แชร์

Chapter 8

ผู้เขียน: Lady Fei
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-12 22:50:49

“Ouch!” daing ni Gaile nang bumagsak sa sahig. Mangiyak-ngiyak na hinilot niya ang paa pero matindi ang kirot nito.

“Sinabing tama na ang arte! Halika na. Uuwi na tayo!” singhal ni Tristan bago siya hinila patayo.

Lalong sumigid ang kirot kaya napahagulgol na lang siya sa sakit. Natigilan naman si Tristan at tinignan ang paa niya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang makitang namamaga ang ankle niya.

“Shit...” bulalas nito bago yumuko at binuhat siya.

Napakapit naman si Gaile sa braso ng asawa. Naninibago siya sa nakikitang pag-aalala sa mukha nito. Sabagay, kilala niya si Tristan dahil matagal niyang naging fiance si Cedric na pamangkin nito. Seryosong tao man si Tristan ay hindi nananakit ng babae. Siya lang ang bukod tanging nagagawa nitong saktan. Siguro ay dahil sa galit na rin.

Inilapag siya ng asawa sa kama. “I'm sorry...” wika pa nito habang hawak ang binti niya. “I don't mean to hurt you,” wika nito habang hinahaplos ang binti niya.

Impit siyang napaiyak nang masagi
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 19

    Pagdating ni Tristan sa opisina ay agad niyang binuklat ang files tungkol kay Hailey Gaile.Hindi maganda ang school records nito lalo na nung mga unang taon sa senior high. Palaging absent, mababa ang grades at madalas na tulog sa klase. “Sir, ayaw daw siyang pag-aralin ng mga magulang niya dahil nagsasayang lang daw sila ng pera. Mahal ang tuition sa pinapasukan niyang school pero halos hindi siya pumapasok. Ang naisip ng mag-asawang Cuevaz ay ipakasal siya sa mayamang pamilya para hindi siya maging kawawa,” wika ng secretary niya. “Paano siya nakabalik sa pag-aaral?” tanong niya habang mariing nakatikom ang kamay. Lalo lang siyang nainis sa mga Cuevaz, hindi lang pala kasi kumpanya at yaman ng Venzon ang gusto ng mga ito. Gusto pa nilang ipasa sa kanila ang responsibilidad sa pagdedesiplina ng anak.“Eh, si Ms. Krystal po ang nagbabayad ng tuition at nagbibigay ng allowance ni Ma'am Gaile. Mabait naman po pala sa kapatid ang isang 'yon,” anang secretary.Hindi akalain ni Tristan

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 18

    Itinukod ni Gaile ang braso sa matigas na dibdib ni Tristan bago pwersahang inilayo ang sarili dito. Umikot si Tristan kaya napailalim siya dito. Napasinghap siya at muli sanang makikiusap pero agad na nitong nasakop ang labi niya.Sa una'y marahas ang bawat paggalaw ng bibig nito pero kalaunan ay naging malumanay din at mapanukso. Nang tutugunin na niya ang halik nito ay para itong napapasong lumayo sa kanya.“Shit!” bulalas pa nito bago nasapo ang noo. Naupo ito sa gilid ng kama, habang si Gaile naman ay nanatiling nakahiga habang ang mga paa ay nakalaylay sa kama. Niyakap niya ang sarili bago mariing kinagat ang ibabang labi.“I'm sorry. I didn't mean to do that,” halos pabulong na wika nito.Tumulo ang luha ni Gaile, hindi niya maiwasang masaktan sa sinabi nito. Para bang isang malaking kasalanan ang halikan siya. Siguro'y iniisip nitong nagkasala ito kay Aria.Marahas na tumayo si Tristan at nagmartsa palabas ng kwarto. Inayos naman ni Gaile ang sarili bago bumalik sa higaan. Hin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 17

