Share

3. Charmed

Penulis: Left-handed
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-22 15:58:29

"Hello Ms. Suarez, kindly wait sir Williams inside his office.

Meron lang syang kausap sandali sa lobby."

Bati ng sekretarya nito.

"Thanks Ms. Cheng." Tipid n'yang sagot.

Ganito ba talaga to? Iyong tipong bubusogin ka bago katayin.

Jusko parang awa n'yo na po.

Sana maling akala na naman to. Walang kalagyan ang kaba ng dalaga.

Habang papasok na si Hunter sa office n'ya, ay natatawa pa ito sa naging reaction ni Atalia nung sabihin n'yang may kelangan s'ya dito.

Para itong naubusan ng lahat ng dugo sa pamumutla. At ang magagandang bilog na mata nito ay mas lalo pang namilog dahil sa tanong n'ya.

Now he is almost 100% sure na kilala s'ya nito at patay malisya lang baka sakaling hindi n'ya matandaan ang mukha ng magandang empleyada.

"Oh you're here, I just have some few words with you Ms Suarez."

Derechong turan ng batang CEO kay Atalia na kung makatitig ay parang nanunuot sa buong katauhan ng dalaga.

"Ok sir Williams go a-ahead po". Medyo nauutal na sagot n'ya sabay ngiting pilit ni Atalia.

"Have we met before?"

Sh*t!

"Ahm , ah. Y-yes po sir."

"Where?"

"Teka i-rerecall ko muna sir ha." Maang-maangan n'yang sagot. Sasabihin ba n'ya ang totoo o gagawa lang s'ya ng kwento.

Bahala na si batman basta sasabihin nalang n'ya ang tama kesa dagdagan pa n'ya ang kasalanan dito.

"Uhm... actually s-sir, laki ng kasalanan ko sayo sa una nating pagkikita."

Tinaasan lang s'ya ng kilay nito at parang naghihintay lang na matapos s'yang mangumpisal.

"A-ako po yung nanampal bigla sayo....

Pero sir sorry po talaga!

Promise napagkamalan lang kita nun.

Akala ko kasi ikaw yung boyfriend ko na nakita kong may ibang babae na kahalikan before tayo nagkita muli ng gabing yun."

"Kaya nung akala kong nakita ko s'ya ulit kinagabihan, di ko na napigilan ang sarili kong sugurin s'ya na... I-ikaw pala."

"Sir sorry po. I'll do my best to help you bring your girlfriend back."

Halos hingal at mahabang paliwanag ni Atalia sa boss n'ya at kasama na dun ang pagmamakaawa.

"Do I looked like I'm short of girls, for you to think that I'm so desperate to have my ex-girlfriend back?"

Supladong tanong nito. Na may pinipigilang tawa dahil sa hitsura ng kausap n'ya ngayon.

Damn!

Muntikan ng maisatinig ng dalaga.What should I do now? Conceited din naman pala to, pero tama nga naman. Sa hitsura at yaman nito. Hindi ito nauubusan ng babaeng naghahabol. Mamomroblemang isipan ng dalaga.

Sasagot na sana s'ya ng nagsalita na naman to uli.

"But since you insist.

Then deal. Try to explain everything to Trina."

"She's the only woman na pasado sa parents ko.

Im giving you five days."

"Wh-what?!

Five days? Sir that's too short. Can you please add a little more days? I mean weeks?" Hindi makapaniwalang saad ng dalaga dahil sa konting palugit na ibinigay ng binata.

"Nope." Mabilis na turan ng binata.

She always find her way back to me after a week. So it wouldn't count as a punishment to you anymore." Derechong sagot nito. Kaya naman pala conceited dahil sa tuwing may LQ silang magnobyo ay ang girlfriend pala nito ang magkusang makikipag-ayos.

"Ahmm, how can I be sure that you're not playing tricks on me while Im wooing her to get back to you?" Paniniguro ng dalaga.

"I never cheat Ms Suarez." Paninigurado ng binata.

"What if I'll fail???"

"Then prepare yourself for more serious consequences." Seryosong sagot naman ng binata.

"You may now leave." Pagtatapos nito.

Tulala pa rin si Atalia. Pa'no nya susuyuin ang girlfriend nito. Kala ko ba di s'ya short for girls. Bahala na nga!

Naku po! Ano palang pangalan ng girlfriend nya.

Patakbo na sana s'yang pabamalik sa opisina ng boss n'ya ng biglang nagvibrate ang mobile n'ya.

Hunter: Her name is Trina Castillo.

You are only given five days yet you forgot to ask the important details.

Text ito galing sa supladong boss n'ya.

'Leche na talaga ha!

