Share

Chapter 7 - Victory

Narito pa rin ako sa condo ni Kenji kahit na may ilan araw na rin siya na hindi kumokontak sa akin. And a part of me is relieved about it. Kailangan ko talaga ng distansya buhat sa kan’ya dahil masyado na siya na nakakaapekto sa akin.

And this is so not me. It’s never easy for anybody to get my attention, lest it affect me in any way, pero mabilis iyon na nagawa ni Kenji, just because it all started with a fucking kiss. And I was regretting that day that I let him do it.

May parte ko ang naiinis sa sarili ko dahil hinayaan ko lang siya at hindi ko man lang siya sinaktan nang gawin niya iyon sa akin na walang paalam. I hate everything about it because that fucking kiss changed a lot of things for me.

Focus Reiko! This is just a job for you, at hindi kailangan na hinahaluan ng personal na emosyon ang trabaho. Never ko na dinala ang problema ko na personal sa trabaho, at hindi kaibahan ang trabaho na ito bilang isang kabit. I am an employee, and Kenji is my employer, at sigurado ako na malapit na matapos ang trabaho na ito. Hopefully, so that I can still walk away with my mind and heart intact.

Nagdiretso ako sa sala matapos na makapagligpit sa kuwarto. Naupo ako sa sofa habang hawak-hawak ko ang telepono ko at tinitingnan na lamang ang mga larawan namin ni Arden. Bukas ay kailangan ko nang umuwi sa apartment dahil magkikita kami ni Arden. Siguro naman ay hindi kakailanganin ni Kenji ang serbisyo ko tutal naman ay ilan araw na rin siya na nananahimik at walang komunikasyon sa akin.

Isang mensahe ang natanggap ko at agad ako na napangiti. This is what I need; he is what I need. Arden is the only one I need in my life, at wala nang iba pa.

"Reiko-ko, I’ll see you tomorrow at your apartment. Let’s go out on a date. It’s been a while, na lumabas tayo. Miss na miss ko na ang girlfriend ko. I’ll see you tomorrow, and I love you."

Just one text is all it takes, para makalimutan ko ang nagpapagulo sa isip ko. And the moment na magkita kami ni Arden ay sigurado ako na lahat ng mga halik ni Kenji na nakatatak sa isipan ko ay makakalimutan ko nang tuluyan.

Nagta-type pa lang ako ng message upang makapag-reply kay Arden nang bumukas ang pintuan ng condo at sumilay ro’n ang lalaki na kani-kanina lang ay pilit ko na winawaglit sa isipan ko. Si Kenji. Tipid siya na ngumiti sa akin at lumakad patungo sa direksyon ng kinauupuan ko.

"Why are you here?" tanong ko agad.

"Let’s talk."

Hindi ko alam kung dapat ba ako na kabahan sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salita na ‘yon dahil seryosong-seryoso ang itsura niya na nakatingin sa akin. Umupo rin siya sa tabi ko pero may tamang distansya naman sa pagitan namin. Kumakabog ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan, kung dahil ba sa may sasabihin siya na seryoso sa akin, o dahil sa pagkakalapit namin dalawa ay hindi ako sigurado.

"Thank you." Pauna na salita niya na ikinataas ng kilay ko. Bakit siya nagpapasalamat? Ibig ba sabihin ay nagtagumpay na kami? Is this the end of this contract for me now? I am having mixed emotions at this moment, at hindi agad ako nakatugon. Ang dami ng mga tumatakbo sa isip ko na kung ano-ano.

"We succeeded with the plan, Reiko." Napasinghap ako sa sinabi niya. At this early, nanalo na siya? At this early, ay nakuha na niya muli ang atensyon ng asawa niya?

"I-ibig sabihin ba ay ayos na kayo ng asawa mo?" Nag-aalangan na tanong ko. Hindi ko sigurado kung ano ang nais ko na marinig na sagot buhat sa kan’ya, kung oo ba o hindi.

"Yeah. Iyon ang dahilan kaya hindi na rin kita ginulo pa ng ilan araw. Nag-usap na kami ni Ica, and everything is good between us. Naayos na namin ang lahat ng problema sa pagitan namin dalawa."

"That’s very good news to hear. So this means the contract is finished, right? I can walk away freely. My sister is safe now from your threats?" Sunod-sunod na tanong ko ulit sa kan’ya habang pilit na pinapalabas sa aking boses ang kagalakan.

