Share

Chapter 2

Author: AnassaKeres
last update Last Updated: 2025-09-03 18:10:15

Maagang gumising si Vernice. Mabigat pa rin ang dibdib niya, tila hindi pa rin matanggap ng isip na nagising siyang isang kasal na babae. Sa unang pagkakataon, hindi na siya nag-iisa sa mundong matagal niyang iningatan—ngayon ay may kahati na siya. At ang kahati niya ay si Chaos Montallano, ang lalaking alam ng lahat na imposibleng lapitan at lalong imposibleng mahalin.

Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata, dama na niya ang pagbabago. Ang higaan ay mas malaki kaysa nakasanayan niya, at ang katahimikan ng mansion ay mas malalim kaysa anumang naranasan niya. Sa labas ng bintana, sumisilip ang araw, banayad na hinahaplos ang kurtina. Dati, gising na siya para pumasok sa trabaho, nagmamadali sa takdang oras. Ngayon, wala siyang alam kung paano sisimulan ang umagang ito. Hindi sila magkatabi matulog ni Chaos, sa guest room ito natulog at siya naman ay sa master's bedroom. Pero mas mabuti na 'yun at baka hindi pa siya makatulog ng maayos.

Bumangon siya at nagpunta sa kusina. Huminga siya nang malalim bago sinindihan ang kettle para makapagtimpla ng kape. Ang simpleng aroma ng kapeng bumubulwak ay siyang tanging nagbibigay ng kaunting kapanatagan sa kanya.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang katahimikan, narinig niya ang mabibigat na yabag sa kahoy na hagdan. Napalingon siya, at doon niya nakita si Chaos.

Nakasuot lang ito ng gray na shirt at itim na sweatpants. Magulo pa ang buhok, halatang bagong gising, ngunit sa kabila nito, may presensiya pa ring kayang punuin ang buong silid. Ang bawat hakbang niya ay parang nag-iiwan ng alon sa hangin, alon na diretso sa dibdib ni Vernice.

“Good morning,” bati niya, pilit nilalakasan ang loob.

Sandaling tumigil si Chaos, tinitigan siya, bago tumango at sumagot, “Morning.” Malamig ang tinig, ngunit hindi na kasing talim ng dati. Umupo ito sa mesa at dumampot ng baso ng tubig.

Tahimik silang dalawa. Ang kape sa tasa ni Vernice ay lumalamig, ngunit hindi niya iyon iniinom. Hindi niya alam kung bakit parang lumiliit ang espasyo sa pagitan nila kahit malayo pa silang nakaupo.

Samantala, sa isip ni Chaos, may hindi maipaliwanag na bagay na bumabagabag sa kanya. Habang pinagmamasdan niya si Vernice, napansin niya ang simpleng ayos ng buhok nito, ang banayad na kilos ng kamay habang hawak ang tasa, at ang paraan nitong iwasang tumingin nang diretso sa kanya. Hindi siya sanay na may kasamang tahimik ngunit marangal. Ang mga babaeng nakilala niya ay laging maingay, laging nag-aagawan ng pansin. Pero siya… iba.

At iyon ang gumugulo sa kanya.

---

Lumipas ang umaga na halos walang usapan, kahit noong kumain sila ay tahimik lang sila pareho. Pagkatapos nilang kumain ay nagpresenta si Vernice na siya na ang maghuhugas ng mga pinggan. Si Vernice ay abala sa pag-aayos ng mga gamit niya sa kwarto. Si Chaos naman ay pabalik-balik sa kanyang opisina, tila ba sinasadya nito ang lumayo. Ngunit kahit ganoon, ilang ulit silang nagkasalubong sa pasilyo, at sa bawat pagtagpo ng kanilang mga mata, may kakaibang init na hindi nila masabi.

Kinahapunan, naglakad si Vernice papunta sa library. Gusto niyang makita ang silid—magbasa ng libro para ikalma ang sarili, time of peace niya. Ang sabi sa kanya ang library raw ay isa sa pinakamalaking bahagi ng mansion, may mataas na kisame at pader na punô ng libro. Dama niya ang halimuyak ng lumang papel, at para sa kanya, iyon ay parang tahanan.

Pumili siya ng isang libro sa ibabang estante at naupo. Ngunit hindi nagtagal, napansin niya ang isang makapal na aklat sa mataas na bahagi. Tumayo siya at pilit inabot iyon. Inunat niya ang kanyang braso, halos dulo na ng mga daliri niya ang umaabot. Tumayo siya sa dulo ng mga paa, pilit isinasagad ang sarili.

“Konti na lang…” bulong niya sa sarili.

Ngunit bigla siyang nadulas.

Mabilis ang pangyayari—isang iglap lang, akala niya’y babagsak na siya sa malamig na sahig. Pero bago pa siya tuluyang bumagsak, isang malakas at mainit na bisig ang humawak sa kanya.

