Share

Kabanata 2

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-05-30 11:52:27

NEAH’S POV

Tatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.

Napakaliit nito.

Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.

Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito mula pa kanina.

Hindi ko kayang umalis.

Pakiramdam ko kapag tumayo ako rito… tuluyan ko nang iiwan ang anak namin.

Sa likod ko, rinig ko ang mahihinang bulungan ng mga tao.

Mga kaibigan. Mga kamag-anak. Mga taong naaawa sa amin.

Pero ni isa sa kanila walang lumapit sa akin. Dahil alam nilang may isang taong hinihintay ko.

Si Dave.

Mahigpit akong napapikit nang mapatingin sa wall clock. Two hours late. Hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sa akin na umaasang darating siya. Na baka sa pagkakataong ito… pipiliin niya kami.

Biglang may lumapit sa akin na babae at marahang hinawakan ang balikat ko.

Mommy ni Dave.

Elegant pa rin ito tulad ng dati, ngunit malamig ang mga mata nito habang nakatingin sa maliit na kabaong. Hindi ko alam kung nasasaktan man lang ba siya para sa akin o kung sadyang wala rin siyang pakialam sa kung anong nararamdaman ko. I know her. Sabik na sabik din siya sa tagumpay ni Dave.

“Hindi pa rin ba dumarating si Dave?” tanong nito.

Mabagal akong umiling. Sandali itong natahimik bago mabagal na bumuntong-hininga.

“May emergency board meeting daw.”

Parang may humigpit na naman sa dibdib ko.

Board meeting. Again.

Napangiti ako nang mapait habang yumuko sa hawak kong ultrasound photo. Syempre. Ano pa nga ba?

“Neah,” muli nitong tawag sa akin. “You should rest. Hindi makakabuti sa kalusugan mo ito.”

Hindi ako sumagot. Kasi kung magsasalita ako. Baka tuluyan na akong mabasag.

Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone ko. Agad akong napatingin doon. Dave is calling.

Mabilis kong sinagot ang tawag.

“Dave…” halos pabulong kong sabi.

“Neah.” Mabigat ang boses niya sa kabilang linya. “I’m sorry. Hindi pa tapos ang meeting—”

Parang may kung anong tuluyang naputol sa loob ko. Meeting na naman. Sa libing ng anak namin. Tahimik akong napapikit habang pilit nilulunok ang bara sa lalamunan ko.

“Okay,” mahina kong sabi.

“Neah, please understand. This deal is important—”

“Mas importante ba kaysa sa anak natin?” Biglang natahimik ang kabilang linya.

At doon ko narinig ang pinakamasakit na katahimikan sa buong buhay ko.

Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa maliit na kabaong sa harap ko.

“Hindi ka man lang dumating para magpaalam sa kaniya…” Basag na basag na ang boses ko ngayon.

“Mag-isa kong nilibing ang anak natin, Dave.”

“Neah—”

Pinatay ko ang tawag.

Hindi ko na siya hinintay tumawag ulit.

---

Pagkatapos ng libing, hindi na ako umuwi agad.

Tahimik lang akong naglakad sa sementeryo habang yakap-yakap ang coat ko laban sa malamig na hangin ng gabi.

Pakiramdam ko… wala na akong mauuwian.

Hindi na bahay ang bahay namin.

Isa na lang itong lugar na puno ng alaala ng isang pamilyang hindi man lang nabigyan ng pagkakataong mabuo.

Nang tuluyan akong makarating sa parking lot, saka ko lang napansing umuulan na naman.

Mahina lang sa una. Hanggang sa tuluyan akong mabasa. Pero hindi ako gumalaw.

Wala na akong maramdaman.

Maya-maya pa’y biglang may malakas na yabag na papalapit sa akin.

“Neah!” Napapikit ako.

Late. Palagi na lang siyang late.

Huminto si Dave sa harap ko habang hinihingal. Basa rin ang suit niya na tila ba nagmamadali talaga siyang makarating.

Pero gaya ng dati…

Huli na naman siya.

“Neah, I’m sorry.” Agad niyang hinawakan ang braso ko. “The meeting took longer than expected—”

Marahan kong inalis ang kamay niya. Tahimik siyang natigilan. Hindi ko siya tiningnan habang mahina akong nagsalita.

“Naabutan mo ba siya?” Napalunok siya.

“What?”

“Naabutan mo ba ang anak natin bago siya ilibing?”

Tumulo ang ulan sa pagitan naming dalawa habang tuluyan siyang natahimik. At alam ko na agad ang sagot.