    Naalimpungatan sa pagtulog si Gaile nang maramdamang may ibang tao sa kwarto niya. Napahawak siyang mabuti sa kumot habang pinakikiramdaman ang taong naglalakad. Pigil niya ang paghinga sa pag-aakalang napasok sila ng magnanakaw. Naupo sa gilid ng kama ang bulto ng lalaking nakita niya. Hindi niya makilala kasi madilim ang paligid. Nang mahiga ito sa tabi niya ay mabilis niya itong kinubabawan sabay sigaw ng malakas.“Tulong! May magnanakaw! Tulungan ninyo ako! Manang Norma! Mang Damian! Tulong!” “What the hell!” bulalas ng lalaki. Natigilan naman si Gaile at napahinto sa pagkalmot dito. Para kasing kilala niya ang boses nito.Bumalikwas ang lalaki at iglap lang ay ito na ang nakaibabaw sa kanya.Doon naman bumukas ang pinto at pumasok si Doña Leticia. Bumaha din ang liwanag nang sindihan nito ang ilaw.“What happened–oh, dear, I'm sorry. Wala akong balak mang-istorbo,” natatarantang wika ng ginang bago nagtakip ng mata pero nakasilip naman ang isang mata nito sa kanila.Nagkatingin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 16

    Pagkauwi ni Gaile galing hospital ay sinalubong siya agad ng nag-aalalang si Manang Norma.“Kumusta ang pakiramdam mo Gaile? Ayos ka lang ba?” tanong nito bago hinawakan ang dalawang kamay niya.Tila may humaplos na mainit na kamay sa puso niya nang makita ang pag-aalala ng katiwala.“Okay lang po ako, Manang Norma. Thank you po,” aniya bago ito niyakap nang may luha sa mga mata.Dalawang araw kasi siya sa hospital hindi man lang dumalaw ang Mama niya. Hindi nga niya alam kung alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Hindi tuloy maiwasang sumama ang loob niya. Pero ano pa ba ang aasahan niya sa mga ito? Noon ngang nasa poder siya ng mga magulang ay wala silang pakealam sa kanya, ngayon pa kayang wala na siya doon.“Gaile, iha. How are you, my dear daughter in law? Ano ba kasi ang nangyari?”Napatingala sa hagdan si Gaile nang marinig ang boses ni Doña Leticia. Pababa ang ginang sa hagdan at makikita din sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Pagkababa nito ay agad itong lumapit para yaka

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 15

    Tahimik na sumakay sa kotse si Gaile. Agad siyang niyakap ni Fiona habang tinitignan kung may galos siya sa katawan. “Gaile, I hope you're okay,” ani Aria habang makikita sa mga mata nito ang simpatya. Pinilit niyang ngumiti rito bago bahagyang yumuko. “Sabi ko na nga ba, wala talagang gagawing maganda 'yang Cedric na 'yan! Dapat doon pinakukulong! Hindi porke mayaman ang angkan niya, pwede na niyang gawin ang gusto niya!” pagbubunganga ni Fiona bago siya mahigpit na niyakap. “Mabuti na lang, nasundan namin kayo. Kung hindi, nako, makakalbo ko ang Cedric na 'yon!” bulalas pa nito. “Tama na, Fiona. Salamat sa concern mo tsaka sa tulong mo. Akala ko tinakbuhan mo na ako,” wika niya habang nagpupunas ng luha gamit ang palad. Kinuha naman ni Fiona ang panyo tapos ito na ang nagpunas sa mga luha niya. “Tumakas ako para makahingi ng tulong. Alam mo namang hindi ako pumapayag kapag naaagrabyado ka. Matuto ka naman kasing lumaban!” panenermon pa nito. “Lumalaban naman ako, eh. H

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 14

    Nang uwian ay inabangan ni Gaile si Tristan. Kasama niya ang kaibigang si Fiona na naghihintay din ng sundo.Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa harap nila. Iniluwa non si Cedric na nakangisi pa sa kanya.“Auntie Gaile, hinihintay mo ba talaga si Uncle Tristan?” tanong nitong parang nanloloko.“Cedric, ayaw ko ng gulo,” aniya bago umiwas dito. Sinundan naman siya ng lalaki.“Pinapasundo ka ni uncle kaya halika na,” mariing wika nito bago siya hawakan sa siko.“Hoy, bitiwan mo nga ang kaibigan ko! Bastos ka, Auntie mo na siya ngayon!” pagtataray ni Fiona.Sinubukan pa ng dalaga na itulak ang lalaki. Nagalit naman si Cedric at tinawag ang mga barkada nito.Pinagtulungan nilang isakay sa kotse si Gaile. Nagpumiglas siya pero wala siyang laban sa mga ito.“Gaile! Hoy, saan ninyo dadalhin si Gaile? Mga walang hiya kayo!” sigaw ni Fiona. Akmang hihilain siya ng kaibigan pero humarang si Cedric dito.“Cedric, please, pakawalan mo ako. Pabayaan mo na ako,” pakiusap niya sa dating fiance

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status