Share

Fated to meet again
Fated to meet again
Author: MaiDhane

Chapter 1

"Be careful, Rodric, the road is a bit slippery," saad ng isang babae.

"Don't worry, Emily. I am being careful," tugon naman ng lalaki sa kaniyang asawa. Sa kabilang banda ay tahimik na nakikinig lamang ang isang babae na nagngangalang Crystallyn Jade sa paraan ng pag-uusap ng kaniyang mga magulang, sa kaniyang isipan ay masyadong pormal ang dalawa sa isat-isa na animo'y hindi sila mag-asawa. Ngunit hindi na ito bago sa kaniya dahil sa simula pa lamang ng pagkikita nila sa ampunan ay ganoon na talaga ang mag-asawang Emily at Rodric Wetzel.

Kasalukuyan silang bumabyahe patungo sa kanilang bahay. Today is the Christmas day and this would be the first time that they are celebrating it together after ten years. They have been really busy for the past years and Jade was always been alone in their mansion. Therefore, it was a shocked for her that her poster parents would actually visit her this Christmas.

"Jade," pagtawag ng kaniyang ama kaya kaagad din na tumingin si Jade sa kaniya. "Tomorrow is your 22nd birthday, what would you like to have?" Ilang segundong hindi umimik si Jade ngunit kalaunan ay umiling na lamang siya.

"Come on, tell us what you want," saad naman ng kaniyang ina.

'I want you both to stay a little longer,' tugon ni Jade sa kaniyang ina ngunit sinarili niya na lamang ito. Dahil alam niyang kahit na sabihin niya ito ay aalis din naman ang mga magulang niya. Nasanay na rin naman siyang mag-isa sa tuwing kaarawan niya kaya sa palagay niya ay wala ng magbabago pa.

"I know! I'll just give you another credit card. You can use it to buy all the things you want."

'Ngunit hindi 'yan ang gusto ko. I have all the materials things but it didn't gave me joy,' muling turan ni Jade sa kaniyang isipan.

"Were sorry, Jade, your mom and I need to go to Egypt. One of our archeologist friend told us that they found a weird artifacts therefore we need to go there. We already book our flight and we are leaving early in the morning." Rodric explained by taking a quick glances to Jade by looking to the mirror in front of him.

'Yeah, right! Both of you love your work of being an archeologist. And I can't do anything about it but to let you do whatever you like. Wala naman kasi akong karapatan na pagbawalan kayo o kaya naman ay huwag kayong paalisin dahil anak niyo lang naman ako sa papel.' Nanatiling tahimik si Jade at nilabas na lamang ang kaniyang saloobin sa kaniyang isipan.

"You don't need to give me anything mom and dad, I'm fine on my own," turan ni Jade at tinuon na ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Tahimik niyang pinagmamasdan ang paghulog ng napakaputing niyebe sa kalangitan. Kahit ang kanilang paligid ay napapalibuton na rin ng niyebe. Masyadong malakas ang pagbuhos ng niyebe ngayon kaya mukhang ang kotse lamang nila ang bumabyahe sa gitna ng pag-ulan ng niyebe sa kalangitan.

Bahagyang napayakap si Jade sa kaniyang sarili. Kahit na nakasuot na siya ng makapal na kasuotan at ang kanilang sasakyan ay mayroon na rin na heater, ramdam niya pa rin ang malamig na klima. Sa kaniyang palagay ay mas malamig ang kaniyang nararamdaman sa kadahilanang mag-isa na naman siya sa kaniyang kaarawan. 

Bigla na lamang na napatingin si Jade sa side mirror ng kanilang sasakyan ng mapansin ang paliko-likong at mabilis na paraan ng pagtakbo ng malaking truck sa kanilang likuran.

"Dad!" malakas na sigaw ni Jade. Ngunit naging huli na ang pag-abiso ni Jade sa kaniyang ama dahil makalipas lamang ang ilang segundo ay nabundol na ng malaking truck ang likuran ng kanilang sasakyan. Bahagyang natupi ang likuran na parte ng sasakyan kung saan ay doon nakaupo si Jade.

Sa lakas ng pagkakabangga ng truck sa kotse ay malakas na napatilapon papunta sa unahan ang kanilang sinasakyan. Hindi na nakontrol ni Rodric ang manibela at dahil sa madulas ang daanan ay nagpagulong-gulong ang kanilang sasakyan. 

***

Nakaramdam ng pananakit si Jade sa kaniyang buong katawan, sinubukan niyang gumalaw ngunit ayaw gumalaw ng kaniyang katawan. 

Unti-unting minulat ni Jade ang kaniyang mga mata at hiniling na sana ay hindi niya na lang pala ginawa. Tumambad sa kaniya ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-asawa na pareho binabalot ng kanilang sariling dugo. Napagtanto rin ni Jade na nakatiulob ang kanilang sasakyan.

"Dad... Mom..." mga mahinang salita na maka-ilang beses na binigkas ni Jade ngunit wala siyang nakuhang sagot sa kaniyang tinawag.

Nais ni Jade na magtungo sa kaniyang mga magulang ngunit hindi niya magawa dahil sa kaniyang mga sugat sa ibat-ibang parte ng kaniyang katawan at sa kaliwang braso na naipit ng sasakyan.

Sinubukang gumalaw ni Jade ngunit nauubos ang kaniyang lakas at nakaramdam ng pagkahilo. Hawak-hawak niya ang kaniyang ulo na patuloy ang pag-agos ng sariwang dugo at kasabay nito ay ang pagpatak ng butil ng luha sa mga mata ni Jade. Hindi niya inaasahan na ito ang kahihinatnan ng muli niyang makasama ang kinalakihang magulang.

Sa patuloy na pag-agos ng kaniyang sariwang dugo ay mas lalong tumindi ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakarinig siya ng mga yapak papalapit sa kanilang kinaroroonan at nagbigay ito ng pag-asa kay Jade na maliligtas na sila.

Ramdam ni Jade ang pagtingin ng kung sino mang tao sa kalagayan nila. Nais niya sanang imulat ang mga mata ngunit hindi niya ito magawa.

"Who could be this beautiful lady?" tanong ng isang lalaki ngunit ang paraan ng kaniyang pagsasalita ay nagdulot ng kakaibang kaba at pinatayo ang mga balahibo ni Jade sa kaniyang katawan. 

"Ohh! The two are already died! Nice!" Ang tinuran ng lalaki ay mas lalong nagpakaba kay Jade.

'That can't be! Mom! Dad! Please don't leave me!' turan ni Jade sa kaniyang isipan at nagsimulang tumulo muli ang kaniyang mga luha.

Naramdaman niya ang dahang-dahang paglapit ng lalaki sa kaniyang kinaroroonan. "Hah! I gues your still alive! But too bad..." saad ng lalaki habang inilalapit ang matalim na kutsilyo sa leeg ni Jade. "This will be also your last day." 

"No!" malakas na sigaw ni Jade habang nakahawak sa kaniyang d****b. Kaagad din niyang hinawakan ang kaniyang leeg dahil animo'y naramdaman niyang muli ang matalim at malamig na kutsilyo.

Nang mahimasmasan ay napagtanto ni Jade na naroon siya sa kaniyang kama. Nasapo ni Jade ang kaniyang noo at humiga muli.

"Its been five months already but I still keep dreaming about it."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status