LOGINNEAH’S POV
Pagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.
Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na ako. Tumikhim ako bago ako naupo para kunin ang atensyon niya.
“Love,” mahina niyang usal. Tipid akong ngumiti, kunwaring hindi napapansin ang pagkabalisa niya. Anong nangyari habang wala ako? May tumawag ba sa kaniya? Trabaho na naman ba?
“What happened?” kalmado kong tanong. Gusto kong isipin na hindi niya sisirain ang gabing ito. Sinisimulan pa lang naming ayusin ang relasyon namin. Ayaw ko ng iparanas niya na naman sa akin na mas mahalaga pa rin sa kaniya ang trabaho niya kesa sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang iniisip niya.
“Dave,” tawag ko sa pangalan niya.
“We have an emergency meeting at kailangan ako sa kompanya. Million ang mawawala sa amin, love.” Mahina niyang sambit. Mapait akong ngumiti. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ganito na lang ba kami palagi? Palagi na lang bang masisira ang bawat date namin? Palagi na lang ba siyang hahanapin sa bawat meeting nila? Alam kong uhaw na uhaw sa pangarap si Dave at hindi ko siya magawang pigilan. Ayaw kong pilitin siya na ako naman ang piliin niya. Gusto ko sanang kusa niya akong piliin kaysa sa trabaho niya.
Hindi naman talaga kailangang mamili, kung kaya niya lang sanang ibalance ang oras niya sa akin at sa trabaho niya.
Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko ang mga pagkain namin na hindi pa rin nagagalaw.
“Love, I really need to be there.” Wika niya ulit. Sinalubong ko na ang mga mata niyang nakikiusap. Na para bang hawak ko ang desisyon kung pupunta ba siya o hindi. Wala akong magawa kundi ang hayaan siya, ang pakawalan siya at iwan ako nang paulit-ulit.
“Go,” tipid kong sagot sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip. Tipid ko siyang nginitian. “Kung kailangan ka nila dun, then just go. Hihintayin kita dito.” Masakit man para sa akin na hindi niya kayang magdesisyon ng mag-isa niya, wala akong magawa.
Ang gusto ko lang naman sana, piliin niya ako ng hindi ko siya pinipilit. Na bukal sa puso niya.
Hinawakan niya ang isang kamay ko, blangko kong tiningnan yun.
“Wait me here. Babalikan kita. Susubukan kong tapusin kaagad ang meeting para makabalik ako kaagad dito.” Tipid akong tumango sa kaniya kahit na may parte sa puso ko na gusto ko siyang pigilan. Na gusto kong sabihin na piliin mo ako, huwag mo akong iwan dito ng mag-isa.
Tumayo na siya at hinalikan ako sa noo.
“Babalik ako.” Ulit niya. Hindi ko na siya sinagot. Pinanuod ko ang paglayo niya sa akin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay lumalamig na rin ang mga pagkain namin.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Ano bang laban ko sa trabaho niya? Sa totoo lang, parang mas mabuti pang may iba na siyang mahal at least sa paraan na yun may dahilan ka para iwan ang isang tao, may dahilan kang umalis sa relasyon niyo. Pero sa ginagawa niya sa akin, hindi niya ako sinasaktan physically, wala siyang babae pero nakakapagod dahil mas inuuna nya ang trabaho niya kaysa sa akin.
Naiintindihan ko naman siya, sinusuportahan ko siya pero palagi na lang bang ako ang iintindi sa amin? Namatay ang anak namin, kailangan ko siya noong mga panahon na yun pero nasa trabaho pa rin siya. Hindi niya man lang nagawang magpaalam para tingnan ako.
Sa una, okay lang naman. Pinilit kong aliwin ang sarili ko habang hinihintay siya. Tinignan ko ang city lights. Pinakinggan ang violin music.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na babalik siya. Pinapaniwalaan ko na lang ang sarili ko. Babalik ba talaga siya? Alam kong pinipilit ni Dave na ayusin ang relasyon namin kaya umaasa akong tutuparin niya ang sinabi niyang babalik siya.
Pero habang tumatagal, unti-unting lumalamig ang pagkain sa mesa. Unti-unting nauupos ang kandila. At unti-unti ring bumibigat ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang oras, isang oras na pala kaagad ang lumipas simula nang umalis siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan ko siyang tawagan. Ring lang nang ring ang cellphone niya. Nagsend na rin ako ng message.
Where are you?
Pero wala akong natanggap na reply. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Makalipas ang sampung minuto ay tumawag ako ulit pero wala pa ring sumagot. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.
