Share

Falling for my Ex-Fiance's Uncle
Falling for my Ex-Fiance's Uncle
Author: Lady Fei

Chapter 1

Author: Lady Fei
last update Last Updated: 2025-10-06 00:32:46

Chapter 1

“Ma, Pa, hindi ninyo p'wedeng gawin sa akin 'to! Bata pa po ako para magpakasal,” luhaang pakiusap ni Gaile sa mga magulang. Ilang araw na mula nang malaman niyang pinagkasundo siya ng mga ito sa apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.

Nang gabing 'yon ay pumasok sa kwarto niya ang mga ito dahil bukas na ang kasal niya. Muli siyang nakiusap pero bingi talaga sa kanya ang pamilya niya.

Ang sakit lang isipin na para lang siyang gamit kung ipamigay ng sarili niyang pamilya.

“Hailey Gaile! You know what will happen to us once you cancel your wedding. All of this... this lavish life will turn into nothing! Kaya kapag sinabi kong magpapakasal ka, magpapakasal ka, and that's final!” gigil na turan ng ama niya habang dinuduro siya. Marahas itong tumalikod at nauna nang lumabas ng silid niya.

Awang ang bibig, at luhaan ang mga matang sinundan niya ang paglabas ng ama niya. Tangka sana niya itong habulin ng tawag subalit hindi na niya nagawa. Tanging ang ina at ang Ate Krystal niyang nakataas ang isang kilay at animo nanunubok ang tingin sa kaniya ang naiwan sa silid.

“Gaile, para 'to sa kapakanan ng kumpanya at ng pamilya natin. Kapag nangyari ang merging ng kumpaniya natin at ng mga Venzon, hindi na mawawala sa atin ang lahat,” malamig ang tinig na anang mama niya.

Hinahanapan niya ng pakiusap ang tono nito ngunit ni pagdadalawang-isip ay wala siyang mahimigan dito.

Alam niyang nalulugi na ang kumpanya nila at humingi ng tulong ang papa niya sa mga Venzon. Bilang magkaibigang matalik ang matandang si Don Arnulfo Venzon at ang lolo ni Gaile ay nagkasundo ang dalawang pamilya na pag-isahin na lamang ang kumpaniya ng isa't isa sa pamamagitan ng kasal.

At siya ang napiling ipakasal sa apo ni Don Arnulfo.

Nilamukos niya ang sapin ng kama sa magkabilang gilid niya. “Pero bakit si Cedric pa, Ma?” tanong niya na puno ng pagtutol. Kilalang playboy ang Cedric na iyon at walang pangarap sa buhay. Hindi iyon lingid sa mga magulang niya kaya hindi niya makuha kung saan nanggagaling ang kagustuhan ng mga itong ipakasal sa lalaking iyon—maliban sa kailangan nilang isalba sa napipintong pagkalugi ang Cuevaz Jewelry.

“At sinong gusto mo? Si Tristan? Huwag kang hibang, Gaile. Ako nga, hindi ko magawang akitin ang isang iyon, ikaw pa kaya?” nanunuyang sabat naman ng panganay na si Krystal  kaya nalipat ang tingin niya rito.

Nakahalukipkip ito sa kinatatayuan nito malapit sa side table, nakatikwas ang kanang kilay at pairap-irap ang mga mata. 

Napatayo na siya buhat sa pagkakaupo sa gilid ng kama para lapitan ang ina. Inabot niya ang mga kamay nito saka nakikiusap ang tinging tinitigan ito. “Mama, please... kilala naman ninyo si Cedric. Siguradong magdudusa lang ako sa tulad niya,” malumanay na pagpapaliwanag niya rito.

“Gaile, unawain mo sana ang sitwasyon natin. Lahat tayo ay maghihirap at magdurusa kapag nawala ang kumpanya sa atin. Kung hindi ka magpapakasal kay Cedric, ikamamatay ko... Gusto mo bang mamatay si Mama?” Mula sa pagiging malamig, nagmistula nang tupang nasa bingit ng kamatayan ang mama niya, maamo ang tinig ngunit may bahid ng pagmaninipula.

