LOGINKanina... Sa minibar, kitang-kita ni Cassandra mula sa bulsa ni Martin, inilabas nito ang maliit na pakete ng gamot at ibinuhos sa isang basong may lamang orange juice—ang inuming balak ipainom sa kanya. “Sandali lang, Cassie…” bulong nito habang nakatalikod. Inilapag ang dalawang baso sa mesa. Sapat na iyon. Dahan-dahang lumapit si Cassandra sa mesa. Kalmado ang galaw. Walang bakas ng kaba. “Mainit dito…” mahina niyang sabi, sabay bahagyang pag-ayos ng sarili niyang pwesto—parang simpleng pag-comfort lang. Sa gitna ng pagkilos na iyon, saglit siyang umabot sa mesa. Isang maikling sandali ng pagtalikod ni Martin. Sapat para mapalitan niya ang pwesto ng dalawang baso. Yung orange juice na may gamot na dapat ay para sa kanya, inilagay niya sa gilid kung saan iinom si Martin. At yung purong juice na walang halong kahit ano, inilagay niya sa pwesto kung saan siya uupo. Hindi halata. Parang simpleng pag-aayos lang ng gamit. Pagkatapos ay umatras siya ulit, bumalik sa pwesto na
"Isa kang diyosa, Cassandra... napakaganda mo!" sambit ni Martin habang nakahiga sa kama, panay ang dila sa tuyot niyang labi at kinikiskis ang mga hita sa sobrang excitement. Nakatayo sa harap niya ang babaeng matagal nang hinahangad na maangkin—nakalantad ang makinis at maputi nitong katawan, suot lang ang mga panloob. "Gusto mo ba 'to Martin?" tanong ni Cassandra, nang-aakit ang tinig. Habang dahan-dahang ibinababa ang strap ng suot na bra at umiindayog ang balakang kaya lalong namula ang mga mata ni Martin sa pagnanasa. Halos ilang beses itong tumango tango at pakagat-kagat ng labi. Hindi na maitago ang pagkasabik. Nang makalapit si Cassandra sa kama, tuluyan rin niyang tinanggal ang suot na bra. Nanlaki ang mga mata ni Martin at halos tumulo ang laway nang tumambad ang nagmamalaki at matayog na mga dibdib ni Cassandra. Agad nitong sinakop ang distansiya nila, hingal at hanapit ang bewang ng babae. Hayok na hayok na nilantakan ang mga dibdib... TOK. TOK. TOK.
"Divina,"“Ismael!” Halata ang pagliwanag ng mukha ng babae nang sa unang pagkakataon ay lumapit si Ismael sa kanya.Ngunit agad ding naglaho ang ngiti niya nang mapansing malamig at walang itong emosyon."Nandito ako sa paboritong lugar ni Mama Mirasol… ah, ng Mama mo," napalunok si Divina nang marealize ang pagkakamali sa pananalita.Nasa gilid sila ng fountain sa hardin ng villa, nakaupo sa mababang upuang bato—ang lugar na hindi ginagalaw o pinapalitan ni Ismael simula nang mamatay ang ina nito."Noong nawala siya, ni hindi mo hinayaang may gumalaw dito, kahit ako. Pero noong dumating si Cassandra… pinaayos mo na." Ngumiti ito nang tipid, puno ng hinanakit.Hindi umimik si Ismael, malalim lang itong napabuntong-hininga."Tungkol kay Mama, alam nating pareho na hindi ko sinadya ang nangyari. Hindi ko sinadya na maitulak siya noon.""Ang totoo niyan Ismael, wala ka talagang kasalanan. Bago pa kayo magkausap sa terrace noon, pinainom na siya ng ipinagbabawal na gamot ni Arsenio. Sina
Sabay na bumalik sina Ismael at Cassandra sa villa. "Ayos ka lang?" masuyong tanong ni Ismael sabay pisil sa kamay niya, halata ang pag-aalala nito sa pananahimik niya. Nasa tapat na sila noon ng pinto ng kwarto niya. Marahang tumango si Cassandra. "Dito ka ba matutulog sa kwarto ko?" tanong niya, halos nakikiusap ang mga mata. Ngunit napalingon si Ismael sa may railing ng hagdanan—naroon si Indira, nakasandal at tila naghihintay. “May lalakarin kasi kami ni Indira…” alanganing sagot nito, napakamot pa sa ulo. Bahagya siyang napayuko. “Sige… matutulog na ’ko.” Ramdam sa tinig niya ang bigat at lungkot. Hindi na siya naghintay ng sagot. Mariin niyang isinara ang pinto. Sa labas, naiwan si Ismael—nakataas ang kamay—parang gusto pa sana siyang damayan. Pagkapasok, tumunog ang cellphone niya. Si Abby. “Cassie! Kumusta ka? Nakita ko yung mga kumakalat na pictures—pasensya ka na! Yung siraulo kong pinsang si Loreto ang kumuha nun! At grabe yung edit—cleavage lang naman yun pero
