LOGINDAVE’S POV
Tinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.
“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”
“What?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nagmamadali pa ako? “Paanong nangyari yun? Pinacheck ko lang ang sasakyan ko last week. Pinalitan din ang mga gulong.” Nagtataka kong tanong sa secretary ko na para bang alam niya rin ang sagot gayong magkasama kami sa loob ng conference room.
“Hindi ko rin po alam sir.” Napapabuntong hininga ako.
“Magbook ka ng sasakyan.” Utos ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa suit at pants ko pero wala ito. “Where’s my phone?” baling ko sa secretary ko. Kinuha naman nito ang cellphone ko sa bag niya at ibinigay sa akin.
Tiningnan ko kung may message man lang ba si Neah o tawag pero wala. Siguro ay naghihintay pa siya sa restaurant. 10:00 PM ang alam kong close ng restaurant kaya aabot pa ako. May isang oras pa bago ang close ng restaurant.
Tatawagan ko sana si Neah nang biglang mamatay ang battery ng cellphone ko. Napakunot na lang ako ng noo dahil sigurado akong may charge ito bago kami umalis ng bahay.
“Bakit nalobat ang cellphone ko? What happened?” tanong ko sa secretary ko. Si Monica ang madalas humawak ng cellphone ko sa tuwing nasa meeting ako.
“Hindi ko po alam sir, baka nakalimutan mong i-charge?”
“No, imposible yun dahil nagcharge ako bago kami umalis ng asawa ko sa bahay.” Naipilig ko ang ulo ko. Imposible talagang malobat ang cellphone ko gayong nagcharge ako.
“Give me your phone. Tatawagan ko ang asawa ko.”
“I’m sorry po sir pero lobat din ang cellphone ko.”
“What?” salubong ang kilay kong saad sa kaniya. Hindi na mapigilang mainis. Bakit kung kailan ako nagmamadali ay saka naman ito nangyayari? “Paano ka makakapagpabook ng sasakyan ko?” Bakas na ang inis sa tinig ko.
“Dito ka lang po sir, susubukan kong maghanap sa labas. Huwag kang aalis dito sir, ha?” Napapabuntong hininga na lang ako. Wala ng tao dito sa kompanya dahil kanina pa nag-uwian ang mga empleyado. Mahirap din maghanap ng masasakyan dito dahil karamihan ay kailangan pang i-book.
Gusto kong tawagan si Neah pero wala akong magamit na cellphone. Bakit sunod-sunod pa ang kamalasan ko ngayong gabi? Nangako ako sa kaniya na babalik ako at alam kong maghihintay siya sa akin.
Hinintay ko na makabalik si Monica pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Lumabas na ako sa kompanya para mag-abang ng taxi sa highway.
“Sir, bakit ka sumunod dito? Ako na lang ang maghahanap ng taxi na masasakyan mo.” Wika ni Monica nang lapitan ko siya. Maraming mga sasakyan ang dumadaan pero wala man lang bakante?
“Wala pa rin ba?” tanong ko sa kaniya.
“Wala pa sir.”
Bakit walang available na mga taxi gayong marami namang dumadaan? Ilang segundo lang ang lumipas nang may gumilid nang taxi at huminto sa harap namin. Mabilis na akong sumakay at kunot noo kong tiningnan si Monica na sumakay din sa front seat.
“Anong ginagawa mo?”
“Ihahatid na kita sir. Mahirap din makahanap ng sasakyan kaya magpapahatid na rin ako mamaya.” Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Ang importante sa akin ngayon ay makabalik ako sa restaurant at maabutan ko si Neah. Ayaw kong sirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin.
Pagod na rin ako sa maghapon, inaantok na rin ako dahil dalawang oras lang ang tulog ko mula kagabi hanggang kanina. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pakiramdam ko ang bagal-bagal nang takbo ng taxi. Ang tagal-tagal naming makarating sa restaurant.
“Sir, didiretso ka pa ba sa restaurant? Wala na raw si Ma’am Neah dun. Kanina pa raw umalis sabi ng kakilala kong nagtatrabaho dun.” Napatingin ako kay Monica dahil sa sinabi niya.
Umalis na siya? Sinabi niya sa akin na hihintayin niya ako. Tiningnan ko ang oras at 9:15 na. Isang oras at mahigit na ang lumipas simula nang umalis ako. Posible bang umalis din siya kaagad nang umalis ako? Wala na ba siyang tiwala sa akin na babalikan ko siya? Pinilit kong tapusin kaagad ang meeting namin para mabalikan siya.
Hindi ko naman siya masisisi kung hindi na siya naniniwala sa akin. Nang dahil sa akin, nang dahil sa kasakiman ko, nang dahil sa pangarap ko, pinabayaan ko sila ng magiging anak namin.
Kung hindi lang sana ako puro trabaho, hanggang ngayon siguro kasama pa rin namin ang anak namin. Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ‘to para sa kinabukasan namin, para maibigay ko ang magandang buhay sa kanila. Mabili ko ang bag na gusto niya ng hindi ako tumitingin sa presyo dahil kaya ko namang bilhin para sa kaniya.
“Sir, Sir!” Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako nang paulit-ulit ni Monica. “Babalik ka pa ba sa restaurant o uuwi ka na?” tanong nito. Ano pa bang gagawin ko sa restaurant kung hindi ko na aabutan dun ang asawa ko?