Ngumiti siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata ni Kenji ang pagningning na mga iyon. "The contract you signed is for six months, but you can go now. At kagaya nang naipangako ko sa’yo, the five hundred thousand pesos I gave your sister is only for the initial payment. I’ll tell my accountant to send you the completion bonus and an extra for completing the job well and early."

"You don’t need to pay me anything anymore. Ayos na ako sa naibayad mo kay Reina. I don't need an additional payment. At aalis na rin ako ngayon gabi rito sa condo mo, I’ll be going back to my apartment."

"You can stay until tomorrow. Hindi naman kita minamadali na umalis dito. Hindi na rin naman pupunta rito si Ica, so you’re free to stay for a while."

"No, I’m okay to leave tonight."

"I’ll drop you off at your apartment."

"No need." Mabilis na sagot ko na parang ikinagulat pa ni Kenji. I know I’m acting stupid, pero hindi ko talaga alam kung paano ako kikilos ngayon sa harapan niya pagkatapos niya sabihin sa akin na tapos na ang trabaho ko. Tapos na ang pagiging replacement mistress ko sa kan’ya.

"Reiko, I’ll drop you off, and I won’t take no for an answer." Pagpipilit pa niya.

"I don’t think that’s a good idea. Paano kung makita tayo ng asawa mo, o ng mga alipores niya? Sa tingin mo ba ay matutuwa siya? Baka imbis na maayos na ang lahat ay lalo lamang kayo na magkagulo. I am okay, and I can perfectly handle myself, dahil marami naman din na mga taxi na dumadaan dito."

"It’s not safe to ride a taxi. I’ll call Gray to pick you up so he can drop you off at your apartment."

"Hindi na kailangan, ayos-"

"Reiko, please. This will be the last time that we will see each other. Let me do this, kahit bilang pasasalamat na lang sa malaki na naitulong mo sa relasyon namin ng asawa ko."

And just like that, mabilis ako na napatango bilang pagsang-ayon. Kinuha niya ang telepono niya at nag-text agad siya, and I am assuming that he is texting Gray at this instant.

Habang ginagawa niya iyon ay inilibot ko ang paningin ko sa buong condo niya. The moment I walked out of here, ay rito na rin matatapos ang ugnayan ko kay Kenji, and it’s for the better. May asawa siya na dapat pagtuunan ng pansin, at may boyfriend ako na dapat na mahalin.

Sigurado rin naman ako na ako lamang ang nakakaramdam ng ganito sa pagitan namin dalawa. Ako lamang ang apektado sa mga halik na simula pa lamang ay alam ko naman na palabas lang.

I am so sure that he is so in love with Ica, dahil nagniningning ang mga mata niya nang sabihin niya sa akin na ayos na sila. And I am having mixed emotions right now because of that. Just because of a kiss, a part of me does not want this to end at all.

"Gray will be picking you up. Nasa airport lang siya ngayon dahil kadarating lang ng flight niya, but he’ll be here later. That will also give you ample time to prepare your things." Pag-eesplika pa niya sa akin.

"Okay."

"Reiko, again, thank you for all your help." Inilahad pa niya ang kan’yang kamay sa akin at walang kaabog-abog na tinanggap ko naman iyon upang tuldukan na ang lahat ng koneksyon sa pagitan namin dalawa.

"Thank you, and I wish you and your wife a happy and fulfilling married life."

Malapad na ngiti ang isinukli niya sa akin at kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. "We will. I know we will." Matapos sabihin iyon ay iminuwestra niya sa akin ang diresyon ng pintuan bilang pamamaalam niya. Isang sulyap pa ang iniwan niya sa akin saka siya tuluyan na lumabas ng unit.

And when he left, I was also left confused. I don't know if it is happiness or loneliness that I am feeling. Naayos niya nga ang problema nila ng asawa niya, pero nag-iwan siya sa akin ng isang problema na hindi ko alam kung kayo ko ba na lutasin na mag-isa.

I have an unknown feeling for him. An unknown feeling that I am not ready to admit. And I hope to never see Kenji again. I hope to never have anything to do with him again, dahil baka hindi na ako makaahon pa sa kumunoy na dala niya sa buhay ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana nga tuluyan ng maayos ang pagsasama ng mag asawang kenji at ica
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status