KELLYTINOTOO ni Brandon ang sinabing matutulog siya sa couch ko rito sa office. He was too tall for it pero napagkasya niya ang sarili, nakabaluktot nga lang. Napabuntonghininga ako habang tinititigan siya. Kapag nakapikit, akala mo hindi kayang saktan ang damdamin ko. I rolled my eyes then shook my head. Bakas ang pagod sa guwapo niyang mukha at hindi rin ako nakatiis. Kinuha ko ang mini blanket na nasa drawer ko at saka tumayo para kumutan siya. Medyo malamig ang air-con dito sa office at kahit paano, gusto ko siyang maging komportable habang naghihintay sa akin. Tinungo ko ang pinto para baliktarin ang sign. Kung may inquiries man ay bukas na lang. Hindi rin naman ako magtatagal ngayon sa office at balak kong umuwi na pagkatapos kong magawa ang schedule ng mga tao. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng schedule but my phone kept buzzing. I put it on a silent mode para makatulog si Brandon. Pati yata ang pag-vibrate ay kailangan ko na ring i-turn off. Before I did, tiningnan ko muna a
KELLYMASAKIT alalahanin ang nakaraan. Kahit pala humingi na ng tawad si Brandon, may natitira pa ring kirot dahil ang totoo, higit na may kasalanan ang kaniyang ina. Kung tutuosin, wala naman talagang kasalanan si Brandon noon. He was a kid himself, just like me. Malupit lang talaga ang kaniyang ina sa akin . . . sa pamilya ko. Dahil sa paningin niya, dukha kami. At ang dukhang katulad ko ay walang puwang sa mundo nila. Was it wrong for my young heart to fall for someone like him? Alam kong hindi siya mahirap katulad namin. Alam kong nakaaangat sila sa buhay, pero hindi ko naman akalain na ganoon kayaman ang pamilya ng lalaking minahal ko. They are not only wealthy. They are very wealthy.Kahit yata anong pagsisikap ko ay hindi ako papantay sa yaman nila. At wala naman akong intensiyon na maging kagaya nila. Sino ba ang ayaw ng pera at umalwan sa buhay? Ang sa akin lang, gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Iyong hindi na ako mamomroblema sa pambayad ng bills o pagkakasakit ko o n
KELLYWALANG sleepover na magaganap. Ang lagay, e santong paspasan na ba ’to dahil malapit na kaming mawala sa kalendaryo? “Ipagluluto kita sa apartment at sabay tayong magdi-dinner pero hindi ka matutulog doon.” Inirapan ko siya. “Susunduin mo rin ako bukas ng umaga dahil pinaiwanan mo sa akin ang sasakyan ko sa office. Maliwanag?”Hindi naman sa demanding pero ako ang batas. Char!“Okay. I like that. May okra ka?” Humigop siya ng kape habang nakatingin sa akin. Minsan, naiilang na ako sa katitingin niya. Ayaw lubayan ang mukha ko. Feeling ko tuloy, para akong specimen sa ilalim ng microscope. Ang cute ko namang fungi! “Hindi pa rin ako kumakain ng okra. Tsk.” Inirapan ko siya. “Kung gusto mo ng okra, pumunta tayo sa grocery at ibibili kita ng isang kilo. Ulam mo nang isang linggo ’yon. May bagoong sa bahay saka kalamansi.”“Kahit isang linggo pang okra ang ulam ko, basta sa apartment mo ako kakain.” Ngumisi siya sa akin nang nakaloloko. Talagang hindi mapigil sa linyahan niya.Su
KELLYSIMULA nang araw na ’yon hanggang sumapit ang Biyernes ay bantay-sarado ako kay Brandon. Kulang na lang, pati cell phone ko ay kunin niya. I don’t understand myself why I’m letting him. I really don’t.Pero baka rin dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Ulit.I enjoy our daily banters kahit sa aming dalawa ako ang nauunang mapikon. I just have to make him jealous each time para makabawi sa kaniya kahit paano. “It’s Friday. Did you remember to cancel your date?” tanong niya sa akin bandang alas-tres ng hapon. He picks me up at home in the morning, stays with me in the office, and drives me home. Kulang na lang matulog siya sa apartment ko. One time, I asked him if he had nothing better to do than babysit me. Baby naman daw niya ako at tungkulin niya ’yon dahil mahal niya ako. Kaunti na lang, maniniwala na ako sa kaniya. “I already sent him a text message and he called as well. Akala niya na-wrong sent ako.”I really feel bad for Byron. Siguro kung hindi bumalik si Brandon