Hindi niya gagawin ulit ito. Alam kong gusto niyang bumawi sa akin kaya alam kong babalik siya. Muli akong tumawag pero wala pa rin, walang sumagot, wala akong natanggap na reply.
Parang may kung anong dahan-dahang dumurog sa dibdib ko. Napatingin ako sa waiter na naglagay ng tubig sa baso ko dahil naubos na yun kakainom ko habang naghihintay.
“Would you like us to reheat the food, ma’am?” Napatingin ako sa mga pagkaing halos hindi naman namin nagalaw.
“Mamaya na lang, hinihintay ko pa ang asawa ko.” Ngumiti lang ito nang pilit bago umalis. Napayuko ako habang pinipigilan ang pangingilid ng luha ko.
Bakit ganito? Bakit kahit anong pilit kong intindihin siya. Nasasaktan pa rin ako.
9:57 PM. Unti-unti nang nauubos ang tao sa restaurant. Yung violinist kanina, wala na. Tahimik na ang rooftop. Pati hangin parang mas malamig na. Muli kong tinawagan si Dave.
Voicemail na naman. Sa mga oras na ‘to parang may bahagi sa akin na tuluyang napagod. Nakakapagod palang maghintay sa taong walang kasiguraduhan kung babalik ba talaga at tutuparin ang pangako niya.
Paniniwalaan ko pa rin ba ang mga pangako niya kahit na ako pa rin naman ang nasasaktan sa huli?
Napatawa ako nang mahina habang pinupunasan ang luhang tuluyang tumulo sa pisngi ko.
Ang tanga ko. Kailan ba ako masasanay na ganito na talaga siya? Palagi lang akong pangalawa. Palaging trabaho muna bago ako.
“Ma’am,” Napatingin ako sa manager na marahang lumapit sa table ko. Ngumiti siya nang alanganin. “I’m really sorry, but we’re about to close.”
“I’m sorry,” sagot ko saka ako tumayo at kinuha na ang bag. Dumukot ako ng cash sa wallet ko para bayaran ang mga pagkain namin na lumamig na sa kakahintay kay Dave.
“Thank you for dining here, ma’am. Please come back next time.” Tipid kong nginitian ang manager. Hindi na ako sigurado kung may next time pa ba talaga.
Umalis na ako sa restaurant at pakiramdam ko, pati ang natitirang nararamdaman ko para kay Dave ay naiwan na rin. Mahirap umasa, mahirap patawarin ang taong paulit-ulit lang ginagawa ang kasalanan niya.
NEAH’S POVNaupo kami sa sofa habang nakaupo si Kaiden sa mga hita ni Dave. Hindi namin alam kung paanong ipapaliwanag kay Kaiden ang lahat dahil napakabata pa niya para umintindi.Huminga ng malalim si Dave. Tila ba bumubwelo pa bago kausapin si Kaiden.“Why, Daddy?” Kaiden asked curiously, his brows drawn together.“Would you be happy, baby, if you found out that Daddy Dave is really your daddy?” I asked him. He looked at me, his eyes still innocent as he stared at me.“What do you mean po mommy? Don’t I already call him Daddy?” he asked, confused. Napatingin ako kay Dave. Paano ko ba maipapaliwanag sa kaniya ng maayos?“Baby, I’m sorry if Mommy kept this a secret from you. I’ll tell you the reason when you’re older. You’re still too young to understand right now. Daddy Dave really is your real daddy. The two of us are your real parents. Daddy Dave used to be my husband, but we separated. I didn’t tell you right away because you were still too young. You’ll understand us when you’re
NEAH’S POVHalos hindi na ako makalakad dahil hindi ako hinintuan magdamag ni Dave. May liwanag na pero malakas pa rin ang ulan sa labas. Nasa kusina na rin siya para magluto ng breakfast naming dalawa habang nasa kwarto pa ako. I could barely walk because I was so sore and swollen down there.We had been married for a long time, but this was the first time he had ever done this to me. He just wouldn’t stop, as if there would never be another chance for the two of us to have sex again.Nang dumating ang mga pinabiling damit ni Dave ay pumasok na ako sa bathroom para makapaghugas naman ako. Warm water lang din ang pinanghugas ko pero napapapikit pa rin ako sa sakit. Hindi ko magawang haplusin dahil magang-maga talaga siya! Hanggang kailan ako magiging ganito? Makakapaglakad pa ba ko ng maayos ngayong maghapon? Hindi naman pwedeng magstay pa kami dito sa hotel hanggang hapon dahil kailangan ko ring macheck ang anak ko. Nang makapagbihis ako ay lumabas na rin ako ng kwarto. Kita ko ang
