Share

CHAPTER 57

Araw ng pahinga ni Loisa at kasalukuyan silang nanonood ng telebisyon ni Loyd sa may sala ng tumunog ang kanyang telepono.

Dinampot niya iyon, nagtataka man kung sinong ang nagmamay-ari ng numerong tumatawag sa kanya ay hindi na rin siya nagdadalawang-isip na sagutin ito.

“Hello po, magandang umaga,” bati ni Loisa.

Tahimik sa kabilang linya.

“Hello po,” ulit na sabi ni Loisa.

Wala pa ring sumasagot.

“Sino po sila?” Tanong niya na nasa kabilang-linya.

Hindi man ito nagsasalita pero batid niyang naririnig siya nito.

“Sino po ang hinahanap nila?” Patuloy pa ring wika ni Loisa.

Limang segundo siyang naghintay nagbabasakaling sasagot na ang kausap. Ngunit wala pa rin, nag-uumpisa na siyang mairita dito kaya medyo napataas na rin siya ng boses sa inis.

“Kung sino man po kayo, hindi po maganda ang biro n’yo, tatawag kayo tapos hindi naman kayo magsasalita,” inis na sabi ni Loisa.

Agad niya na ring pinindot ang end call botton.

“Makapanood na nga ng tv,” padabog niya pang sabi.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status