“Gaile, pagkakataon mo na para makatulong sa pamilya natin. Hindi ka naman mapapasama dahil mayaman ang mga Venzon. Ano kung babaero ang Cedric na 'yon at walang direksyon sa buhay? Kahit hindi kayo magtrabaho ng mapapangasawa mo, magbubuhay reyna ka pa rin! Bukas na ang kasal mo kaya tigilan mo na ang pag-iinarte mo,” sabi ni Krystal. 

“But I' m just nineteen, Ate. Ni hindi pa nga ako nakakapagtapos ng kolehiyo! Gusto ko pang mag-aral. Gusto ko pang abutin ang mga pangarap ko! Bakit hindi na lang ikaw? You are at your marrying age already, ” hindi na nakatiis na sagot niya sa nakatatandang kapatid.

“At sa tingin mo maipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo kung wala na ang kumpaniya sa atin? Gamitin mo nga iyang utak mo, Gaile! Kapag naikasal ka kay Cedric, siya na ang magpapaaral sa iyo. Humingi ka nang humingi ng pera para sa luho mo.”

Nanginginig na ang kalamnan niya sa tinitimping galit. Bakit ba hindi siya maintindihan ng mga ito?

“Gusto mong ipakasal ko ang ate mo kay Cedric? Ang ate mo, may pakinabang na sa kumpanya. Ikaw? May naitulong ka na ba sa kumpanya natin? Ito na ang pagkakataon para mapakinabangan ka naman!” Binawi ng ginang ang kamay nitong hawak ni Gaile, saka siya nito tinalikuran at lumabas ng silid.

Nauupos na muling napaupo sa gilid ng kama si Gaile. Hindi na mapigilan ang mga luha niya sa pagtulo pero kahit siguro lumuha pa siya ng dugo ay hindi na magbabago pa ang isip ng mga magulang niya.

Galit na lumapit naman si Krystal sa kanya kasabay ng pagdakot nito sa buhok niya. Agad siyang napangiwi sa sakit at sinubukang baklasin ang kamay nito.

“Ate, ano ba? Nasasaktan ako!” aniya habang napapangiwi.

“Ikaw na babae ka! Wala ka na ngang silbi, idadamay mo pa ako! Ikaw ang magpakasal sa Cedric na 'yon para magkasilbi ka naman!” wika nito bago itinulak ng malakas ang ulo niya. Paluhod siyang nahulog sa kama habang umiiyak. 

Nag-angat siya ng mukha habang matalim na nakatitig sa mukha ng babae.

“Alam nating dalawa kung sino ang totoong may pakinabang sa kumpanya!” mariing wika niya dito. Lalo namang nanlisik ang mga mata nito bago muling hinigit ang buhok niya. 

“Kahit ano pa ang sabihin mo, walang maniniwala sa 'yo! Gaga!” bulyaw nito bago marahas na tinulak ang ulo niya. Buti na lang at naitukod niya sa lapag ang mga kamay kaya hindi siya nauntog. Pikit mata nalang niyang tiniis ang sakit. Alam naman kasi niya na kapag nagsumbong siya sa mga magulang ay hindi maniniwala ang mga ito.

Para sa kanila ay napakabait at responsableng anak ang panganay nila. Pero ang totoo, ninakaw lang ni Krystal sa kanya ang designs na iprinisinta sa ama nila. Matagal na sanang nalugi ang kumpanya nila, nakabawi lang ito dahil sa mga alahas na dinesenyo niya pero inangkin ito ni Krystal.

Sinubukan niyang sabihin sa mga magulang 'yon noon pero walang naniwala sa kanya.

Nang makaalis si Krystal ay marahan siyang naupo muli sa kama. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilin na mapaiyak ng malakas. Sanay na siyang umiyak ng palihim para itago ang kahinaan. Nasasaktan din siya sa trato sa kanya ng mga magulang.  Iniisip nga niya na baka ampon lang siya ng mga ito kaya magkaiba ang trato sa kanilang magkapatid. Simula pagkabata ay mas lamang ang pabor na nakukuha ni Krystal kesa sa kanya. Hanggang ngayon, ayos lang sa kanila na magdusa siya sa piling ni Cedric, huwag lang ang pinakamamahal nilang panganay.