Nakalimutan lang nangungutya na. Aba't!

Hwag na nga. Baka masampal ko uli.' Awat ng dalaga sa sarili.

Tinapos ni Atalia ng maaga ang dapat tapusing designs para makapagsimula nang mangligaw sa modelong si Trina.

Pinuntahan n'ya ang agency nito at nakipag set ng appointment para makausap lamang ito.

Isang araw lang mula ng makapagsked s'ya ay naisingit agad sa schedule ni Trina kasi sabi naman n'ya sa manager nito na mga 2 hours lang naman ang kailangan n'ya at tungkol ito ky Hunter Williams kaya napasok agad ito sa busy na schedule ng modelo.

"Good Afternoon Ms. Castillo.

Im Atalia Suarez."

Buong galang na bati at pagpakilala niya sa girlfriend ng boss.

Maganda talaga ang modelong ito at sing tangkad niya. So malamang 5'7 din ang babaeng to.

"Yes?" Taas kilay na tanong nito.

"Im here to explain to you the incident last week. The slapping incident remember?'

"Ah.. just cut the crap Miss I'm really busy here." Mataray na putol nito.

"Ahm, sa totoo kasi di ko boyfriend si Mr. Williams, napagkamalan ko lang s'ya. And unfortunately he is my new boss. Sorry po talaga Ms. Castillo. Sobrang sorry po.

Pwede po bang patawarin mo na sya?"

"I mean wala naman s'yang kasalanan talaga.

Ako yung tanga na nanampal bigla." Dagdag katwiran ni Atalia para mabilis lang sana magka-ayos ang dalawa.

"Oh. And what made you think na pagbibigyan kita?" Sagot nito.

"He is deeply inlove with you Ms. Castillo.

He deserves a second chance and do listen his side." Pangugumbinsi ni Atalia.

Mukhang mataray at mapagmataas pala ang modelong ito. 'Kala pa naman niya mabait.

"Well it's up to your boss if he'll try to reach out.

Since that incident he didn't bother to give me a ring. So panu yung second chance na sinasabi mo, ha?" Taas kilay at nakapameywang na saad ng seksing modelo.

Loko pala tong Hunter na to eh! Gigil ni Atalia sa isipan. Ni hindi man lang nagpaliwanag or naghabol sa girlfriend n'ya. Gwapong-gwapo ba talaga s'ya sa sarili? Ha? Konsemisyon tuloy ang inabot ng dalaga.

Infairness gwapo nga naman kasi.

Paano sila magkakabalikan kung wala naman palang pakialam tong matinong boss n'ya.

Muntik nang masabunutan ni Atalia ang sarili dahil sa sitwasyong napasukan n'ya.

"K-kasi busy si sir Willams sa nagdaang araw, maraming business meetings.

For sure babawi yun baka ngayong week na to." Pagsisinungaling n'ya.

"Basta ho Ms. Castillo, malinaw na po sa inyo na hindi ka niloloko ng boss ko."

"Tsk!" Sabay ismid pa ang tanging tugon ng magandang modelo sa kanya at iniwan na s'ya nito.

Bago pumasok kinabukasan ni Atalia ay dumaan muna s'ya sa isang mamahaling flower shop.

Imbis na sya ang nililigawan,

S'ya na ngayon ang nanliligaw.

Pumuli s'ya ng dosenang bulaklak at pinadala ito sa Address ng Agency ni Trina.

Ipapahatid n'ya ito sa dalaga bago magtanghalian. At may note na

"Dont forget your lunch"

Love,

Your Hunter

Yun lang muna. Mamayang hapon na ang chocolates.

"Haaay! Kaloka. Mapapagastos pa ako nito."

Ang yaman yaman ng boss ko di man lang marunong magpadala ng mga ganito sa girlfriend n'ya tapos sa 'kin pa lahat bagsak ang kasalanan kung bakit break sila?

Aba'y kelangan kaya ng A for effort noh. Waley!

Kastigo ng dalaga sa sarili.

Afternoon ng pinadala n'ya ang imported chocolates kay Trina with matching note na

"Badly missing you" with heart pa.

"Chosko ang cheezy ko teh!" Napairap na lang sa kawalan ang dalaga para sa sarili n'ya.

"Sana lang may epekto na man to noh kundi sayang lang pera ko." dagdag reklamo ng dalaga.

3rd day na mula ng binigay na palugit ni Hunter kay Atalia.

Since feel ni Hunter na mangunsime sa maganda n'yang empleyada,

He texted her, "3rd day and counting" with crossing fingers emoticon.

Imbis nakalimutan ni Atalia sandali ang pressure nang usapan nila.

