Share

6

NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya ng bus kapag pumunta siya sa Batangas para malaya niyang pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin.

Minsan lang siya nagmamaneho ng sariling kotse kapag trip niya, mas gusto niyang magbus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Batangas, specifically sa nursing home kung saan ang kaibigan niya nakatira.

Minsan nang magbakasyon siya sa Batangas ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang mag best-friend. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero simula nang mag-artista si Mayumi ay bihira na lamang silang magkasama. Busy na sila pareho sa kani-kanilang mga trabaho, kung kailan may free time ay nagkikita naman sila upang makapag bonding.

Isang simpleng babae lang si Michelle kaya siya nagustuhan ni Mayumi. Parang kapatid na ang turing niya rito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya.

NASA kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may oras pa siya para pag-isipan kung paano niya susurpresahin ang kaibigan mamaya. Marami na siyang ginawang sorpresa pero ngayon parang wala siyang maisip.

Pumikit na lang siya saka hinayaang mag refresh ang utak niya para makapag-isip na siya ng mga gagawing surpresa sa kaibigan niya.

Malapit na sa bayan ang sinasakyan niyang bus dahil nalalanghap niya ang simoy ng sariwang hangin. Malapit lang naman ang isla sa bayan. Maliit lang din naman ito pero masarap mamuhay roon. Simple ang buhay na meron siya kapag nandoon siya. Walang hassle at stress free pa. Kahit kilala siyang artista ng mga taga-roon ay hindi siya binibigyan ng mga ito ng issue, 'di gaya ng mga taong nasa city at social media, siya lang ang binabantayan at hinahanapan ng kuanting mali. Mas nagmukha pa silang educated kumpara sa mga tagalungsod.

Napamahal na si Mayumi sa mga taga-roon. Siya ang kinikilala nilang tagapagligtas sa tuwing may sakuna o bagyo. Tinutulungan sila ni Mayumi na mapaayos ang mga nasira nilang mga bahay. At higit sa lahat ang nursing home, kung saan maraming bata ang libring pinapa-aral, pinapakain at inaalagaan. Dito iniaalay nina Mayumi at Michelle ang buhay nila. Naging advocate rin silang dalawa ng kalinisan at kabuhayan para sa mga taga-roon. Masaya siyang tumutulong ng palihim sa mga tao, hindi niya kailangang maglabas pa ng ganito sa publiko.

"NANDITO na tayo. Bumaba na ang lahat ng mga pasahero," sigaw ng konduktor ng bus.

Bumaba na rin siya saka nagsuot ng shades at sumbrero. Dito kasi sa bayan ay walang may nakakaalam na pumaparito siya. Tanging sa isla lang siya malayang-malaya na maglakad kahit saang sulok ng isla.

Sumaglit muna siya sa palengke at namili ng mga prutas at kaunting pasalubong. Tiyak na matutuwa ang mga bata kapag nakita ang mga dala niya.

"Heto na po Ma'am ang prutas ninyo. Seven hundred ninety-eight pesos po lahat," anang tindera.

Nag-abot siya ng one thousand peso bill. "Salamat Ate, keep the change," wika niya saka tumalikod na. Naiwang maluwag ang pagkangiti sa labi ng tindera. Ang bait niya sa mga taong nakikita niyang ginagawa ang lahat para sa pamilya, at hanga siya sa mga taong sa tamang paraan nagmula ang mga pinapakain sa pamilya nila.

NAGTUNGO na siya sa sakayan ng bangka. Doon sila umaakupa ng bangka para maghahatid sa isla. May kakilala na siya rito kaya wala nang problema para makapunta siya sa isla ng walang nakakakilala sa kaniya.

Hinanap niya kaagad si Gregorio o mas kilalang Greg. Nasa edad na kuwarenta na pero wala pa ring asawa. Madalas nga nila itong tuksuhin sa tiyahin ni Michelle pero hindi naman kakitaan ng may gusto ito sa babae. Hindi naman bakla pero ewan parang papaiwan na lang siguro ito sa last trip.

"Kuya Greg," tawag niya. Tuwang-tuwa naman ito nang makita siya.

"Wow. How are you, Miss M?" agad nitong tanong. Nag-eenglish ito sa tuwing magkikita silang dalawa.

Ngumiti siya. "I'm fine. Kuya, ihatid mo na ako. I'm very excited to see them."

"Sige, sa akin na iyong mga hawak mo. Tara na," wika nito saka iginiya na siya sa bangka nito. Pumuwesto na siya saka malayang pinagmasdan ang malinaw na tubig ng dagat.