Habang inaayos niya ang nagulong buhok ay tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa side table. Unregistered number yung tumatawag kaya kinansel niya ito. Nang tumunog ulit ay nakita niya na nagmessage ang tumatawag kanina.

'Answer the phone. 

–Tristan

Ilang beses niyang binasa ang text message bago muling tumunog ang phone. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ito.

“U-Uncle Tristan? B-bakit po?” nauutal niyang sagot dala ng sobrang kaba.

“Nasa RV Bar si Cedric. Tumawag sila sa akin dahil lasing na lasing na naman. Ikaw na lang ang sumundo dahil ikaw naman ang girlfriend niya,” wika nito sa baritono at napakaseryosong boses. Sasagot pa sana siya pero pinatay na nito ang tawag.

Tinignan niya ang oras, alas nuwebe pa lang ng gabi pero lasing na lasing na naman ang lalaki. Ikakasal pa naman sila bukas.

Napahinga na lang siya ng malalim dahil sa inis bago nagbihis. Tulad ng dati, mahabang palda, maluwang na blouse at sneakers ang suot niya. Hindi na din niya sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok. Sinuklay lang niya ng kamay ang bangs niyang halos tumabing na sa mga mata niya. Nakasuot siya ng makapal na reading glass kaya naman nerd ang tawag sa kanya ng lahat. Hindi lang nerd, kung minsan nga ay manang pa.

Nagtaxi na lang si Gaile papunta sa Bar. Pagdating doon ay ipinagtanong niya si Cedric sa mga gwardiya na halos ayaw siyang papasukin dahil sa suot niya. 

“Kuya, pinasusundo siya ni Uncle Tristan kaya pwede ba, papasukin na ninyo ako?” inis na wika niya dito. 

“Ikaw ba si Ms. Hailey Gaile Cuevaz?” nagdududang tanong pa ng guard.

“Oo nga po. Pwede na po ba akong pumasok?” inis na tanong niya dito. Nagdududa pa rin ang guards kaya inilabas na niya ang dalang ID. Nang makita 'yon ay nagtawag ito ng staff sa loob at itinuro siya nito.

“Ma'am, this way po,” wika ng isang waitress. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang usok ng sigarilyo pati na ang ingay ng paligid. 

Sinundan niya ang waitress hanggang makarating sila sa tapat ng VIP room. 

“Bakit dito?” nagtatakang tanong niya.

“Pumasok na lang kayo, ma'am, nandiyan si Sir Cedric,” wika nito bago nagmartsa paalis. Napapailing na binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang grupo ng mga kabataan na umiinom at nagkakantahan. Katabi ni Cedric ang dalawang babae at kahalikan pa niya ang isa. Napangiwi siya sa nakita, hindi dahil nasasaktan siya kundi dahil sa pandidiri. Kung sino-sino ang nakaka-sex nito kaya natatakot siya sa sariling kalusugan.

“O, what a surprise, Nerdy girl!” wika ni Cedric nang makita siya.

“Who is she, babe?” tanong naman ng babaeng nakakandong dito.

“Cedric, pinapasundo ka na ni Uncle Tristan,” aniya bago naglakad ng marahan papasok sa VIP room. Nagkalat ang mga basyo ng alak tapos mausok sa sigarilyo ang paligid kaya nalukot ang ilong niya. Ayaw talaga niya ang amoy ng alak at sigarilyo.

“Pre, siya ba 'yong Fiancee mo?” tanong naman ng isang lalaki na maaskad ang mukha. Isa ito sa mga barkada ni Cedric na mukhang walang gagawing matino.

“Pare naman. Tingin mo papatulan ko ang ganyang mukha? Tignan mo nga 'yang itsura niya kung bagay mapangasawa ng isang tulad ko?” tanong ni Cedric habang nakangising nakatingin sa kanya. 

Hindi kumibo si Gaile dahil sanay naman na siya sa ganong trato ng lalaki. Humalukipkip lang siya sa harap ng mga ito.

“Kung ganon, inuuwi ka na ng maid ninyo para makapaghanda sa kasal bukas,” wika naman ng lalaki habang nakangising hinahagod ng tingin si Gaile.

