Share

Chapter 7

Author: Lady Fei
last update Huling Na-update: 2025-10-12 22:11:11

“Anong pang-uuto ang ginawa mo kay Mama?” mabalasik na tanong ni Tristan kay Gaile pagpasok pa lang niya ng kwarto.

Napamaang naman si Gaile sa lalaki lalo na't madilim ang anyo nito. Halatang nagtitimpi lang ito ng galit

Naglakad ito palapit sa kanya habang niluluwagan ang suot na necktie.

Dinakot naman ni Gaile ang bedsheet ng kama dahil sa sobrang kaba. Nakaupo siya sa gilid ng kama at hindi alam ang gagawin kung lalabas ba o mananatili sa loob ng kwarto. “H-hindi ko alam ang sinasabi mo, u-uncle,” nauutal niyang tugon.

“Nakuha na ninyo ang kumpanya. Naibalik na sa pangalan ng mga Cuevaz ng walang kahirap-hirap. Masaya ka na ba?” hinaklit nito ang braso niya kaya napatayo siya dahil sa sakit.

“U-Uncle... Hindi ko alam kung bakit ginawa 'yon ni Gra– ni Mama,” aniya habang nakangiwing pilit inaalis ang kamay nito sa braso niya. “Please, nasasaktan po ako, uncle,” aniya habang maluha-luha.

Lalong nagdilim ang mukha ni Tristan. Binalya siya nito sa pader bago dumapo ang kamay sa leeg niya. Pinilit niyang baklasin iyon pero tila bakal ang kamay nito.

“Alam mo ba kung magkano ang binayad namin para mabili ang bankrupt na kumpanya? Alam mo ba kung magkano ang utang ng ama mo? Alam mo din ba kung gaano kalaki ang pinasok naming pera sa kumpanya ninyo para makabawi sa mga nawaldas ng Papa mo?” mabalasik nitong tanong.

Mariin nitong hinawakan ang baba niya ng isang kamay, ang isang kamay naman nito ay ipininid ang mga kamay niya pataas. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya, hindi niya kayang salubungin ang galit nitong mga mata.

Mariing napakagatlabi na lamang si Gaile bago marahang umiling.

“Alam kong may ideya ka! Tapos ngayon, nasa pangalan na ulit ng mga Cuevaz ang kumpanya. Pag-aari na ninyo ulit ito at ang tanging kabayaran ay ikaw?” wika nito sa tapat ng tenga niya.

Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa leeg niya.

“Ganoon ba kalaki ang halaga mo pra mabura lahat ng utang ninyo?” bulong pa nito.

“S-Sorry... I-ibabalik ko na lang ang kumpanya sa i-inyo,” nauutal na wika niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya habang magkadikit ang mga katawan nila. Hiya, takot, nerbyos kaya naman halos lumuwa na ang puso niya sa kinalalagyan nito.

“Tingin mo papayag si Mama? Hindi na niya babawiin ang naibigay na niya,” paos na wika nito bago dinampian ng halik ang leeg niya. Napasinghap siya at napakagat labi dahil sa taas ng tensyon sa pagitan nila.

“A-Anong gusto mong gawin ko?” tanong niya bago mariing napapikit. Paano'y nasa tenga na niya ang labi ng lalaki at marahang kinakagat iyon.

“Paano mo babayaran ang utang ng pamilya mo? Sapat bang kabayaran ang kasal lang? Ano ang kaya mong ibigay, Hailey Gaile?” tanong ni Tristan habang pinararaanan ng maliliit na halik ang nakalitaw niyang balikat.

Pagkatapos ay tumingin ito sa mukha niya. Naroon pa rin ang galit pero may kislap na ng pagnanasa ang mga mata nito. Kinagat ni Gaile ang ibabang labi dahil nate-tense siya. Dahil doon ay lalong nag-alab ang pagnanasa sa mga mata ni Tristan. Mariin niyang sinakop ang bibig niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat habang magkalapat pa rin ang bibig nila.

Banayad ang galaw ng labi nito at naaakit siyang tugunin ang bawat halik pero hindi niya alam kung paano dahil iyon ang first kiss niya.

Mas lumalim pa ang mga paghalik ni Tristan sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking lihim niyang tinatanaw noon ay hinahalikan na siya ngayon.

Iyon nga lang, ang halik nito ay hindi bukal sa puso kundi isa lang paraan ng parusa. Gusto nitong saktan siya at angkinin na walang halong pagmamahal. Dahil sa naisip ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig.

“Uncle, please don't,” aniya nang lumipat sa leeg niya ang mga labi nito.

Natigilan naman ang lalaki, lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya.

“Shit!” bulalas ni Tristan bago marahas na inilayo ang katawan. Tila ba nandidiri sa pagkakalapit nilang dalawa.

Nayakap naman ni Gaile ang sarili habang sunod-sunod ang pagluha. Nanlalambot ang tuhon niyang napadausdos siya paupo. Muntik na siyang bumigay sa lalaking wala namang pagmamahal sa kanya.

“Get up. Huwag kang umarte na parang aping-api ka. Ano ba ang pagkakaiba mo sa bayarang babae? Hindi ba nagpakasal ka lang naman para sa pera?” panghahamak pa nito.

“Pwede ka naman tumanggi pero pumayag ka din! Hindi ko naman hiningi sa 'yo na pakasalan mo ako kapalit ni Cedric!” hindi niya napigilang ibulalas dahil sa sobrang sama ng loob.

Lalong nag-igting ang panga ng lalaki. Hinila siya nito patayo habang nagliliyab sa galit ang mga mata.

“Ginawa ko 'yon para kay Mama! Ayaw kong atakihin siya sa puso sa araw ng kasal! Lalo na't binablackmail siya ng Papa mo! Drinamahan nila si Mama at gusto pang kuning compensation sa nasirang kasundan ang kumpanyang nabili na namin! Shit– hindi ko alam kung bakit iniisa-isa ko pa sa 'yo ang mga dahilan!” naiiling na singhal nito bago marahas na binitiwan ang balikat niya. Na-out of balance siya at tuluyang na-twist ang uncle niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 33

    “Teka, nasasaktan ako,” daing ni Gaile nang makarating sila sa Parking lot. Isinandal naman siya ni Tristan sa side ng kotse at itinukod doon ang siko. Hindi siya makagalaw sa sobrang lapit nito. Kumakabog sa sobrang kaba ang dibdib niya. Kitang-kita niya ang pagkislap ng galit sa mga mata ng asawa kaya halos mautal siya nang magsalita. “Uncle Tris–” “Isang Uncle Tristan pa, I will kiss you right now!” mariing singhal nito kaya napakagatlabi siya. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya nawawala na naman siya sa sariling wisyo. “Don't bite your f*ckin lips!” mariin pero halos pabulong na utos nito. Napapitlag siya at napangiwi. Nakatingin si Tristan sa labi niya at para bang gusto nitong sakupin 'yon. Anong magagawa niya? Natural sa kanya ang mapakagat labi kapag nate-tense... “Tristan, mali-late tayo sa next appointment natin,” madilim ang mukhang wika ni Aria. Naitulak naman ni Gaile ang asawa. Nakita niya si Aria na nakahalukipkip at masama ang pagkakatingi

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 32

    Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 31

    “Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 30

    Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 29

    “Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   chapter 28

    Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status