로그인Chapter 3
Dumiretso ang bagong kasal sa isang mamahaling subdivision. Sa pagkakaalala ni Gaile, may bahay doon si Tristan kaya lalo siyang kinabahan.
Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Gaile tapos ngayon ay may asawa na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki.
Pumasok ang kotse sa magarang bahay. Pagbaba ni Tristan sa kotse ay alanganin din siyang bumaba. Inalis muna niya ang suot na stiletto dahil kanina pa sumasakit ang paa niya pagkatapos ay mabilis na bumaba. Patakbo niyang sinundan si Tristan papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang siya dito hanggang paakyat ng magarang hagdan. Napakalaki ng bahay ng lalaki, mas magara pa kaysa mansion nila. Sabagay, mas mayaman naman ang mga Venzon kaysa sa mga Cuevaz, idagdag pa ang mga sariling investment ni Tristan sa iba't ibang kumpanya.
Huminto sa tapat ng pinto si Tristan, mukhang iyon na ang kwarto ng lalaki. Nang pumasok ito ay pumasok na din siya. Iginala niya ang paningin sa paligid hanggang sa tumutok ang mga mata niya sa portrait ng isang babae. Hindi niya namalayan na nakaharang si Tristan sa nilalakaran niya kaya bumangga siya sa likod nito.
“What the–hanggang dito nakasunod ka pa rin?” asik nito habang hawak ang braso niya.
Napakagat labi naman siya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.
“K-kasi... Ano... Hindi ko alam kung saan ako pupunta...” aniya habang pilit na binabawi ang braso na hawak ng lalaki. Galit na binitiwan siya nito kaya agad niyang nahaplos ang brasong nasaktan.
“Hindi ko alam kung anong plano ninyo ng mga magulang mo pero ito ang tatandaan mo, hindi kayo magtatagumpay!” galit na bulyaw nito bago siya tignan sa mukha.
Napaatras naman siya sa takot na nakikita sa mga mata ni Trista.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Tsaka si Cedric? Nasaan ba siya?” nalilitong tanong niya dito. Iyon ang kanina pa niya gustong tanungin.Naglakad ito palapit sa kanya habang naniningkit ang mga mata. Napaatras naman si Gaile dahil sa takot. Hanggang sa mapasandal na lang siya sa malamig na pader. Wala na siyang aatrasan pa.
“Kagabi, sadya kong pinapunta ka sa bar para makita mismo ng mga mata mo kung anong klaseng tao si Cedric. Muntik ka pang mapahamak! Tapos sumipot ka pa rin? Sabihin mo sa akin, anong dahilan?” mariing tanong nito.
Sobrang lapit na nito sa kanya. Dinig niya ang malalim nitong paghinga dahil sa tinitimping galit. Amoy na amoy din niya ang panlalaking pabango nitong nanunuot sa kanyang ilong. Ang hindi niya matagalan ay ang nang-uusig nitong mga mata kaya sinubukan niyang itulak ang lalaki. Napakatigas ng dibdib nito na halatang alaga sa exercise. Sa liit niya ay hanggang balikat nang siya nito kaya hindi man lang natinag sa pagtulak niya.
“H-Hindi ba pamilya natin ang may gusto sa kasal na ito? Para mag-merge ang mga kumpanya?” lakas loob niyang bulalas. Lalo namang nagalit ang lalaki at sinakal siya nito.
Pilit niyang inaalis sa leeg niya ang malabakal na kamay ng lalaki pero hindi niya magawa.
“U-Un-uncle... H-hindi po ako... Makahinga...” pilit niyang tinatapik ang kamay nito pero nanlilisik lang ang mga matang nakatingin ito sa kanya.
“Pamilya lang ninyo ang magbebenefit sa merging ng kumpanya. Ibinenta ng Papa mo sa Papa ko tapos uungkatin pa niya ang pinangako ng Papa ko sa lolo mo na pag-isahin ang pamilya Venzon at Cuevaz. Pagkatapos ano? Wala kaming pakinabang sa isang paluging kumpanya!” Itinulak siya nito kaya nasadsad siya sa pader. Napadaing siya sa sakit habang umiiyak. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi ng mga tao na masamang magalit ang isang Tristan Venzon.
“Uncle... Hindi ko naman po–”
“Get out, Hailey Gaile! Baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo! Manang Norma!” sigaw nito na nagpapitlag sa kanya.
Ilang saglit lang ay dumating na ang ginang na tinawag nito. Hinila siya ni Tristan patayo bago tinulak palabas ng kwarto. Mabuti na lang dahil nasalo siya ng may edad na babae.
“Ihatid ninyo si Gaile sa magiging kwarto niya. Ayaw kong pumapasok siya dito sa kwarto ko lalong lalo na sa opisina ko. Baka kung ano pa ang nakawin ng babaeng 'yan,” malamig na wika nito.
Dahil doon ay nagpanting ang tenga niya at hinarap ito.
“Hindi ako magnanakaw!” singhal niya. Agad naman siyang pinatahimik ng katiwala nito.
