로그인NEAH’S POVSalubong ang mga kilay kong nakatingin sa kanila. Alam ko naman na napansin na ako ng anak ko rito nang bumangon siya pero hindi man lang niya ako kinausap o binati man lang ng good morning. Nagbibiruan pa rin sila ni Dave kahit na kagigising pa lang nila.Bumangon na si Dave saka siya napatingin sa akin. Matamis pa siyang ngumiti na tila ba napakaganda ng gising niya.“Good morning,” baling niya sa akin. Bumaba na rin si Kaiden sa sofa saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko.“Good morning mommy.” Nakangiti niyang bati.“Bakit dito na kayo natulog kagabi?” Tanong ko saka ko tiningnan si Dave. “Bakit hindi mo hinatid sa kwarto namin si Kaiden?”“Pasensya ka na. Napagod na kasi kami sa kakalaro. Nahiga lang naman kami rito saglit para sana magpahinga bago pumasok sa mga kwarto namin pero hindi na namin namalayan na pareho na kaming nakatulog dito.”“Alam niyo rin ba kung anong oras na?” Nakataas ang kilay kong sambit. Hindi naman ako nagagalit.Napatingin si Dave
NEAH’S POVNagising ako madaling araw na. Napansin kong wala sa tabi ko si Kaiden. Hindi ba siya pumasok pagkatapos nilang maglaro ni Dave kanina? Half open pa ang mga mata ko nang bumangon ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko naman silang dalawa na nakatulog na sa sofa. Dahan-dahan ko silang nilapitan. Naupo ako sa center table habang nakaharap sa kanila.Nakayakap si Kaiden kay Dave at ganun din ang isang kamay ni Dave kay Kaiden. Pareho silang masaya kapag kasama ang isa’t isa. Tinitigan ko ang mukha ni Dave. Hindi ko mapigilang mang-init ang mga pisngi ko kapag naaalala ko ang halik niya sa akin. Hindi makatanggi ang katawan ko sa kaniya na para bang gustong-gusto rin nito ang ginawa ni Dave.Naiinis na naman ako sa sarili ko. Ayaw kong mahulog sa iisang tao. Nasaktan ako ng dahil sa kaniya at kung magiging mahina na naman ako baka maulit lang ang nangyari sa amin noon. Kung sapat talaga ang pagmamahal ni Dave para sa akin, hindi niya sana ako iniwan ng maraming beses at inuna
DAVE’S POVNapapangisi na lang ako kapag tinitingnan ko si Neah. Hindi niya na magawang tumingin sa akin pagkatapos ng nangyari sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kami. Iniiwasan niya ang bawat tingin ko sa kaniya.Nasa kusina ako at nagluluto ng pagkain namin for dinner. Kung itong pagpunta namin dito sa France ang dahilan para makuha ko ulit si Neah, hinding hindi ko pagsisisihan na pumayag ako sa gusto ni Cassandra na sumama dito.“Hi, Tito Dave. What are we having for dinner tonight?” Kaiden asked excitedly. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko kay Kaiden. Pakiramdam ko ay anak naming dalawa ni Neah o baka tama lang si Neah, baka nangungulila lang ako sa anak naming dalawa at nakikita ko kay Kaiden ang anak sana namin.“I’m cooking a lot of dishes, you’ll get to taste them later,” Nakangiti kong sagot sa kaniya. Napapangiti naman siya sa akin.“You cook so well, Tito Dave, you might become my favorite chef.” I chuckled at what he said, but somehow his compliment war
NEAH’S POVHalos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa halik na yun ni Dave. Hindi ko alam kung matatandaan pa ba niya yun ngayon o hindi dahil lasing siya. Hawak-hawak ko ang labi ko habang nakatingin sa salamin. Ginulo niya ang buong sistema ko buong magdamag.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ano bang ginawa ko? Sana hindi niya na maalala ang nangyari sa amin kagabi.Sinagot ko ang mga halik niya sa akin. Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang pagpasok ng isa niyang kamay sa loob ng damit ko. Itinulak ko siya at nahihiyang bumalik ng kwarto ko. Sana talaga hindi niya na maalala yun. Sana iniisip niyang panaginip lang ang lahat ng yun.Sa lakas ng kabog ng dibdib ko, para bang bumalik ako sa pagiging teenager dahil sa nararamdaman ko. Hindi naman yun ang unang halik namin pero buong magdamag kong ramdam ang mga labi niya sa mga labi ko.Kanina pa ako nakagayak pero wala akong lakas ng loob na lumabas ng kwarto ko.“Dang!” Gulat kong sambit nang may kumatok sa pintuan.“Neah, ka
NEAH’S POVNagpatuloy ang trabaho ko sa mansion ng mga de Valois. Sinasamahan ako ni Dave kahit na wala na siyang gagawin. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakaharap sa laptop niya. Nagfocus ako sa ginagawa ko dahil gusto kong matapos ng maaga. Inaasahan ko namang posibleng mag-extend pa kami rito pero ayaw kong magtagal pa rito. Baka tuluyan nang lumabas sa dibdib ko ang puso ko.Kapag nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig siya sa akin, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Para bang nabablangko na ang utak ko. Nakakalimutan ko tuloy kung ano bang dapat kong gawin. Nang makaramdam ako ng ngalay sa ginagawa ko ay sumandal na muna ako sa upuan. Tiningnan ko si Dave at nakatingin na naman siya sa akin. Every time nakikita kong nakatingin siya sa akin, nagwawala talaga ang puso ko.Nang bumukas ang pintuan ay napatingin kami dun. Pumasok ang limang katulong na may dalang food tray. Dalawa lang kami dito pero napakaraming pagkain ang inihahain sa amin. Hindi naman namin nauubos
NEAH’S POVLumabas ng hotel si Dave para bilhin ang mga kailangan niya sa pagluluto. Gusto ko sanang samahan siya pero pinagstay niya na lang ako rito sa kwarto namin. Habang naglalaro si Kaiden sa sala kasama si Claire ay nagshower na muna ako.Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang warm water. Napapahilamos na lang ako dahil para bang nakalimutan kong kasama namin si Dave dito. Okay lang ba talaga sa kaniya ang ginawa namin ni Kaiden kanina? Nasira pa ang dalawang butones ng suit niya. Napapabuntong hininga na lang ako. Sana sa kwarto na lang kami naglaro ng anak ko. Nakita pa ni Dave kung anong ginagawa ko pagkatapos ng trabaho.Nang mapansin kong kanina pa ako rito sa shower room ay naligo na ako saka ako lumabas at nagbihis. Rinig ko na naman ang tawa ng anak ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako.Akala ko ay nasa sala si Kaiden pero sa kusina pala nagmumula ang tawa niya. Nakaupo si Claire sa sofa kaya siguradong si Dave ang kasama ni Kaiden. Pinuntahan ko silang d
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the s