BRANDON“YOU think this is a game?” inis na tanong ni Kelly sa akin. Nagsukatan kami ng tingin at salubong ang kilay ng mahal ko. I didn’t really mean it like that. Gusto ko lang naman siyang patawanin. Kelly loves being challenged. Siya ’yong tipo ng tao na competitive. I just really want to have with her like old times. Ngayon kasi ay puro na lang kami trabaho. Nasa bakasyon nga ako, pero si Kelly ay nasa opisina mula Lunes hanggang Biyernes. On weekends, I was told she still works at home. She needs a break. “Ayaw mo? You finally have a chance to get rid of me.” I grinned at her.“Wipe that smile off your face, Aspirez. I accept the challenge but I want the terms to change,” masungit niyang wika sa akin. That’s what I’m talking about! Finally, I get to see the old Kelly a little bit. She’s like an onion that needs to be peeled layer by layer. “If I win, you’re going to tell me everything you did in the last fifteen years. How many women you dated and took to bed”—she paused—“an
KELLYBRANDON couldn’t shut the door when I went in and sat at the shotgun seat. Ilang segundo rin siyang nakatayo sa gilid at nakatingin sa akin. The truth is, my day went great and Brandon was there. Simula nang dumating siya ay dumagsa ang mga kliyente at gusto kong isipin na siya ang lucky charm ko. He came back in my life when I needed him the most at gusto kong magpakatotoo sa sarili ko kahit sobra-sobra ang takot ko na masasaktan ako . . . at mauuwi sa wala ang lahat ng ito. Ang sabi ni Nanay noon sa akin, huwag akong matakot magmahal pero huwag ko rin ibuhos ang lahat ng mayroon ako sa isang tao. Palagi raw akong magtira ng para sa sarili ko. “Let’s go, Bran. Gagabihin tayo. Saan ba ’yong fair na nakita mo?” “M-Malapit lang.”Pambihira! Nautal pa ang mahal ko. So I stopped teasing him and gave him the sweetest smile I have instead. Tahimik kaming nagbiyahe at nang hindi ako makatiis, nilingon ko siya. “Puwede akong magpatugtog?”Tumango siya kaya pinakialaman ko na ang car
KELLY“I CAN’T believe we’re eating junk food,” wika ni Brandon sa akin habang nasa drive-thru kami. Katatapos lang naming mag-order at kasalukuyang nakapila ang sasakyan niya. Sarado na ang mga restaurant dahil pasado alas-diyes na. Ang tanging bukas na lang ay ang mga fast-food chains at tinatamad na kaming bumaba para kumain sa loob. Napagkasunduan namin na sa apartment ko lang kami kakain.“Puwede naman tayong magluto sa bahay pero gutom na talaga ako kaya huwag ka nang maarte diyan.” Sinundot ko ang tiyan niya kaya napaigtad siya. Matigas. “Wala ka namang fats, kaya kahit kumain ka ng cheeseburger ngayong gabi, hindi masisira ang katawan mo.”“I’m not worried about my body. I’m worried about yours.” Kinunutan niya ako ng noo. What? Mataba ako sa paningin niya? The last time I checked, sabi niya ang payat ko. Kumakain na ako ngayon at hindi nagpapalipas ng gutom, worried pa rin siya?“Sinasabi mo bang mataba ako?” masungit kong tanong sa kaniya. Humalukipkip ako at deretsong tumi
KELLYSA inis ko kagabi kay Brandon, hindi ko na inulit sa kaniya ang birthday celebration ni Tatay this weekend. Pagkatapos kong malaman na more than fifteen ang dumaan sa buhay niya, para akong hindi makahinga. Tumahimik na lang ako at iniligpit ang pinagkainan namin habang siya, panay ang kulit. Hinintay ko lang talaga na manawa siya sa pangungulit at magpasyang umuwi para makatulog na rin ako. Gusto kong ipahinga ang isip ko na malayo sa kaniya. Inihatid ko siya hanggang sa pintuan at nang akmang hahalik siya sa labi ko ay umiwas ako. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya pero wala siyang sinabi. He kissed my cheek instead and told me to make sure the door is locked paglabas niya. Nagtimpla ako ng kape at tahimik na naupo sa silya sa dining area. Magta-taxi ako mamaya para kunin ang kotse ko sa opisina. Dadaanan ko lang ang ilang dokumento roon at dederetso na ako sa Laguna. Wala naman akong meeting at okay na rin ang schedule na pang-two weeks.I checked my phone and there w