Tumayo si Cedric at lumapit sa kanya. Mukha namang hindi pa ito lasing dahil matuwid pa ang lakad nito kaya nagtataka siya kung bakit ang sinabi ng uncle Tristan nito ay lasing na lasing na ang lalaki.

“Hoy, panget, anong karapatan mong pumunta dito para sunduin ako? Ito lang ang tatandaan mo, kahit ikasal tayo, wala kang karapatan na diktahan ako sa dapat kong gawin,” pabulong ngunit mariin nitong wika bago hinigit ang braso niya. 

“Ano ba, nasasaktan ako, Cedric. Bitiwan mo nga ako,” hindi niya mapigilang angil nang kaladkarin siya palabas. 

Hindi pa sila nakakalabas ng itulak niya ito. Binitiwan naman ng lalaki ang braso niya kaya agad niya itong hinaplos.

“Umuwi ka na kung ayaw mong may gawin akong hindi mo magugustuhan,” pagbabanta nito. Madilim na ang anyo ng lalaki at anumang oras ay alam niyang mananakit na ito.

Pero naalala niya ang utos ni Tristan. Ang sabi nito ay iuwi niya ang fiance niya, kapag hindi niya 'yon nagawa ay baka magalit ang lalaki.

“Cedric, ayaw kong pumunta dito. Inutusan lang ako ni Uncle Tristan. Kaya uuwi tayo sa ayaw at gusto mo,” aniya sa mariing boses bago tinignan isa-isa ang mga barkada nitong nakatingin sa kanila.

“Ayaw mo talagang umuwi?” tanong nito na may pagbabanta. Nakaramdam siya ng kaba pero mas takot siya sa galit ni Tristan. Oo, mabait ang Uncle ni Cedric pero kapag nagalit ito, talagang nakakapanginig sa takot. Maski si Cedric ay takot dito dahil ang salita ng Uncle Tristan nito ay batas na sinusunod.

“Hindi. Kung gusto mo, hihintayin kita sa labas,” aniya at akmang tatalikod pero hinila siya nito at iniharap sa mga barkada.

Bumulong ito sa tenga niya habang mariing pisil ang pisngi niya. Nasasaktan siya pero ni walang pumatak na luha sa mga mata niya. Sanay na siya sa ganoong pagtrato.

“Binalaan na kita pero talagang gusto mo akong ipahiya sa mga barkada ko,” bulong nito. Nakaramdam siya ng takot kaya pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak nito kaso mas malakas ang lalaki.

“Mga pre, di ba gusto ninyong makatikim ng virgin? Tutal, kasal ko na bukas, bachelor party ko na ito. Ireregalo ko na sa inyo ang babaeng 'to. Virgin 'to,” nakangising sigaw ni Cedric. Nag-panic si Gaile kaya mariin niyang tinapakan ang paa ni Cedric. Napasigaw naman sa sakit ang lalaki kaya nabitiwan siya nito. Ginamit niyang pagkakataon 'yon para makatakbo. Pero bago pa siya makalapit sa pinto ay nasabunutan na siya ni Cedric bago hinila.

“Cedric, ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw niya habang hawak ang kamay nitong nakadakot sa buhok niya.

Hindi ito nakinig, hinagis lang siya nito sa mga kaibigan. Agad naman siyang sinalo ng mga lalaki habang nagtatawanan.

"Yun oh! Iba ka talaga Cedric!” sigaw ng matabang lalaki. 

“Mas gusto kong makita kung may tinatago bang ganda si Nerdy girl sa loob ng baduy niyang damit,” wika naman ng isa pang lalaki na mukhang walang gagawing maganda.

Nagpumiglas siya lalo na ng hawakan ng mga ito ang magkabilaan niyang braso.

“Bitiwan n'yo ako! Makakarating 'to kay uncle Tristan!” sigaw niya pero nagtawanan lang ang mga lalaki. Ang mga babae namang nandoon ay nakatingin lang na parang nilalait ang buo niyang pagkatao. Wala man lang silang ginawa para tulungan siya.

“Ano namang pakealam ni Uncle Tristan sayo?” nanunuyang tanong ni Cedric. 

Doon lang humina ang depensa ni Gaile. Nawala ang yelong ibinalot niya sa puso at napalitan 'yon ng matinding takot lalo na nang maglabas ng Cellphone ang mga babae at videohan siya.

