Share

Chapter 4

ALAS DOSE na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Coleman. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Coleman ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.

Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doom Hindi matanggal sa isip ko ang naging d***g ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.

Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong Plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.

Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero madalas sa kanila ay matatanda na pala. Nakilala ko si Mang Carding, si Aling Nenita, at marami pang iba. Halos lahat sa kanila ay pamilyado at may edad na. Mayroon din namang katulad ni Bea na ka-edad ko lang pero mailap din sila.

"Bibilisan ko ang paglilinis ngayon. Binyag ng apo ko, e." Tumawa si Mang Carding.

Nagulat ako dahil alam kong matanda na si Mang Carding ngunit hindi ko inasahang may apo pala siya!

'May apo na po kayo? Hindi halata!" Nakangisi kong sinabi.

Nakikinig ang ibang mga crew sa amin. May isang kumukuha na ng mga gamit tulad ng mop, basurahan, at iba pa.

"Alam mo naman ang mga bata ngayon, Elisia." Buntong hininga ni Aling Nenita.

"Opo, e. Disisais pa lang 'yong anak ko, may anak na rin. Halakhak at iling ni Mang Carding. "Wala tayong magagawa, anak 'yan e."

Napalunok ako. Bata pa pala ang anak ni Mang Carding at may anak na rin ito. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng kumuha ng mop sa tabi ni Bea.

Half day lang pag Sabado. Lilinisin mo lang ng kaonti dahil wala na namang pumapasok kapag weekends. Ang tanging pumapasok na lang ay 'yong may mga importanteng gagawin at 'yong may mga hindi pa natatapos na mga gawain.

"Tapos na ako!" Sambit noong isang Ialaking pinakamaagang nakarating.

Mabuti pa siya. Naglilinis siya ng mop at kinukuha ang plastic para mailagay na doon sa basurahan sa baba. Nag madali ako sa pagkuha ng gamit at iniisip na nandoon kaya si Mr. Coleman sa taas ngayon? Hindi ko alam,

Pabalik balik na dinilaan ni Bea ang kanyang labi pagkatapos mag lagay ng lipstick. Nakatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.

"Elisia..." Hinarap niya ako.

Napatingin ako sa kanya habang tinutulak ang cart kong may lamang mop at iyong mga supply para makapag linis na ako.

 "May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Dito lang ako."

Ngumisi siya at mabilis siyang lumapit sa akin. "Kasi ganito... may part time job ako kada Friday at Saturday." Aniya. Para siyang batang excited sa sasabihing kwento.

Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka. Kung ito ay patungkol sa pagbebenta ng laman ay aayaw na agad ako pero ang part time job na pagkakakitaan ng pera ay nakakapukaw ng kuryosidad.

 "Anong part time job 'yan?"

"Revel at the palace" Aniya.

"Ano 'yan club?" napangiwi ako sa sinabi niya.

"Oo, teh. Mag bibenta tayo ng mga sigarilyo at magse-serve ng alak sa mga bar. Kasi pwede ka, e. Mahaba ang binti mo at atsaka makinis. Pwede ka doon! Kaya lang..." Sumimangot siya habang kinukuha na rin ang cart niya.

Sabay kaming lumabas sa lounge at naghintay kami na umakyat ang elevator.

"Ano? Ano bang gagawin kk?" Tanong ko.

"Magbibenta ng sigarilyo at magse-serve nga mga malalaking bar kung saan-saan. Isang grupo tayo niyan ng mga babae. Magsusuot tayo nong damit nila. Yung maiksi? Tapos magbibenta tayo sa high end bars. Ikaw lang ang maoofferan ko kasi alam mo na, matatanda na 'yong iba at kailangan ng medyo bata. Isang libo ang gabi no'n, eh."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang pera. Hindi ako makapaniwala sa perang mahahakot ko para don! Kulang isang libo na lang ang pera ko ngayon at ang makakuha ulit ng isa pang libo ay nakakaengganyo para sa akin. Malayo pa ang 15 at doon lang ako makakakuha ng apat na libo kaya ang isang libo kada gabi ay sadyang nakakaakit.

"Oh? Edi sige!" Excited kong sinabi.

"Kaya lang baka hindi ka pwede kasi masyado kang bata. Ilang taon ka ba?'

Tumunog ang elevator at nagulat ako nang ang nasa loob roon ay si Mr. Coleman o kasama ang mga pinsan niyang si Vince at Roble. Nag uusap sila at naputol ito nang pumasok kami sa loob. Naestatwa si Bea kaya kinailangan ko pa siyang hilahin para makapasok na kami at makapunta na sa aming mga floor.

Nanlalaki ang mga mata ni Bea pagkasakay namin at pagkasarado ng elevator.

"Saan kayo mga miss?" Tanong ni Vince sa likod namin.

Pareho kaming nasa harap ni Bea. Humakbang si Vince sa harap namin at bahagyang tumabi si Mr. Coleman.

"40th ako. Hindi ko alam kay Bea. Saan sa'yo?" Tanong ko.

