LOGINAYA’S POV Alas-tres na ng madaling araw. Ang tanging liwanag sa loob ng kwarto ay ang mahinang dilaw na ilaw mula sa lamp shade sa side table. Tahimik ang buong paligid ng Laguna, maliban sa paminsan-minsang huni ng kuliglig sa labas at ang mahinang pag-ikot ng electric fan sa sulok. Naramdaman ko ang paggalaw ni Miko sa tabi ng higaan namin. Nagsimula siyang maglabas ng maliliit na ungol, ’yung tunog na alam kong hudyat na ng gutom. Dahan-dahan akong bumangon, iniingatan ang tahi ko na medyo makirot pa rin kapag nabibigla ang kilos. “Aya, ako na,” mahinang bulong ni Lucius. Kahit madilim, nakita kong mabilis siyang naupo at kinuskos ang kaniyang mga mata. Halatang antok na antok pa siya dahil kakatapos lang naming magpalit ng diaper ni Miko nung ala-una, pero heto siya, gising na naman. “Kukuha lang ako ng gatas, Lucius. Matulog ka muna,” sabi ko habang pilit na inaabot ang tsinelas ko sa ilalim ng kama. “No, stay put. Masakit pa ’yang likod mo,” giit niya. Tumayo siya at binuh
AYA’S POV Maingat na inalalayan ako ni Lucius pababa ng puting SUV paghinto namin sa tapat ng gate ng Isko’s Hub. Kahit tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula nung nanganak ako, parang isang buwan akong nawala sa lugar na ito. Ang amoy ng sariwang lupa at ang bahagyang halimuyak ng mga orchid ang unang bumati sa akin pagbaba ko. “Careful, Aya. Dahan-dahan lang,” bulong ni Lucius habang ang isang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa naman ay bitbit ang baby carrier kung saan mahimbing na natutulog si Miko. “Lucius, okay lang ako. Masakit lang nang konti ang tahi pero kaya ko na,” sagot ko habang nakakapit sa braso niya. “Kahit na. Sabi ni Doc, no sudden movements. At bawal muna magbuhat,” paalala niya. Tumingin siya kay Nico na abalang-abala sa pagbababa ng aming mga gamit mula sa trunk. “Nico, ’yung sterilizer at ’yung bag ng mga diaper, dumeretso mo na sa nursery room.” “Copy, Kuya! On it!” masiglang sagot ni Nico. Halatang hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa pagbab
AYA’S POVMaliwanag ang paligid sa loob ng delivery room, pero tila naging malabo ang lahat dahil sa pagod at sunod-sunod na contraction. Ramdam ko ang lamig ng aircon na humahalos sa balat ko, kabaligtaran ng init na nararamdaman ko sa bawat pag-ire. Sa tabi ko, hindi bumitaw si Lucius. Ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa akin, basang-basa na rin ng pawis ang kaniyang palad."Konti na lang, Aya. Breathe... breathe, honey. Kayang-kaya mo 'yan," bulong ni Lucius. Ang boses niya ay medyo nanginginig, isang bagay na bihirang mangyari sa isang taong laging kontrolado ang emosyon."Isa pa, Mrs. Alvero! Malapit na. Nakikita ko na ang ulo!" sigaw ng doktora.Umiyak ako hindi dahil sa takot, kundi dahil sa halo-halong pagod at pananabik. Sa bawat hininga ko, nararamdaman ko ang suporta ni Lucius. Hindi siya tumitingin sa kung saan; ang mga mata niya ay nakatitig lang sa akin, tila ibinibigay ang lahat ng lakas na mayroon siya.Isang huling malakas na ire, at biglang gumaan ang paki
AYA’S POV Maaliwalas ang umaga, pero parang mas mabigat ang bawat hakbang ko ngayon. Ramdam ko na ang siksik na bigat sa aking puson habang dahan-dahang naglalakad sa hallway patungo sa sala. Isang linggo na lang bago ang itinakdang due date ko, at sa totoo lang, halo-halong excitement at kaba na ang nararamdaman ko. "Aya, dahan-dahan! Sabi ko naman sa'yo, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," mabilis na lumapit si Lucius mula sa kusina, bitbit ang isang tray ng prutas. Inalalayan niya ako paupo sa paborito kong pwesto sa sofa. Kahit nakasuot lang siya ng simpleng pambahay, kitang-kita pa rin ang pag-aalaga niya sa bawat detalye ng paligid ko. Inayos niya ang mga unan sa likuran ko bago inilapag ang tray sa center table. "Lucius, okay lang ako. Kailangan ko ring igalaw-galaw ang katawan ko para hindi ako mahirapan 'pag oras na," ngiti ko sa kaniya habang hinahaplos ang malaki kong tiyan. "I know, pero nakikita kitang nahihirapan huminga, kinakabahan ako," pag-amin niya. Umu
