Share

Chapter 16

Pagkatapos ng pag-uusap nina Jade at Greg ay naging maayos na ang samahan nila. Bahagya na rin silang naging malapit sa isat-isa sa paglipas ng ilang mga araw. 

"What are you still doing here, Ms Wetzel?" 

"I'm finishing the documents that you need, sir," kaagad naman na sagot ni Jade.

"But its already quarter to twelve, did you have lunch?" 

"Not yet sir," saad niya at tiningnan ang kaniyang suot na relo. Bahagya naman siyang nagulat sapagkat hindi niya namalayan ang oras dahil ng tiningnan niya ito kanina ay alas dies pa lamang ng umaga.

"You should take your lunch before finishing that document. Besides, bukas ko pa naman kailangan 'yan... Come on, let's have lunch together," pagyaya sa kaniya ni Greg. Hindi na rin tumanggi si Jade sapagkat nakakaramdam na rin siya ng gutom. Tumayo na siya at sinundan na ang kaniyang boss.

"What are you doing?" Kaagad naman na napahinto si Jade sa paglalakad dahil sa tanong ni Greg.

"Did I do something wrong, sir? Should I distance myself a bit more?"

"That's what I'm asking you. Bakit masyado kang malayo sa akin?" 

"Eh?" nagtatakang tanong ni Jade. "Pero diba dapat ganoon naman. Your my boss and I'm your secretary," paliwanag ni Jade habang nagtataka pa rin na tinitingnan ang kaniyang boss.

"Ohh... But I thought, were friends now," bahagyang nalulungkot na turan nito. Mas lalong naguluhan si Jade sa inaasal ni Greg.

Then, she remembered what Elle said before. 'Sir Greg is a great boss. He loves his work and he give importance to his employee. There were also times when he is serious in his work and then, biglang magiging makulit. His a bit childish in a cute way. He also want to be friends with all the employee in his company because he believes that everyone have their own contribution to the sucess of A and A Electronic Arts Incorporation. His really friendly but he also know his limitation. Hindi siya 'yong lalaki na pa-fall because he won't give a special treatment sa isang tao kung hindi ito importante sa kaniya or if he doesn't like her.'

Muling napaisip si Jade dahil sa sinabi noon ni Elle. 'Maybe, his just thankful ng magkausap kami,' saad niya sa kaniyang sarili.

"Alright, sir. Let's go," saad niya. Nang magsimula na silang maglakad ay sumabay na lamang siya sa kaniyang boss. Napansin niya naman ang pagngiti nito kaya lihim din na napangiti si Jade.

Bago sila makapasok sa cafeteria ng kompanya ay naabutan nila sina Elle at Ken na papasok din kaya nagdesisyon silang apat na sabay-sabay na lamang na kumain. 

"Ngayon na lang ulit namin kayo nakasabay na kumain, sir Greg."

"Yes, 'cause I've been busy for the past few days. And we will all become busy on the month of March to June."

"Your right sir. It will be the third stage of the game that your making and we have faith that it will become successful too," saad ni Elle. Tahimik naman na nakikinig sa usapan nila si Jade. 

Naikwento na rin ni Elle noon sa kaniya ang isang laro na binuo ng kanilang boss. Nasa third stage na ito kung saan ay sinisimulan ng i-advertise ang laro. Hindi detalyado ang nalalaman ni Jade sa binubuong laro ng kaniyang boss ngunit alam niya na mayroon itong koneksyon tungkol sa batang babae na nagustuhan niya.

Pagkatapos nilang kumain ay kaagad din silang bumalik sa kani-kanilang trabaho.

***

"Hi there!" masiglang bungad ng isang babae kay Jade ng makalapit ito sa maliit na opisina niya.

"Hi," pagbati niya rin. "Mr Galveria and Mr Montes meeting was cancelled today... So... Mayroon bang pinapasabi si Mr Montes, Carla?" tanong ni Jade sa babae sapagkat ito ang sekretarya ni Mr Montes. Wala rin siyang alam na pinapapunta sa kompanya ang sekretarya ni Mr Montes kaya nagtataka talaga si Jade sa presensya ng babae.

"Ohh! Mr Montes wants to give this to sir Greg," saad nito habang pinapakita ang dalang paper bag.