Heto't inaapura na naman s'ya ng gwapong boss n'ya.

Dios mio! Pressure pa more. Kaya mabilis s'yang nagreply ng

'Watch and learn'. Sent!

"Ay mali! P*ta, bat agad ng send loko to ah." Nabigla lang s'ya kaso naging totoong tinext n'ya ng ganoon ang boss niya.

Kaya nag-text s'ya uli.

" Sir wrong send po.

Just incase your girlfriend will thanked you for the flowers and chocolates, pakisabayan mo na lang po ha. I did it in your behalf." Ilang segundo lang mula ng pangalwang text n'ya ay agad tumunog ang selfon n'ya para sa isang incoming call.

"You did what??!"

Alingawngaw na boses ng boss n'ya pagkasagot n'ya nito sa mobile phone.

Ang bilis nitong tumawag. Baka nasiyahan sa ginawa n'ya. Pero bakit parang galit ang boses nito?

"Uhm, nililigawan ko po yung girlfriend mo para bumalik na sayo 'kako sir."

Mahinahon n'yang tugon.

"And who the h*ll told you to do that??

I just want you to explain it to her.

No more, no less!"

Aba'y s'ya pang galit eh sya nga 'tong tinutulungan. Gusto sana n'yang sabihin sa kausap.

"K-kasi sir diba dapat 5 days lang—?"

Tut, tut, tut.

He hung up.

Ayaw ba n'yang magkaayos ng girlfriend n'ya? Kinda confusing.. Nalilitong nakatitig si Atalia sa cp n'ya.

Sa office room ni Hunter.

Imbis kasi si Hunter ang mambwesit, s'ya pa tuloy ang pikon sa nalamang pinadalhan ni Atalia ng bulaklak ang girlfriend nya.

Never in his damn life to send flowers and chocolates to his girls. Lalo't di na kailangan kasi kusa naman itong lumalapit sa kanya.

T'yak mananalo ang lokang Atalia sa kasunduan nila.

Which is ayaw n'ya sanang mangyari. Dahil gusto n'ya itong pahirapan pa.

Hindi n'ya maipaliwanag sa sarili kung bakit parang gusto n'ya itong ka text at naririnig ang boses without talking work.

At mas gusto n'ya na may atensyon itong binibigay sa kanya.

'Behave Hunter, you're acting weird dude'.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Famous ft Nobody   35. Epilogue

    "Mommy!" umiiyak na salubong ng unica iha nina Atalia at Hunter na si Ataleia Heart.Kararating lang ng mag-asawa galing sa kompanya ng maabutan ang namamagang mata ng dalaga na ngayo'y 14 years old na.Ang kuya n'yang si Hayden Hunter, ang kagalit nito na ngayo'y 22 years old na at nasa training stage ng ama para sunod na taga pamahala ng kompanya. Ang dalawang kambal naman na sina Ace Hunter at Arc Hunter ky 19 years old na rin.Parehong oustanding sa appearance at sa kani kaniyang klase ang magkakapatid.Gandang lahi kasi ang pinagsamang genes ni Atalia at Hunter kaya walang choice ang magiging anak nila kundi maging maganda at pogi."Oh what happened baby love?" Masuyong sagot naman ni Atalia sa anak habang niyayakap ang dalaga."Kuya Hade bullied my crush!" sumbong nito na may kasama pang hikbi."Husssh baby, maybe kuya Hade is only protecting you." Paliwanag naman ni Hunter sa unica iha nila habang tinatapik ang likod nito.Syempre kinukonsenti ng ama ang panganay dahil magkasab

  • Famous ft Nobody   34. Finale

    Katatapos lang ng meeting ni Hunter kaya unang ginawa n'ya ay tawagan ang Misis n'ya kung sumusunod ba ito sa mga bilin na hindi masyadong maggagalaw at dapat may kasama lage. Maselan kasi ang pagdadalang tao nito.Pero naka-ilang tawag na lang s'ya ay wala pa ring sumasagot sa telepono nito.Kaya magkasalubong ang kilay ni Hunter nagmamadaling lumabas ng opisina dahil nag-aalala ito sa misis n'yang may katigasan rin ng ulo."Surprise!"Muntik ng mabitawan ni Hunter ang bitbit n'yang cellphone sa gulat dahil halos tumalon ang asawa n'ya sa pagsigaw ng surprise nito na may dala dala pang lobo. "Happy Father's day baby!" Malambing na bati ng asawang si Atalia. Pawi lahat ng pagod ni Hunter dahil sa ngiti ng asawa. Pero iba ang lumalabas sa mga bibig nito."Who carried you in going up here?" Wala man lang pakialam sa surpresa ng asawa n'ya kaya disappointed ang magandang buntis."Wala. Ako lang, sabi sayo diba ka

