Share

Chapter 3

KINALKAL ang basurahan para maghanap sa aking resume. Mabilis ko naman itong nakita. Medyo nagusot kaya inayos ko ito. Tatayo na sana ako para makaalis na sa building na iyon. Oo, masakit ang nangyaring iyon pero wala na akong panahon para dibdibin ang lahat. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung saan ako makakatulog sa gabing iyon.

Nagulat ako nang may isang kamay akong nakita na nakalahad para sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Kusa akong tumayo at napatingin sa lalaking nakangiti sa harap ko. Maputi siya at pulang pula ang kanyang labi.

"Sorry sa inasal ng pinsan kong si Lance Coleman. Badtrip lang siguro siya kaya gano'n. I'm Vince." Lahad ulit niya ng kamay sa akin.

Tiningnan ko ang kamay niya at mabilis ko itong tinanggap.

"Elisia po." Sagot ko. "Salamat, pero kailangan ko nang umalis."

Luminga linga ako sa paligid at nakita kong bumalik na sa dati ang eksena sa likod. Nawala nga lang si Miggy at iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakita ko si Mr. Lance Coleman na umiigting ang panga habang kausap ang mg security guard at isang mukhang importanteng tao. Nakapamaywang siya at tumatango sa kanila.

"Huwag ka munang umalis." Pigil nong lalaking may mahabang buhok.

Pamilyar siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita pero namumukhaan ko siya. Nang humalukipkip ay napagtanto kong isa siyang modelo. Nakita ko na siya sa isang billboard sa EDSA noon. Tumitig ako sa kanyang mga matang may dayuhang kulay. Blue or green? Hindi ako makapag desisyon.

Kumunot ang noo ko sa lalaking iyon. "Kailangan ko pong maghanap ng matutuluyan at trabaho. Kung wala po dito, kung ganon, kailangan ko nang umalis." Sabi ko bago ko mapigilan ang sarili.

Ngumiti ang lalaking may mahabang buhok. "Tanggap ka na dito. What do you want? Be a janitress, clerk?"

"May options po ako?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Tinikom ng lalaking may mahabang buhok ang kanyang bibig at tumingin sa kanyang relo bago nagsalita ulit. "Janitress then. We need some janitress."

Huminga ako nang malalim. Legit ba ito? Totoo bang tanggap na ako? Bakit parang hindi? Napatingin ako sa kay Mr. Coleman Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko siya ang amo dito. Coleman Group of Companies nga naman ang kompanyang ito. Kung hindi Siya ang amo, Siya siguro ang may ari? Hindi ko alam.

 "May pipirmahan po ba akong... uh, kontrata?" Kasi pakiramdam ko mas totoong tanggap ako sa trabaho kapag gano'n.

Alam ko namang mukhang tinanggap lang ako dito dahil sa awa at dahil sa nangyari sa akin kanina. Ganunpaman ay wala na akong pakealam kung paano ako natanggap. Ang importante sa akin ay natanggap ako, may trabaho ako, at mag aadvance ako kung pwede man para may ihulog ako sa one month advance na madalas ay patakaran sa mga apartment, dormitory o kahit anong pwede kong matuluyan sa mga susunod na buwan.

 'Meron." Ngiti ng lalaking modelo. "Actually, you may start now. We need more janitress."

Siniko ni Vince ang modelo at medyo ngumiwi ang modelo sa kanya. Kumunot ang noo ko sa mga inaasta nila.

"Mawalang galang na po pero pwedeng bukas na lang ako magsimula?" Nahihiya kong tanong.

Nahihiya ako kaso sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong magagawa.

"Bakit?" Kunot ang noo ng modelo sa akin.

"Kailangan ko kasing maghanap ng matitirhan." Sagot ko.

Nagkatinginan ang lalaking may mahabang buhok at si Vince. Ngayon hindi na ako sigurado kung totoo ba itong pinagsasabi nila. Mapagkakatiwalaan ba ang mga 'to? Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking may mahabang buhok. Pareho sila nitong si Vince na naka-longsleeve na nakatupi hanggang siko. Ano ba sila ditc sa kompanya at bakit imbes na ang mga HR ay sila ang kumakausap sa akin?

"I'll talk to Lance. You can probably stay in his house."

Medyo ngumiwi si Vince sa sinabi ng lalaking may mahabang buhok.

"Ha? Po? Mawalang galang na naman pero sinong Lance po ang tinutuloy ninyo? lyong may ari po ba? Bakit po ako sa bahay nila titira?" Nalilito kong tanong.

"Eh kasi, Elisia, 'di ba nga, nangangailangan din siya ng janitress sa bahay nila. I mean... maid." Ani Vince sabay ngisi sa lalaking may mahabang buhok.

