โHeto, inumin mo muna ng lumuwag-luwag ang pakiramdam mo,Lois,โ sabi ni Ciara na awang-awa sa kaibigan. Habang humahagulhol kasi ito ng iyak kanina ay dali-dali na rin siyang kumuha ng isang basong tubig para dito. At ng tumahan na nga ito ay iniabot niya na rin ang baso. Tinanggap naman din โyon ni Loisa. โKamusta ng pakiramdam mo?โ sabi ni Ciara sa nag-aalalang boses. โOkay na,โ tipid na sagot ni Loisa. โโYong totoo?โ seryosong tanong ni Ciara. Tanging iyak lamang ang sukli ni Loisa. Makalipas ang kalahating oras. โAno bang problema alam mo namang mag baby diyan sa sinapupunan mo,โ alalang sabi ni Ciara. โKasi, Ciara sobrang sakit,โ naiiyak na naman niyang sabi. โBago ako pumasok dito may tiningnan akong isang article, ang sabi ay i-ika-ika,โ hindi maituloy-tuloy ni Loisa ang sasabihin bagkus ay pumapatak na naman ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya may nagbabara sa kanyang lalamunan sa tuwing bibigkasin niya ang mga katagang ikakasal na sa ibang babae ang lalaking in
โNasabihan mo na ba?โ Tanong ng babae sa kabilang-linya.โOpo, maโam malamang magang-maga na ang mga mata ni Loisa sa kakaiyak po,โ sagot naman ni Kimberly sa kausap.โGood, nice to hear that,โ sabi ng babae.โIpapadala ko ang bayad later sa account mo,โ dagdag pa nito.โMaraming salamat po maโam,โ natutuwang sabi ni Kimberly.โO siya, tatawagan na lang kita ulit,โ sabi ng malaarteng boses.Hindi na narinig pa ni Crystal kung ano ang sagot ni Kimberly sapagkat bigla na niyang pinutol ang kanyang linya.โKulang pa โyang sakit na nararamdaman mo ngayon Loisa,โ galit na sabi ni Crystal.โHuwag kang mag-alala dudurugin kita ng paunti-unti pangako โyan,โ dagdag pa nitong sabi.Natigil si Crystal sa kakamuni ng biglang tumunog ang kanyang telepono.Si Mrs. Monteclaro.โGood morning po, tita kamusta po?โ nakangiti niyang bati sa ina ni Steve.โGood morning din sa iyo iha,โ panimula ng ginang.โNaku iha dapat masanay ka ng tawagin akong mama, dahil ilang buwan na lang din ay ikakasal na kayo
โTita, Iโm so sorry po kung gumawa na naman kami ng eksena sa mansion kanina ni Steve, โnakayokong sabi ni Crystal kay Mrs. Monteclaro. Nasa hardin sila ng mansion at magkasamahang nanananghalian. Hindi natuloy ang kanilang usapang pag-alis matapos ang nangyaring komosyon kanina sa loob ng mansion ng mga Monteclaro. Kahit ilang patong pa siguro ng concealer at maging ng foundation cream ang ilalagay sa mukha ni Crystal ay tiyak na mahahalata pa rin ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang pasang nag-marka sa kanyang leeg gawa ng pagsakal ni Steve. โNaku, iha ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo sa inasal ng anak ko,โ nalulungkot na sabi ng ginang. โHindi ko napalaki ng tama si Steve,โ dagdag pa niya. โHuwag kang mag-alala kakausapin ko si Steve na humingi ng tawad sa iyo,โ pangako pa ng ginang kay Crystal. โSa palagay ko po tita hindi na ako magawang mahalin ni Steve,โ pagsusumbong ni Crystal. โAyan ka na naman anak, sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong mama at papa nama
Araw ng pahinga ni Loisa at kasalukuyan silang nanonood ng telebisyon ni Loyd sa may sala ng tumunog ang kanyang telepono. Dinampot niya iyon, nagtataka man kung sinong ang nagmamay-ari ng numerong tumatawag sa kanya ay hindi na rin siya nagdadalawang-isip na sagutin ito. โHello po, magandang umaga,โ bati ni Loisa. Tahimik sa kabilang linya. โHello po,โ ulit na sabi ni Loisa. Wala pa ring sumasagot. โSino po sila?โ Tanong niya na nasa kabilang-linya. Hindi man ito nagsasalita pero batid niyang naririnig siya nito. โSino po ang hinahanap nila?โ Patuloy pa ring wika ni Loisa. Limang segundo siyang naghintay nagbabasakaling sasagot na ang kausap. Ngunit wala pa rin, nag-uumpisa na siyang mairita dito kaya medyo napataas na rin siya ng boses sa inis. โKung sino man po kayo, hindi po maganda ang biro nโyo, tatawag kayo tapos hindi naman kayo magsasalita,โ inis na sabi ni Loisa. Agad niya na ring pinindot ang end call botton. โMakapanood na nga ng tv,โ padabog niya pang sabi. โ
Kinabukasan habang abala si Loisa sa kakatipa sa kanyang computer ay nakatanggap siya ng text message galing sa parehong numero na tumawag sa kanya kahapon. โMagkita tayo mamayang alas dose ng tanghali sa karenderya sa kanto,โ ang text para kay Loisa. Biglang binalot naman si Loisa ng takot ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Ciara. Ayaw niya rin namang mag-alala pa sa kanya ang kanyang kasamahan. โSino ka? Anong kailangan mo?โ sagot niya sa text message. โMalalaman mo mamaya,โ sagot naman ng ka text niya. โHuwag kang mag-alala hindi ako mang-gugulo,โ huling mensaheng natanggap niya. Kinakabahan man at natatakot ay naglakas-loob na rin si Loisa na harapin kung sino man ang taong gusto siyang makaharap. Pinagdududahan niyang si Roy ang lalaking tumawag kahapon at nagbabakasali siya ngayon baka nga naman totoo ang kanyang kutob. Nasa harapan na siya ngayon ng karenderyang sinabi ng kanyang ka text. Mag-aalas dose pa lang naman, sinigurado niyang hindi siya mahuhuli sa kanil
