Yun ang lumabas sa bibig ko.Nagulat din ako sa mabilis kong sagot sa hamon.
"Well, its a deal then Miss"
sabi nito na sa wakas ay binitawan ako. Inayos nito ang off shoulder ko at itinaas iyon hanggang leeg.
"Fix yourself............No! I mean Mando give her your jacket"
utos nito.
"Ayokong may malalaswang gumagala sa teritoryo ko"
patutsada nito.
"Ayun! eh go good shot na sana ang loko kaso sumegway pa eh. Kumag talaga"
nang makita nito isinuot ko nga ang jacket na amoy yosi ay saka ito tumingin sa akin ulit. This time hindi na naniningkit ang mga mata nito.Bumalik na ang malalantik na pilik mata sa normal.
"Now work your ass and don't disappoint me"
Sabi nito na idinikit pa ang bibig sa tenga ko. Kinilabutan ako at halos gusto kung suntukin sa mukha ang aroganteng lalaking ito dahil sa nis ko. Wag niya akong madaan daan sa gandang lalaki niya. Aba kahit mapungay pa ang mata niya at matikas siya gago pa rin ang tingin ko sa kanya.
Inirapan ko ang lalaki saka ako nag marcha paakyat ulit.Magsisimula na ang tupada kaya mabilis akong lumapit sa karamihan at iniwan ang lalaking alam kong nakatingin pa rin sa akin.
"Anak ng teteng, nagdududa pa atang itatakbo ko ang pera niya hah neknek mo matinong tao ako noh!"
muli kong sinulyapan ang lalaki sa huling pagkakatoan nakabantay ito sa hagdan. May pusta ito pero tila wala itong balak panuorin ang magaganap na tupada. Nakipagsiksikan na ako sa mga barako sa sabungan bagamat pinasuot sa akin ni Kumag ang jacket ng alalay ata niya iyon ay hindi naman nito naitago ang dibdib ko ung backless na likod lang ang naitago.
Hindi ko naman maisara dahil hindi abot ang mga zipper. payat ang lalaking may ari ng jacket. Totoong na excite ako sa laki ng pusta ng antipatikong iyon kaya tinawag ko ang lahat ng santong kilala ko para ituro sa akin ang tamang manok.
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang tupada. Last two minutes bago ako pumusta. Sinulyapan ko pa ulit ang sira ulong antipatikong lalaki na nasa baba lang ng hagdan. May lumapit ditong babaeng naka red velvet na damit na hapit sa katawan.
Yumakap ito sa leeg niya saka bumulong bulong sa lalaki. Tumango tango naman ang demonyong anak ni Satanas.
"Oh last call na sa pula sa puti"
Sigaw ng mayor na Kristo na nasa ibaba ng arena at naghahanda sa mangyayaring tupada. Hinawakan pa nito at hinimas ang parehas na manok.
Sa inis ko sa lalaki at sa babaeng parang linta kung pumulupot ay hindi ko na nagawang magisip at nagpadalos dalos ako sa pagsigaw.
"Sa pula!"
Malakas kong sigaw.
"Sa pula...? mangkanong pusta?Todo ba o bakas lang?"
Tanong ni Betong na nasa ibaba ng tupadahan.
Doon ako natigilan. Hindi ko pa nga pala naaaral ang gana kapag babakas ka lang o pupusta ng
sagad. Nilingon ko ulit ang lalaking antipatiko. Nakaupo na ito sa dulo ng bleacher at ang babaeng nakapula ay katabi nito na naka yakap sa braso ng demonyong antipatiko. Kulang na lang idikdik ng bababe ang dibdib sa braso nito.
"Hah! ayaw daw na napagkakamalang may prostitosyun sa arena niya,Hah! ayaw daw ng may gumagala galang mga p****k sa lugar tse!"
"Kunwari ka pang gonggong ka dyan eh mukha ngang mas malala pa eh"
bulong ko.
Sabay sigaw ko ng sagad 400 todo" sabi ko.
Ipinusta ko ng buo ang pera ng antipatikong mama at pati na rin ang taya ng iba pa pa na umabot din ng isang daang libo. Bahala na sabi ko sabay antanda at nakipag sabayan na ng sigaw at cheer sa napili kong manok.
Ng kabitan ng tari ang dalawang manok ay halos hindi ko nagawang huminga. Sa isa sa mga nanok na ito nakasalalay ang buhay ng Itang ko. Inilibot ko ang paningin sa mga taong nagsimula ng maghiyawan at magsigawan ng sa pula at sa puti.
Hindi ko nagawang makipagsabayan ng sigaw. Mabigat ang kalooban ko at mabigat ang damdamin.Gusto kung isumpa ang kapalaran ito. Gusto kong isumpa ang lugar na ito kung saan naging dahilan bakit nanganib ang buhay ng isa sa pamilya ko.