Nakita kong umayos sila sa pagkakatayo habang tumitingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko sa dalawa kaya nilingon ko ang kung sino man ang nasa likod ko at nagulat ako nang naroon nga si Mr. Lance Coleman.

Lance Coleman?

"What's the problem here, Roble?" Tumawa ang isang lalaking may mahabang buhok.

"Lance, you told me she can start today right? Gusto niyang umalis para maghanap ng matutuluyan." Anang Roble, iyong lalaking may mahabang buhok.

"Teka..." Pumikit ako dahil nagkabuhol buhol na ang utak ko. "Ang sabi mo kanina sa akin ay hindi ako tanggap. Ngayon, tanggap ako? Totoo ba ito?" Tanong ko sa kay Mr. Lance Coleman.

Nag igting ang kanyang panga at tumingin siya sa akin gamit ang isang nakakakilabot na ekspresyon. "Ayaw mo?" Tumaas ang isa niyang kilay.

"Gusto." Diretso kong sinabi. "Masyado lang nakakapagtaka."

"Huwag kang magtaka, hindi ka espesyal. You are hired. If you want to stay, you may stay here in the office. Kailangan namin ng taga bantay rin dito bukod sa mga guards." Malamig niyang sinabi habang kinukuha ang isang papel galing sa isang babae at may pinirmahan.

Ngumiwi ako sa lahat ng sinabi niya.

"For free?" Tanong ko nang napagtantong nasagot nga pala non ang mga problema ko.

"Not for free. Serbisyo mo ang kailangan ko kaya kita pinapasilong sa building na ito. I want my office to be clean, all the time, ayaw ko sa dumi-"

"Lance, that's harsh. She can stay in your house-"

Pinutol agad ni Lance si Roble. "Since when did you care about my employees, Roble? Besides, my house is full."

"Full the fuck. You don't even have your own maid. You are alone in that big house!"

Napatingin si Mr. Coleman sa akin. Nag taas siya ng kilay na para bang inuutusan niya akong umalis. Mukha atang nasa maling lugar ako ngayon.

Sa totoo lang, wala akong pakealam kung ano ang mga isyus nila sa kanilang buhay. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng trabaho at may masilungan. Ngayong may maibibigay sila sa akin na ganito ay mabuti na iyon para sa akin. Wala na akong pakealam kung bakit at paano mangyayari ang lahat, ang importante sa akin ay meron na.

Umalis ako sa kanilang harapan. Sinalubong ako ng isang babaeng naka corporate attire. Nagpakilala siya bilang si Mrs. Chiu. Mataba at medyo matanda na si Mrs. Chiu. Mas kumportable ako sa kanya kumpara kay Miggy.

"Nasa 15th floor ang Headquarters ng Maintenance department. Meron din sa first pero madalas ay mga lockers lang ang naroon." Ani Mrs. Chiu. "Inutusan ka ni Mr. Coleman na sa opisina ka niya magbantay."

Tumango ako sa sinabi ni Mrs. Chiu.

"Walang headquarters doon at hindi ko alam kung saan ka matutulog don." Medyo nagtataka niyang tanong.

"Naku! Walang problema po sa akin kung saan ako matutulog. Sa sahig ko kahit saan." Sabi ko.

"We'll just wait for Mr. Coleman order. Sa ngayon, sa Headquarters kita ibabase, doon sa 15th floor. Okay?

40th floor ng building ang opisina ni Mr. Coleman Usually, may guards bawat floor pero wala sa 40th kasi ayaw ni Mr. Coleman."

Tumango tango ako at napagtantong maraming ayaw si Mr. Coleman at isa ako sa mga ayaw niya.

Kung ayaw ng isang tao sayo, dapat ay umiwas ka na lang. Ayaw ko ng gulo at gulo lang ang maihahatid kung ipagpipilitan ko ang aking sarili sa mga taong ayaw ako kaya mas mabuti na rin sigurong umiwas na lang ako. Tutal ay hindi naman kami palaging mag uusap ni Mr. Coleman. Taga linis lang naman ako dito.

"Saan po yung lilinisan ko? Buong building po ba?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

Umiling at tumawa si Mrs. Chiu. "Hindi, hija. Mamamatay ka 'pag buong building ang lilinisan mo. May isang naka assign na maintenance sa bawat floor nito. Ibig sabihin ay kuwarenta kayong Maintenance crew namin. laassign kita sa..." Ngumuso siya habang tinitingnan ang papel sa kanyang kamay.

