LOGIN“Where's the groom?”
“My gosh, kanina pa naghihintay ang bride, nasaan na ba ang groom?”
“Ano pa bang aasahang mangyari? Edi tumakbo na. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magpakasal sa isang manang, 'di ba?”
Samo't sari ang usapan ng mga tao sa harap ng simbahan. Sadya pa ngang nilalakasan ni Krystal at ng mga kaibigan nito ang pagtsitsismisan para marinig niya kahit nasa loob siya ng bridal car.
Malaking kahihiyan ito lalo na sa pamilya ni Gaile kung hindi sisipot ang groom. Isang oras na itong late at hindi sigurado kung darating pa ba ito.
Sa totoo lang, ipagpapasalamat pa ni Gaile kapag hindi sumipot si Cedric. 20 years old lang siya para matali sa isang kasal na wala namang pagmamahal. Madudusa lang siya dahil kinamumuhian niya si Cedric
“Gaile, ano bang ginawa mo? Bakit wala pa si Cedric?” nag-aalalang wika ng Mama niya na kasama niya sa bridal car.
“Ma, hindi ko po alam. Tayo ang magkasama mula pa kanina kaya pano ko malalaman?” aniya. Agad namang tinampal ng ginang ang braso niya.
“Huwag ka ngang pilosopo! Baka may nagawa ka na ikinagalit niya?” asik ng ginang habang nang-aakusa ang mga matang nakatingin sa kanya.
Naikuyom niya ng mariin ang kamao na halos ikapula na nito. Kagabi kasi ay sinumbong niya sa mga magulang ang ginawang pambabastos ni Cedric sa kanya pero imbes na kampihan ay siya pa ang pinagalitan ng mga ito.
“Hindi ko kaya ang kahihiyang ito! Wala akong mukhang maihaharap sa mga amiga ko!” pagtutungayaw ng ginang habang hindi na mapakali sa loob ng sasakyan.
Pagkatapos ay hinawakan nito ng mariin ang pisngi niya. Halos bumaon na nga ang kuko nito kaya napadaing siya.
“Ma, ano ba? Masakit na po,” aniya habang pilit na inaalis ang kamay ng ina sa mukha niya.
Nanlilisik naman ang mga mata ng ginang, “Tawagan mo si Cedric at papuntahin dito. Kung hindi mo siya mapapapunta dito, kalimutan mong may ina ka!” mariing wika nito bago patulak na binitiwan ang mukha niya. Nahaplos na lang niya ang pisngi habang pigil ang pagpatak ng luha.
Napapitlag na lang si Gaile nang kumatok ang wedding coordinator sa bintana ng bridal car kung saan siya nakasakay. Inaasahan na niyang sasabihin nito na hindi na matutuloy ang kasal kaya hinanda na niya ang sarili kung paano haharapin ang mga tao. Hindi siya malungkot, natutuwa pa nga siya dahil sa hindi pagsipot ni Cedric, ibig sabihin kasi non ay hindi na matutuloy ang kasal nila.
“Ma'am, get ready, magsisimula na ang entourage. Nasa loob na ang groom,” nakangiting wika ng babae.
Agad na nagliwanag ang mukha ni Mrs. Cuevas bago siya nito sinulyapan. Hinaplos nito ang pisngi niyang binakatan ng kuko bago tinawag ang make up artist niya at pina-retouch ang kanyang make-up.
Hindi man lang nag-sorry ang ginang. Bumaba lang ito ng sasakyan dahil mauuna itong magmartsa.
Naninikip naman ang dibdib ni Gaile dahil sa nangyari. Hindi lang naman kasi si Cedric ang may ayaw sa kasal na 'yon. Mas lalong ayaw niya dito dahil sa pagiging babaero nito. Lantaran pa nga ang pambubully nito sa kanya pero wala siyang magagawa dahil dito siya ipinagkasundo ng Papa niya. Sila kasi ang magkalapit ang edad at parehong walang silbi sa pamilya. At para magkasilbi, sila ang ginamit na kasangkapan para lang mag-merge ang dalawang kumpanya.
Nang matapos magmartsa ang mga bridesmaid ay huminga na ng malalim si Gaile. Ito na ang araw na kinatatakutan niya pero hindi niya kayang iwasan dahil wala siyang lakas ng loob na sumuway.
Pagbukas ng pinto ng simbahan ay nagsimula na rin siyang maglakad papasok. Napasinghap ang mga tao dahil sa ganda ng kanyang wedding gown. Isang sikat at kilalang designer ang gumawa non. Kahit arrangements lang ang lahat ay binuhos naman halos ng dalawang pamilya ang pera para lang maging engrande ang araw na 'yon. Pero kahit gaano kaganda ang suot niya, at kahit gaano pa kalamyos ang kanta habang nagmamartsa siya palapit sa altar, nagdurusa naman ang puso niya.