Hinubad ni Ismael ang suot nitong itim na leather jacket at marahang ipinatong sa balikat ni Cassandra, saka isinara ang zipper hanggang leeg. “Kumusta, Ismael. Narito ka rin pala,” naging pormal agad ang tindig ni Martin nang makita siya—parang kung sinong malinis at disenteng tao. "Kung wala kang mahalagang sasabihin sa asawa ko, aalis na kami," inakbayan na siya ni Ismael at patalikod na silang aalis. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Ismael ang paghabol ng malagkit at maruming tingin ni Martin sa likod ni Cassandra—bumaba ito sa bewang, at sadyang nagtagal sa pwetan niya. Biglang pumasok sa isip niya ang mga nakuhang ebidensya ni Indira, kung gaano kabaho ang intensyon nito sa asawa niya. Hawak ni Martin ang litratong nakazoom in ang dibdib ni Cassandra habang abala ito sa sarili nitong katawan. Parang kidlat. Sa isang iglap, nasa harap na siya ni Martin. Nanginginig sa galit—at walang babala— BAM! Dumapo ang kamao niya sa mukha nito. Napasinghap ang mga tao sa pa
Naghuling hithit si Ismael sa paubos na sigarilyo bago marahang inilapag ang upos sa ashtray. Umangat ang bahagyang usok, kasabay ng malamig na hangin sa terrace. Ipinatong niya ang mga braso sa barandilya. Mula sa terrace ng silid ni Cassandra, tanaw ang kabuuan ng villa—malawak, tahimik, at tila payapa… pero kabaligtaran ang laman ng isip niya. At mula sa kinatatayuan, nakita niya si Divina na pumasok sa gate. Palinga-linga ito, tila sinisigurong walang nakakakita o nakamasid. Kumibot ang labi ni Ismael, pero matulis at malamig ang tingin. Isinuot niya ang earpiece at pinindot ang button. “Indira, sinong kinatagpo ni Divina?” tanong niya nang mahina pero mariin. “Si Martin Romero,” sagot agad ng kaibigan sa kabilang linya. Dahan-dahang napailing si Ismael. Sarkastiko ang ngiti. Kaya pala... Hindi nagtagal... Napakislot siya nang maramdaman ang malambot at mainit na mga braso na yumakap nang mahigpit sa beywang niya mula sa likuran. “Grabe ka... pati yata paghing
Ang nagngangalit na mga mata ni Ismael ay unti-unting lumamlam, tila may init na biglang tumagos sa laman ng kanyang mga titig. Sa Isang hakbang, mabilis nitong natawid ang pagitan nila at agad na nahawakan ang likod ng ulo niya. Ibinaba ang mukha at sinakop ang mga labi Cassandra.. Malalim at sa
Napaatras si Cassandra, at sa sobrang taranta, dumulas mula sa kanyang katawan ang tuwalya. Tumambad kay Ismael ang hubo't hubad niyang katawan. Nakita niyang lumunok si Ismael, at sa takot na baka siya ay sungaban, kusang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapit ito. Ngunit sa halip na gawin an
"Namatay yong mga alagang manok, nakawala sa kulungan, napagdiskitahan ni Bulldog, nakapasok pa sila dito sa bahay kaya nagkalat ang dugo, para hindi mamaho kinatay na ni Ismael kagabi ang mga manok at ayun, pinamigay sa mga tao dun sa sakahan." paliwanag ni Manang Saning ang sinasabing Bulldog ay
Ika-limampu't walong kaarawan ni Arsenio Vergara. Idinaos ang selebrasyon sa harap ng mansion nito sa Cavite. Dumalo ang mga kakilala, kamag-anak at kasosyo ng mga ito sa negosyo. Maging si Cassandra, bilang fiancée ni Janus. Kalagitnaan ng kasiyahan, natahimik ang lahat. Dumating ang hindi inaa