“Sa bahay na tayo.” Walang gana ko ng sagot. Alam kong kasalanan ko na naman. Pinaasa ko na naman siya. Sinira ko na naman ang napakasimple kong pangako sa kaniya na babalikan ko siya.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Iniisip kung paano na naman ako magpapaliwanag sa kaniya.
Pagdating ko sa bahay ay malakas ang kabog ng didbib ko. Inilibot ko ang paningin ko sa sala pero wala siya dun. Nasa kwarto na kaya siya? Tulog na kaya siya? Paano na naman ako makakabawi sa kaniya?
Napapahilamos na lang ako sa mukha ko.
Dumiretso ako sa kwarto namin at dahan-dahan na binuksan ang pintuan pero pagbukas nun ay nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko makita si Neah.
“Neah? Where are you?” tawag ko sa kaniya. Kumatok ako sa bathroom at binuksan yun pero wala siya. Hinanap ko siya sa buong bahay namin pero hindi ko siya makita. Hindi pa rin kaya siya nakakauwi?
Ang sabi ni Monica ay umalis na si Neah sa restaurant. Posible bang naipit siya sa traffic?
Hinanap ko ang cellphone ko para sana i-charge pero hindi ko ito makita.
“Fuck,” mahina kong sambit ng marealize kong baka naiwan ko na naman kay Monica. Hinilot ko ang noo ko. Sa sobrang dami kong iniisip, mabilis na akong nakakalimot. Madalas maiwan ang cellphone ko kay Monica. May tiwala ako sa secretary ko kaya kampante lang ako kapag nasa kaniya ang mga nawawala kong gamit dahil kasalanan ko rin naman minsan.
Kung kailan kailangan ko ng cellphone saka ko naman nakalimutang kunin.
Naghintay ako sa sala namin. Alam kong darating din siya maya-maya pero lumipas ang magdamag, hindi siya dumating.
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nagmamadali pa ako? “Paanong nangyari yun? Pinacheck ko lang ang sasakyan ko last week. Pinalitan din ang mga gulong.” Nagtataka kong tanong sa secretary ko na para bang alam niya rin ang sagot gayong magkasama kami sa loob ng conference room.“Hindi ko rin po alam sir.” Napapabuntong hininga ako.“Magbook ka ng sasakyan.” Utos ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa suit at pants ko pero wala ito. “Where’s my phone?” baling ko sa secretary ko. Kinuha naman nito ang cellphone ko sa bag niya at ibinigay sa akin.Tiningnan ko kung may message man lang ba si Neah o tawag pero wala. Siguro ay naghihintay pa siya sa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na ako. Tumikhim ako bago ako naupo para kunin ang atensyon niya.“Love,” mahina niyang usal. Tipid akong ngumiti, kunwaring hindi napapansin ang pagkabalisa niya. Anong nangyari habang wala ako? May tumawag ba sa kaniya? Trabaho na naman ba?“What happened?” kalmado kong tanong. Gusto kong isipin na hindi niya sisirain ang gabing ito. Sinisimulan pa lang naming ayusin ang relasyon namin. Ayaw ko ng iparanas niya na naman sa akin na mas mahalaga pa rin sa kaniya ang trabaho niya kesa sa akin.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang iniisip niya.“Dave,” tawag ko s
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong naghihintay na ulit sa bahay. At sa pagkakataong ito, ayokong maulit ang dati.Tumayo ako at isinara ang folder sa harap ko.“We’ll continue tomorrow,” malamig kong sabi.Natigilan ang buong boardroom.“Sir?” gulat na tawag ng isa sa investors. “The proposal isn’t finalized yet.”“It can wait.”Hindi na ako nagbigay pa ng ibang paliwanag at agad nang lumabas ng conference room. Sa likod ko, ramdam ko ang pagtatakang tingin ng lahat. Dati, ako ang lalaking handang matulog sa opisina para lang matapos ang trabaho.Pero hindi na ngayon.Because for the first time in years…Mas gusto kong umuwi.---Habang nagda-drive ako pauwi, napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang date.October
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.Tumayo ako at umalis sa sala.“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagaw
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito mula pa kanina.Hindi ko kayang umalis.Pakiramdam ko kapag tumayo ako rito… tuluyan ko nang iiwan ang anak namin.Sa likod ko, rinig ko ang mahihinang bulungan ng mga tao.Mga kaibigan. Mga kamag-anak. Mga taong naaawa sa amin.Pero ni isa sa kanila walang lumapit sa akin. Dahil alam nilang may isang taong hinihintay ko.Si Dave.Mahigpit akong napapikit nang mapatingin sa wall clock. Two hours late. Hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sa akin na umaasang darating siya. Na baka sa pagkakataong ito… pipiliin niya kami.Biglang may lumapit sa akin na babae at marahang hinawakan ang balikat ko.Mommy ni Dave.Elegant pa rin ito tulad ng dati
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the seventh time tonight.Sumasakit na ang tiyan ko kanina pa, ngunit ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ito normal. Hindi ganito kasakit ang simpleng pananakit lang.“Please answer… please…”Tumulo ang luha ko nang marinig ko na naman ang voicemail.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang nararamdaman ko ngayon o ang katotohanang baka mas importante na naman ang trabaho kaysa sa akin.Bigla akong napayuko nang may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng mga hita ko.Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig. Nakita ko ang dugong dahan-dahan na tumutulo mula sa mga hita ko.“D-Dave…”Mabilis kong pinunasan ang luha ko haban