โMahabaging langit kahit masama ang lalaking โyon hindi naman nakakatuwa ang sinapit niya ngayon, Loisa,โ sabi ni Aling Marie. Napa krus tuloy ang matada nang marinig ang sinabi ni Loisa tungkol sa kalagayan ni Roy. โAno ang plano mo ngayon, iha?โ Tanong pa ng matanda. Isang linggo na ang lumipas at ngayon pa lamang nagkalakas-loob si Loisa na ipagtapat sa itinuturing niyang pangalawang ina ang nangyaring pagkikita nila ni Roy. โHindi ko nga din po alam nanay Marie,โ sabi ni Loisa. Nasa balkonahe sila noon at nagpapahinga dahil katatapos lang nilang mananghalian. Samantala si Loyd naman ay nasa sala at abala sa panonood ng paborito nitong palabas sa telebisyon. โAng totoo, iha nakakaawa naman ang kalagayan ni Roy ngayon pero sa palagay mo kaya ay kaya mo siyang pagbigyan?โ Tanong ng matandang babae. โNalilito po talaga ako nanay, hindi ko po alam kung tama po ang magiging desisiyon ko kung sakaling pagbigyan ko po ang kanyang hiling,โsabi ni Loisa. โHindi ko rin po kasi tiyak
Lingid sa kaalaman ni Loisa ay pinasusundan na pala siya ng ina ng kanyang lalaking iniibig. Halos mag-iisang buwan na ang ina ni Steve sa Pilipinas ngunit walang kaalam-alam ang anak nito sa kanyang plano. Buong akala kasi ni Steve at ni Mr. Ramon Monteclaro ay sa Europe pupunta ang kanilang ilaw ng tahanan kasama si Crystal. โMagandang umaga po madam,โ bati ng isang lalaki kay Mrs. Monteclaro. Nasa loob sila ngayon ng isa sa mga pinatayong restaurant nilang mag-asawa kung saan pinalago naman ni Steve Monteclaro. โDala mo ba ang lahat na mga ebidensiya?โ Seryosohong tanong nitong sa lalaki. โOpo madam,โ sagot naman ng lalaki. Sabay lapag ng isang brown envelop sa lamesa. Suminyas si Mrs. Monteclaro sa kanyang assistant na buksan ang naturang envelop. Matapos mabuksan kinuha ng kanyang assistant ang mga larawan at ibinigay sa matandang Monteclaro. Nagngingitngit sa gali ang awra ng ina ni Steve ng makita ang mga sweet moments ng larawan ni Loisa at ang kasama nitong lalak
โAno po ang ibig sabihin nito?โ Takang tanong ni Loisa sa mayamang babae. โWhat do think asshole?โ Galit na sabi ng matanda. โHuwag ka ng mag-maang-maangan pa, I heard that Steve is crazy about you but here you are hitting him on the head,โ dagdag pa nitong sabi. โAnyway, let me tell this to you I canโt allow you to be part of our family,โ sabi pa ni Mrs. Monteclaro na idiniin pa ang huling apat na salita. โHindi ko po alam kung ano ang pinagsasabi ninyo maโam,โ nagtataka pa ring wika ni Loisa. Hindi maintindihan ni Loisa kung papaano napunta sa matanda ang mga larawan nila ni Roy. Ang ipinagtataka niya ay bakit kelangan siyang pasundan ng ginang. โHindi kaya siya ang ina ni Steve?โ Naguguluhang tanong ni sa sarili. Nang maalala ang sinabi ng matandang babae ang tungkol sa hindi nito gugustuhing maging parte siya ng kanilang pamilya ay agad na nagpaliwanag si Loisa tungkol sa larawan. โMaโam pasensiya na po pero mali po ang iniisip ninyo tungkol sa mga larawang ito,โ kinakabah
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.โNasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?โ Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.โNariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,โ sabi naman ni Aling Marie. โSabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,โ sabi ni Loisa.โNaku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,โ sabi pa ng matanda.โSegi na nga po,โ tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
โSalamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,โ maluha-luha bati ni Aling Marie.โNanay Marie,โ masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.โMga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,โ masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.โDaddy Steve,โ sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.โKamusta ka na anak?โ Masayang sabi ni Steve kay Loyd.โOkay lang po ako daddy Steve,โ nakangiting sabi ni Loyd.โKayo po kamu
โAno ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?โ Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.โPatawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,โ sabi ni Kimberly.โNoong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,โkwento pa nito.โKinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,โ sabi pa ni Kimberly.โNong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,โ naluluhang sabi pa niya.โHindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.โNanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,โ galit na tanong ni Loisa kay Crystal.โAno ang kasalanan ko sa โyong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,โumiiyak pero pilit na inaabot ang babae.โTama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,โ awat naman ng isang pulis.โSegi na boss pakidala na sa presento ang babaeng โyan,โ sabi naman ni Steve.โTahan na sweetie, maaayos din ang lahat,โ sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.โAng mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?โ Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.โKumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. โAnong sitwasyon dito?โ Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.โAyaw ko ng bulilyaso kung ayaw nโyong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,โ galit na sabi pa ni Steve.โCopy, sir,โ sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.โMaโam Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?โ Gulat na tanong ni Arnel.โMukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,โnakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.โMaโam Crystal,โ gulat na sabi ni Kimberly.โGood morning, Kimberly howโs your sleep,โ nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n
Bigla ay lumuwang ang pagkakahawak ni Loisa sa baywang ni Steve. Mabuti na lang ay maagap si Steve kung hindi malamang matutumba ang babae.Ang malapitang pagkabuwal ni Loisa ay epekto ng gamot na ibinigay sa kanya kanina ng nurse. Binuhat siya agad ni Steve at dinala sa bakanteng kwarto upang makapagpahinga.โUmamin ka nga, Miguel ginalaw mo ba si Loisa?โ Seryosong tanong ni Abegail sa lalaki habang nasa labas sila ng kwarto ni Loisa.โOf course not, hindi si Loisa ang tipo ng babae na madaling ikama, Abe,โ depensa naman ni Miguel.โSubukan mo nang paglamayan ka namin,โ singit ni Steve.Nasa bungad na pala siya ng pinto ng marinig ang pag-uusap ng kaibigan at pinsan.โBro, Iโm sorry hindi ko talaga alam na si Loisa ang hinahanap mo,โ hinging-paumanhin ni Miguel kay Steve.โKaya pala caz, nong kausap ko si Miguel ay naulinigan ko ang boses na para bang boses ni Loisa iyon pala siya nga ang babaeng mahal mo,โ sabi ni Abegail.โKasi naman ikaw Miguel ilang beses kong sinabi saโyo na gu
โTalaga bang nasundan mo ang address na nandito sa mensahe, caz?โ Inis na sabi ni Abegail sa pinsan.Kanina pa sila paikot-ikot at pabalik-balik sa kanilang mga dinaanan. Dahil gabi na medyo nahirapan si Steve na malocate ang saktong daan base sa address na ibinigay. โHindi ko nga maintindihan, caz kung bakit hindi ko matumbok ang exact location,โ nakasimangot ang mukha na sagot ni Steve sa pinsan.โTawagan mo nga โyang kilala mo baka mamaya pinaglalaruan tayo, sabihin mo sa kanya umayos siya kung ayaw niyang paglamayan siya bukas,โ inis pa niyang sabi.โHeto na, kumalma ka na diyan,โ sabi naman ni Abegail.Dahil sa kasalukuyang nangyayari batid niyang kayang tutuhanin ng pinsan ang mga pinagsasabi nito. Kaya dali-dali niya na ring tinawagan ang sarhento upang makakuha ng tamang guide kung nasaan ang kinaroroonan ni Loisa.Ilang minuto pa ay natunton na nina Steve ang kinaroroonan ng babae.Hindi pa nga naiparada ng maayos ni Steve ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba ng makita
โLoise, howโs the kids?โ Natatarantang sabi ni Miguel pagkababa ng kotse. โMiguel tulungan mo kami, ang mga anak ko,โ walang patid ang luha ng babae mula pa kaninang natangay ang mga anak nito.โHuwag kang mag-alala tinawagan na namin ang mga pulis, papunta na sila rito,โ sabi naman ni Miguel.โHuwag, Miguel sinabihan ako ng kidnapper kapag tatawag ako ng pulis papatayin nila ang kambal ko,โlumuluha pa ring sumbong ni Loisa.โMiguel, hindi pa nila nakikita ang kanilang ama ikamamatay ko kung merong masamang mangyari sa kanila,โ dagdag pa niyang sabi.Nagtaka si Miguel, tama ba ang narinig niya na hindi pa nakikita ng mga kambal ang kanilang ama? Ibig bang sabihin ay buhay pa ang ama ng dalawang bata? Bakit kaya inilihim ito ni Loisa? Mga katanungan gustong sabihin ni Miguel sa babae ngunit naisip niya ng hindi pa nanapanahong pag-usapan ang mga bagay na iyon.โMiguel, may balita na ba ang mga pulis kung nakita na nila ang mga apo ko?โ Mangiyak-ngiyak rin tanong ni Aling Marie sa atto