Pinagtulungan siyang ihiga ng mga lalaki sa lapag at sinubukang alisin ang damit niya. Nagpumiglas siya pero agad siyang dinaganan ng matabang lalaki. Napaiyak na lang siya sa sobrang takot.

Bago pa nila tuluyang mapunit ang damit niya ay may humigit na sa lalaking nakaibabaw sa kanya. 

Nakita niya si Tristan na sinusuntok ang lalaking mataba na 'yon. Galit na galit nitong sinipa ang isa pang lalaki.

Si Cedric naman ay natatarantang tumayo nang makita ang tiyuhin.

“U-uncle Tristan, b-bakit ka nandito?” nauutal na tanong nito. 

“Cedric, inutusan ko siyang sunduin ka tapos ito ang madadatnan ko dito? Paano kung hindi ako dumating? Ha! Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mo?” galit na bulyaw ni Tristan sa pamangkin.

“U-Uncle, joke lang 'yon. Binibiro lang namin si G-Gaile. Hindi ko naman po itutuloy, eh...” tila maamong tupa na sabi nito. 

“Do you think it's a good joke, huh! Sawang-sawa na ako sa katarantaduhan mo, Cedric! Sa susunod, ako na mismo ang magpapakulong sa 'yo, naiintindihan mo!” bulyaw ni Tristan bago yumuko at tinulungan siyang makatayo. 

Nakatitig lang naman siya sa mukha ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang dumating ito at tinutulungan siyang makatayo.

Napadaing si Gaile sa sakit nang kumirot ang balakang niya. Mukhang nasaktan yon nong sapilitan siyang pinahiga. Dahil don ay kinuha ng lalaki ang kamay niya at nilagay sa balikat nito bago siya binuhat. Napasinghap siya sa ginawa ni Tristan at napatitig na lang sa mukha nito. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil nakatutok ang atensyon nito sa mga lalaking nagtangka sa kanya. Nakayuko na ang mga ito at nanginginig sa takot.

“Sa susunod na gumawa kayo ng kalokohan, hindi ako nagbibiro. Ako na mismo ang magpapakulong sa inyo,” mariing banta nito bago naglakad palabas ng VIP room.

“Security, kunin lahat ng cellphones nila at i-delete ang videos,” utos pa nito habang naglalakad palabas.

Hindi naman makapaniwala si Gaile na buhat-buhat siya ni Tristan. Naka-corporate attire pa ito. Madilim at galit pa rin ang mukha nito pero hindi alam ni Gaile kung bakit wala siyang maramdamang takot. Gusto niyang humilig sa malapad na balikat ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili.

“U-Uncle T-Tristan, kaya ko na pong maglakad...” nahihiyang bulalas niya nang makalabas na sila sa bar. Hindi ito kumibo, nagpatuloy lang sa paglakad hanggang makarating sila sa kotse. Nang makita ng driver ang amo ay mabilis naman nitong binuksan ang pinto. 

Maingat siyang isinakay ng lalaki bago ito umikot at sumakay din sa tabi niya.

Halos hindi na makahinga si Gaile sa lakas ng tibok ng puso niya. Ang lakas ng epekto sa kanya ni Tristan. Masyado rin kasing strong ang personality nito kaya sobrang intimidating ang dating, idagdag pa ang lihim niyang pagtingin dito. 

“Sa clinic tayo, Mang Damian,” utos nito sa driver.

“Huwag na po sa clinic. O-ok na po ako. Nasaktan lang po ako pero ok na po ako ngayon. Thank you, U-uncle...” aniya. Tumango lang ang lalaki at inutusan ang driver na ihatid siya sa bahay nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 4