Gusto kung isumpa ang pagiging dukha.Gusto kong humiyaw gusto kong magwala. Siya na halos lumuha ng dugo makahanap lamang ng salapi at ang mga taong narito na naglulustay ng salapi.
Ipinangako ko sa sarili ko kasabay ng paglipad ng dalawang tandang sa ere na balang araw ay hindi ko na kailangan pang lumuhod at lumunok ng laway para magkapera lamang.
Pero hindi na naman iyon ang isinulat ng writer ng buhay ko. Nakaidlip na naman marahil ang dios sa itaas kong meron man. Dahil kasabay ng pag aasam kong makalaya sa
Pagdurusang kina sasadlakan ay siya namang pagbagsak ng isang manok at nangisay ngisay. Sa dami kong gusto, nalibang na ako at hindi ko na namalayang nagsimula na ang tupada.
Itinaas ni Betong ang isang manok at sumigaw ng sa
Putiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.
"Ay.. p*tchang gala naman oh, Anak ng palakang may saltik naman"
yun na lamang ang nasabi ko kasabay ng pagkisay ng maok at pagtigil niyon ay tumigil din ang paghinga ko biglang naging blanko ang mundo ko. Talo ang pinustahan kong manok kaya talo ako. ng sagad na 400 thousand.
"Talo... Talo ..talo......"
yun ang paulit ulit na sinasabi ng utak kung hindi ko ata kakampi ng sandaling iyon. Hindi ko nagawang umalis sa kinatatayuan ko sa kabila ng pagkakagulo ng mga tao. halos bunguin n a ako ng mga barakong tuwang tuwa sa kanilang pagkapanalo.
Matinding dagok ito na hindi ko kayang harapin. Una talo ang taya ko, pati ang mga nagtiwalang bumakas sa akin ay talo rin. Talo rin ako dahil piso wala akong nakuhang porsiento.Uuwi ako ng luhaan.
Sa kalagitnaan ng magulong kapaligiran ay nakita ko ang isang lalaking matangkad na papalapit sa kinatatayuan ko. Madilim ang mukha nito pero tila nakangisi ng patago. Umakyat sa ulo ko ang galit sa lalaki pero bigla iyong napalitan ng takot ng makitang kung may mga sumunod na mga kalalakihan sa likod ng lalaking matangkad.
"Bwisit naman, pagmamalasin ka naman oh"
bulong ko habang abala ang isip ko sa kahit anong paraan na magagawa ko makalusot lamang sa gusot na napasok ko.
Nakita ni Cody ang panginginig at matinding pagluha ni Ali ng humakbang lamang siya ng konti. Takot na takot si Ali n parang halos kapusin ng hingina. Nagpilit itong tumayo kahit kakapangank pa lamang."Ali....................."Nakita ni Cody ang trauma ng mga nanyayari kay Ali. Hanggang ngayon kapag nakikita siya ni Ali ay palagi nitong iniisip na kukunin nila ang bata, na ang bata lamang ang sadya niya. Niyakap ng mahigpit ni Cody ang anak. Bahala na kung kinasusuklaman siya ni Ali bahala na kung itaboy siya total buo naman na sa plano niya na susuyuin ito at muling itatakas. Pwedeng hindi siya umalis dito hanggat hindi siya napapatawad nito.Baon at gamit ang lakas ng loob at tatag ng pagmamahal kasama ng kanilang anak lumuhod si Cody sa harap ni Ali. Saka ipinatong ang sanggol sa dibdib ni Ali."Sweetheart dyan ka muna kay Mommy ha kailangan lang mag propose ni Daddy eh tutulungan mo ako ha" sabi ni Cody sabay titig kay Ali."I know i've been such a fool and coward lately Babe pe
"Bosing... Bosing.."katok ni Bogart ang nagpabalikwas kay Cody. kakaidlip pa lakang niya. Nitong nakaraang araw ay hindi na muna umuwi si Cody ng Caloocan nang check in siya sa isang Hotel sa bayan. Ngayon gabi ay nangako siyang sasamahan sina Bogart magbantay kay Ali.Natakot kase si Cody ng ibalita ng mga kapulisan na may dalawang lalaking nahuli na umaali aligid sa kubo noong isang araw at nasa presinto na ngayon. bagamat siabing nanga ngahoy lamang hindi pa rin kampante di Cody."Bakit Bogart bakit ka humahangos may nangyari ba" napabalikwas na si Cody natakot din sa hitsura ng lalaki."Bosing.... bosing yung Reyna mo manganganak na!" sabi in Bogart."Ano.. anong pinagsasasabi mo may isang linggo pa ah" natatarantang sabi ni Cody."Eh pumutok na ang panubigan Bosing saka may dugo ng umaagos natataranta na si Mabel ko himatayin pa naman yun bosing""Ano..teka, Halika dalhin natin sa hospital" sabi ni Cody saka itinuro nito ang sasakyan ni Bogart.Wala kase ang kotse niya nasa hotel
