KELLYMASAYA kaming nag-agahan ni Brandon sa Sammy Lynn’s—isang local café rito sa bayan. I just noticed his phone keeps lighting up pero hindi niya iyon sinasagot. I don’t know whether I should be happy that all his attention was on me but at the same time, I’m starting to think he’s hiding something from me. Call it woman’s instinct pero naniniwala ako roon. The last time I didn’t listen to it, I met his mother. I mentally facepalmed. Noon, naghinala ako na maykaya sila sa buhay at hindi isang simpleng pamilya lang ang pinagmulan niya. Brandon would just laugh and dismiss it. At dahil mga bata pa kami noon, I didn’t care much for it. Sa TV lang naman nangyayari ’yong langit at lupa nina Romnick at Sheryl. Moderno na ang panahon at hindi na uso ’yon. Pero nagkamali ako dahil hinamak ako ng kaniyang ina . . . at idinamay pa si Tatay.At ngayon, may agam-agam na naman ako. He tells me he loves me and I feel it. He respects me so much at patunay ’yong kagabi bukod sa maraming pagkakata
KELLYTIME flies! Dalawa na ang anak nina Flynn at Vicky habang kami ni Brandon ay hindi pa nakakaisa. Tahimik silang naglalaro sa isang sulok habang nanonood ng TV. “Mabuti naman at naisip mo ’kong bisitahin. Nakakatampo ka, Kel. Parang hindi mo ’ko best friend.” Nakasimangot si Vicky at halata ang tampo. Niyakap ko siya mula sa likod. “Sorry na. Alam mo namang sobrang busy ko sa agency. Hindi nga ’ko maka-reply sa chat, e.” “Tsk. Hindi ka naman talaga active doon.”Napatawa ako sa sinabi niya at kumalas sa pagkakayakap. Tinulungan ko siyang magbalat ng pinya habang hinihintay niyang kumulo ’yong bulalo.“Pero kayo ni Brandon, ha?” Pinamulahan ako ng mukha. “Ay nag-blush ang ale! Mahal mo talaga siya, ’no?”“Vicky, ang ingay mo.” Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang paghihiwa. “Kailan mo balak sundan ’yong bunso mo?”Tumawa ang kaibigan ko. “Ikaw muna ang magbuntis bago ako. Kapag lalaki ang naging anak mo, ipagkakasundo ko ’yan sa bunso ko kapag babae.” “Ay wow! Nasa kasun
BRANDONOUR trip didn’t happen. Kelly’s grandmother had a heart attack and we went to visit her instead in the province. Although nasa private hospital siya at nasabi ng doktor na stable na ang lagay nito ay hindi siya kaagad pinalabas. “’La, iniinom mo ba ’yong gamot mo?” tanong ni Kelly sa matanda. Hawig niya ito, at sa edad na eighty ay maganda pa rin. If not for the heart attack ay hindi ito magmumukhang haggard. Sina Tatay ay umuwi muna sa bahay ni Lola at doon nagpahinga. David couldn’t come because of work pero sinabing sa weekend ay dadalaw siya.“Siyempre naman, apo.” Nagtatalop ako ng mansanas at hinihiwa ito nang bite size para mas madaling makain ni Lola. She’s really nice to me kahit ngayon lang kami nagkita. Bihira siyang lumuwas ng Laguna at palaging sina Tatay lang ang dumadalaw kaya hindi ko siya nakikita noon. Ang kasama niya sa bahay ay isang pinsan ni Kelly na matandang dalaga. “Kailan ba kayo magpapakasal? Sana naman ay abutin ko pa.” Umubo ito. “Alam mo, hijo
BRANDONFifteen years ago . . .“BRAN, tara. Tambay tayo kina Aling Linda, baka maubusan tayo ng isaw,” aya ni Flynn sa akin. “Susunod ako. Susunduin ko lang si Kelly sa kanila.” Naunang umuwi si Kelly kasama ni Vicky dahil may practice pa kami ng basketball. Alas-singko na ng hapon at ngayon lang kami natapos. Uuwi muna ako sa bahay at maliligo saka ko siya pupuntahan. Ayaw kong magpunta roon na amoy pawis. Ang alam ko ay nasa trabaho pa si Tatay kapag ganitong oras at si Nanay ay sinusundo si David. Panghapon kasi ’yon kaya alas-dose ang pasok hanggang alas-singko. Papasok na sana ako sa pinto nang marinig ko si Kelly na kausap si Vicky.“Kel, nakilala mo na ba ’yong parents ni Brandon?” “Hindi pa. Pero tingin ko mayaman sila. Si Brandon lang ang tinatawanan ako kapag nagtatanong ako tungkol sa pamilya niya. Medyo secretive siya pagdating doon.” “Sa tingin mo, sino ang mas mayaman? Si Brandon o si Luis? Ang laki ng hardware ng mga ’yon at alam mo ba, narinig kong may gusto sa