"Alright. I'll give it to him," tugon naman ni Jade habang kinukuha na ang dala ni Carla ngunit bahagya siyang nagulat ng ilayo ito sa kaniya.

"No!"

"Why?"

"I should be the one that would give this to him. Besides, its my gift. I mean its a gift from Mr Montes." Sa paraan ng ikinikilos ni Carla ay alam na kaagad ni Jade ang pakay nito. Noon pa man ng una niyang makita si Carla ay alam na niyang gusto nito ang kaniyang boss.

"If you say, so. But Mr Galveria is a bit busy right now kaya pagkatapos mong maibigay sa kaniya ang dala mo ay pwede ka ng umalis," seryosong saad niya pero inirapan lang siya ng babae.

Naunang pumasok si Jade sa opisina ni Greg. Sinabi niya rin na mayroon daw na ipinabibigay si Mr Montes kaya naroon ang kaniyang sekretarya. Pagkatapos 'non ay tahimik na lamang na hinihintay ni Jade ang paglabas ng babae.

Sa kabilang banda, hindi komportable si Greg sa presensya ng sekretarya ng kaniyang business partner sapagkat alam na niya ang pakay nito.

"What are you doing here, Ms Carla?"

"Hi, sir Greg! How are you? It seems that your becoming more handsome," saad ng babae ngunit binalewala na lamang ito ni Greg. Nanatili siya sa kaniyang upuan habang seryosong nakatingin sa babae na nasa kaniyang harapan.

"Hindi pinaalam sa akin ni Mr Montes na pinapapunta ka niya rito sa kompanya at may ipinabibigay siyang regalo."

"About that... Actually, its my own will to be here. I just wanted to see you, sir Greg. I also want to give my gift to you, hindi kasi ako nakapunta rito ng birthday mo," nakangiting turan ulit nito. Tumayo na si Greg at bahagyang lumapit sa babae.

For the past four years ay palagi siyang pinapadalhan nito ng regalo. Greg already rejected Carla because he know that he can't like her back. Pero mukhang wala lang kay Carla ang ginagawang pananaboy sa kaniya ni Greg.

"I appreciate your gesture, Ms Carla. But just like before, I can't accept your gifts. I already made it clear to you, right? There's a girl that I really adore." Makailang beses ng narinig ito ni Carla dahil sa tuwing sasabihin niya na gusto niya si Greg ay ito palagi ang sagot sa kaniya. Kung noon ay tumatahimik na lamang siya pagkatapos nilang mag-usap ngayon ay hindi na niya napigilan ang sarili na magsalita.

"I already know that, sir Greg. I also know that you like that girl for seventeen years! Gosh! Is she really beautiful kaya hindi mo siya makalimutan? Aren't you being pathetic? Naghihintay ka sa taong hindi mo na nakita sa ilang taon. Your not even sure if that girl still know you. Come on, sir Greg. Why don't you give a chance those person that likes you? And why can't you like someone else?" Ang tinuran ni Carla ay parang isang karayom na tumusok sa puso ni Greg. Walang respeto ang pagkakasabi ng babae ngunit hindi rin siya magawang patahimikin ni Greg sapagkat tama ang mga tinuran nito.

"Excuse me." Parehong napatingin sina Greg at Carla sa isang tinig na nagmumula sa pintuan ng opisina ni Greg. Kaagad din na lumapit si Jade sa kanila habang seryosong nakatingin sa babae.

"Alam ko na dapat ay hindi ako makialam sa pag-uusap ninyo but I think I should stop you, Carla. Maybe, your right about the things you have said pero wala ka naman na karapatan para pakialaman ang buhay ni sir Greg. Hindi ko pa ganoon kakilala ang boss ko but I know that he have his reason para pahalagahan ng ganoon katagal ang babaeng tinutukoy niya..."

"You can't force him to like or love someone else lalo na at mayroon pang tao na hindi niya makalimutan... Why can't you just respect his decision and just be glad that his not making advantage to your feelings. There's a girl that his waiting and you can't do anything but to just accept it... I also don't know who's the girl that my boss like but I think she's adorable because a kind man treasure her for seventeen years."

MaiDhane

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. I really appreciate it, lalo na po sa unang tao na nag-comment at bumuto sa story ko na ito. Maraming salamat po.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status