Nang dumilat siya, halos magdikit ang kanilang mukha. Si Chaos. Ang kanyang mga braso’y mahigpit na nakayakap, ang dibdib nito’y matatag na sandigan.

“Careful,” bulong nito. Mababa at malamig pa rin ang boses, pero ngayon may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag.

Namilog ang mga mata ni Vernice, hindi makapagsalita. Ramdam niya ang tibok ng puso ng lalaki, ang init ng balat nito, at ang amoy ng sabon na dumidikit sa kanyang ilong.

Tinitigan siya ni Chaos, at doon niya nakita ang isang bagay na hindi niya akalaing makikita. Hindi iyon malamig. Hindi iyon walang pakialam. May lalim, may tinatagong emosyon.

“Kung gusto mo ng libro,” dagdag niya, medyo may bahid ng inis pero halatang may pag-aalala, “sabihin mo lang. Hindi mo kailangang ipilit.”

“Th-thank you…” mahina ang tinig ni Vernice, halos hindi marinig.

Saglit silang nagkatitigan. Wari’y tumigil ang oras.

At bago pa niya napigilan ang sarili, bahagyang ngumiti si Chaos. Tipid, pero sapat para magulo ang isip ni Vernice. “Maswerte ka.”

Napatitig si Vernice, litong-lito. “Ha?”

“Dahil ako ang nakahuli sa’yo,” sagot niya, saka dahan-dahang ibinaba siya.

Namula ang pisngi ni Vernice, at mabilis siyang umiwas ng tingin. Ngunit si Chaos, kahit pilit itinatago ang ngiti, ramdam ang kakaibang init na ngayon lang muling bumalik sa kanyang puso.

Kinagabihan, hindi mapakali si Vernice habang nakahiga. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena sa library. Ang paraan ng pagkakahuli sa kanya, ang tingin ni Chaos, ang init ng kanyang mga bisig. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya.

Sa kabilang silid, nakaupo si Chaos sa gilid ng kama, hawak ang isang baso ng alak ngunit hindi naiinom. Ang isipan niya’y paulit-ulit ding binabalikan ang tagpong iyon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero naramdaman niya ang isang bagay na matagal nang nawala—ang pakiramdam ng pag-aalala, ng pagiging buhay.

At iyon ang kinatatakutan niya.

Dahil alam niyang ang babaeng dapat ay asawa lamang sa papel… ay unti-unting sumisira sa pader na itinayo niya sa kanyang puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling For The Billionaire   Chapter 14

    Hindi ako agad nakatulog nang gabing iyon. Ramdam kong gising pa rin siya kahit nakatalikod. Tahimik lang ang buong kwarto, pero sa pagitan ng katahimikan, naririnig ko ang mabagal niyang paghinga at bawat paghinga niya, parang mabigat. Alam kong umiiyak siya, kahit pilit niyang itinatago. Hindi ko man makita, ramdam ko. Kasi kabisado ko na siya. Gusto kong lumapit. Gusto kong yakapin siya, ipaliwanag na hindi ko alam kung paano magsimula ng pag-uusap nang hindi kami magkakailitan. Pero natatakot ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, o kung makikinig pa siya. Kaya gaya ng dati, pinili kong manahimik. Pinili kong magkunwaring wala akong naririnig. At habang pinipikit ko ang mga mata ko, ramdam kong mas lalo akong lumulubog sa tahimik na giyerang hindi ko maintindihan. Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakatalikod pa rin siya sa akin, mahigpit ang kapit sa kumot. Tumingin lang ako saglit bago dahan-dahang bumangon. Nagbihis ako ng tahimik, kinuha ang mga dokumentong kailangan

  • Falling For The Billionaire   Chapter 13

    vernice Pagmulat ng mata ko kinabukasan, ramdam ko agad ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakulangan ng tulog o dahil sa iniwan kong mga salita kagabi na hanggang ngayon ay bumabalik-balik sa isip ko. Nakatingin lang ako sa kisame, pinipilit na magpanggap na maayos, na normal lang ang lahat. Pero kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili kong okay ako, alam kong hindi. Tahimik kong inayos ang sarili ko. Nagligpit ng kama, naligo, nagbihis. Habang nagsusuklay sa salamin, napansin ko ang pamumugto ng mga mata ko, halatang umiyak ako kagabi. Pinahiran ko ng concealer, pilit na tinatakpan ang bakas ng pagod, pero kahit anong ganda ng ayos ko, hindi ko matakpan ang lungkot sa mga mata ko. “Ayos lang. Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko. Pagbaba ko sa kusina, tahimik. Wala na si Chaos. Tulad ng mga nakaraang araw, maaga na naman siyang umalis. May iniwan siyang tasa ng kape sa mesa, malamig na, halatang matagal nang nakalagay doon. Napangiti ako nang mapait. Dati, s