Pinapanood ko ang pagbabago ng numero sa loob ng elevator. Napalunok ako at napagtantong gutom parin talaga ako. Papaano ako makakakain nito kung magsisimula na ako ngayon? Siguro ay lalabas muna ako saglit at bibili ng kung anong pagkain. Naisip ko ang fried chicken kanina sa Jollibee. Mabuting desisyon kaya ang magwaldas ng isang daan para doon?

"Kailan po ba ang sweldo?" Tanong ko kay Mrs. Chiu.

"15, 30 ang sweldo ng mga empleyado dito. Ah!" Aniya at umaliwalas ang kanyang mukha. "Sa 40th floor ka na lang. Since dito ka naman matutulog at madalas ay si Mr. Coleman ang huling umaalis bukod sa Financial Department, doon na lang kita iaassign." Ani Mrs. Chiu..

Tumango ako. "Mga anong oras po ba umaalis si Mr. Coleman?"

"Mga Alas Diyes ang pinakamatagal. Kaya ibig sabihin,

10:30, aakyat ka na at maglilinis ka na sa 40th floor." "Ganon? Hindi po ba pwedeng 10:10 ako aakyat?"

Napatingin si Mrs. Chiu sa akin.

Ngumisi ako at nag peace sign. "Joke lang po Sige po. 10:30." Sabi ko habang ginagala ang mata ko sa mga numero sa elevator.

Ipinakita ni Mrs. Chiu sa akin ang opisina ni Mr. Coleman. Hindi niya sinabi sa akin na buong 40th floor pala ang opisina ni Mr. Coleman! Malawak iyon at salamin lang ang dingding! Kitang kita ko ang paglubog ng araw galing doon.

"Madalas, saka na umaalis ang mga maintenance crew pag wala na ring tao sa kanilang floor. Ikaw, hindi ka naman aalis kaya maayos lang siguro. Madalas ang huling umaalis dito ay si Bea. Siya 'yong assign sa Finance."

Tumatango tango lang ako habang tinitingnan ang isang halaman sa ibaba ng napakalaking abstract painting ng mukha ring halaman. Magkano kaya ang mga muwebles na ito? Siguro ay mapapakain ako nito ng mga dalawang buwan?

"Nag-college ka ba, hija?" Tanong ni Mrs. Chiu.

"Hindi po, ma'am. Muntikan na nga akng 'di makagraduate ng high school. Pero gusto ko po sanang mag-college kaya lang wala pa akong pera."

Sinuri ako ni Mrs. chiu. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hindi halata sa'yo. Kutis mayaman ka atsaka maganda." Umiling siya.

"Narinig ko ang nangyari sa inyo kanina ni Miggy. Sorry do'n Marami nang reklamo don kahit mga empleyado. Hayaan mo baka natanggal na iyon ni Mr. Coleman. Pero totoong maganda ka at nakakapagtaka na wala kang matirhan. Asan ba ang mga magulang mo?"

Ngumiti ako. "Salamat po. Maganda kasi si mama. Kakamatay lang po ni mama. Ta's matagal na rin hong patay ang papa ko."

Gumala pa ako sa opisina. Ayaw ko sanang pagusapan ang tungkol sa pamilya ko. Gusto ko munang magpakatatag sa ngayon. Ang maalala si mama at ang kanyang pagkamatay ay wala sa lugar. Malulungkot lang ako.

Mabuti na lang at tinantanan din naman ako ni Mrs. Chiu sa mga tanong niya. Hinatid niya ako sa 15th floor at tama nga siya. Nakaalis na halos lahat ng maintenance. Ang natitira na lang doon ay isang babaeng mas matanda sa akin ng kaonti. Nanliliit ang kanyang mga mata sa akin habang inaayos niya ang kanyang buhok.

"Bago ka?" Tanong niya habang nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi.

Tumango ako at tiningnan ang lounge. May sofa doon at napagtanto kong doon na rin siguro ako matutulog?

"Aling floor?" Tanong niya.

Pinagmamasdan ko kung paano niya sinusuklay ang buhok niya. Maganda siya. Medyo maputi at mahaba ang kanyang buhok. Hindi kasing haba ng sa akin pero mas makintab naman iyon at mas straight.

"40th." Sabi ko.

Nanlakit ang kanyang mga mata. "Kay Mr. Coleman?"

Tumango ako at nagulat sa kanyang reaksyon.

"Oh my God! Sobrang gwapo no'n at sobrang hot! Nakita mo na ba siya?" Tanong niya sa akin.

Tumango ulit ako at kinuha ang isang unipormeng kulay royal blue na mukhang magiging uniporme ko ngayon.

"Tapos? Sobrang gwapo niya 'diba? My gooood. Ang swerte mo naman." Nanggigigil siyang lumapit sa akin. "Pinangarap ko talaga na sa 40th floor ako ma assign! Tapos anong nangyari nong nagkita kayo?"