"Mabuti naman Miss M dahil naisipan ninyong dumalaw ulit sa isla. Siguro sobrang busy mo ngayon. Alam mo idol talaga kita. Sinusubaybayan ko talaga ang teleserye mo. Dabest ka talagang umarte, tagos sa puso," feel na feel pa talaga ni Greg ang pagsasalita animo'y in love kung magsalita pero single naman.

Saglit siyang natawa sa sinabi nito. "Yeah, it's true. I'm so very busy this past few weeks. Pero nagkaroon ako ngayon ng three days break kaya naisipan kong dumito muna sa isla. I want to unwind myself from stress and problems," sagot niya. "Thank you pala sa pagiging number fun ko ha. Dabest ka talaga Kuya."

Natawa rin si Greg. "Wala iyon Miss M. Ang bait mo kasi kaya deserve mo ang pagiging magaling na artista."

NATATANAW na nila ang isla kaya indikasyon na malapit na sila. Medyo palubog na ang araw. Ang gandang pagmasdan ng araw. She really loves to watch the sunset. Pakiramdam niya kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng mga problema niya.

"Ang ganda talaga dito miss M. Gusto ko rin sanang manirahan dito," makahulugang pahayag ni Greg.

Napangiti naman si Mayumi ng marinig ang sinabi nito. "Ahem. Parang duda ako doon ha," pagbibiro nito.

"Bakit naman? May masama ba? Miss M?"

"Wala naman. Sige, bababa na ako. Salamat ulit ha. Heto ang premyo mo," wika niya saka inabot ang pamasaheng dalawang libo. As usual, hindi na niya kinukuha ang change at dinadagdagan pa niya. Ganito siya ka galante magbigay ng pamasahe. Masaya siyang makikitang masaya ang mga tao sa paligid niya.

"Naku, salamat. Ihahatid pa ba kita Miss M?"

"Sige. Medyo mabigat kasi ang mga dala ko saka para makita mo ulit si Auntie Maya. 'Di ba crush mo siya? Aba, pinamulahan si Kuya Greg ng pisngi," pagbibiro niya. Hindi naman totoo na pinamulahan ito ng pisngi.

"Aba. Hindi kaya. Sige na. Tara na. Baka gabihin pa ako rito," pag-iiba ni Greg ng usapan. Kahit kailan wala talaga itong gana kay Maya ang tiyahin ni Michelle. Maganda naman ito kahit nasa kuwarenta na rin ang edad. Naging matandang dalaga na lang sa pag-aalaga kay Michelle mula ng mamatay ang mga magulang nito. Ito na kasi ang tumayong ama't-ina ng dalaga, at inilaan na lang nito sa nursing home ang kaniyang oras.

PAGKARATING sa maliit na komunidad ay nag takbuhan ang mga kabataan para salubungin siya. Sobrang na-miss niya ang pagwelcome ng mga kabataang taga-rito.

"Ate Mayumi," sigaw ng mga ito saka niyakap siya ng mga ito. Sobrang namiss nila si Mayumi. Tuwing summer lang kasi siya nandirito at bihira lang kapag hindi summer.

Nakangiti lang si Greg habang pinagmamasdan ang mga kaganapan. Siguro kung nagasawa na siya noon pa ay may mga anak na rin siya o di kaya'y may apo na.

"I miss you all mga bata. Kamusta kayong lahat dito? Sina Ate niyo Michelle nasaan ba?"

Hindi sumagot ang mga bata sa halip na hinila siya ng mga ito papunta sa bahay nina Michelle. Kinabahan tuloy siya. Sumunod na lang sa paglalakad si Greg habang bitbit ang mga pinamili ni Mayumi.

Nasa tapat na sila ng bahay nina Michelle pero wala namang katao-tao. "Anong meron dito? Nasaan si Ate Michelle ninyo? Si Auntie Maya?" natataranta niyang tanong sa mga bata. Ngumunguso lang mga ito na buksan daw niya ang pinto ng bahay.

Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok. Nagmamatyag muna bago tuluyang pumasok ng bahay.

"SURPRISE!" sigaw ng mga ilang kabataan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Nagulat siya kasabay ay pumatak ang mga luha niya sa sobrang saya. Nag-isip pa naman siya ng kung anu-ano. She doesn't think that they will surprised her. Siya pa nga ang kanina pa nag-iisip ng mga pakulo pero wala naman siyang maisip.

Pinahid niya ang mga luha. Niyakap niya kaagad sina Michelle at Auntie Maya. "Akala ko may nangyari nang masama sa inyo. Bakit niyo pala nalaman na darating ako ngayon?"

"Siyempre, alam mo na iyon. Nagtanong ako kay Bunny kung hindi ka busy saka sinabi niyang pupunta ka rito. Kaya nag-isip kaming i-supresa ka. 'Di naman yata pwedeng ikaw lang palagi ang may surpresa," nakangiting saad ni Michelle.

"Ikaw talaga. Teka lang kasama ko nga pala si Kuya Greg. Baka nasa labas pa siya."

"Don't worry. Inasikaso na siya ni Auntie Maya. Alam mo bagay sila. Pero ewan ko kay Auntie baka di na yan mag-aasawa."

"Loka ka talaga. Hayaan mo na sila."

"Oo nga. Tara sa kusina may iniluto kaming paborito mo. Inihaw na isda, adobong pusit, at saka maanghang na sawsawan."

PINAGHAIN ni Michelle ng mga paboritong pagkain si Mayumi. Pagkakita pa lang nito ay takam na takam kaagad siya. Walang diet ngayon. Hindi naman siya tumataba kaya no worries. Maggi-gym na lang ulit siya pagbalik ng Maynila.

HABANG sa labas ay kinukumbinsi ni Maya si Greg na pumasok para kumain bago umalis, pero todo tanggi naman ito. Hindi na rin siya napilit ni Maya at nagpaalam nang mauuna na daw itong umuwi. Baka gabihin daw ito pabalik sa bayan. Pakunwari talaga ito. Pinayagan naman ni Maya na makaalis na ang lalaki.

Nang matapos na silang kumain ay talagang napadighay pa siya. "Hala, sobrang busog ako Mich, nakalimutan natin sina Auntie Maya sa labas. Teka lang, tawagin ko muna."

"Di na kailangan. Umalis na si Greg. Ewan ko nagmamadali na namang umuwi. Kahit kailan nahihiya pa rin na makisalo sa atin," sabad ni Maya na papalapit na kanila.

"Auntie, kumain na po kayo. Ako na po ang bahalang maghuhugas ng mga pinagkainan mamaya," wika niya. Oo, naghuhugas siya ng mga pinggan. Hindi naman siya maarte kagaya ng ibang artista na kilala niya. Hindi naman siya inu-obliga na gawin ang mga bagay na iyon pero natutuwa kasi siyang may ginagawa.

"Huwag na, ako na ang maghuhugas. Ipamigay niyo na lang sa mga kabataan ang mga pasalubong mo. Tiyak na matutuwa ang mga iyon." Tumingin ito sa labas."Oh, ipagpabukas ninyo na lang pala. Medyo takipsilim na pala eh," anang Maya.

"Sige Auntie. Sa kwarto na muna ako. Ilalagay ko muna ang mga gamit ko. Salamat Auntie sa masarap na pagkaing inihanda ninyo."

"Walang anuman, basta ikaw."

Pumasok na siya sa kwarto niya. Dito siya natutulog sa tuwing nandito siya sa isla. Simpleng kwarto pero puno ng alaala.

Lumabas na rin siya kaagad pagkatapos maayos ang mga gamit niya at hinanap si Michelle. Nasa kwarto ito at may ginagawang school works.

Isa kasing public school teacher si Michelle. Matagal na rin siyang kinukumbinsi ni Mayumi na sa Maynila na siya magturo pero ayaw pa rin niya. Mas gusto niyang dumito para maturuan ang mga taga-isla at ang mga bata sa nursing home.

"Ano ba ang ginagawa mo? Weekend ngayon pero iyan pa rin ang ginagawa mo? Para saan ba iyan?"

"Ah, ito? Para sa proposed budget ng paaralan. Naisipan ko kasing idulog sa kawani ng gobyerno na kulang pa ang mga silid-aralan na naipatayo rito sa isla. Alam mo naman kahit maliit lang ang isla pero kailangan pa rin ng mga kabataan dito ang karunungan, at proud ako para sa mga achievement nila rito."

"Okay, I'll help you. Bukas ba may opisina sa bayan? Baka pwede natin iyan idulog kaagad. Kaya ko namang laanan ng budget ang proyekto na iyan pero kailangan natin ng permit to operate. At pagkatapos ako na ang bahala. Sasangguni din ako kay Daddy para sa iba pang kakailanganin dito."

"Alam mo Mayumi hulog ka talaga ng langit. Napakaswerte namin na nakilala ka namin. I love you Mayumi," wika ni Michelle saka niyakap siya ng napakahigpit.

"Basta para sa mga taga-rito. I will bring joy and hope for everyone. Saludo din naman ako sa iyo teacher Michelle. You're the best," sagot niya saka niyakap pabalik ang kaibigan.

Ganito sila ka close. Parang magkakapatid ang turingan sa isa't-isa. Suportado ng bawat isa ang pangarap ng bawat isa. Kahit na magkalayo at parehong busy ay hindi nila nakakalimutan na magkamustahan.

"Siya nga pala Yumi, kamusta ang lovelife mo? Kamusta na pala ang artistang naka-link mo? Nanliligaw pa ba?"

"Huh? Alam mo namang wala as in zero. Oo, gwapo siya at mabait pero wala pa sa isip ko ang mag-in sa isang relationship. Bakit ikaw ba? Baka may boyfriend ka na?"

Natawa naman si Michelle sa tanong niya. "Ako? Never din. Busy ako sa trabaho kaya wala rin akong time para sa kalokohang 'yan. No time for love now," aniya.

Mas natawa si Mayumi. "What? Oy, you're already 26 years old kaya kailangan mo na mag-boyfriend no."

"Asus. Ikaw nga 25 years old na rin. Di naman nagkakalayo ang edad nating dalawa kaya maghanap ka na rin ng boyfriend," panunukso ni Michelle sa kaniya.

Nagtatawanan silang dalawa ng sumagi sa mga isip nila si Auntie Maya. Mas matanda pa nga sa kanila pero NBSB pa rin. Minsan pinagkakatuwaan na lang talaga nilang dalawa si Maya. Pero kung hindi sila papalarin ay sasapitin din nila ang maging kagaya ni Maya. Ang dakilang matandang dalaga ng isla.

"I don't want to die as a spinster," naibulalas ni Michelle.

"Me too, pero paano? Wala naman sa isip ko ang makipagrelasyon. Di naman kasi totoo ang happily ever after. Sa mga fairy tale lang kaya ang mga iyon."

Umismid ito sa kaniya. "Talaga lang ha? Malay mo baka bigla lang 'yan dumating nang hindi mo inaasahan. Just wait for the perfect timing. Bakit ano ba ang gusto mo sa lalaki?"

"Perfect timing? Asa ka pa? Siyempre, mabait saka pareho naming mahal ang isa't-isa. Ayaw ko iyong mahal ko lang siya at mahal niya lang ako. Unfair sa part naming dalawa, di ba? Eh, ikaw ano ang ideal guy mo Mich?"

Saglit pa itong nag-isip. "Mabait din kagaya ng ideal man mo saka gusto ko ang may respeto at paninindigan."

Ngumiti si Mayumi ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan. "May kilala akong ganiyan. Mabait iyon dahil minsan na niya akong tinulungan na makatakas sa mga taga-media. Alam mo na ang media. Kung anong papel nila sa buhay ng mga artista."

"Huh? Kailan nangyari iyon, ha? Bakit di ko alam?"

"Three weeks ago. Nevermind about it. Ang pag-usapan natin ay iyong guy."

"Hala, loko. So, sino yung guy na tumulong sayo? Baka siya ang soulmate mo Yumi," napatili pa si Michelle.

Natawa si Mayumi. "Nope. Baka soulmate mo. Ipapakilala ko siya sa iyo sa susunod. He is Jeff, isang police officer. Mabait, may respeto, may paninindigan at higit sa lahat gwapo. Kaya ka niya protektahan sa lahat ng bagay."

"Ewan ko sayo Yumi. Matulog na nga tayo. Inaantok na ako," wika nito saka humikab. 'Di alam ni Mayumi kung pagdadahilan lang ba ito ni Michelle o totoo.

"Sige na nga. Good night," wika niya saka nagpaalam na.

"Good night too. Bukas na lang natin ipagpapatuloy ang pag-uusap about sa mga ideal guy natin. Sobra akong pagod kanina."

"Sige."

Lumabas na si Mayumi at nagtungo sa kwarto niya. Kahit na siya ay nakaramdam na rin ng pagkaantok.

Pagod din naman siya mula pa kanina kaya gusto na niyang matulog para makapag relax na. Maagang natutulog ang mga tao sa isla. Alas otso pa lang ay tulog na ang lahat. 'Di ka tulad sa Maynila 24/7 ang mga taong gising. Halos walang pahinga at tulog pero okay pa rin naman.

Humiga na siya at pumikit. Gusto niyang matulog ng walong oras o higit pa. Pambawi ng lakas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status