Share

chapter 5

Lola Carmella may ipapagawa pa po ba kayo? Kung wala na po uuwi na po ako sa bahay. Babalik nalang po ako ng maaga bukas para tumulong po sa paghahanda.

“Dito ka nalang maghaponan hija malapit nang maluto ang sinaing ni nanay Nida mo. Ipapahatid nalang kita kay Jose para ligtas kang makarating sa inyo.”

Naku po! Sa bahay nalang po ako maghahaponan hindi pa naman po ako gutom dahil nakapag meryenda naman po ako kanina lang.

“Kung hindi talaga kita mapipigilan sige mag-iingat ka Lessery. Hayaan mo kapag nakapunta ako sa bayan ibibili kita ng cellphone para matawagan kita o makakatawag ka kapag ikaw ay nakarating na sa inyong bahay.”

Hindi na po kailangan Lola Carmella, ligtas naman po ang lugar natin. Wala pa naman pong napabalita na may masamang nangyayari. At saka mga mababait po ang mga kapitbahay natin.

“Huwag kang pakampanti hija sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala. Kapag ang tao ay nagigipit minsan sa patalim kumakapit.”

Si Lola talaga tinatakot ako. Para panatag po kayo Lola iyong walis tingting nyo hihiramin ko po. Gagawin kong pamalo sa maligno at masasamang tao. Baka pwedi rin pong sakyan para makarating agad ako sa bahay.

“Hahaha naniniwala kana sa mga kwento ng aswang Lessery?”...si nanay Nida

Naku Lola, nanay Nida uuwi na talaga ako. Kayong dalawa inisa-isa nyo na akong tinatakot eh. Iiwan ko nalang tsinelas ko para kapag kailangan ko ng mag-marathon hindi ko maiwala. Wala pa naman akong sahod pambili ng bagong tsinelas.....sabay na nagtawanan ang dalawang matanda.

“Itong hinog na bayabas dalhin mo na hija sobrang malambot na kasi. Sayang naman kung masisira at itapon lang alam mo namang walang kumakain niyan dahil napakarami.”

Sige La, salamat po! Ali's na po ako. Kaya lumabas na ako ng kusina. Nagulat pa ako sa may pintuan dahil nakatayo doon si senyorito shokoy. Inirapan ko lang ito at tuloy-tuloy na akong naglalakad palabas ng mansyon ng mga Cruz.

Medyo maraming trabaho buong araw pero keri naman. Sa susunod na mga araw mai-manage ko na ang mga iyon. Sa ngayon kailangan ko muna ng adjustment para mabalanse ang trabaho at oras. Tiyak matutuwa silang lahat nitong pasalubong kong bayabas.

Napakabait talaga ng mga matatanda, sa dami ng pangkabuhayan at ari-arian nila nanatili parin silang mapagpakumbaba. Namumuhay ng simple kagaya naming salat sa pangkabuhayan at kayamanan. Kung tutuusin pwedi silang sa maynila o sa syudad na tumira kasama ang mga apo at anak na may katulong na tagasilbi.

Mapagmahal talaga sila sa tinatawag na sariling atin, dahil palagi nilang tinatangkilik ang kalikasan at simoy ng hangin ng kanilang kinagisnang lugar...makata kana Lessery hahaha....pambubuska ng isip ko.

Nanay, tatay, baby Zaile andito na ako magandang gabi sa inyong lahat. Mano po nay, Mano po tay!

“Kaawaan ka ng diyos anak. Kumusta ang unang araw mo sa mansiyon ng mga Cruz”...si nanay.

Okay naman po nay keri naman po, kailangan ko lang po ng adjustment.

“Ate ang unfair mo,si nanay, tatay at baby Zaile lang binabanggit mo paano naman kami ni lerian?”....si Leandro.

Mga seloso, heto kumain na kayo nitong dala kong bayabas.

“Wooww ang sarap naman niyan.”

Nilantakan na nila kaagad ang bayabas. Ako naman ay nakikipaglaro kay baby Zaile. Habang si mama naman ay busy sa

pagluluto ng aming haponan. Si tatay naman ay nakaupo habang aliw na aliw na nakatingin sa apo niyang naglalaro.

Lerian, hiwaan mo rin si tatay ng bayabas. Kayo talaga porke hindi nanghihingi si tatay hindi man lang kayo nagkusang magbigay.

“Hayaan mo na anak, makita ko lang kayong masayang kumakain ng sabay-sabay masaya na ako. Salamat Lessery dahil ang hindi maibibigay ni tatay ikaw ang nagbigay.”

Naku tay, nagdadrama ka na naman. Ayaw ko sa ganyang eksina tay dahil mahina ang puso ko diyan.

Kinabukasan maaga na naman akong gumising para pumunta sa bahay ni Don Mariano. Syempre masaya akong naglalakad pakanta-kanta habang ang aking back up ay ang mga ibon, kulisap at kuliglig. This is what they call “Nature Concert” lahat ng hayop at insekto insert.

“Hoy Lessery ang aga-aga saan ka pupunta?”

Uy hala Roy kailan ka dumating?

Si Roy Baltazar ay isang seaman, naging kaibigan ko ito noong bago pa lang kaming lipat dito sa San Martin. Ang pwesto namin sa palengke ay dati niyang pwesto. Wala na siyang ama at ang nanay niya ay may kaidaran na rin kaya hindi na niya ito pinapatinda pa ng isda sa palengke. May dalawa siyang kapatid na babae na magsi-asawa na rin.

“Kagabi palang ako dumating, may mga pasalubong ako sa'yo at kay Baby Zaile.”

Naku Roy nag-abala ka pa, makita ka lang naming nakauwi ng ligtas sapat na. Baka magalit na naman si aling Corazon niyan. M*****a kasi ang nanay ni Roy nagalit pa nga siya nung sinabi ng anak niya na sa amin ibigay ang pwesto nila sa palengke.

Ibinilin ni Roy na minsan dalawin ko raw ang nanay niya at kamustahin. Ang masaklap sa bawat pangangamusta ko pamimintas lang ang inabot ko.

Dumidikit daw ako sa anak niya para makuha ko ang loob ng anak niya. Kesyo disperada daw akong naghahanap ng bubuhay sa aming mag-ina. Wala naman akong masamang motibo, sinusukli-an ko lang naman ang kabutihan ng anak niya. Magkaibigan nga talaga sila ni aling Rosing mga marites. Minsan pumupunta siya sa palengke at pinaparinggan ako ng mga masasamang salita. Hindi ko nalang pinapatulan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila sa pwestong ibinigay nila sa'min ng libre siguro wala kaming pangkabuhayan. Mangangapa sana ako sa dilim kung saan kukuha ng makakain at pambili ng mga gamot sa tatay ko.

“Hoy bakit tulala ka diyan? Tinatanong kita kung saan ka pupunta ng ganito kaaga? Pupuntahan pa naman sana kita sa bahay ninyo para sumabay sa'yo patungong palengke. Na miss kita eh, na miss ko rin maghintay ng mga isda.”

Ah eh, pinasara muna ng ilang buwan ang palengke dahil sa renovation project ni Mayor Robert Sanchez. Kaya hindi muna ako nagtitinda ng isda. At papunta ako sa bahay nila Don Mariano kinuha kasi akong katulong ni Donya Carmella pansamantala dahil bukas na ang kaarawan ni Don Mariano. May mga bisitang darating ang panganay na apo ni Don Mariano mula maynila. Nag-iisa lang daw kasi ang kasambahay nila kaya kailangan ng katuwang. Timing naman at nakasara ang palengke kaya ako na ang kinuha ni Donya Carmella.

“ Ah ganun ba?

Mamayang hapon among oras ka uuwi para masundo kita.”

Naku Roy huwag na malapit lang naman ang mansiyon nila. At hindi ko rin alam kung makakauwi ba ako mamayang gabi kasi nga maraming bisita kinabukasan at kailangan ding pagsilbihan ang mga bisitang taga-lungsod.

“Sige ganito nalang, ihahatid na kita sa kanila ngayon. Habang naglalakad magkukwentuhan tayo, na miss lang talaga kita eh.”

Ikaw ang bahala, kapag nakita ka ng nanay mo at napagalitan wala akong kasalanan.

Magkasabay na kaming naglalakad patungo sa bahay ni Don Mariano. Nagkakamustaha, nagkukwentuhan sa mga nangyayari sa loob ng isang taon. Medyo madaldal rin kasi si Roy, masaya kausap.

Sige Roy papasok na ako sa loob.

“Okay mag-iingat ka Les, kita nalang tayo kapag wala kanang maraming trabaho.”

Sige, ingat ka sa pag-uwi mo. Kapag naligo ka sa dagat ikamusta mo nalang ako sa mga kaibigan kong sirena. Pasyensya na kamo kung hindi muna kami makapag bonding at makapag- voice rehearsal busy kasi ako.

“Naku Lessery mukhang nakakatakot naman iyang mga pinagsasabi mo. Parang ayaw ko ng maligo sa dagat mag-isa. Takot ko lang baka ilunod nila ako.”

Tanga, ikaw lang ang mandaragat na takot sa sirena eh mukha ka namang shokoy.

“Gwapong shokoy Les.”....

Sige na umuwi kana, bye!.

Pagkapasok ko sa loob ng gate nabungaran ko ang busangot na mukha ni mamang shokoy. Anyare??? Mukhang masama ang gising at binangungot kagabi.

“Ang aga-aga naman nakikipag landian ka. Gawain ba yan ng isang probinsyana? Akala ko ba kapag probinsyana dalagang pilipina, mahinhin, malambing at may dilekadisa. Pero sa nakikita ko, tuwang-tuwa ka pa na hinatid ka ng lalaki mo. Kung sa bagay naging disgrasyada ka nga.”

Kumulo na ang dugo ko sa aking narinig at umusok na ang bunbonan ko kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na huwag siyang sampalin. Ubod ng lakas ko siyang sinampal dahil sa pang-iinsulto niya.

Sino ka para husgahan ang pagkatao ko? Kilala mo ba ako simula't sapul?

Kinukwestyon mo ang pagiging disgrasyada ko? Ikaw ba ang nagpalamon sa'kin? Ikaw ba ang nagsustento ng panggatas ng anak ko?

Anong ambag mo sa buhay ko para pagsalitaan mo ako ng ganyan? Baka ikaw nga kung saan-saan ka rin nagsaboy ng mga tam*d mo at baka may inabandona ka ring mga supling....natigilan siya sa sinabi ko.

Huwag kang mag-alala senyorito pagtatrabaho-an ko ng mabuti ang sahud na ibibigay ng Lola mo. Hindi nyo naman siguro nanaisin na maging magnanakaw o mandurukot ako para lang may maipakain sa pamilya at matustusan ang sarili kong pangangailangan. At ang mga extrang ibibigay niyang pagkain isipin mo nalang na ibinigay nya ang mga iyon sa mga kapos na kagaya ko kaysa itapon nyo at aksayahin.

Pagkatapos kong magsalita ay agad na akong umalis sa harapan niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang pera baka hindi na ako babalik sa bahay na ito para magtrabaho.....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status