"30th sa F-Finance." Nauutal niyang sambit.

Tumahimik ako at yumuko. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang titig ni Mr. Coleman sa akin. Hindi ko naproseso agad ang kanyang suot. Hindi tulad kahapon na sobrang pormal niya, ngayon ay nakaitim na shorts siya at naka puting v neck na t shirt. Dinungaw ko ang kanyang sapatos na may malaking check sa gilid.

Tahimik lang kaming lima. Nanatili parin akong nakayuko at nanatili naman ang mga mata ni Mr. Coleman sa akin. Sa akin ba talaga? O baka naman nakatitig siya sa kay Mia na nasa gilid ko? Humalukipkip siya. Sa galaw niyang iyon ay unti unti ko siyang nilingon at nagulat ako nang sa akin nga nakatitig ang mabibigat niyang mga mata.

Halos tumigil ako sa pag hinga at mabilis akong yumuko ulit. Bakit siya nakatitig sa akin? May narinig akong halakhak sa likod at alam kong si Roble iyon dahil siya na lang ang nasa likod namin ni Bea.

Tumunog ang elevator at bumukas ito. May nakita akong Financial Dept. sa taas at nakuha kong dito na baba si Mia na hindi parin gumagalaw sa sobrang gulat. Ano bang ikinagugulat nito?

"Bea-" Sabay Siko ko sa kanya.

Napatalon siya at mabilis na umalis doon. Ngumuso si Vince sa inasta ni Bea. Kitang-kita ko ang pula niyang mukha habang umaalis. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong hindi ko nga pala siya nasagot.

"Bea! Twenty na ako! Pwede na ako doon!" Sabi ko at tumango siya bago sumara ang pintuan ng elevator,

Mabilis pa ang pintig ng puso ko dahil sa huli kong sinabi kay Bea. Mukha ba akong bata sa paningin niya? Sa bagay, kakabente ko lang naman.

"Oh, twenty ka na, Elisia? Tanong ng nasa likod kong si Roble.

Nilingon ko siya at nginitian. "Opo, Sir. Kakatwenty ko lang.

"Wag mo na ako tawaging sir. I'm not your boss. Pinsan lang kami ni Lance." Aniya at nilingon niya si Mr. Coleman.

Tumango ako at nag iwas ng tingin kay Mr. Lance Coleman. Hindi ko siya matingnan dahil naaalala ko iyong nangyari kagabi. Hindi ko talaga magawa. Hinigpitan ko ang kapit ko sa cart habang naghihintay sa 40th floor.

Napansin kong silang tatlo pala talaga ang naka sports attire. May dala pang malaking bag si Vince na may malaking check din.

Tumingala ako at naghintay ulit. Iginala ko na lang ang paningin ko sa mga sulok ng elevator.

"I said I won't be here." Ani Vince at humalukipkip.

"Come on, dude. Just until next week." Ani Roble sa likod ko.

"Aalis ako. May gig lang bukas kaya ako nandito." Ani Vince.

Habang nag uusap sila ay batid ko ang mga titig ni Lance sa gilid ko. Kung hindi lang tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan ay iisipin ko nang tulala siya sa akin. Nagulat ako nang una siyang lumabas. Mabilis at matigas ang bawat hakbang niya habang tinatapon ang bag sa sofa. Dumiretso siya sa kanyang table.

Tinulak ko ang cart at nag isip kung saan ako magsisimula. Pano nga ba ito? Nandito nga pala sila? Siguro ay magpupunas na lang ako ng bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang malalaking salamin mula kisame hanggang sahig.

lyon nga siguro ang gagawin ko.

"Kainis ka naman. Ang arte mo." Ani Roble.

Humalakhak si Roble. "Lance will be there, anyway. Don't be a baby, Roble."

Nag asaran ang dalawa. Mukha atang hindi masyadong nagsaalita si Mr. Coleman ah? Nilingon ko ang kanyang mesa at nakita kong nakatukod ang dalawa niyang kamay doon habang nakatayo siya at nakatingin sa akin. Bumagsak ang tingin niya nang naabutan ko siyang tumitingin. Pinagmasdan ko na lang ang hawak kong wiper at glass cleaner. Ano yon? Ba't siya nakatingin.

"Damn, Lance. Wala kang tubig sa fridge mo?" bagot na sinabi ni Roble habang tinitingnan ang loob ng malaking ref ni Lance.

"Ano?" Sigaw ni Roble at lumapit sa ref na nakatayo sa malayong gilid.

"I forgot." Matigas na sinabi ni Mr. Coleman. "Ipapahatid ko na lang dito." Aniya at mabilis na nilagay ang telepono sa kanyang tainga.

Mr. Coleman. Kumuha ako ng matutungtungang stool at para makapagsimula na sa paglilinis ng salamin.

Si Mr. Coleman. Hindi bagay sa kanya ang tawaging ganon.