DAVE’S POVHindi na muna kami umuwi pagkatapos naming mag-usap. Pareho na kaming basa dahil sa malakas na ulan sa labas. Nagcheck in na kami sa hotel kung saan din ginanap ang company anniversary. Patuloy ang halikan naming dalawa. Pansamantalang kinalimutan ang mga problema. Hindi ko pinakawalan ang mga labi niya habang kinakapa ko ang zipper ng gown niya sa likod niya. Sabik na sabik ako sa kaniya na halos gusto kong halikan ang buong labi niya. Ipinasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya at nilasap ang dila niya. Hawak-hawak ko ang magkabilang pisngi niya para mas idiin ang halikan naming dalawa. Nang maibaba ko na ang zipper ng gown niya ay kusa naman na itong nalaglag sa sahig. Mabilis ko na ring inalis ang suit at polo ko habang patuloy pa rin ang halikan naming dalawa. Ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Gusto ko pa siyang makasama, gusto ko siyang masolo kahit ngayon gabi lang. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya na malaman na anak namin si Kaiden. Hindi ko pa alam ang
NEAH’S POVPatuloy akong hinila ni Dave hanggang sa makalabas kaming dalawa ng hotel. Hindi naman sumunod sa amin si Cassandra. Inis kong inalis ang kamay niya sa kamay ko nang makalabas kami. Kunot noo niya naman akong hinarap. “Ano ba talagang pinaplano mo, Dave? Kahapon lang sinasabi mo sa akin na aayusin natin ang relasyon nating dalawa pero bakit hindi mo sinabi sa akin na engagement niyo rin pala ni Cassandra ngayon? Pwede mo namang sabihin sa akin kung ayaw mo na. Pwede mo namang sabihin sa akin kung nagbago na ang isip mo at hindi mo kayang mawala sayo ang posisyon mo sa kompanya ng mga Sy. Gusto mo bang gumanti sa akin?!” Galit na galit kong sigaw sa kaniya. Maayos niya naman na akong hinarap. “Neah, please listen to me first. I swear, I had no idea about Chairman Sy’s plan. I’ve talked to him so many times and told him that I don’t agree with the marriage he wants between Cassandra and me. I’m not lying to you, and I never agreed to the marriage. You’re the one I want, Ne
NEAH’S POVLumabas na muna ako ng function hall dahil gusto kong makahinga na muna ako. Pakiramdam ko kasi limited lang ang hangin sa loob. Gusto ko na sanang umalis pero alam kong magtataka sila lalo na si Cassandra.Huminga ako ng malalim saka tipid na ngumiti. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko at kahit na ilang beses na akong humihinga ng malalim para maalis ang sakit na nararamdaman ko, wala pa ring nangyayari. Paano ko nagawang pagkatiwalaan si Dave? Paano ko nagawang maniwala sa mga matatamis niyang salita? Anong purpose ng pagpapaniwala niya sa akin na aayusin namin ang relasyon namin? Nagbago ba ang isip niya dahil inisip niya na hindi niya anak si Kaiden. Paano kapag sinabi ko sa kaniya na anak namin si Kaiden? Hilaw akong natawa sa sarili ko. Dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin? Tinalikuran niya na ako. Si Cassandra na ang pinili niya sa harap ng maraming tao. Kung tatanggapin niya lang din naman pala si Cassandra sa buhay niya sana ay sinabi
DAVE’S POVHanggang ngayon hindi ko alam ang gagawin ko. Matamis na nakangiti sa akin si Cassandra. Akala ko ay malinaw na ang naging usapan namin ni Mr. Chairman? Nasabi ko sa kaniya na hindi ko pakakasalan si Cassandra. Unang beses pa lang nilang sinabi sa akin na gusto nilang pakasalan ko si Cassandra, tumanggi na ako kaagad sa kanila. Hindi ko na magawang tumingin kay Neah. Alam kong nagulat siya sa narinig dahil hindi ko rin inaasahan na itutuloy pa rin ni Chairman ang plano niyang pag-announce ng engagement namin ni Cassandra. “Don’t you dare embarrass my daughter, Dave, unless you want everything you’ve worked for to disappear in an instant. Don’t you dare leave my daughter just to be with another woman,” Chairman Sy threatened. Hindi ko na magawang makaalis sa tabi ni Cassandra. Gusto kong puntahan si Neah, gusto kong magpaliwanag sa kaniya pero hindi ko rin gustong mapahiya si Cassandra sa harap ng mga bisita ngayon. Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Kung alam ko lang na i
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the s
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara







