Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2023-03-15 22:05:27

“Be honest with me Miss Sanchez, ano ba ang totoong nangyari?”Malumanay na tanong nito sa bagong sekretarya.

Dinala siya ni Abegail sa opisina nito pagkagaling nila sa opisina ni Steve Monteclaro. Awang-awa siya sa babae, unang araw pa lang nito sa trabaho ay ang bulyaw na agad ni Steve ang pa-welcome sa kanya.

“Huwag kang mag-alala Miss Sanchez hindi ko kinokonsente ang ano mang maling ginagawa ng mga empleyado ng Monteclaro Corporation, walang exemption dito kahit ang CEO pa ng kumpanya.”Seryoso niyang sabi kay Loisa.

“P-pasensiya na po Ma’am Abegail, hindi ko po sinasadyang pagtaasan ng boses ang bata kanina.”Nakayukong sabi nito sa among babae.

“Hindi ko rin naman po masisisi si Sir Steve na magalit po sa akin kaya huwag nyo na po siyang awayin Ma’am Abegail,”dagdag pang sabi ni Loisa.

“It’s okay, ganyan talaga kami ni Steve, laging nagbabangayan. Kung minsan naman kasi ay sumusobra na siya, gaya ngayon pyshical injury na ‘yang ginawa niya sa iyo.”Sabay turo nito sa pasa na nasa braso ng babae.

“Wala ho ito ma’am, naiintindihan ko naman po kung bakit nagalit si Sir Steve sa akin.”Depensa pa rin niya sa among lalaki.

“O siya, kung para sa iyo ay walang kasalanan ang pinsan ko ikaw ang bahala. Gayunpaman in behalf of my cousin I apologized for being rude of Mr. Steve Monteclaro towards you,”taos puso nitong hingi ng paumanhin sa kausap.

Tanging ngiti lamang ang naging sukli ni Loisa kay Abegail Monteclaro.

Matapos nilang mag-usap ay tinawag ng huli si Ciara upang samahan si Loisa na pumunta ng kanilang canteen para mananghalian.      

“Ciara ikaw na ang bahala kay Miss Sanchez, after ninyong kumain ipabasa mo na rin sa kanya ang rules and regulation ng company at ang iba pang internal policy natin.”Utos nito sa batang sekretarya.

“Opo Ma’am Abegail,”turan nito sa amo.

“Miss Loisa tayo na po muna sa canteen, Ma’am Abegail alis na po kami,”paalam nito sa amo.

“Sige po ma’am alis na po kami, maraming salamat po,”sabi naman ni Loisa.

“You’re welcome Miss Sanchez, enjoy your meal the both of you,”sabi nito sa dalawang babae.

Sa loob ng canteen medyo marami-rami na rin ang mga kumakain. Dinala ni Ciara si Loisa malapit sa may lagayan ng mga plate tray and other utensils. Matapos makakuha ng gagamitin sa pagkain ay pumila na rin ang dalawa.

“Isang serve po ng chopsuey, isang pritong isda at isang serve ng kanin,”sabi ni Ciara sa taga sukat ng pagkain.

“Ikaw, Miss Loisa ano ang gusto mong kainin?” Tanong nito sa kasama.

“Ha, Ah e, mura ba dito ang mga pagkain Miss Ciara?”Nahihiyang bulong pa nito sa babae.

“Hoo, huwag ka mag-alala, kung sakali man na kulang ang budget mong dala pwede naman ‘yan ililista nila tapos ikakaltas lang sa sahod natin.”Bulong niya namang sagot dito upang hindi mapahiya ang bagong kasama.

“Dahil unang araw mo ngayon dito, ililibre na lang muna kita, okay ba sa iyo yon?”Nakangiting sabi nito kay Loisa.

“Naku, huwag na nakakahiya naman sa iyo Miss Ciara,”nahihiya niyang sabi dito.

“Ano ka ba, huwag ka ngang mahiya, ituring mo ito na welcome token ko para sa ’yo,”nakangisi nitong sabi.

“Ano ang order po ninyo miss?”Tanong ng taga-serve ng pagkain kay Loisa.

“Marami pa po kasing nakapila miss,”dagdag pa nitong sabi.

“Ah e, sorry po pabigyan nga po ako ng isang serve ng pinakbet, isang prito rin po ng isda at tsaka kanin po, isang serve din.”sagot niya sa serbedora ng pagkain.

Parehong tubig lamang ang kinuha nilang panulak ng matapos ng makapagbayad si Ciara sa kahera. Sa may bandang dulo na sila ng mga lamesa nakapwesto dahil halos punuan na sa dami ng kumakain.

“Ganito ba karami ang mga empleyado ng Monteclaro Corporation Miss Ciara,”usisa ni Loisa.

“Hindi pa nga ito nangangalahati Miss Loisa,”sagot naman nito habang nag-umpisa ng kumain.

“Ganoon ba, o siya kumain nga pala muna tayo,”nakangiti nitong sabi sa kapwa sekretarya

Makalipas ang halos sampung minuto si Loisa ang unang tumigil sa pagkain at napansin iyon ni Ciara.

“Busog ka na, ni hindi mo pa nga halos nabawasan ang pagkain mo Miss Sanchez. Ako nga ito oh nag order pa ulit ng pagkain.”Takang tanong nito sa kaharap na babae.

“Talagang busog na po ako Miss Ciara,”ngiting sagot nito.

“Naku ilang kutsara lang ba ng pagkain ang isinubo mo, ganyan pa ang sekreto para mapanatili mo ang balingkinitan mong katawan?”Tanong ulit nito kay Loisa.

“Hindi ko alam Miss Ciara, talagang kunti lang ang kinakain kong kanin mula pa noon, siguro nasanay na ang bituka ko sa ganoon,”ngiti niyang sabi sa kasamahan.

“Kaya pala mataba ako kasi marami akong kinakaing kanin, tulad ngayon sabi ko isang serve lang pero kinulang pa,”natatawa niyang sabi sa kay Loisa.

Nakitawa na rin ang babae. Nang matapos na silang mananghalian ay bumalik na sila sa opisina ni Ciara. Kinuha nito ang mga kopya ng kanilang rules and regulation gayundin ang mga polisiya ng kompanya ayon sa utos ng kanilang among babae.       

 “Miss Loisa malapit na pala ang uwian bukas na naman ulit itong iba, kahit abutan tayo ng gabi rito hindi rin natin matatapos itong basahin,”nangigiting sabi nito sa bagong sekretarya.

“Ganon ba, o sige iligpit na natin ang mga folder,”sabi nito sabay dampot ng mga iba’t-ibang folder sa ibabaw ng lamesa ng babae.

Dali-daling dinampot ni Ciara ang telepono nang bigla itong tumunog.

“Monteclaro Corporation, Good afternoon, this is Ciara Lapid may I help you?”Nanginginig pang sabi ni Ciara sa kabilang-linya.

Nagtaka naman si Loisa kung bakit tila nenerbiyos ang babae ng dinampot nito ang puting telepono.

“For tomorrow’s schedule po sir wala po, inu-unti unti ko na pong ini-explain sa kanya po sir. Yes po, opo sir,”hindi magkanda-ugagang sagot ni Ciara sa kausap na nasa kabilang-linya.

“Miss Ciara sino po bang kausap n’yo, bakit para pong kinakabahan kayo?”Takang tanong niya dito.

“Si Sir Steve po Miss Loisa, ewan ko ba maraming taon na akong nagtatrabaho sa kanya hindi ko alam kung bakit pa rin ako nenerbiyos.”Sagot nito sa babae.

“Ganon ba, e, ano raw ang sabi?”Usisa naman ni Loisa.

“Tinatanong kung may meeting raw ba siya bukas, tinanong niya rin kung itinuro ko na ba raw sa iyo ang policy. Tapos sabi niya hindi raw ako lilipat ng ibang department kung hindi ko raw pagbubutihin ang pagturo sa iyo. Naku Miss Loisa, tulungan nyo po akong makawala na dito sa poder ni Sir Steve, mababaliw na po yata ako sa takot at nerbiyos sa kanya,”malungkot na pagsumamo ni Ciara.

“Ano ka ba, huwag ka nang mag-alala pipilitin kung maintindihan lahat ng turo mo sa akin. Pero sana kahit ilipat ka na Miss Ciara huwag mo pa rin akong pababayaan dito ha,”hiling nito sa kasamahan

“Oo ba, don’t worry Miss Loisa nasa 5th floor lang ang magiging opisina ko kapag dumating na ‘yong time na halos kabisado mo na ang lahat nang gawain dito.”Paniniyak naman ni Ciara.

“Siyanga pala matanong ko anong oras umuuwi si Sir Steve?”Usisa ni Loisa sa kausap.