  • Famous ft Nobody   33. Wedding

    Not sure if you know thisBut when we first metI got so nervous I couldn't speakIn that very momentI found the one andMy life had found its missing pieceSo as long as I live I love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now 'til my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonightTumugtog ang Beautiful in White na kanta habang nagmamartsa ang parang dyosa sa ganda na bride na si Atalia.Everyone is in awe as they saw the most beautiful bride ever..Hunter is so proud to see her gorgeous bride walking down the lavishly decorated aisle.No one can ever outshine my lovely bride. Saad ng binata sa sarili habang puno ng pagmamahal at paghangang tinitingnan ang papalapit na bride n'ya.Habang si Atalia naman, tanging ang lalaking pinakamamahal n'yang si Hunter ang nakikita habang palapit sa Atlar ng simbahan.Napaka gwapo nito sa suot na tuxedo. He is

  • Famous ft Nobody   32. Surpise prop

    Halos mabingi na si Atalia sa lakas ng kabog ng dibdib n'ya. Habang naghihintay s'yang lumabas ang dalawa ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman.Pipiliin kaya s'ya ni Hunter? O mas mabuti na lang sanang hindi s'ya naglakas loob na puntahan ito at disturbuhin sa kanyang mga masasarap na sandali sa piling ng bagong nobya.Mas lalong nagiging malabong piliin s'ya nito dahil hindi ito magpapaka-effort ng ganito kung hindi ito nababaliw sa bagong nobya.Baka nilalagay lang n'ya ang sarili sa kahihiyan gayong halata namang iniwasan na s'ya ng binata.Napapitlag si Atalia ng biglang nag-switch off ang naiwang liwanag ng lamp sa tabi ng kama at ang mga liwanag na lang galing sa scented candles ang nagsilbing gabay upang maaninag ang kabuuan ng malaking kwarto. Nakaka-inlove tingnan ang ambiance nito na mas lalong nagbigay lungkot sa nagluluksang puso ni Atalia. So romantic, but sadly hindi para sa kanya ito.At mas lalo pang na bigla ang dalaga dahil tumugtog ang

  • Famous ft Nobody   31. Is he cheating?

    Mas mabilis pa sa alas kwatro nakapag-impake ng mga gamit si Atalia. Bitbit ang anak n'yang si Hayden patungong airport. Mino-monitor din n'ya ang social account ng babae na bagong kinahuhumalingan ni Hunter. May meet and greet itong gaganapin dalawang araw mula ngayon.Kaya maabutan n'ya ito sa mismong araw na 'yon. Pinakiusapan na rin n'ya ang pinsan n'yang si Letezia na tulungan muna s'yang bantayan si Hayden kapag nakarating na sila ng Pinas para ipapatikim niya ang planong paghihigante ky Hunter.Makalipas ang halos 17 hrs na byahe ng dalawa ay dumerecho na sila sa condo ng dalaga. Andun na rin si Letezia at ang asawa nitong si Sebastian."Hello insan! Welcome back! Maligalig na salubong ni Letezia sa pinsang si Atalia." "And hi to my super handsome nephew." Dagdag pa nito na dinumog na ng halik ang pamangkin."Take some rest you two at ako na bahala sa dinner n'yo, okay?" Sabi pa nito habang ang asawa naman n'yang si Sebastian ay tinilungan ang mag-ina sa dala nitong maleta."I

  • Famous ft Nobody   30. He is holding someone else.

    1 month na mula ng makabalik si Hayden at Atalia sa Italy.Kahit busy lage pa rin binibigyan ng oras ni Atalia ang mga tawag ng possessive n'yang nobyo.Naghahanda kasi s'ya sa paparating na fashion week kaya dumoble ang kailangan n'yang trabaho.Nagpatulong s'ya sa pinsan n'yang si Lorry para ito na ang mag-mamanage saka sakali sa boutique n'ya kapag uuwi na s'ya ng Pinas.Dahil subsob sa trabaho si Atalia ay nakalimutan n'yang oras na pala para sa VC nila ni Hunter.Alam naman ng nobyo na sasali s'ya sa fashion week kaya minsan sinasaway s'ya rito na hindi masyadong magpupuyat.Kakatapos lang kasi ng final design n'ya saka pa na pansin ang napakaraming missed calls ni Hunter. Hindi n'ya ito nakita agad dahil naka silent mode ito kanina habang nasa conference s'ya kasama ang ibang designers na invited sa fashion week."O gosh!" Galit na naman ang taong yun dahil hindi ko nasagot ang tawag n'ya.Pag-alalala ng dalaga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status