Hindi.

Napangiti ako nang mapait habang tumatango-tango.

“Of course.”

“Neah, please…” basag ang boses niya ngayon. “I tried to come earlier.”

“Pero hindi mo ginawa.”

Agad siyang natigilan.

Ngayon lang yata niya narealize na hindi na sapat ang “sorry” sa lahat ng pagkakataon. Unti-unti akong napatingin sa kaniya.

Namumula ang mga mata niya. Mukha siyang pagod na pagod. Pero sa unang pagkakataon. Hindi ko na siya kayang kaawaan.

“Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit?” mahina kong tanong. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

“I kept defending you.”

Napakunot ang noo niya.

“Sa lahat ng tao.” Nanginginig na naman ang boses ko. “Sa parents ko. Sa friends ko. Sa sarili ko.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay niya habang nakikinig.

“Palagi kong sinasabing pagod ka lang. Na ginagawa mo lang ito para sa future natin.” Napatawa ako nang mahina habang tumutulo ang luha ko. “Pero habang pinoprotektahan kita…”

Mabagal akong napailing.

“ako naman iyong unti-unting nasisira.”

Parang nawalan siya ng hangin.

“Neah…”

“Alam mo kung ano ang narealize ko habang nasa hospital ako?”

Dahan-dahan akong tumingin ng diretso sa kaniya.

“Kapag ako ang kailangang mamili…”

Huminto ako sandali.

“ikaw ang palagi kong pinipili pero ikaw? Hindi mo ako magawang piliin. Everytime.”

Agad niya akong nilapitan.

“That’s not true.”

“Talaga ba?” mahinahon kong tanong. “Then why was I alone?”

Wala siyang naisagot.

At iyon ang pinakamasakit. Dahil kahit siya…

Alam niyang tama ako.

Maya-maya’y may dumaan na taxi sa harap namin. Tahimik kong pinunasan ang luha ko bago ako naglakad palayo sa kaniya.

Pero bago ako tuluyang sumakay, mahina akong nagsalita nang hindi siya nililingon.

“I’m tired, Dave.”

Naramdaman ko ang katahimikan niya sa likod ko.

“At hindi ko na alam kung kaya pa kitang hintayin.”

---

Hindi ako umuwi sa bahay namin nang gabing iyon. Sa halip, dumiretso ako sa lumang bahay ng parents ko. Nang makita ko si mommy na hinihintay ako ay lalo akong naiyak. Niyakap ko siya at sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. Isa na akong ina pero isa pa rin akong anak na nangangailangan ng isang ina.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Dave Calling…

Kumalas ako sa yakap ni mommy. Nakatitig lang ako roon habang paulit-ulit iyong umiilaw.

Hindi ko sinagot. Wala na akong lakas para harapin pa siya at kausapin siya.

Makalipas ang ilang segundo, may pumasok na message.

[I’m outside.] Napapikit ako.

“Talk to him.” Saad sa akin ni mom pero umiling ako. Ayoko.

Maya-maya pa’y narinig ko ang mahinang katok sa pinto.

“Neah…” Boses niya. Ramdam ko ang pagod at panghihina niya. Ramdam ko rin ang takot na nararamdaman niya

Hindi ako gumalaw.

“Please open the door.”

Tumulo ang luha ko habang mahigpit kong niyayakap ang sarili ko.

Noon, kahit gaano ako kasaktan, isang tawag lang niya… tumatakbo agad ako pabalik.

Pero ngayon…

Pagod na pagod na ako.

“Neah,” muli niyang tawag. “Please… let me explain.”

Explain?

Paano niya ipapaliwanag ang pagkawala ng anak namin?

Paano niya ipapaliwanag ang bawat gabing mag-isa akong umiiyak habang hinihintay siyang umuwi?

Paano niya ipapaliwanag na sa bawat pagkakataong kailangan ko siya.

Palagi siyang wala?

Unti-unti akong tumayo at naglakad papunta sa pinto.

Huminto ako roon habang nakatitig sa knob. Tahimik sa kabilang side. Parang hinihintay niya kung bubuksan ko ba o hindi.

Dahan-dahan akong napahawak sa tiyan ko.

Wala na.

Wala na ang baby namin.

Pakiramdam ko may nawala ring parte ng pagmamahal ko para kay Dave.

Marahan kong ipinatong ang noo ko sa pinto bago ako pumikit.

“Go home, Dave.” Tahimik ang kabilang side.

Then—

“Not until you talk to me.”

Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang pag-iyak.

Ganito siya noon.

Kapag gusto niya ng isang bagay, hindi siya umaalis hangga’t hindi niya nakukuha.

Pero bakit noong ako ang may kailangan sa kaniya.

Hindi siya nanatili?

“Please…” halos pabulong niyang sabi. “I can’t lose you too.”

Too.

Parang may kutsilyong tumarak sa puso ko. Kasi ngayon lang niya naramdaman na may mawawala sa kaniya—

Matapos mawala ang lahat sa akin.

Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko. Then finally, mahina akong nagsalita.

“You already did.”

At pagkatapos noon, tahimik akong umatras palayo sa pinto habang unti-unting bumagsak ang luha ko.

Sa kabilang side—

Hindi na muling nagsalita si Dave.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 6

    DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nagmamadali pa ako? “Paanong nangyari yun? Pinacheck ko lang ang sasakyan ko last week. Pinalitan din ang mga gulong.” Nagtataka kong tanong sa secretary ko na para bang alam niya rin ang sagot gayong magkasama kami sa loob ng conference room.“Hindi ko rin po alam sir.” Napapabuntong hininga ako.“Magbook ka ng sasakyan.” Utos ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa suit at pants ko pero wala ito. “Where’s my phone?” baling ko sa secretary ko. Kinuha naman nito ang cellphone ko sa bag niya at ibinigay sa akin.Tiningnan ko kung may message man lang ba si Neah o tawag pero wala. Siguro ay naghihintay pa siya sa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 5

    NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na ako. Tumikhim ako bago ako naupo para kunin ang atensyon niya.“Love,” mahina niyang usal. Tipid akong ngumiti, kunwaring hindi napapansin ang pagkabalisa niya. Anong nangyari habang wala ako? May tumawag ba sa kaniya? Trabaho na naman ba?“What happened?” kalmado kong tanong. Gusto kong isipin na hindi niya sisirain ang gabing ito. Sinisimulan pa lang naming ayusin ang relasyon namin. Ayaw ko ng iparanas niya na naman sa akin na mas mahalaga pa rin sa kaniya ang trabaho niya kesa sa akin.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang iniisip niya.“Dave,” tawag ko s

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong naghihintay na ulit sa bahay. At sa pagkakataong ito, ayokong maulit ang dati.Tumayo ako at isinara ang folder sa harap ko.“We’ll continue tomorrow,” malamig kong sabi.Natigilan ang buong boardroom.“Sir?” gulat na tawag ng isa sa investors. “The proposal isn’t finalized yet.”“It can wait.”Hindi na ako nagbigay pa ng ibang paliwanag at agad nang lumabas ng conference room. Sa likod ko, ramdam ko ang pagtatakang tingin ng lahat. Dati, ako ang lalaking handang matulog sa opisina para lang matapos ang trabaho.Pero hindi na ngayon.Because for the first time in years…Mas gusto kong umuwi.---Habang nagda-drive ako pauwi, napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang date.October

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 3

    NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.Tumayo ako at umalis sa sala.“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagaw

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 2

    NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito mula pa kanina.Hindi ko kayang umalis.Pakiramdam ko kapag tumayo ako rito… tuluyan ko nang iiwan ang anak namin.Sa likod ko, rinig ko ang mahihinang bulungan ng mga tao.Mga kaibigan. Mga kamag-anak. Mga taong naaawa sa amin.Pero ni isa sa kanila walang lumapit sa akin. Dahil alam nilang may isang taong hinihintay ko.Si Dave.Mahigpit akong napapikit nang mapatingin sa wall clock. Two hours late. Hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sa akin na umaasang darating siya. Na baka sa pagkakataong ito… pipiliin niya kami.Biglang may lumapit sa akin na babae at marahang hinawakan ang balikat ko.Mommy ni Dave.Elegant pa rin ito tulad ng dati

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 1

    NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the seventh time tonight.Sumasakit na ang tiyan ko kanina pa, ngunit ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ito normal. Hindi ganito kasakit ang simpleng pananakit lang.“Please answer… please…”Tumulo ang luha ko nang marinig ko na naman ang voicemail.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang nararamdaman ko ngayon o ang katotohanang baka mas importante na naman ang trabaho kaysa sa akin.Bigla akong napayuko nang may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng mga hita ko.Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig. Nakita ko ang dugong dahan-dahan na tumutulo mula sa mga hita ko.“D-Dave…”Mabilis kong pinunasan ang luha ko haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status