Napangiwi ako. Naiintindihan ko na gwapo nga si Mr. Coleman. Inaalala ko ang pagkakadepina ng kanyang mukha dahil sa kanyang panga at sa kanyang mga kilay. Matangos ang kanyang ilong at nipis ang kanyang labi. Tipikal na mayaman at successful. Pero aanhin ba ng mga tao ang gwapo ngunit masahol ang ugali? lyon ang hindi ko maintindihan sa mga tao.

Umismid si Bea nang sinabi kong hindi ko nagustuhan ang ugali ni Mr. Coleman at mukhang ayaw niya rin sa akin. Pinaalis niya ako nang una kaming nagkita at tinapon niya sa basurahan ang aking resume.

"Alis lang ako. Umalis na daw si Ms. Mendez, okay na ang Finance! Hay salamat at makakauwi na ako!" Ani Bea at umalis na siya doon.

Habang wala si Bea ay naisipan kong lumabas ng building. Naka uniporme na ako at naisipang bumili na lang ng mga delata imbes na kumain nga sa Jollibee. Isang delata sa isang araw. Siguro naman ay mabubuhay ako nito? Mabuti na lang talaga at may libreng matutuluyan ako dito. Magtatagal kaya ito o maiisipan nilang masyado akong pabigat kasi doon ako natutulog? Sana ay hindi.

Bumili ako ng walong de lata at inisip na siguro ay kakain ako sa karindirya o fastfood minsan para hindi nakakaumay ang de lata. Medyo malayo layo pa ang If kaya dapat ay magtipid muna ako. Pagnakaipon na ako, siguro naman ay makakapag renta na ako ng isang space. Mas maganda kasi iyon dahil may sariling kama, may banyo, at may paglalagyan ng gamit. Sa building kasi, common lang yong banyo.

Pagkabalik ko galing sa grocery ay wala na roon ang bag ni Bea. Napagtanto kong umalis na siguro siya. Kumain muna ako at natulog. Tuwing nakakatulog ako ng mahimbing ay ginigising ko ang sarili ko dahil natatakot akong hindi ako magising ng 10:30. Wala akong cellphone kaya walang pang alarm.

Limang beses akong nakatulog at nagising hanggang

sa nag 10:15 na. Naghilamos ako at nag ayos. Inayos ko ang aking damit at pumanhik na palabas para makapaglinis na sa 40th floor.

Tinali ko ang mahaba kong buhok at pinindot ang 40 sa elevator. Naghintay ako ng ilang sandali bago ako nakarating. Bumukas ang elevator at bumulagta sa akin ang medyo madilim ng opisina.

May double doors pa bago ako makapasok. Kinuha ko muna iyong mop bago ako pumasok at nagsimulang mamulot ng basura. Nakita ko roon ang iba't ibang punit na papel. Siguro ay pinunit ito ni Mr. Coleman kanina sa sobrang galit? Napangiti ako habang iniisip na galit na galit si Mr. Coleman. Bakit pa magagalit ang mga tao kung sobrang yaman na nila? Kung may pera ako, araw-araw na akong nakangiti. Kahit na anong kamalasan ang bumagsak sa akin, hindi na matitibag ang ngiti ko dahil wala na akong problema sa pera.

Natigilan ako nang may napulot akong kakaiba. Tinukod ko ang mop sa sahig habang inaangat ko ang aking sarili habang tinitingnan ko ang napulot kong kulay pulang strings. Ilang sandali pa bago ko nalaman kong ano iyon.

"Panty?" Bulong ko sa aking sarili.

Luminga linga ako hanggang sa unti unti kong narinig ang mumunting ungol galing sa mesa ni Mr. Coleman.

Ano 'to?

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakahawak ako sa mop. Kitang kita ko ang n*******d na likod ni Mr. Coleman habang itinutulak ng pabalikbalik ang kanyang sarili sa isang babaeng nakahilig sa kanyang mesa.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang hubad na likod. Ang muscles ng kanyang likod ay sumasabay sa ritmo ng kanyang pagtulak sa babae. Nakatayo siya at nakahawak sa baywang ng babae habang ginagawa iyon.

Tinakpan ko ng kamay ko ang aking bibig. Umungol pa lalo ang babae habang pinupulupot niya ang kanyang binti sa likod ni Mr. Coleman. Tumingala si Mr. Coleman at nakita kong nag igting ang kanyang panga habang sumisigaw ang babae. Tumindig ang balahibo ko sa sigaw ng babae.

"Lance!"

Huminga ako ng malalim at unti-unting umalis. Wrong timing talaga ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status