hannah?

    “M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 48: Was taken aback

    HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 47: Hurry up

    PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 46: Shocked

    “SIGURADO ka ba, Hannah?” nakailang tanong na ’yan ni Daniela kay Halina.“Opo.” Kasi naman bumalik si Goddy sa palengke. Hindi naman ito bumili pero nakita niya at tumingin sa pwesto niya. Ilang beses pa niyang nakita na dumaan. Kaya mukhang delikado siya. Lie low muna siya.“Kung ganoon, pumapayag na ako. Aalis pa naman ako. Kailangan talaga ng anak ko ng makakasama rito kahit na papaano.”“Maraming salamat po.” Ngumiti siya sa ginang. “Kailan po ako pwedeng magsimula?”“Bukas na lang, hija. Wala ang anak ko ngayon, e. Baka madaling araw ang dating niya. Pero nabanggit ko naman sa kanya na magkakaroon siya ng makakatulobg rito sa bahay, hindi ko lang nasabi kung kailan since wala pang naibibigay si Bituin.”“Sige ho. Bukas na lang.”“Tumuloy ka na lang bukas kasi maaga ang alis ko rin papuntang Manila. Baka mga isang linggo ako doon. May kailangan lang kasi akong asikasuhin kasi.”Tumango siya sa ginang. “Ingat na lang po kayo.”“Maraming salamat, Hannah.” Hinawakan nito ang kanyang

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 45: Her Plan

    HINDI makatulog si Goddy kakaisip sa babaeng iyon. Kahit na anong gawin niya, lumalabas pa rin ito sa balintataw niya. Parang nabuhay si Halina sa katauhan nito. Ang mukha at ang boses? Parehas na parehas. Sa pangangatawan at sa estado ng pamumuhay lang sila nagkaiba. Ang ending, pinautos niya sa bata ang pagbili dahil natatakot siya. Hindi siya natatakot dahil sa multo o kung ano, baka bigla niya itong mayakap nang mahigpit. Tapos baka may asawa ito sa paligid kaya iniwasan niyang lumapit. Ng mga sumunod na araw, kahit na walang ipapabili sa tindahang iyon, lagi siyang dumadaan. Iniiwasan lang niyang makita siya nito. Umabot pa sa punto na kinuhaan na niya ito ng video. At kakapanood niya sa video nito, maa lalo lang siyang nalilito. Para talagang si Halina ang babaeng iyon. Ang mga ngiti nito, walang pinagkaiba talaga. Kaya lalong naguguluhan siya. Parang gusto na niyang lapitan ito. “May ipapabili po ba kayo sa palengke, Nay? Aalis po ulit ako, e.” “Wala akong ipapabili. An

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 44: Haunted

    “BAKIT nga po pala hindi na nag-hire ng kasambahay si Ma’am Daniela?” tanong ni Halina.Naghuhugas siya noon ng seafood na binili ni Zacharias. “Wala naman daw lagi sila kaya on call na lang. Gaya ngayon.”Si Bituin na ang tagalinis ng malaking bahay kapag wala si Daniela. Mas madalas kasi ito sa ibang bansa dahil nandoon umano ang mga anak.Tapos na sila sa pagluluto pero hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Ang anak raw ni Daniela, nasa silid nito, samantalang ang ginang ay pauwi pa lang. Lumabas daw kasi ito at may pinuntahan.Sakto lang ang paglatag nila ng mga plato sa mesa ang siyang pagdating ni Daniela. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa kanila para kunin ang pasalubong para sa anak.“Sana magustuhan ni Troy ang mga laruan. May mga chocolate din dyan.”Dalawang paper bag na malaki ang binigay nito sa kanya. Bukod din ang kay Bituin para sa pamilya nito.“Ang dami naman ho nito. Mga mamahalin pa po.” Hangga’t maari, hindi niya sinasanay ang anak sa mga mamahalin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status