Mukha namang hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

Kakutya-kutya na may sinasabi na siya sa stock market sa ganong edad. Ibang klase talaga pag ipinanganak kang mayaman. Wala nang problema sa trabaho at pera. Pero ang Lance... nababagay sa kanya. Bagay dahil mukha siyang Iaging galit.

Naiirita ako sa malaki at medyo maluwang kong pants. Baka mamaya pagkatungtong ko sa stool ay matalisod pa ako dahil dito, Lance, huh.

"Lance, matagal pa ba iyan? Madedehydrate ako nito." Ani Vince.

"Wait for me downstairs, then! I'm checking the database, Matatagalan pa ang tubig." Malamig na sinabi ni Lance habang may tinitingnan sa kanyang laptop.

Nakita niya na naman akong nakatingin sa kanya kaya tumingin ulit siya sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin

Natatawa na si Roble at parang may binubulong siya kay Vince.

"Oh no, you don't-" Natatawang sinabi ni Vince.

"Jesus, Vince! Just get out of my office and drink your milk downstairs! Susunod ako in fifteen minutes!" Ani Lance.

Humahagikhik si Roble habang kinukuha ang kanyang bag at pinipindot ang elevator. Si Vince ay tamad na naglalakad at nanunuya pa kay Lance,

"Go away!" Ani Lance habang nag tatype sa kanyang laptop.

"Whatever you say, cousin." Ani Vince at sumunod na kay Roble sa elevator.

Nagtatawanan silang dalawa. Hindi maipagkakaila na magpinsan nga ang tato. May kakaibang pang dayuhang mga features sila sa mukha na hindi ko mailarawan. Kakaiba ang kulay ng mga mata ni Vince, matangkad siya, malaki ang pangangatawan, matangos ang ilong at maganda ang ngiti. Si Roble naman ay may buhok na mukhang kahit anong gulo niya ay maganda parin ang kalalabasan, expressive ang kanyang mga mata Ialo na pag ngumingiti.

Halatang marami na siyang nabibihag na babae dahil doon. At syempre... si Lance...

"You were here last night?"

Napatalon ako sa tanong niya. Binaba ko ang wiper at nagkunwari akong hinuhugasan ito habang sinasagot siya.

"Opo. Naglinis." Mariin kong sinabi.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nakita ko siyang sinarado ang kanyang laptop. May kinuha siya sa drawer at may kung anong sinulat sa papel.

Bumaba ako sa stool para linisan ang babang parte ng salamin. Mahirap palang linisin ang opisina niya kasi ang laki ng mga salamin.

"Don't lie to me, Elisia." Malamig niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatayo at nakahilig siya ngayon sa harap ng kanyang mesa. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin niya sa akin.

Doon yong pinangyarihan mismo ng nangyari kagabi kasama 'yong... 'yong girlfriend niya!

Napakurap kurap ako nang naalala ko ulit iyon. Mas Ialong nag dilim ang kanyang titig sa akin.

"You saw me." Aniya.

Nangangapa ako ng salita. Hindi niya naman ako nilingon kagabi, imposibleng nakita niya ako! Paano niya ako nakita? Hindi ko alam.

"Ang sabi ni Mrs. Chiu, wala ng tao dito pagdating ng alas diyes kaya umakyat ako ng 1 0:15." Paliwanag ko.

Humakbang siya palapit sa sofa at pinulot niya ang kanyang bag.

Magaling, Elisia! Kakasimula mo pa lang ay mukhang matatanggal ka na ng lintek na Lance na 'yan sa trabaho! Magaling! Ngayon, itatapon na ako at maghahanap na ako ng dyaryong ilalatag ko sa Luneta para higaan mamayang gabi!

"H-Hindi ko naman sasabhin 'yung mga nakita ko, Sir. Wala po akong pakealam kung anong gagawin ninyo ng girlfriend niyo. Sa susunod po, alas onse na ako aakyat para makasigurado." Mabilis kong sinabi sa takot na balibagin niya ako sa trabahong ito.

"Stay away." Aniya. "Kagabi..." Lumunok siya. "Hindi ako makatulog dahil alam kong nakatingin ka habang ginagawa ko iyon sa kanya. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa'yo. And she's not my girlfriend. I don't have a girlfriend, Elisia."

Shit! Nagkamali pa ako? Lagot na talaga ako nito! Baka kakasuhan niya ako ng libel dahil sa pagsasabi ng mga bagay na hindi naman pala totoo.

"Sorry po, hindi ko alam na hindi mo 'yon girlfriend, Sir. Hindi na po mauulit 'yong panonood ko. Hindi ko rin po talaga sasabihin sa iba." Sabi ko at nanginginig na ang buong sistema ko sa takot na mawalan ako ng trabaho!

Nanliit ang mga mata ni Lance at nag igting ang kanyang panga. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Just stay the fuck away."

Nanlaki ang mga mata ko at pinanood ko siyang parang napapasong umaalis ng opisina niya. Hindi pa niya ako tinatanggal. Stay away, iyon lang ang naging bilin niya sa akin! Thank you, Lord!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status