Share

Kabanata Eighty

NAKARINIG ako bigla ng pagtikhim dahilan para alisin ko ang aking pagkakayakap kay Joaquin at mapatingin ako kay Mang Julian.

“Paumanhin kung nasira ko po ang inyong matamis na sandali ngunit nais ko lamang po ipaalam na malapit na po tayo sa bayan ng Pagsanjan matapos po nating bagtasin ang ilog ng Pagsanjan,” wika ni Mang Julian.

Napatingin ako sa paligid at natanaw ko ang ilang bahagi ng kalupaan na napapalibutan ng malalagong puno. Sumagwan pa ng mangilang ulit si Mang Julian ay  iniliko niya ang bangka pakanan at pumasok kami sa maliit na bahagi ng tubig. Marahil ito na ang ilog ng Pagsanjan dahil ang kaninang malawak na lawa na aming tinatahak ay naging makipot na. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga baino na namumukadkad ng kulay puti at lilang bulaklak. Nagpatuloy pa si Mang Julian sa pagsagwan hanggang sa bigla niya itong iginilid sa isang pangpang. Naunang bumaba si Mang Julian at Nina sumunod si Joaquin na inunahan si Mang Julian sa pag-alalay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status