Habang naglalakad ay panay ang hinga niya ng malalim para pigilin ang pag-iyak. Naglakad lang siya hanggang sa wakas ay matanaw na niya ang kinatatayuan ng groom. Natatabingan ito ng bestman kaya hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Pero ayaw niyang tumingin sa banda roon dahil baka mas lalo siyang mapaiyak. Nalalapit na siya sa kalbaryo ng buhay niya sa piling ni Cedric.
Pinikit niya ang mga mata habang patuloy na naglalakad, maya-maya ay umagapay na sa kanya ang Mama at Papa niya, doon lang niya minulat ang mga mata. Saktong sa direksyon ng groom napadpad ang paningin niya. Agad na sumikdo ang dibdib niya sa sobrang kaba. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking nakatayo sa pwesto ng groom.
Madilim ang anyo ng lalaki habang nakatingin sa gawi niya. Hindi niya mapigilang magtaka dahil hindi si Cedric ang nakatayo doon kundi ang uncle nito na si Tristan Venzon!
Doon lang din niya napansin ang bulungan ng mga tao at ang mga inggit sa mata ng mga babaeng nandoon. Pangarap kasi ng mga babae ang isang Tristan Venzon, hindi lang ito gwapo, matalino din ito. Sa katunayan, sa edad na 30 ay ito na ang nagmamanage ng business ng pamilya nito. Siya ang CEO ng Venzon's Luxury, ang kilalang luxury brand of clothing, bags, shoes and accessories hindi lang sa bansa kundi maging sa iba pang mga bansa.
“Tristan, thank you for saving the day,” saad ng Papa niya kaya maang siyang napatingin dito. Nanginginig pa ang kamay niya nang iabot ito ng Papa niya sa binata. “Ikaw na ang bahala sa anak ko,” dagdag pa ng Papa niya. Hindi kumibo si Tristan, inalalayan lang siya nito patungo sa altar.
“T-Uncle Tristan, n-nasaan po si C-Cedric?” bulong niya rito habang magkatabi silang nakatayo sa tapat ng altar.
Hindi na ito sumagot dahil dumating na ang pari na magkakasal sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala si Gaile habang nakatingin sa lalaking katabi niya. Mas lumalakas ang tibok ng puso niya kaya halos hindi na niya naiintindihan ang mga sinasabi ng pari. Bahagya lang siyang siniko ni Tristan bago pasimpleng bumulong.
“I know I wasn't your expected groom, but don't you dare embarass me here,” mariing banta nito kaya napapitlag siya.
“Y-yes... I do..” nauutal niyang tugon sa pari.
Napakagat labi pa siya dahil sa hiya at nakadalawang tanong na pala ang pari.
“Are you ok, Hailey Gaile?” kunot-noong tanong ng pari kaya umugong ang bulungan.
“Yes, Father... I'm just nervous,” aniya kaya tumango-tango ang pari bago itinuloy ang seremonya.
Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan at matotorete kapag katabi ang isang Tristan Venzon? Ang suplado, dominante at masungit na bunsong Uncle ni Cedric. Ilang beses na niya itong nakaharap at kagabi ay binuhat pa siya nito pero hindi pa rin siya nasasanay sa presensya ng lalaki.
"You may now kiss the bride.”
Nagulat siya nang marinig ang sinabi ng pari. Natikom niya ng mariin ang palad dahil sa sobrang nerbyos. Kasi hahalikan siya ni Tristan! Hindi niya mapigil ang pagwawala ng puso sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa lalo na dahil nakikita niya ang galit sa mata ng lalaki.
Itinaas nito ang belo niya kaya nalantad na ang kanyang mukha. Hindi niya suot ang makapal niyang reading glass, maayos na nakapusod ang mahaba niyang buhok at hindi rin nakatabing sa mga mata niya ang bangs kaya kitang-kita ang buo niyang mukha. Halata na saglit itong natigilan bago dumukwang. Napapikit siya dahil akala niya ay hahalikan siya nito sa labi pero tumama lang ang bibig nito sa kanyang pisngi. Saglit lang 'yon pero para siyang lumulutang sa alapaap.
Nakapikit pa rin siya nang magpalakpakan ang mga tao. Napapahiyang humarap siya sa mga ito at bahagyang yumuko. Hindi siya sanay na nakalantad ang mukha niya at may make up pa. Kaya nga nerd at manang ang tawag sa kanya lalo na ni Cedric dahil hindi siya palaayos.
“Congratulations, Mr. and Mrs. Tristan Venzon!”
Nagkaroon ng mga pictorials at pagkatapos ay pinapasok na din ang mga field reporters para i-cover ang ibang part ng kasal.