Maya maya ay nakita na niya ang mga unipormadng pulis na nagroronda sa di kalayuan. Nerequest niya iyon na wag mahalata ni Ali na bantay sarado siya baka kase magpanic ang magina niya. Simula ng imusad ang kaso ay naging mas madalas ang pagluwas ni Cody patungong Laguna. Kaya sa telepono na lamang nakikibalita si Cody. Ayun sa abogado kailangan niyang magpakita sa korte para sa final na pagpapataw ng parusa kay Margarette. Ginawa naman ni Cody ang nararapat.Masalimoot man at veryeExhausting ang pagtatagpo nila ni Margarette masakit man sa kalooban niya na makita ang babaeng naging kabigan din naman niya at kasama sa loob ng halos tatlong taon ay nakaposas sa harap niya. Naalala niya ang hitsura ni Margarette noong unang araw na idenedeny pa nito ng lahat pero malinaw na siya ang nasa video pati na rin sa voice authentication test.Ibang Margarette bigla ang humarap sa kanya ngayon na hahatulan ito."Cody Honey please please maawa ka. Mahal na mahal lang kita. Inagaw ka lang niya sa
Dumaan siya sa guest room. Naupo sa kama at niyakap ang unan na ginamit ni Ali saka inisip ang mukha ng babaeng sinisinta. Hindi niya ipinagagalaw sa katulong ang guest room ayaw niyang labhan muna ang mga naroon para kasing naroon pa ang amoy ni Ali.Iginala ni Cody ang paningin hinanap ang lugar na sinabi ni Ali sa video. Sa nakita niya ay parang sa ilalim ito ng kabinet. Kinalkal ni Cody ang ibaba ng kabinet at doon niya nakita sng mga bote ng Supplement na sinabi ni Ali na bigay sa kanya ni Margarette. Isinilid agad niya iyon sa dala niyang messenger bagPagkatapos ay mabilis na nagtungo ng kusina na kunwari ay iinum ng tubig sabay kinuha ang mga bote ng seasoning na inilarawan ni Ali sa video. At mabilis ding isinilid sa kanyang bag saka nagmamadaling pinaharorot ni Cody ang kayang sasakyan. Matuling ang patakbo ni Cody kailangan niyang maabutan ang kaibigan at kababatang si Drei. Ang kaibigang siyang Manager nila sa Unilab. Kailangan niyang ipasuri ang mga gamot and he need the
Sa pagkabasa sa sulat ni Ali ay parang gusto ng niyang humarurot agad at puntahan ang dalaga. Mas lalo niya itong na miss.Mas lalong bumigat ang dibdib niya.Ginambala ng tonog ng kanyang telepono si Cody.Ang kanyang bagong abogado ang nasa kabilang linya."Sir, naihanda ko na ang mga papeles na nereguest mo noong isang araw.Yung isang property na sinabi nyo ay ibinalik ko na rin sa pangalan nyo""Good job Mr.Romero.Make sure na mainotaryo agad ito""Yes Sir, siyanga pala sir, inilipat ko na po sa bagong bahay na binili nyo yung dalawang matanda.Yung lalaki po bumibiyahe na ng suv" Dagdag pa nito."Ahh okay, hindi ba sila nagtanong?" Usisa ni Cody."Nagtanong naman sir pero nung sinabi ko na utos ni Ali at ioinadaan lang sa akin dahil hindi makauwi ay tango tango naman po sir at nagpasalamat""Sinend ko nga pala ung picture ng magasawa.Sabi eh ipadala daw sana sa apo nila""Ahh sige, salamat" Yun lang at ibinaba na nito ang telepono.Naisip ni Cody na oo nga pala ilang buwan ng hindi n
Nang malaman niya ay agad niyang ipinaayos ang mga dapat na kailangan ng dalaga. Pinilit nila bogart na iayos ang lugar habang tulog si Ali. Dahil sa gamot na nasa panyo ay nanging mahimbing ang tulog ni Ali na umabot pa nga ng kinabukasan.Marahil pagod talaga ang katawan ast isipan nito.Naroon si Cody sa di kaayuan ng ipasok nila Bogart ang mga kagamitan ng bahay para maging magaan ang pananatili ni Ali sa bahay na iyon kahit pa nga barong barong. Mabuti na lang at sinigurado ni Mabel na may kuryente naman.Ang tubig ay Si Bogart ang bumibili sa bayan.Pagkataos kase niyang mapadalhan ito ng pera sa gcash ay nang msg ito at sinabi ang mga balak kaya naman hindi nangaksaya ng panahon si Cody at bumiyahe patungo sa lugar na sinabi ng mga tauhan."Bosing iyak kase ng iyak sa gabi eh diba sabi mo bawal yan ma stress dahil delikado magbuntis.Baka kung mapaano bossing?" pagaalala ni Bogart.Ito na ang pang apat na dalaw ni Cody sa dalaga sa probinsya kahit pa nga halos 6 hours ang biyahe