“Shhh... Halika na, ma'am. Halika na...” inakay siya ng matanda papunta sa kwarto niya.
Malaki din ang kwartong 'yon at halatang pambabae ang ayos pati na pintura. May dresser doon at may mga nakapatong pang gamit para sa mukha at mga pabango.
“Pinaayos ito kanina ni Tristan, Ma'am Gaile. Nandiyan na din po sa closet ang mga damit ninyo. Ipinakuha niya kanina sa driver doon sa bahay ninyo,” wika nito habang inaalalayan siyang maupo sa kama.
“Salamat po, Manang. Gaile na lang po ang itawag ninyo sa akin,” aniya bago pilit na ngumiti sa matanda. Napansin nito ang pasa niya sa braso at kamay kaya tinawag nito ang isa pang katulong sa pamamagitan ng walkie talkie. Nagpakuha ito ng gamot para sa pasa.
“Gaile, mabait naman si Tristan. Masama lang siyang magalit kaya kapag galit siya, ikaw na lang ang umiwas para hindi ka masaktan,” naaawang wika nito. Nang dumating ang isang maid ay si Manang Norma na din ang gumamot sa pasa niya.
Nakaramdam naman siya ng tuwa dahil kahit ang Mama niya ay hindi nagawa iyon sa kanya. Hindi siya nito ginagamot o kahit niyayakap kapag umiiyak siya.
“Thank you po, Manang Norma,” aniya bago ito niyakap. Natatawang tinapik naman nito ang balikat niya.
“Gaile, asawa ka na ng amo ko kaya trabaho kong pagsilbihan ka. Hindi mo kailangan magpasalamat,” wika nito.
Nang umalis ang matanda ay tinignan niya ang oras. Alas tres na nang madaling araw kaya pala inaantok na siya. Kumuha siya ng damit pantulog sa closet bago pumunta sa banyo. May salamin doon kaya nakita niya ang pasa sa kanyang leeg. Maputi at makinis ang balat niya kaya kitang-kita ang pamamantal doon.
Tahimik siyang umiyak habang nagbibihis. Akala niya ay ligtas na siya sa kamay ni Cedric pero mukhang ibang kalbaryo din ang haharapin niya sa uncle nito na si Tristan.
Matapos maghilamos at magbihis ay dumiretso na siya sa kama at pinilit ang sarili na matulog.
Kinabukasan ay nagising siya nang maaga. Agad niyang hinalungkat sa closet ang school uniform at mabilis na nagbihis pagkatapos ay bumaba na siya sa kusina. Nadatnan niya doon si Manang Norma at ang iba pang mga katulong pati na ang driver na si Mang Damian.
“Good Morning po sa inyo,” bati niya sa mga ito. Nakahain na ang mesa at ang mga maid naman ay nakatayo sa gilid.
Sa mga Cuevaz, hindi sila nagsasabay-sabay kumain dahil may kanya-kanya silang schedule. Pati ang ate Krystal niya ay hindi kumakain sa bahay. Siguro ay kumakain lang sila ng sabay-sabay kapag may mga mahahalagang bisita ang parents nila.
“Manang, si Unc–si T-Tristan po ba, gising na?” tanong niya rito.
“Maagang umalis si Tristan. Ipinagbilin ka naman niya sa akin, kumain ka bago pumasok sa school,” tugon nito.
Napatingin siya kay Mang Damian kaya agad naman itong ngumiti.
“Ma'am Gaile, pinaiwan po ako ni Sir para may mag-drive sa inyo papunta sa eskwela,” tugon nito bago yumuko at nagpaalam paalis. Hawak nito ang isang tasa ng kape at tinapay.
“Manang, sabay-sabay na po tayong kumain,” anyaya niya sa mga ito.
“Naku, hindi kami kumakain kasabay ang amo,” pagtanggi nito.
“Manang si Tristan po ang nagpapasweldo sa inyo kaya siya ang amo ninyo. Samahan na po ninyo ako, malungkot pong kumain mag-isa,” aniya.
Nagtinginan naman ang mga maid bago atubiling naupo at kumain. Napangiti naman siya dahil sa bahay nila ay mga kasambahay din ang kasabay niya palagi sa pagkain.
Matapos kumain ay hinatid siya ni Mang Damian sa school. Pagpasok pa lang niya ay ramdam na niya ang mga tingin ng tao sa paligid.
“Nandiyan na 'yong malandi. Kunwari mahinhin, pero nasa loob pala ang kulo,” bulong ng isang babae. Barkada 'yon ng ate Krystal niya.
“Hello, Dear sister, kumusta naman ang unang gabi ng honeymoon?” nanunuyang wika ni Krystal.
Pumunta pa talaga ito sa school building ng mga senior high kahit nasa kabilang building ang para sa college.
“Ate, male-late na ako,” aniya at akmang iiwasan ito pero hinigit nito ang buhok niya.
“Ate, ano ba? Masakit!”
“Anong klaseng panglalandi ang ginawa mo kay Tristan para pakasalan ka? Ha!” singhal nito.
“Nasa simbahan ka din kahapon, ate! Alam mong wala akong ginawa!” pagtatanggol niya sa sarili.