  • Falling For The Billionaire   Chapter 12

    VernicePagmulat ko ng mata, ramdam ko agad ang bigat. Hindi dahil sa kakulangan ng tulog, kundi dahil may bagay na dahan-dahang kumakain sa loob ko — isang himagsikan ng pag-aalinlangan at takot. Tumango ako sa sarili ko, kinuha ang sapin ng unan, at dahan-dahang bumangon. Bago pa man ako magbihis, narinig ko ang paghinga ni Chaos mula sa kabilang bahagi ng kama. Nakatagilid siya, tahimik, at para bang sinusukat ang bawat hinga niya kung gaano ako kahinahon. Hindi ko siya tinignan. Takot ako na kung titingnan ko ang mukha niya, maaakala niyang papatulan ko ang damdamin ko at magmumukha akong mahina.Humagod ako sa banyo at nagbihis ng simpleng blouse at maong. Inayos ko ang buhok, pumunas ng konti sa mga mata, at hinipan ang labi ko. Ang bawat maliit na galaw ay rehearsal — isang palabas na kailangan kong i-perform para sa mundong hindi nagpapatawad sa mga taong nagpapakita ng kahinaan. Nang makalabas ako ng kwarto, nakita ko siyang nakatayo sa kusina, hawak ang coffee mug niya, naka

  • Falling For The Billionaire   Chapter 11

    ChaosAnother day. Another cycle. Dati sanay na ako sa ganitong buhay—meetings, deadlines, signatures, negotiations. Walang oras para sa ibang bagay. Pero nitong mga nakaraang araw, may isang bagay na hindi ko matanggal sa isip ko. O mas tama, isang tao. Vernice.Kanina umaga, bago ako umalis, tahimik lang siyang naghanda ng almusal. Walang “Good morning,” walang pilit na ngiti. Hindi niya man lang ako tiningnan. Simpleng bagay, pero sapat para maramdaman ko ang kakaiba. Usually, kahit simpleng tingin o ngiti, nandoon. Kahit pakipot, ramdam kong sinusubukan niyang ipakita na nandiyan siya. Pero ngayong umaga, none. At iyon ang unang bumungad sa isip ko habang papasok ako sa opisina.Pagdating sa office, normal routine. Secretary ko nag-abot ng makapal na folder, mga papeles na kailangang pirmahan. Wala akong sinayang na salita, simpleng tango lang, at sinimulan ko na agad ang trabaho. I wanted to focus, to drown myself in numbers and contracts. Pero kahit ilang ulit kong sabihing unah

  • Falling For The Billionaire   Chapter 10

    Vernice Another morning, same routine.Maaga akong nagising, gaya ng nakasanayan ko. Bumaba ako sa kusina, nagluto ng breakfast para kay Chaos. Pero ngayon, iba ang atmosphere. Tahimik siya, masyado. He ate quickly, barely even looking at me. Nagpaalam agad at umalis papuntang opisina.Hindi ko maiwasang mapansin. Iba na naman ang ugali niya ngayon.Kanina lang, parang okay na kami. Kagabi, naramdaman ko ang effort niya—hindi man niya sabihin nang diretso, pero kita ko sa actions niya na he cared. Pero ngayong umaga, malamig ulit. Parang may pader na naman sa pagitan namin.Napabuntong-hininga na lang ako.••••Pagkatapos kong mag-ayos sa bahay, dumiretso ako sa shop. As usual, maraming customers. Nakakaaliw pa ring makita na kahit hindi kami kasing laki ng ibang cafés, may loyal customers pa rin kami.Pero habang kausap ko si Ayla at chine-check ang daily sales report, biglang nag-ring ang phone ko. Unknown number.“Hello?”“Vernice.”Napatigil ako. That voice.Eunice.Hindi ko alam

  • Falling For The Billionaire   Chapter 9

    CHAOS POVAnother day, another cycle.Pagpasok ko sa opisina, ramdam ko agad ang bigat ng atmosphere. Hindi dahil sa mga tao, kundi dahil sa tambak na trabaho na naghihintay sa akin. Bawat sulok ng opisina, tahimik, seryoso, lahat abala. I like it that way. Walang unnecessary distractions."Sir, here are the documents that need your signature."Secretary ko, maagang dumating. Inilapag niya ang makapal na folder sa mesa ko. I simply nodded, hindi ko na inaksaya ang oras sa small talk. Sa totoo lang, hindi ako mahilig makipag-usap sa mga tao dito sa opisina unless necessary. Every word costs energy, and energy is something I don’t want to waste.Habang pinipirmahan ko ang papeles, naramdaman ko ang panginginig ng phone ko sa bulsa. For a second, akala ko si Vernice. Pero business-related notification lang pala.Napailing ako. Bakit ko ba naisip agad na siya?••••Meetings back-to-back. Una, investors meeting. They want updates on the new project. Sunod, meeting with department heads abo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status