Pumunta sila sa five star hotel kung saan gaganapin ang reception. Habang nasa kotse ay nakafocus sa cellphone si Tristan dahil sa mga phonecalls kaya hindi rin matanong ni Gaile sa lalaki kung bakit ito ang pinakasalan niya. Pagdating sa hotel ay naroon na din ang mga bigating bisita. Mga business partners at investors na puro negosyo lang ang pinag-uusapan. Ano pa bang aasahan sa isang arrange marriage na business ang dahilan?
Hindi sanay si Gaile sa mga socialite kaya naman pangiti-ngiti na lang siya sa mga bumabati.
“Gaile, you look gorgeous, hija. Hindi ko alam kung bakit itinago mo sa matagal na panahon ang gandang 'yan,” wika ni Doña Leticia Venzon, ang ina ni Tristan.
“Thank you, Granie,” nahihiyang wika niya. Natawa naman ang ginang bago siya hinalikan sa pisngi.
“Don't call me that, hija. Call me Mama,” magiliw na wika nito. Napahiya naman siya kaya agad siyang nag-sorry sa matanda.
Nakalimutan kasi niya na ang anak nito ang pinakasalan niya at hindi ang apo.
Napalingon naman siya kay Tristan na abala sa pakikipag-usap sa mga investors. As usual, business ang pinag-uusapan. Masaya siya na nakawala sa playboy na si Cedric, at masaya siya kasi sa wakas ay asawa na niya ang lalaking matagal na niyang crush, pero hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa poder nito. Hindi niya alam kung kaya niyang kunin ang atensyon at pagmamahal ng asawa.
“Come here, hija. This is supposedly your wedding tapos puro business pa rin ang inaatupag ng asawa mo. Alam mo, sobrang workaholic ang anak kong 'yan,” napapailing na wika ng ginang bago siya inakay palapit kay Tristan. Suot na niya ang fitted evening gown na may slit pa sa harap kaya hindi siya komportable. Tinatakpan na lang niya ng bag ang lumalantad niyang legs.
“Tristan, hijo, bakit mo naman iniiwan ang bride? Stop working, son. My gosh, kasal mo ngayon,” malambing at pabirong wika ng ginang sa anak.
“Ma, we're just having a discussion about new brand that's launching this June,” tugon ni Tristan bago hinalikan ang ina sa pisngi.
“By the way, gentlemen, this is my mother Leticia. Mom, they are our new investors. And oh, of course, this is my wife, Hailey Gaile,” pagpapakilala pa ni Tristan sa kanila.
Hindi niya maiwasang kiligin sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na kasal na sila ng lalaki at asawa na niya ito. Well, ayaw niyang magpakasal sa isang good for nothing Cedric Venzon, pero kung isang responsableng lalaki tulad ni Tristan na pangarap ng lahat, sino siya para mag-inarte? Isa pa, matagal na siyang may crush sa uncle ng fiance niya.
“Mr. Venzon, mukhang tama ang mama mo, hindi dapat tayo nag-uusap ng tungkol sa business ngayon. Dapat naghahanda ka na para sa first night of honeymoon,” biro naman ng isang matandang lalaki bago inabot ang kamay niya para batiin siya. Nahihiyang nakipagkamay siya dito pati na rin sa ibang mga kasama nila.
Ilang saglit lang ay pinagtabuyan na sila ni Donya Leticia dahil may pina-book itong suite sa hotel. Pero imbes na doon pumunta ay hinila siya ng lalaki papunta sa parking lot. Ang bilis nitong maglakad kaya halos mapatid na siya.
“T-Tri–Uncle... Sandali lang po,” nauutal niyang wika. Binitiwan siya ng lalaki at mabilis ang hakbang na naglakad papunta sa kotse. Wala siyang nagawa kundi patakbong habulin ito.
Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran
“Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m
Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba
“Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin
Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol
“Gaile, nak?” Agad na napatayo mula sa pagkakatalungko sa gilid ng kwarto si Gaile. Para siyang nakahanap nang kakampi at patakbong niyakap si Manang Norma.“Nay Norma,” bulalas niya bago bumunghalit ng iyak.“Ano ba ang nangyari? Bakit ganyan ang ayos mo?” masuyo nitong hinagod ang likod niya. Umiling lang siya dahil hindi niya kayang magsalita sa sobrang sama ng loob. Napapasigok pa siya habang umiiyak.Lahat ng hinanakit niya mula kaninang umaga nang sampalin siya ng mga magulang niya hanggang sa panghahamak ng asawa sa pagkatao niya ay ngayon lang niya tuluyang nailabas habang nakasubsob sa balikat ng katiwala.Hinagod naman ng ginang ang likod niya at nang medyo humina na ang pag-iyak niya ay inalalayan siya nitong maupo sa gilid ng kama. Kumuha ito ng tubig sa mini ref at binigay sa kanya.Ininom naman niya agad ang tubig para pakalmahin ang sarili. Inalalayan din siya ng ginang papunta sa banyo para ayusin ang sarili. Inalis niya ang makapal na make up at nagbihis ng pantulog.