BRANDON“KUNG nagbibiro ka, hindi ako natutuwa. This is your lamest joke.” Mabilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Wala naman akong hika at nasa labas kami ngayon, sariwa ang hangin.Tinitigan ko siya at mabilis siyang nag-iwas ng tingin. She looked guilty of something at ayaw kong isipin na kaya gusto niyang makipaghiwalay ay hindi na niya ako mahal. Imposible naman na bigla na lang siyang nagkagusto kay Luis.“Naisip ko lang na malapit na ang graduation. Hindi ko pa nga alam kung makakapasok ako dahil wala pa akong pang-enrol. Imposible naman na dito ka sa Laguna magkolehiyo kung puwede naman na sa Maynila. Mahirap ang long distance at—”“Tangina. Ngayon mo pa naisip ang long distance?” “Huwag kang magmura.” Now she’s mad at nakakuyom na ang kamao.“Ano ba dapat? Humalakhak ako sa tuwa at magpasalamat sa ’yo? Kel, you’re breaking up with me over the stupidest reason. Kung long distance din lang ang problema, dito ako mag-aaral. Kahit sa community college pa kun
BRANDONIT’S been a few days since Lola got out of the hospital pero hindi pa rin ako pinatatahimik ng mga sinabi niya sa akin. Si Kelly ang nasaktan noon sa ginawa ni Mommy at kung hindi ko pa sila aksidenteng narinig na nagtatalo ni Ate ay hindi ko malalaman ang totoo. I was so angry with them dahil alam pala ng kapatid ko ang tungkol doon pero wala siyang sinabi sa akin. Pero higit ang galit ko kay Mommy dahil tinakot niya si Kelly at ginamit ang ama nito para makuha ang gusto. What would a sixteen-year-old supposed to do? Planong i-blackmail ni Mommy at kasuhan ng theft si Tatay. Madali lang daw niyang palabasin na kinuha nito ang pera nang walang pahintulot, pero ang totoo ay binibigyan niya. She planned everything so that Kelly would leave me. Bakit nga naman ako pipiliin ni Kelly kaysa sa kaniyang ama? “Bran, nakikinig ka ba? Kanina pa ’ko daldal nang daldal dito pero lutang ka,” natatawang wika ni Kelly sa akin. “I’m sorry. May iniisip lang ako. Ano’ng sabi mo?” Kinuha ko a
BRANDON“BRAN? It’s midnight. What could you possibly want at this hour?” yamot na tanong sa akin ni Ate nang sagutin niya ang tawag ko. The twelve-hour difference between New York and Philippines is not that bad . . . for me. Pero sa kapatid kong mahirap bumalik sa tulog, mahirap. “Sorry. I really need you.”Narinig ko ang pagbangon niya sa kama mula sa kabilang linya. Her footsteps were the next thing I heard then opening and closing the door. “What happened? Are you okay?” May pag-aalala sa kaniyang tinig. Somehow, I feel guilty for waking her up. Hindi ako mapakali dahil tatlong araw na lang at ikakasal na kami ni Kelly. Every time I call my sister, she’s always in a hurry. Meetings after meetings, events at school for her kids, and I don’t want to take away her remaining time with her husband. Not only that, I’ve been hiding a secret from her about Vina. I just . . . I can’t tell her. Not yet. Kapag sinabi ko sa kaniya ay baka hindi siya magpunta rito. Worse, she might convinc
BRANDONBEFORE I could say another word, the other guys came. Nakahinga ako nang maluwag nang senyasan niya ako na mamaya kami mag-usap kapag kami na lang ang magkaharap. Pero panandalian lang pala ’yon dahil ilang minuto lang ay dumating sina Kelly. My heart raced at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa kaba.“Ang putla mo. May sakit ka ba?” May kalakip na pag-aalala ang tanong niya sa akin. I saw Flynn looking at us. Nabaling lang ang atensiyon niya kay Vicky nang lumapit ang asawa sa kaniya.I smiled at Kelly. “Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi, but I feel okay.” Hinawakan ko ang kamay niya.Mataman niya akong tiningnan. “You’re not having cold feet, are you?” “What? Of course not!” Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa tuktok ng kaniyang ulo. “You’re overthinking again.” Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. “By the way, my sister is arriving this Friday. Susunduin ko siya sa airport.” Nag-angat siya ng mukha at tipid na ngumiti. “I’m glad she’s coming.”