Share

Chapter 18

Another few days have passed, it was just a normal busy day for them.

Itinutuon pa rin ni Greg ang kaniyang buong oras sa pagtatrabaho ngunit hindi na ito tulad ng dati. Hindi na siya late kung umuwi at kumakain na rin sa tamang oras. Naging masaya naman si Jade sa ikinikilos ng kaniyang boss.

"Ms Wetzel, can you please call the members of the management department? Tell them, we will gather at eight in the evening."

"Yes, sir." Katulad ng sinabi ni Greg ay tinawagan na ni Jade ang mga miyembro ng departamentong 'yon kung saan ay kabilang si Elle.

Mabilis na lumipas ang oras. Sa pagsapit ng nine thirty ng gabi ay natapos na ang kanilang meeting.

"That would be all. Thank you so much for your hard work," saad ni Greg habang pinagmamasdan ang mga kasamahan sa conference room. 

"It was nothing sir."

"We're glad that we are part of this project."

"I'm a bit nervous. Next week na natin malalaman ang result. I really hope this project will be successful."

"Of course it will be!"

"Again, thank you everyone. It's getting late. Magsimula na tayong mag-ayos para makauwi na."

"Yes, sir!"

Tulong-tulong na sila sa pag-aayos ng mga papeles na kanilang ginamit. At ng matapos ay lumabas na rin sila sa conference room. Bahagya naman na nagpahuli sa paglalakad sina Jade at Elle ng mag-usap sila.

"Hey, Jade. Mauuna ba ulit ako sayo na umuwi ngayon?"

"I guess so. Baka kasi may ibibilin pa si sir kaya maya-maya na ako uuwi." 

Jade is still living with Elle. Gusto niya sanang bumili ng kahit hindi kalakihan na bahay sapagkat mayroon na siyang ipon ngunit ayaw naman na pumayag ng kaniyang kaibigan. Elle's house is big enough for the four of them kaya iniisip niya na walang rason si Jade para humiwalay sa kaniya. Besides, the four of them are happy being together, just like when they are young.

"By the way, why did you come home late, last week? Nagising ako ng madaling araw, I think it was one in the morning, tapos nakita kitang kakapasok pa lang sa kwarto mo." Kaagad na natigilan si Jade sa sinabi ni Elle. 'Yon ang araw kung saan ay nanatili muna siya sa opisina ni Greg at inalagaan ito hanggang sa bumaba ang kaniyang lagnat.

"Ohh... About that... I-kwento ko na lang sayo pag-uwi ko."

Bahagya naman na nagtaka si Elle ngunit kalaunan ay tumango na lang siya sa sinabi ni Jade. "Alright! See you at home. Mag-ingat ka sa byahe."

"Ikaw din," saad ni Jade at kumaway na sa kaibigan. Kumaway na rin siya sa ilang mga kasamahan sa trabaho. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa kaniyang opisina.

Nang matapos na ayusin ni Jade ang kaniyang gamit ay saktong lumabas naman si Greg mula sa kaniyang opisina. 

"Are you done, Ms Wetzel?"

"Yes, sir."

Magkasabay at tahimik silang dalawa na naglakad patungo sa elevator. Nang makapasok sa loob ng elevator ay saka pa lamang nagsalita si Greg.

"By the way, Ms Wetzel. Last week... Masakit ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay nilagnat ako. Did you take care of me?" Kaagad na napatingin si Jade sa kaniyang boss dahil sa tanong nito.

Nakaramdam naman siya ng kaba sa pag-aakalang narinig nito ang sinabi niya noon. Jade couldn't control herself that time. Therefore, she just said what she want. Pero kalaunan ay nabahala siya dahil baka makadagdag pa siya sa iisipin ng kaniyang boss.

Hindi naman hinahangad ni Jade na magustuhan siya ng kaniyang boss. For her, she was just admiring the personality of Greg and hope to find a man like him, that's it.

Sa kabilang banda, wala naman na kaalam-alam si Greg sa ginawang pag-amin ng nararamdaman ng kaniyang sekretarya para sa kaniya. Sapagkat ang tanging tumatakbo sa kaniyang isipan ay ang babaeng matagal na niyang gusto.

"Yes, sir," sagot ni Jade sa tanong nito. "Bumalik po ako noon dahil may nakalimutan ako. Then, tiningnan kita sa opisina niyo at nadatnan na natutulog sa sofa. I wanted to wake you but then, you have a fever. Kaya binantayan po kita hanggang sa bumaba ang lagnat mo." 

Bahagya naman na nagulat at nahiya si Greg sa tinuran ng kaniyang sekretarya.

"I'm sorry about that."

"It was nothing, sir," sagot ni Jade. Napangiti naman si Greg at nagpasalamat sa kaniyang sekretarya.

***

Today is the day that the employees and the CEO of A and A Electronic Arts Incorporation have been waiting for. Their newly developed game was introduced to the market yesterday and they are now waiting for the result today if their work is successful and liked by the people. 

For the past years, the company has only made games that are suitable for teenagers and adults. Lahat 'yon ay naging successful. And then, Greg takes a risk to make a new game na kakaiba sa mga ginagawa ng kanilang kompanya.

The game is called 'Finding You'. It's an online game. The player will solve different kinds of mysteries or puzzles, there's also a story behind every category. It can be played by one to ten players. It was called 'Finding You' because the main content of the game is to find the person behind the different categories of the game. 

Habang binabasa ni Jade ang tungkol sa laro ay napaisip siya sa maaaring dahilan ni Greg sa paggawa nito. After all, the ideas from the game was only made by Greg. He just asked help to the different department's of the company para maayos ang mga idea niya.

'As of now, sir Greg is still finding his first love pero wala siyang alam kung nasaan ang babae. Therefore, he just make a game para mawala ang lungkot niya. The players in the game can find the person that's behind of every mysteries and puzzles... And maybe, his hoping... That just like his game. He will soon find the girl his been looking for," napailing si Jade sa kaniyang naisip at bahagyang tiningnan ang kaniyang boss.

Greg is nervous dahil kanina pa siya tumatapik-tapik sa kaniyang mesa. Lahat rin ng empleyado ng kompanya ay naroon sa unang palapag dahil doon ipapakita ang resulta ng laro na kanilang binuo.

Lahat ay tahimik at mukhang kinakabahan. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay naging maingay na ang paligid.

Ang lahat ng tao na naroon ay nagalak, mayroon din na ilang sumigaw dahil sa tuwa at may mga napatalon pa.

The game was successful. Hindi rin inaasahan ng lahat na mahigit sampung libo ang tatangkilik sa laro sa loob lamang ng dalawapu't apat na oras.

"Congratulations, sir Greg! Your game was a success!"

"No. Congratulations to all of us! We all work hard to this game. Thank you everyone!" masayang saad ni Greg habang tinitingnan ang kaniyang empleyado. Kinamayan at niyakap niya rin ang ilan sa kanila.

Kaagad naman na nilibot si Greg ang kaniyang paningin at ng dumako ito sa taong kaniyang hinahanap ay mas lalong lumiwanag ang kaniyang ngiti.

Sa kabilang banda, kanina pa pinagmamasdan ni Jade ang kaniyang boss at ng magkatinginan silang dalawa ay nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso si Jade dahil sa ngiti nito. Ngayon na lamang ulit nakit ni Jade ang ganoong pagngiti ni Greg, hindi maitatago ang saya na nadarama ng kaniyang boss.

That charming smile of Greg was a killer smile for everyone's heart especially for Jade. 

MaiDhane

Hello po. About the game that I mention in this chapter, it was just my imagination. Thank you for reading.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status