AYA’S POV Maulan ang hapon sa Laguna, 'yung klaseng ulan na masarap lang pakinggan mula sa loob ng bahay. Nakaupo ako sa sofa, pinapanood si Lucius na abalang-abala sa pag-aayos ng baby crib na niregalo ni Victoria. Nakakalat ang mga turnilyo at manual sa carpet, at kitang-kita ko ang pawis sa kaniyang noo habang pilit na pinagkakabit ang dalawang bahagi ng kahoy. "Lucius, baka gusto mong uminom muna ng tubig? Kanina ka pa dyan sa turnilyo na 'yan," sabi ko habang dahan-dahang humihilig sa sandalan. "Sandali na lang 'to, Aya. I think I got it. Itong part na 'to talaga 'yung medyo tricky," sagot niya nang hindi tumitingin. Binitawan niya ang screwdriver at pinunasan ang kamay sa kaniyang shorts. "Gusto ko tapos na 'to bago tayo pumunta sa bayan bukas." "Bakit, ano bang meron sa bayan bukas?" tanong ko. "Kakausapin natin si Architect Reyes. I want to finalize the plans for the nursery school na itatayo natin sa tabi ng Hub. Sabi ko sa'yo, 'di ba? Gusto ko may mapuntahan 'yung mga a
AYA’S POV "Lucius, 'yung checklist para sa delivery bukas, nasaan na?" tanong ko habang dahan-dahang naglalakad sa hallway ng warehouse. Hawak ko ang likod ko dahil ramdam ko na ang bigat ng bata. "Nasa desk, Aya. Huwag mo nang asikasuhin 'yan, ako na ang bahala," sagot ni Lucius mula sa kabilang dulo ng silid. Nakasuot siya ng blue na apron na may mantsa ng lupa, at kasalukuyang naglilipat ng mga bagong tubong seedlings sa mas malalaking paso. Lumapit ako sa kaniya at sumandal sa gilid ng mesa. "Hindi naman ako napapagod, nakatayo lang naman ako rito. Gusto ko lang siguraduhin na tama 'yung labels ng mga orchid para sa hotel sa Tagaytay." Itinigil ni Lucius ang ginagawa niya at hinarap ako. Pinunasan niya ang kamay niya sa basahan bago lumapit sa akin. "Aya, pitong buwan na 'yang tiyan mo. Sabi ni Doc, bawas-bawasan ang stress. 'Yung labels, si Nico na ang gumagawa sa computer room. Trust him, okay?" "Trust me with what?" biglang sulpot ni Nico na may bitbit na bundle ng mga pri
AYA’S POV Nagising ako dahil sa sobrang panunuyo ng lalamunan ko. Siguro dahil sa aircon o dahil na rin sa pagod ng emosyon ko buong araw. Kinapa ko yung side table pero walang baso ng tubig. Dahan-dahan akong bumangon. Alas-tres na ng madaling araw base sa clock sa wall. Napatingin ako sa tabi
AYA’S POV Gabi na pero hindi pa rin tumitigil ang ingay sa study room ni Lucius. Kanina pa may mga tao roon, puro business talk na hindi ko naman maintindihan. Dahil bawal akong lumabas, ang tanging libangan ko lang ay manood ng TV o mag-scroll sa phone, pero nakakabaliw din pala kapag wala kang
AYA’S POV Gabi na at katatapos lang naming kumain. Nakaupo si Lucius sa dulo ng kama, may hawak na maliit na box na gawa sa madilim na kahoy. Hindi ito ’yung velvet box na nakita ko kanina sa sala. Mas luma ito, mas may bigat tingnan. “Aya, halika rito. Maupo ka sa tabi ko,” tawag niya. Lumapit
AYA’S POV Maaga kaming nagising dahil sa tawag ni Mark. Alas-otso pa lang ng umaga, pero handa na ang lahat sa dining area. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko ang isang lalaking naka-salamin at may bitbit na briefcase. Mukhang abogado. “Aya, meet Atty. Reyes. Siya ang humahawak ng personal trust k