“Depende e, ang sabi niya sa akin kapag alas-singko na ay pwede na raw akong umuwi, basta huwag na huwag ko lang kakalimutan sabihin sa kanya bago ako umalis kung ano ang magiging schedule niya kinabukasan.”Sabi nito.

“Ganon ba, sige tatandaan ko ‘yan Miss Ciara,”turan niya sa kausap.

“O siya, magligpit na tayo ng makauwi na, siyanga pala saan nga ang sa inyo Miss Loisa?”Tanong nito sa babae.

“Sa Baranggay Makiling ang sa amin Miss Ciara,”sagot niya dito.

“Kung ganon, sabay na tayong umuwi Miss Loisa, madadaanan natin ang sa amin papunta sa inyo.”Sabi naman nito sa babae.

“Sige ba, o siya tapusin na natin ang pagliligpit,”sang-ayon naman niya sa idea ni Miss Ciara.

Nang matapos na silang maglipit at maglinis ay tinawagan na ni Ciara ang kanilang dalawang amo upang makapagpa-alam nang umuwi.

Pagkalabas nila ng gusali ay napagdesisyunan nilang pareho na lakarin na lamang ang papuntang paradahan ng mga jeep pauwi sa kanilang bayan dahil hindi naman ito kalayuan sa kanilang pinapasukan. Habang sa daan ay naisipan ni Loisa na tanungin si Ciara tungkol sa mag-amang Monteclaro.

“Bakit mo naman naitanong, may gusto ka ba kay sir Steve, aminin mo,”tukso nito kay Loisa.

“Hindi kaya, naitanong ko lang may gusto agad?”ngiti niyang sabi dito.

“Sabagay bagay naman kayo ni Sir Steve kung sakaling maging mag-asawa na kayo.”Sabi pa nito.

“Asawa ka diyan, kita mo naman ‘yong ginawa sa akin kanina parang halimaw,”ismid nito sa kausap.

“Oi, bakit parang namumula yata ang pisngi mo, Miss Loisa,”kinikilig na nitong sabi.

“Ano ka ba, sige na nga change topic na tayo,”nakasimangot niya ng sabi.

Nagsisisi siya kung bakit niya pa naitanong sa babae ang tungkol sa mag-ama hayan tuloy inulan siya nito ng tukso.   

 “Pikon ka pala,”natatawang sabi pa ni Ciara sa kanya.

“O siya huwag ka ng magalit sa akin Miss Loisa,”sabi pa nito.

“Pero sa totoo lang huwag mo ng pantasyahin pang mamahalin ka ni Sir, kasi alam mo mula ng mamatay si Ma’am Lina nang dahil sa kumplekasyon sa panganganak nito kay Bianca Louise ay nagbago na si sir Steve. Kahit sinong babae na lang kaya ang ka date ng taong ‘yon. Parang mga damit lang ang turing nito sa mga babae kasi halos buwan- buwan kung magpalit ng nobya,”dagdag pa nitong sabi.

“Hindi ko naman pinapantasya ang amo mong lalaki ah,”simangot nitong sabi kay Ciara.

Ewan ba niya, ngunit parang nasaktan yata siya nang sinabi ni Ciara na papalit-palit ng nobya ang lalaki.

“Anong amo ko, amo nating dalawa, pag gamay mo na ang trabaho sa opisina magiging amo mo na lang siya. O di, good luck na sa ‘yo Miss Loisa,”natatawa nitong sabi.

“Hoy ano ka ba ang lakas mong tumawa,”napapatawa na rin siya sa kasama.

“Nakakahiya sa mga nakakasalubong natin Miss Ciara, ang lakas mo palang tumawa,”dagdag niya pang sabi dito.

“Tumatawa lang ako ng malakas kapag nasa labas na ng opisina kaya, alam mo na,”ngiti niya kay Loisa.

At nagtawanan na rin silang pareho na parang hindi naging maganda ang araw nila kanina sa Monteclaro Corporation.

Saktong dumating sila sa paradahan na dalawa na lamang ang bakanteng upuan. Pagsapit nila sa barangay nina Ciara ay una na rin itong nagpaalam sa kasama, bago ito bumaba ay nakiusap ito kay Loisa na bumalik bukas sa opisina at ipagpatuloy ang nasimulang trabaho. Tumango naman dito ang babae at nangakong magkikita pa rin sila bukas sa opisina at magsasama maging hanggang kaylan nila kayang paglingkuran ang kumpanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 120

    Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 119

    “Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 118

    “Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 117

    Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 116

    Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 115

    Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status