    Chapter 4“U-uncle Tristan,” nauutal na wika ni Cedric habang nanlalaki ang matang nakatingin sa tiyuhin na ngayon ay yakap ng isang kamay si Gaile.Napatingala naman ang babae at napalunok ng laway nang makitang sa dibdib ni Tristan lumanding ang mukha niya. Agad niyang naitukod ang palad sa dibdib ng lalaki at bahagyang tinulak ito.“U-uncle Tristan,” nauutal niyang wika habang nagtataka kung bakit nasa eskwelahan nila ang lalaki.“Is that the right way to treat your aunt, Cedric?” mabalasik na tanong ni Tristan. Agad namang napayuko ang lalaki bago umatras.“I'm sorry, Uncle,” anito habang nakayuko pero masama ang pagkakatingin kay Gaile.Agad namang lumapit si Krystal at hinawakan ang braso ni Tristan. Para itong isang maamong tupa na hindi makabasag pinggan. “Ahm, Tristan, wala namang kasalanan si Cedric. Pinagyayabang kasi ni Gaile na mag-asawa na kayong dalawa kaya sinita lang siya ni Cedric,” wika pa ng babae.Agad namang napatingin si Gaile sa kanyang ate. Hindi talaga siya m

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 3

    Chapter 3Dumiretso ang bagong kasal sa isang mamahaling subdivision. Sa pagkakaalala ni Gaile, may bahay doon si Tristan kaya lalo siyang kinabahan. Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Gaile tapos ngayon ay may asawa na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki.Pumasok ang kotse sa magarang bahay. Pagbaba ni Tristan sa kotse ay alanganin din siyang bumaba. Inalis muna niya ang suot na stiletto dahil kanina pa sumasakit ang paa niya pagkatapos ay mabilis na bumaba. Patakbo niyang sinundan si Tristan papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang siya dito hanggang paakyat ng magarang hagdan. Napakalaki ng bahay ng lalaki, mas magara pa kaysa mansion nila. Sabagay, mas mayaman naman ang mga Venzon kaysa sa mga Cuevaz, idagdag pa ang mga sariling investment ni Tristan sa iba't ibang kumpanya.Huminto sa tapat ng pinto si Tristan, mukhang iyon na ang kwarto ng lalaki. Nang pumasok ito ay pumasok na din siya. Iginala niya ang paningin sa paligid hangga

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 2

    “Where's the groom?”“My gosh, kanina pa naghihintay ang bride, nasaan na ba ang groom?”“Ano pa bang aasahang mangyari? Edi tumakbo na. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magpakasal sa isang manang, 'di ba?”Samo't sari ang usapan ng mga tao sa harap ng simbahan. Sadya pa ngang nilalakasan ni Krystal at ng mga kaibigan nito ang pagtsitsismisan para marinig niya kahit nasa loob siya ng bridal car.Malaking kahihiyan ito lalo na sa pamilya ni Gaile kung hindi sisipot ang groom. Isang oras na itong late at hindi sigurado kung darating pa ba ito.Sa totoo lang, ipagpapasalamat pa ni Gaile kapag hindi sumipot si Cedric. 20 years old lang siya para matali sa isang kasal na wala namang pagmamahal. Madudusa lang siya dahil kinamumuhian niya si Cedric“Gaile, ano bang ginawa mo? Bakit wala pa si Cedric?” nag-aalalang wika ng Mama niya na kasama niya sa bridal car.“Ma, hindi ko po alam. Tayo ang magkasama mula pa kanina kaya pano ko malalaman?” aniya. Agad namang tinampal ng ginang ang braso

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 1

    Chapter 1“Ma, Pa, hindi ninyo p'wedeng gawin sa akin 'to! Bata pa po ako para magpakasal,” luhaang pakiusap ni Gaile sa mga magulang. Ilang araw na mula nang malaman niyang pinagkasundo siya ng mga ito sa apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.Nang gabing 'yon ay pumasok sa kwarto niya ang mga ito dahil bukas na ang kasal niya. Muli siyang nakiusap pero bingi talaga sa kanya ang pamilya niya.Ang sakit lang isipin na para lang siyang gamit kung ipamigay ng sarili niyang pamilya.“Hailey Gaile! You know what will happen to us once you cancel your wedding. All of this... this lavish life will turn into nothing! Kaya kapag sinabi kong magpapakasal ka, magpapakasal ka, and that's final!” gigil na turan ng ama niya habang dinuduro siya. Marahas itong tumalikod at nauna nang lumabas ng silid niya.Awang ang bibig, at luhaan ang mga matang sinundan niya ang paglabas ng ama niya. Tangka sana niya itong habulin ng tawag subalit hindi na niya nagawa. Tanging ang ina at ang Ate Krystal niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status