“Kilala ko si Tristan! Hindi 'yon papayag na magpakasal dahil ang puso niya ay para kay Aria lang. Anong ginawa mo, ha?” giit nito bago padaskol na binitiwan ang buhok niya.
“Wala akong ginawa!” umiiyak na bulyaw niya.
“Sinungaling! Alam kong nilandi mo siya! Hinatid ka niya sa bahay nung gabi bago ang kasal! Lasing ka at amoy alak! Nakakahiya kang babae ka! Malandi ka!” pagtutungayaw nito. Nakukuha na din nila ang atensyon ng ibang estudyante.
Yung iba ay nakisali na din para pahiyain siya. Iyong isa naman ay balak siyang batuhin ng hawak na milktea.
“Sige subukan mo! Asawa na ako ni Tristan ngayon! Isa siya sa investor ng school na ito! Sige subukan ninyo akong saktan! Kapag sinaktan ninyo ako, parang siya na din ang binastos ninyo!” sigaw niya. Natigilan ang mga estudyante. Ang ate Krystal naman niya ay pumalakpak.
“Tingin mo pag-iinteresan ka ni Tristan, ha? Sino ka ba? Wala ka sa kalingkingan ni Aria. Kahit nga sa akin, hindi ka man lang papasa,” panglalait ni Krystal.
Hindi niya alam kung ate ba niya ito dahil ito pa ang nangunguna sa pambubully sa kanya.
“Hoy! Anong kaguluhan 'yan?” sigaw ng isang mayabang na boses.
“Cedric... Ui, paraanin ninyo si Cedric,” wika ng mga estudyante. Nahawi ang mga ito hanggang sa makita na niya ang lalaki.
Ngumisi ito ng makita siya.
“Ui, Gaile. Nakita ko ang mga pictures ng kasal, ah. Grabe, maganda ka pala?” lumapit ito at hinawakan ang kamay niya. Agad naman niya itong binawi at bahagyang umatras.
“Ui, pakipot pa. Parang virgin pa, ah. Kumusta ang honeymoon? Sayang, kung alam ko lang na may tinatago kang ganda, sana nilawayan muna kita,” wika nito bago siya hinila palapit. Tinulak naman niya ito at malakas na sinampal.
Nagalit ang lalaki kaya agad siyang hinigit at hinila palayo doon. Dinala siya nito sa likod ng school building. Walang gaanong tao doon.
“Cedric, igalang mo naman ako! Auntie mo na ako ngayon!”
Tumawa ng malakas si Cedric dahil sa sinabi niya.
“Auntie? Kahapon lang, Fiancee pa kita. Tsaka pangalan ko ang nasa marriage certificate, baka akala mo? Ano? Ha? Papalag ka pa?” mayabang na sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga, dahil pangalan nilang dalawa ni Cedric ang nakalagay sa certificate. Wala din silang pinirmahan ni Tristan pagkatapos ng kasal. Kaya kung tutuusin, hindi siya asawa ng lalaki.
“Ano? Natigilan ka? Totoo, hindi ba?” nakangising tanong nito.
Hinawakan nito ang magkabilaan niyang braso bago siya pagtangkaang halikan.
“Cedric ano ba! Asawa ako ng uncle mo, bitiwan mo ako!” Itinulak niya ang lalaki at malakas na sinampal.
Nabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal niya. Nanlilisik na ang mata nito nang muli siyang tignan.
“Nakakadalawa ka na, ah. Wala pang kahit sino na sumampal sa akin!”
Itinaas nito ang palad at akma siyang sasampalin.Napapikit na lang siya nang mariin hanggang maramdaman na lang niya na may humila sa kamay niya at nasadsad siya sa matigas na dibdib ng isang lalaki.
Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran
“Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m
Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba
“Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin
Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol
“Gaile, nak?” Agad na napatayo mula sa pagkakatalungko sa gilid ng kwarto si Gaile. Para siyang nakahanap nang kakampi at patakbong niyakap si Manang Norma.“Nay Norma,” bulalas niya bago bumunghalit ng iyak.“Ano ba ang nangyari? Bakit ganyan ang ayos mo?” masuyo nitong hinagod ang likod niya. Umiling lang siya dahil hindi niya kayang magsalita sa sobrang sama ng loob. Napapasigok pa siya habang umiiyak.Lahat ng hinanakit niya mula kaninang umaga nang sampalin siya ng mga magulang niya hanggang sa panghahamak ng asawa sa pagkatao niya ay ngayon lang niya tuluyang nailabas habang nakasubsob sa balikat ng katiwala.Hinagod naman ng ginang ang likod niya at nang medyo humina na ang pag-iyak niya ay inalalayan siya nitong maupo sa gilid ng kama. Kumuha ito ng tubig sa mini ref at binigay sa kanya.Ininom naman niya agad ang tubig para pakalmahin ang sarili. Inalalayan din siya ng ginang papunta sa banyo para ayusin ang sarili. Inalis niya ang makapal na make up at nagbihis ng pantulog.







